You are on page 1of 3

THE SHEPHERD’S BAPTIST CHURCH & MINISTRIES

Aralin Bilang 2
ANG DOKTRINA NG KATIYAKAN NG KALIGTASAN
INTRO:
1. Maraming Sekta ang naniniwala na maaaring mawala o mabawi ang kaligtasan ng tao. Nangunguna na ang mga Charismatic at
mga Pentecostals sa paniniwalang ito.
2. Ang mga “Cults o Kulto” naman na katulad ng Iglesia ni Manalo, Saksi ni Jehovah, Sabadista, Mormons, Catholics at iba pa ay
nagtuturo na kinakailangan magsikap ka sa loob ng kanilang Sekta upang MANATILI ANG IYONG KALIGTASAN.
3. Ganito nga ba ang itinuturo ng Biblia?
I. TANONG: ANG TAO BA AY MALILIGTAS SA PAGGAWA NIYA NG MABUTI?
SAGOT: HINDI. Maliwanag ang sinabi sa (Efeso 2:8-9) ”Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng
pananampalataya; at ito’y hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob (regalo) ng Dios.”. Talata 9 “Hindi sa pamamagitan ng mga gawa,
upang ang sino man ay huwag magpuri.” (Tito 3: 5) “Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon
sa kanyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa
Espiritu Santo.”
II. TANONG: BAKIT HINDI MALILIGTAS ANG TAO SA KANYANG SARILING PAGSISIKAP?
SAGOT: (1) Sapagkat hindi siya maaaring umabot sa “requirement” ng Panginoon (Roma 3:23). “Sapagkat ang lahat ay
nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;”
(2) Sapagkat ang ating “Kabutihan” ay hindi niya maaaring tanggapin (Isaias 64:6) “Sapagkat kaming lahat ay
naging parang marumi, at ang lahat naming katwiran ay naging parang basahang marumi: at nalalantang gaya ng dahon kaming
lahat; at tinatangay kami ng aming mga kasamaan, na parang hangin.”
III. TANONG: KUNG HINDI MALILIGTAS NG TAO ANG KANYANG SARILI, SINO ANG MAGLILIGTAS
SA KANYA?
SAGOT: SI JESUS.
1. Sapagkat Siya ang nag-umpisa at nagtapos para sa ating ikaliligtas. (Hebreo 12:2) “Na masdan natin si Jesus na gumawa at
sumakdal (o nagtapos) ng ating pananampalataya, na Siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis sa krus, na
niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios.”
2. Si Jesus ay naghahanap upang iligtas ang nawawala. (Lucas 19:10) “Sapagkat ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at
iligtas ang mga nawala.”
3. Si Jesus lang ang daan (Juan 14:6) “Sinabi sa kanya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di
makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.”
IV. TANONG: HANGGANG KAILAN MAGTATAGAL ANG KALIGTASANG IBINIGAY NIYA?
SAGOT: (1) Ang kapanganakang espiritual ay minsan lamang mangyari. (Juan 1:12) “Datapwa’t ang lahat ng sa Kaniya’y
nagsitanggap ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga’y ang mga
nagsisisampalataya sa Kaniyang Pangalan:”
(2) “Never Perish o Hindi na mapapahamak sa apoy ng Impyerno” ang pangako ni Jesus. (John 10:28) “ And I give
unto them eternal life; and they shall never perish, neither shall any man pluck them out of my hand.”
(3) Ang tatak ng Espiritu ay epektibo hanggang sa muling pagbabalik ni Jesus (Efeso 4:30). “At huwag ninyong
pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, na sa Kaniya kayo’y tinatakan hanggang sa kaarawan ng pagkatubos.”
V. TANONG: PAANO KUNG MAGKASALA PA ULI AKO?
SAGOT: (1) Natural lamang na magkasala ka pa sapagkat narito ka pa sa mundo na umiiral ang kasalanan. Si Satanas at ang
kanyang mga demonyo ay patuloy na manunukso 1Corinto 4:4. At ang katawang laman mo ay patuloy na magkakasala ayon sa 1
Juan 1:8
(2) Ngunit tandaan, na ang tao ay may dalawang kaligtasan.
THE SHEPHERD’S BAPTIST CHURCH & MINISTRIES

A. Kaligtasan ng Kaluluwa… ayon sa Santiago 5:20, Hebreo 10:39


1) (Santiago 5:20) “Ay alamin nito na ang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan, mula sa kamalian ng lakad
niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan, at magtatakip ng karamihang kasalanan.”
2) (Hebreo 10:39) “Ngunit tayo’y hindi doon sa mga nagsisibalik sa kapahamakan; kundi doon sa mga may
pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.”
B. Kaligtasan ng Katawan… ayon sa Roma 8:22-23) Talata 22 “Sapagkat nalaman natin na ang buong nilalang ay humihibik at
nagdaramdam na may kahirapan na kasama natin hanggang ngayon.” Talata 23 “ At hindi lamang gayon, kundi pati naman tayo na
mayroong mga pangunahing bunga ng Espiritu, sa makatuwid baga’y tayo nama’y nangagsisihibik din sa ating sarili, dili iba’t ang
pagtubos (o pagliligtas) sa ating katawan.”
1) Nang tumanggap ka sa Panginoon, iniligtas na Niya ang iyong kaluluwa, ngunit ang iyong katawan ay hindi pa
ligtas.
2) Maliligtas pa lamang ang katawan pagdumating na ang “Resurrection o pagkabuhay mag-uli ng mga namatay
na mananampalataya”, sapagkat papalitan ang katawan na ito ng tinatawag na “Incorruptible body o katawan na
walang kabulukan”, ito ay ang katawang katulad ni Jesus ng siya ay mabuhay sa mga patay (1 C orinto 15:51)
“Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog (o mamamatay), ngunit
tayong lahat ay babaguhin.”
VI. TANONG: NANG IKAW AY MALIGTAS NA, ALIN SA DALAWA ANG NAGKASALA? ANG
KALULUWA O ANG KATAWAN?
SAGOT: (1) Ang kaluluwa ay hindi na nagkasala. Ang kaluluwa ay ligtas na ayon sa I Juan 3:9) “Ang sinomang
ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala, sapagkat ang kaniyang binhi ay nananahan sa kaniya: at siya’y hindi maaaring
magkasala, sapagkat siya’y ipinanganak ng Dios.”
(2) Ngunit ang katawan ay nagkakasala pa sapagkat hindi pa ito ligtas.
VII. TANONG: ALIN SA DALAWA ANG AAKYAT SA LANGIT KUNG IKAW AY MAMATAY NA?
KALULUWA O KATAWAN?
SAGOT: Ang Kaluluwa ang aakyat sa langit ayon sa 2 Corinto 5:5-8 “Na malakas ang loob namin ang mawala sa katawan,
at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon.”. Ayon sa Genesis 3:19 ang katawan ay ililibing sa sementeryo at babalik sa alabok.
Ang nagkakasala na lamang sa taong ligtas na ay ang kanyang katawan na lamang. Kaya kahit anong gawing
kasalanan ng katawan, ang kaluluwa o ang kaligtasan ay hindi naaapektuhan. Hindi nawawala o maaalis ayon sa Juan 10:27-29.
VIII. TANONG: KUNG LIGTAS NA PALA AKO, PUWEDE KO NA PALANG SAMATALAHIN ITO?
SAGOT: (1) Pwede ka namang magsamantala, kaya lang umasa ka nang palo galing sa Panginoon ayon sa Hebreo 12:6-8.
a) talatang 6 “Sapagkat pinarurusahan ng Panginoon ang kanyang iniibig, at hinahampas ang bawat
tinatanggap na anak”
b) talatang 7 “Na dahil sa ito’y parusa kayo’y nagtitiis; inaari kayo ng Dios na tulad sa mga anak: sapagkat
alin ngang anak ang hindi pinarurusahan ng kanyang ama?”
c) talatang 8 “Datapwa’t kung kayo’y hindi pinarurusahan, na pawang naranasan ng lahat, kung gayo’y
mga anak sa ligaw kayo (o anak sa labas), at hindi tunay na anak.”
(2) May DISIPLINANG nakalaan sa mga mananampalatayang hindi sumusunod sa Dios dito sa lupa.
a) Maraming pagsubok ang darating sa kanya.
b) Aalisin siya sa “Membership” ng “Local Church” na kanyang kinaaaniban ayon sa 1Corinto 5:5)
“Upang ang ganyan ay ibigay kay Satanas sa ikawawasak ng kanyang laman, upang ang espiritu ay
maligtas sa araw ng Panginooong Jesus.”
c) Upang siya ay ipaubaya na kay Satanas.
(3) Ang hindi naglingkod dito sa lupa ay may parusa din sa kabilang buhay pagkatapos ng “RAPTURE”.
THE SHEPHERD’S BAPTIST CHURCH & MINISTRIES

a) Hindi siya maghahari na kasama ni Cristo doon sa 1,000 taon na kahariang itatag ni Jesus dito sa lupa.
Tanging ang mga naglilingkod ng tapat ang may karapatan nito ayon sa 2Timoteo 2:12 “Kung kayo’y
mangagtiis ay mangaghahari naman kayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila niya naman
tayo:”
b) Siya’y ikukulong sa “OUTER DARKNESS” isang lugar na walang apoy ngunit madilim sa loob ng isang
libong taon at doon ay tatangis at magngangalit ang kanyang ngipin ayon sa Mateo 25:24-30. Talatang
30 “And cast ye the unprofitable servant into the outer darkness: there shall be weeping and gnashing of
teeth.”. Itapon ang walang pakinabang na alipin sa OUTER DARKNESS: doon ay tatangis at
magngangalit ang kanyang mga ngipin.
(4) Pagkatapos na makuha ng isang tao ang kaligtasan ayon sa Efeso 2:8-9, dapat lahat ng Kristiano o mga
mananampalataya ay maging AKTIBO sa paglilingkod ayon sa Efeso 2:10. Maging tapat na maglingkod hanggang sa dumating na
si Jesus o kaya’y hanggang dumating ang pisikal na kamatayan ayon sa Hebreo 12:1.

You might also like