You are on page 1of 3

IKAW BA’Y MAHALAGA SA DIYOS?

Paalaala sa tagapagsalita:
Sikaping pasidhiin ang pagpapahalaga sa katunayan na si Jehova ay may malasakit sa bawat isa sa atin. Ipinamamalas
natin ang pagtingin sa kaniya sa pamamagitan ng pag-aaral ng kaniyang Salita at ng regular na pananalangin.—Sant 4:8
PINATUTUNAYAN NG PANSANSINUKOB NA MGA BATAS NA MAY MALASAKIT ANG DIYOS SA TAO (8 min.)
Ang ilan ay nagsabi na ang Diyos ay patay—iyon ay, siya’y malayô, walang pakialam sa mga gawain ng tao
May nagsasabing marahil may malasakit ang Diyos sa sansinukob ngunit hindi magpapakababa upang pakinggan ang
isang indibiduwal o magkaroon ng personal na interes sa kaniya
Maraming bagay na ating napapansin araw-araw na nagpapatunay na may pagtingin ang Diyos at nagpapakita ng tiyak na
layunin (ce-E 129-41; lp-E 98-107)
Itinuturo ng mga bagay na ito ang katunayan na patuloy na nagaganap ang layunin ng Diyos para sa kabutihan ng
sangkatauhan
Ang mga batas-pisikal ay mahalaga sa patuloy na pag-iral ng buhay sa lupa
Ang walang humpay, hindi nagbabago na pagkilos ng mga batas ng kalikasan ay patotoong hindi malayô ang Diyos
Ang mga siyentipiko mismo, na ang ilan ay maaaring nanunuya sa idea ng pananampalataya, ay naniniwala sa
pagkamaaasahan at di nagbabagong mga batas-pisikal na umuugit sa sansinukob
Ang mga batas hinggil sa panganganak ay nagsisiwalat ng mabuting layunin ng Diyos hinggil sa sangkatauhan
Ang mga batas sa moralidad ay hindi rin maaaring ipagwalang-bahala at mahalaga sa buhay na may layunin
Napakasama ng nangyayari dahil sa paglabag sa mga batas sa moralidad (Basahin ang Roma 1:26-31)
Ang relihiyosong pagpapaimbabaw ay siyang pinakamasamang anyo ng paglabag sa mga batas ng Diyos sa
moralidad (2Tim 3:5)
Layunin ng Diyos na lubusang umalinsunod ang lahat ng matalinong nilalang sa kaniyang mga batas sa moralidad upang
huwag nang magkaroon ng mga paglabag
Malinaw sa pagsasaalang-alang ng pansansinukob na mga batas ng Diyos na siya’y may malasakit sa sangkatauhan,
ngunit masasabi ba natin na siya’y may malasakit sa bawat indibiduwal?
PAG-UUKULAN BA NG DIYOS NG PANSIN ANG BAWAT ISA? (12 min.)
Sa Diyos, “bawat isa sa atin” ay mahalaga (Gawa 17:26, 27)
Si Kristo ay ‘lumasap ng kamatayan para sa bawat tao’ (Heb 2:9)
Sa pamamagitan ng hain, binili ni Kristo ang sangkatauhan, na “ipinagbili sa kasalanan” (Roma 7:14)
Bawat isa ay dapat ibalik sa mabuting kaugnayan sa Diyos
May kapangyarihan si Jesus na humatol sa tao (Basahin ang Juan 5:27-30)
Dapat bang isipin ng isang tao na siya’y napakasama, lulong na sa kasamaan, para umasa pang tutulungan ng Diyos?
(w90-TG 2/15 23 ¶4, 5)
Isaalang-alang ang Isaias 1:18 at ang karanasan ni apostol Pablo (1Tim 1:15, 16)
Sa kabaligtaran, isang malungkot na pagkakamali na isipin ng isang tao na siya’y kalulugdan ng Diyos dahil sa siya’y
“mabuti” o gumagawa ng “makapangyarihang mga gawa” (Mat 7:22, 23; Mar 10:18; Roma 3:10; 4:2, 3; 10:1-3)
Sa mga nanghihina ang loob maaari nating sabihin na ang pag-ibig ni Jehova sa mga matiyagang maghanap sa kaniya ay
nakahihigit kaysa ano mang pag-ibig na maipakikita natin (Basahin ang Roma 8:38, 39)
Si Jesus, samantalang nasa lupa, ay nagpakita na siya’y may katulad na maibiging saloobin sa sangkatauhan (Mar 1:40,
41)
Upang maunawaan ang Diyos at ang kaniyang mga landas, tayo’y dapat humingi ng tulong sa kaniya
Kaniyang binubuksan ang isipan ng isa upang makaunawa (Juan 6:44)
Walang makauunawa sa Diyos kung walang tulong ng kaniyang espiritu (1Cor 2:11, 12)
Ang pagmamalasakit ng Diyos sa bawat indibiduwal ay nakikita sa Kaniyang paglalaan ng pagkabuhay-muli (Lmn-TG 20-1;
lp-E 116-19)
Para buhayin-muli ang isang tao, dapat na may ganap na mga detalye ang Diyos tungkol sa taong iyon upang ang
indibiduwal ay siya rin mismong persona bago siya namatay
Gagawin ng Diyos ang pagkabuhay-muli sa pamamagitan ni Kristo, na binuhay-muli mismo
Dahil sa may malasakit ang Diyos sa bawat isa sa atin, maaasahan natin na kaniyang aayusin ang mga bagay-bagay upang
malaman natin ang kaniyang mga layunin. Gayon nga ba?
MALALAMAN NATIN ANG KATOTOHANAN HINGGIL SA DIYOS (12 min.)
Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na malalaman nila ang katotohanan (Basahin ang Juan 8:31, 32)
Alam niyang taglay niya ang katotohanan dahil sa matagal na niyang kasama ang Diyos bago siya bumaba sa lupa
Alam ng mga apostol ang katotohanan dahil sa natutunan nila ito sa Kasulatang Hebreo at kay Kristo
Malalaman natin ang katotohanan dahil sa taglay natin ang mga isinulat ng mga apostol at ng kanilang mga kasama
Ang ulat ng Bibliya ay napakahalaga upang mabatid ang pangmalas ng Diyos at maunawaan ang kaniyang mga simulain
Ang Bibliya, na isinulat ng mga lalaking kinasihan ng Diyos at may kinalaman sa buhay ng mga lalaki’t babae, ay higit na
magiliw, may halina, at kapani-paniwala kaysa kung isinulat ito ng mga anghel
Sinubaybayan ng Diyos ang paggawa nito sa bawat aspekto at iningatan ito laban sa mga kamalian o haka-haka
lamang ng mga tao (si-TG 10 ¶19, 20)
Nasa Bibliya rin ang mga salita ni Jesus, na naging saksi sa katotohanan ng Salita ng Diyos
Ang Bibliya ay iningatan bilang katotohanan ng Diyos (gm-TG 12-24)
Ang Bibliya ay sakdal anupat binibigyan nito ang taong may pananampalataya ng lahat ng kailangan niya upang
masangkapang lubos (2Tim 3:15-17)
Sakdal din ito sa diwa na ito’y sapat para sa pananampalatayang umaakay sa kaligtasan
Yamang ang Bibliya ay pakikipagtalastasan ng Diyos sa atin, tayo’y maaaring makipag-usap sa Diyos sa panalangin
Dapat kilanlin ng isang tao ngayon ang Diyos at dumulog sa kaniya sa tulong ni Kristo, tinatanggap na ang dumudulog
ay isang makasalanan na nangangailangan ng tulong (w90-TG 1/15 4, 6)
Ano ang tumpak na mga paksang dapat idalangin? (Basahin ang 1 Juan 5:14)
Anumang may kinalaman sa ating kaugnayan sa Diyos o makaaapekto sa atin sa espirituwal
Darating ang mga sagot sa anyo ng patnubay sa pamamagitan ng Bibliya, ng ating mga kapatid, at ng mga pakikitungo
ng Diyos
Dapat tayong magmatiyaga sa panalangin
Dalawang katanungan ang talagang bumabangon: Tayo ba ay personal na naniniwala na ang Diyos ay may malasakit sa
atin? Tutuparin ba niya ang kaniyang layunin?
MULA SA PASIMULA PATULOY NA KUMIKILOS ANG DIYOS TUNGO SA KATUPARAN NG KANIYANG MABUTING
LAYUNIN (13 min.)
Ang patuloy na pagkilos ng Diyos ay di-makikita kung walang pananampalataya
Yaong minamalas ang mga bagay na walang pananampalataya ay di nakikitang natutupad ang layunin ng Diyos—sa
halip ang kabaligtaran ang nakikita nila
Noong 66 C.E. pinalibutan ng mga Romano sa ilalim ni Cestius Gallus ang Jerusalem at pagkatapos ay umatras. Ang
mga nasa Jerusalem na may pananampalataya sa mga salita ni Jesus ay tumakas; ang mga walang
pananampalataya ay nanatili. Sa dakong huli, ang Romanong mga kawal ay bumalik at nilipol ang mga nanatili (Luc
21:20, 21)
Nakikita ng mga may pananampalataya kung ano ang nasa likuran ng mapandayang panlabas na anyo; taglay nila ang
“malinaw na katunayan ng mga totohanang bagay bagaman hindi nakikita” ng karaniwang taong walang
pananampalataya (Heb 11:1)
Gumugol si Jehova ng panahon para turuan ang mga tao hinggil sa kaniyang pamahalaan at maglagay ng saligan ng
pananampalataya
Ang Makapangyarihan-sa-lahat ay naglaan ng mahahalagang bagay na ito:
(1) Kaalaman sa mga simulain ng kaniyang pamahalaan
(2) Pagtatanghal ng kaniyang mga katangian
(3) Ang malinaw na pagkakakilanlan ng Mesiyas, ang Hari
Pinili ng Diyos ang bansang Israel na maging halimbawa ng kaniyang mga simulain at mga katangian
Ang kasaysayan ng Israel ay nagtanghal kung ano ang nangyayari kapag sinunod o sinuway ang mga batas ng
Diyos; ang kasaysayan ng sanlibutan ay nagbunyag ng mangyayari sa mga walang batas ng Diyos (Efe 4:17-19)
Pinili ang Israel dahil sa pag-ibig ng Diyos kay Abraham (Deut 7:7, 8)
Tinutustusan pa rin ng Diyos ang mga pangangailangan ng ibang mga bansa subalit hindi siya nakitungo sa kanila
Ginamit din ni Jehova ang tapat na mga lalaking Judio upang maisulat ang Kasulatang Hebreo (Basahin ang Roma
3:1, 2)
Pinapatnubayan ng Diyos ang mga bagay-bagay upang mailaan ang “binhi,” inihahanda ang tiyak na pagkakakilanlan sa
kaniya at gumagawa ng mga huwaran ng mga bagay na darating (Gen 3:15)
Noong siya’y naglilingkod sa lupa, maingat na pinili ni Jesus ang magiging kasa-kasama niya sa kaniyang Kaharian
Ang pagsasanay at pagsubok sa 144,000 nitong nakaraang 1,900 taon ay nagpatunay na yaong mga pinili ay mga
taong magiging tapat magpakailanman (Apoc 14:1-4)
Tiyak na magkakaroon ng mahabaging mga mamamahala sa “bagong lupa” (2Ped 3:13)
Si Kristo mismo ay sinubok sa lahat ng bagay, at nauunawaan niya ang kayarian at mga suliranin ng tao (Heb 4:15)
Dahil sa makalangit na kaharian, kailangang may mga sakop sa lupa (ws-E 164-8; lp-E 140-3)
Dapat ay may pinakanukleo na makaliligtas sa paglipol sa bulok na sistemang ito ng mga bagay (Apoc 7:9, 14)
Makakasama at matuturuan ng mga nakaligtas ang angaw-angaw na bubuhaying-muli
Ang Diyos ay may malasakit sa bilyun-bilyon na nabuhay na noon (Basahin ang 2 Pedro 3:9)
Maaari at dapat nating pag-aralan ang Salita ng Diyos at paglingkuran si Jehova nang buong sikap, na nagpapahalaga
sa kaniyang pagtingin sa atin at umaasa sa buhay sa ilalim ng pamamahala ng kaniyang Kaharian
(Huwag lumayo sa binalangkas na materyal, at sundin ang ipinakitang oras sa bawat bahagi. Hindi kailangang basahin ang
lahat ng binanggit na teksto. Ang pinagkunang materyal sa mga panaklong ay hindi kailangang banggitin)
Blg. 26-TG 7/92 SASAKLAWIN SA 45 MINUTO

You might also like