You are on page 1of 3

KAILANGAN NATIN ANG PANGINOONG JESUS

Ang relihiyong Kristiyano ay nakasalig sa kinikilalang pangangailangan ng isang tao sa Panginoong Jesus.
Hindi si Cristo ang nangangailangan sa tao. Manapa ay ang tao ang nangangailangan sa Kanya. Kahit wala ang tao,
ang Panginoong Jesus ay Anak ng Diyos pa rin na nagkatawang tao, na kasama ng Diyos, at Diyos (Juan 1:1). Sa
kabilang banda naman, ang buhay natin ay walang kabuluhan kung wala Siya sa ating mga buhay. Tayo ay
mananatili pa rin sa kasalanan at nakatalagang magdusa sa walang hanggang pagkahiwalay at kahatulan sa Lawa
ng Apoy at Asupre (Pahayag 20:10, 14, 15).

Bakit nga ba kailangan natin ang Panginoong Jesus?

UPANG MAIPAGKASUNDO TAYONG MULI SA DIYOS (Efeso 2:11-16)


Sa kanyang likas na kalagayang makasalanan(alam man niya o hindi), ang tao ay kaaway ng Diyos –
hiwalay kay Cristo, labas sa bayan ng Israel, banyaga sa mga tipan at pangako ng Diyos, walang pag-asa
at walang Diyos dito sa daigdig. Kung wala sa Diyos, ang tao ay ligaw at walang pag-asa. Ito ang higit na
mabigat na bunga ng kasalanan. Higit pa kaysa sa mga pisikal na pagdurusa o sumpa na bunga ng
kasalanan, itinalaga nito ang tao sa walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos at sa Kanyang mga plano sa
buhay. Hindi kaya ng tao na iligtas ang kanyang sarili mula rito, maliban na lamang na iligtas siya ng
Diyos. At ito ay ginawa ng Diyos sa Kanyang kagandahang loob sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.
Ito nga ang Kanyang ginawa sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Ano nga ba ang nagdala sa
tao sa ganitong kalalagayan?
1. Ang naipasang “kalikasang makasalanan” (Roma 7:14 - 8:4)
Noong magkasala si Adan, ito ay napailalim sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan. Ito
ang tinatawag na “kalikasang makasalanan,” “makalaman,” o “dating pagkatao.” Ito ang likas na
kahinaan ng bawat tao pagdating sa kasalanan at kamatayan. Ito ay kapangyarihang hindi
kayang labanan ng tao sa kanyang sariling lakas o kagustuhan. Ang kalikasang ito ay naipasa sa
lahat ng nilipi ni Adan, kahit yaong mga hindi nagkasala katulad ng kanyang kasalanan (Roma
5:14).
2. Ang mga kasalanang dahil sa mga ginawa (1 Juan 1:5-10)
Ang mga bulaang tagapagturo noong panahon ni Apostol Juan ay nagpapahayag na wala silang
“kalikasang makasalanan” at hindi sila nagkasala man lamang. Taliwas ito sa pagkilala ng Diyos
sa mga naging anak at lipi ni Adan. Hindi lamang tayo nagtataglay ng “kalikasang makasalanan,”
tayo rin naman ay gumagawa ng mga kasalanan na naaayon sa kalikasang ito. Kaya nga sinasabi
ni Juan na kung ating ipapahayag (ibig sabihin ay sumasang-ayon tayo sa Diyos) ang ating mga
kasalanan, Siya ay matapat at matuwid na magpapatawad sa atin at magtutuwid sa ating mga
kalikuan.
3. Ang mga kasalanang dahil sa mga hindi ginawa (James 4:17)
Tayo ay itinuturing na makasalanan hindi lang dahil sa ating kalikasan o sa ating mga ginagawa
mismong mga kasalanan kundi dahil din sa mga bagay na mabuti na dapat ngunit hindi natin
ginagawa. Ito ang ipinahayag ni Santiago sa mga Kristiyano ng kanyang panahon. Ang
kasalanan ay hindi lang ang PAGGAWA NG MALI kundi iyon din namang HINDI PAGGAWA NG
TAMA na nalalaman ng isang tao.

Halimbawa, ang pagsisinungaling ay kasalanan ngunit gayundin naman ang hindi pagsasabi ng
katotohanan na nalalaman at kailangang sabihin ng isang tao.

Mario Pingol /LESSON M1L3/August 31, 2021


P
UPANG ILIGTAS TAYO SA KAPAHAMAKANG WALANG HANGGAN (Efeso 2:1-3)
Tayo ay patay sa ating mga pagsuway at kasalanan bago tayo nanalig sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa
ganoong kalagayan, tayo ay sunud-sunuran lamang sa mga udyok at tulak ng sanlibutan, ng prinsipe ng
kasamaan, ang espiritung naghahari sa mga suwail. Tayo noon ay mga kaaway ng Diyos at nakatalaga sa
Kanyang poot at kaparusahan. Ano nga ba ang wakas ng mga taong namumuhay ng ganoon at walang
pagkilala sa Panginoong Jesu-Cristo?

1. Sila ay nahatulan na sa mundong ito (Juan 3:18-21)


Taliwas sa inaakala ng marami, ang tao ay nahahatulang maligtas o mapahamak habang siya ay
nabubuhay pa dito sa daigdig. Ang sinumang nanampalataya sa Panginoong Jesus ay maliligtas.
Ang sinumang hindi sumampalataya ay nahatulan ng mapahamak sapagkat hindi siya
nanampalataya sa tanging Anak ng Diyos, ang Panginoong Jesu-Cristo. Bukod pa ito sa mga
kahatulang pang-kasaysayan na maaaring igawad sa kanila.

Mga Hatol Pangkasaysayan


Ang mga parusa at gantimpala ng Diyos ay hindi lang sa walang hanggan kundi dito rin naman
sa buhay na ito. Maaring humatol ang Diyos sa kapanahunan ng buhay at saling-lahi ng mga
tao. Ginagawa Niya ang mga paghatol na ito, hindi lang upang maggantimpala o magparusa
kaya, kundi upang Kanya rin naming iganap ang Kanyang hindi nagbabagong kalooban sa buhay .
Ito ang dahilan kung bakit sa ating pananaw, kung minsan, ang masama ay hindi napaparusahan
at ang mabuti ay hindi rin naman nagagantimpalaan. Basahin ang Roma 1:18-27.

Mga halimbawa:
a. Sina Ananias at Safira (Gawa 5:1-11) – ang kanilang mga pagpapaimbabaw at
pagsisinungaling ay nagdala sa kanila ng mabilis na hatol mula sa Diyos. Hindi lahat ng
tao na gumawa ng katulad na sala o maaaring higit pang kasalanan ay naparusahan ng
gayon din. Ito ay dahil sa may layon ang Diyos doon sa pangyayaring iyon na higit kaysa
sa paghatol kina Ananias at Safira. Maaaring ito ay ang magdala ng banal na pagkatakot
sa loob ng iglesya na siyang naging bunga nga ng ganoong pangyayari.
b. Maraming mga bansa na hindi kumikilala sa Panginoong Jesu-, katulad ng Japan at Saudi
Arabia, ay sumasagana sa pisikal samantalang ang bansang naturingang mga Kristiyano,
katulad ng Pilipinas at mga bansa sa Latin America, ay patuloy na naghihikahos.

2. Sila ay hahatulan pa rin pagdating ng walang hanggan


Maliban sa mga pangkasalukuyang mga kahatulan na nagsusulong ng mga layunin ng Diyos para
sa buhay, hahatulan din Niya ang lahat ng mga kahatulang pangwalang hanggan. Ang mga hatol
na ito ang magtatakda ng mga pangwalang hanggang kalalagayan ng tao. Ito rin ang magiging
kaganapan ng mga katarungan ng Diyos na maaaring hindi nangyari sa naunang mga kahatulan.
Hahatulan ang mga naging pananampalataya, mga gawa, mga salita, mga adhikain, mga lihim ,
atbp. Ang mga hindi nanalig sa Panginoong Jesu-Cristo ay hahatulan sa harapan ng Tronong
Puti (White Throne Judgment). Mangyayari ito sa wakas ng Milenyo at bago dumating sa Bagong
Langit at Bagong Lupa. (Pahayag 20:11-15). Ano ang mga pagkikilanlan ng kahatulang ito?
a. Ito ay pangkalahatan at sinasakop ang lahat ng masasama at hindi sumampalataya mula
kay Adan hanggang sa wakas ng Milenyo. lamangIniluwa ng dagat, ng Kamatayan at ng
Impiyerno ang lahat na nasa sa kanila upang harapin ang paghuhukom na ito.
b. Ito rin ay paghuhukom ng mga lihim (Roma 2:16), mga walang halagang salita (Mateo

Mario Pingol /LESSON M1L3/August 31, 2021


P
12:36) at ng mga gawa, isipin, at lahat ng kasalanan ng tao.
UPANG IBALIK TAYO SA PLANO NG DIYOS (Pahayag 4:11)
Hindi lamang ang pagliligtas mula sa kasalanan at mga bunga nito ang nais ng Diyos, nais din Niya
tayong maibalik sa pinakabuod na layunin ng ating pagkakalikha. Nawala ang sangkatauhan sa layuning
ito ng siya ay mahulog sa tukso at kasalanan. Ipinapakita ng sumusunod na ilustrasyon kung paanong
nawala ang tao sa pinakauna at pinakabuod na layunin ng Lumikha sa kanya.

Ating matatanto mula sa larawang ito ang mga sumusunod:


a. Ang pinakauna at pinakabuod na layunin ng Diyos ay ang makapiling Niya ang tao sa
Kanyang walang hanggang kaluwalhatian.
b. Pinili ng tao na magkasala at ng magkagayon ay nahiwalay siya sa mga layunin at plano
ng Diyos.
c. Isinugo ng Diyos ang Panginoong Jesus upang tubusin ang tao sa kanyang mga
kasalanan. Sa gayon, nabigyan muli ang tao ng pagkakataong makabalik sa nabanggit
na mga layunin ng Diyos.
d. Sa ngayon, ang tao ay malaya nang muli na magpasiya kung siya ay magpapatuloy sa
kanyang makasalanang pamumuhay (na hiwalay sa Diyos) o tatanggapin niya ang
handog na katubusan at kaligtasang iniaalok ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

PAGLALAGOM
Ang Panginoong Jesu-Cristo ang kabuuan at kaganapan ng lahat ng mga ginagawa ng Diyos sa buhay na
ito. Walang ibang daan patungo sa Diyos kundi ang Panginoong Jesus lamang o ang pananampalatayang
Kristiyano. Kailangan natin Siya sa ating mga buhay upang tayo ay mailigtas mula sa walang hanggang
kapahamakan at pagkahiwalay sa Diyos. Sa pamamagitan ng pananampalataya, tayo ay maibabalik sa
Kanyang mga una at buod na layunin. Sa gayon din, maibabalik natin sa Kanya ang lahat ng
kaluwalhatian, karangalan at kapangyarihan na sa Kanya ay nararapat.

Mario Pingol /LESSON M1L3/August 31, 2021


P

You might also like