You are on page 1of 5

GRADE 10

Paksa 5: Lalaki at Babae: Nilikhang kawangis ng Diyos at tinawag upang


magkatuwang

LAYUNIN:

Nakapagsasabi ng paninindigan ng pagiging lalaki at babae ay isang


katotohanan at kabutihang loob ng Diyos.
Nakapagtatala ng mga mabubuting gagawin sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Nakapag-aalay ng panalangin para sa mga kabataan sa biyaya ng kalinisan.

KAHALAGAHAN: PAGPAPAHALAGA sa seksualidad [babae man o lalaki]

SITWASYON NG BUHAY:

Gawain:

Debate tungkol sa kung anong kakayahan meron ang babae at sa lalaki? [paano
ba maging isang babae o lalaki?]

Paano pinakikitunguhan ng kabataang lalaki ang mga kabataang babae sa


ngayon?

 Anong pagpapahalaga sa bawat isa ang makikita sa kanila?

 Anong anyo o larawan ng lalaki o babae ang nakikita sa mo sa iyong paligid?


-kidnapping, prostitusyon,palalaswang palabas, mga babaing nag-aastang lalaki,
mga bakla atbpa.
 Napag-isipan nyo na ba na balang araw ikaw ay magiging isang ina o isang ama?
 Naitanong nyo na ba sa inyong sarili, anong uri kaya akong ama o ina pagdating
ng araw?
 Nakilala mo na ba ang iyong pagkatao?

Ang pagkilala at pagtuklas sa ating pagkatao ay isang mainam na gawain upang


mas mapayabong pa natin ang ating pagiging lalaki at babae. Sapagkat ang
maging isang lalaki at babae ay biyaya sa Diyos. Nilikha ng Diyos ang lalaki at
babae upang maging magkasama at magkatuwang.

1
SALITA NG DIYOS: Genesis 1:26-31

“bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong”

1. Sino ang lumikha sa tao?

2. Bakit mahalaga ang tao sa lahat ng likha ng Diyos?

3. Ano ang naging damdamin ng Diyos matapos likhain ang tao? Bakit?

4. Sa iyong palagay bakit nilikha ng Diyos ang tao na isang lalaki at babae?

5. Ano ang iyong masasabi sa lalaki na may damdaming pang babae at babae
na may damdaming panglalaki?

Tatlong mahalagang katotohanan tungkol sa ating pagkatao ang ipinahahayag sa


atin ng salita ng Diyos.

1. Nilikha ng Diyos ang tao na kawangis niya

Ito ang unang katotohanan ng paglikha ng Diyos sa tao, na ang tao ay kawangis,
kalarawan ng Diyos, ang tao ay isang paglalarawan ng Diyos. Tayo ay ang ideya
kung ano at sino ang Diyos sapagkat sinabi niya na tayo ay kalarawan niya.

Ngunit higit dito ay ang katotohanan na sa paglikha sa atin ng Diyos bilang


kanyang kalarawan ay ang pagbibigay niya sa atin ng ibayong pagpapahalaga.
Hindi tayo hayop, tayo ay tao at may dangal sapagkat kalarawan natin ang
manlilikha. Ang tao ay may dangal sapagkat siya ay tao.

Bagamat nilikhang magkaiba nag anyo, ang lalaki at babae ay nilikhang kapwa
kalarawan ng Diyos. Ang anumang paglabag sa likas ng kabutihang ito ay
pagsira sa panukala ng Diyos.

2. Nilikha niya ang tao na isang Lalaki at Babae

Nilikha ng Diyos ang tao na isang lalaki o babae. Ito ang kasarian natin sa simula
ng ating paglikha sa sinapupunan ng ating mga magulang. Tinakda niya tayong
maging isang lalaki o babae. Ang lalaki at babae ay sadyang nilikha ng Diyos na
magkaiba sapagkat may kanya-kanya silang tungkulin at responsibilidad, lakas at

2
kahinaan. Magkaiba ngunit magkaisa. Lalaki man o babae sila ay magkatuwang
upang punan ang pangangailangan ng isat-isa.

Mag iba man ang ating damdamin sa ating paglaki, ariin man ng isang lalaki ang
damdamin ng isang babae, o ng isang babae ang damdamin ng isang lalaki,
hindi pa rin natin maisasantabi ang katotohanan na sa simulat-simula tayo ay
nilikhang lalaki at babae.

3. Ang bawat tao at likha ng Diyos ay likas na mabuti.

Walang nilikha ang Diyos na masama, higit lalo ang tao na nilikha niyang
kalarawan niya. Lalaki man o babae, ang tao ay mahalaga at nilikha ng Diyos na
mabuti. Ano man ang maging kulay nito, angking kakayahan at kagandahan, sa
kaibuturan ng kanyang puso ay ang likas na kabutihan sapagkat nilikha ng Diyos
ang tao na mabuti.

Maging ang taong lumalaki at nakakaranas ng damdaming iba sa kanilang


kasarian, tulad ng lalaki na may damdaming pangbabae, o babae na may
damdaming pang lalake sila ay likas na mabuti at tinatawagan na hanapin ang
Diyos at pagyamanin ang likas na kabutihan sa kanilang damdamin.

Bilang kanyang nilikha na may dangal, kilalanin natin ang ating tunay na
pagkatao. Alamin natin ang ating mga kakayahan at kahinaan. Tanggapin natin
ang katauhang itinakda ng Diyos sa atin at ito ay pagyamanin.

PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Katotohanan: Ang lalaki at babae ay nilikha ng Diyos at mahal tayo ng Diyos.


Magkapantay ang persona at sa pagkatao. Ang pagiging isang
lalaki at babae ay isang katotohanang mabuti at niloob ng Diyos.
Ang babae at lalaki ay may karagalang di maalis na galing sa Diyos.
Sa kanilang pagkalalaki at pagkababae masisislayan ang
karunungan at kabutihan ng maylikha. [KIK 369]

 Ang pagkalalaki at pagkababae ay hindi lamang tumutukoy sa katangiang


biolohikal, bagkus ay bahagi ito ng kaibuturan at kalikasan ng tao ayon sa
pagkalikha sa kanila ng Diyos. [ Familiaris Consortio 11]

 Sa lahat ng kinapal na nakikita, tanging ang tao lamang- ang maaaring makilala
at ibigin ang Lumikha sa kanya ang bukod tanging nasa lupa na kanyang
minahal, siya lamang ang tinawag na makibahagi, sa isip at pag-ibig, sa buhay
3
ng Diyos. Dahil dito siya’y nilalang, at ito ang batayan ng kanyang karangalan.
(KIK 356)

 Ang lalaki at babae ay nilikha ng Diyos at mahal sila ng Diyos. Magkapantay sa


kanilang persona at sa pagkatao. Ang pagiging lalaki at babae ay isang
katotohanang mabuti at niloob ng Diyos. Ang Babae at lalaki ay may karangalang
di maaalis na galing sa Diyos na lumikha sa kanila. [KIK 369]

 Sa Plano ng Diyos ang lalaki at ang babae ay ginawang magkatambal – ang isa
para sa isa – hindi magkahati o inkompleto; ginawa silang magkaisa ng persona,
upang ang bawat isa ay katulong ng isa. Palibhasa’y magkapantay bilang mga
persona; magkaugnay sa kanilang pagiging lalaki at babae (masculine and
feminine).[KIK 372]

 Ang kakayahan ng tao (babae at lalaki) na makapag-isip ng mabuti at


magmahal sa kapwa ay nagpapapatunay na ang tao ay kawangis at anyo nga ng
Diyos dahil ang mga katangiang ito ay naglalarawan sa isang Diyos na
pinagmulan ng lahat.

 Ang babae at lalaki ay isang larawan ng kabuuan ng perpektong paglikha ng


Diyos. Dapat kilalanin ang kanya-kanyang kakayahan para sa isang kalakasan

 Ang lalaki at babae ay nilikha para sa isat-isa, at sa kanilang pagiging isa at


pagsasama ay ipinagpapatuloy nila ang Gawain ng Diyos na maging mga
kamanlilikha “co-creator” ng buhay. Sa pagiging isa ng lalaki at babae ang buhay
ay nagsisimula.

Pagsasabuhay: Inatasan ang lalaki at babae na supilin ang lupa bilang mga
katiwala ng Diyos [Gen1:28]. Tinatawag sila na makiisa sa
pamamahala ng Diyos sa iba pang nilalang. Dahil dito,
pananagutan natin ang daigdig na ipinagkatiwala sa atin. [KIK 373-
374, KPK 1062]

 Ang tawag sa taga sunod ni Kristo ay mamuhay at makisalamuha sa iba


sa mga ugnayang pangkapwa. – ibig sabihin kailangan nating maging
mabuting katiwala ng Diyos sa pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa.
Sa tao ipinagkatiwala ng Diyos ang mundo, ang kalikasan, ang panantili
ng kaayusan sa kapaligiran, bilang kanyang kalarawan, tayo ay may sapat
na kakayahan upang gamitin ng wasto at pagyamanin ang mundo para sa
kapakinabangan ng lahat.

4
Sa mga kahinaan nating mga lalaki at babae, binigyan tayo ng Diyos ng
lakas upang mapaglabanan at maiwasang makagawa ng kasalanan laban
sa kalikasan ng ating pagkatao sa tulong ng panalanging itinuro ni Jesus
sa atin.

Pagsamba: Ang Panalanging AMA NAMIN ay hinihiling natin na tayo ay ilayo sa tukso
dito sa lupa para ng salangit. (KIK 2848, 1262)

Sa tapat at mataimtim na pananalangin at pagtangap ng mga Sakramento


tayo ay binibigyan ng grasya upang maisabuhay natin ang tawag sa
kabanalan ng bawat isa sa atin na maging isang mabuting lalaki at babae.

Pasalamatan natin ang Diyos. Purihin natin Siya sa isang naiiba at bukod
tanging pagkalikha Niya sa atin. Nilikha Niya tayong LALAKI at
BABAE,kawangis Niya at kalarawan.

TUGON NG PANANAMPALATAYA

Paninindigan: Ang pagiging lalaki at babae ay isang katotohanan at kabutihang-


loob ng Diyos.

Pagtatalaga: Sa tahanan, paaralan, paano mo isasagawa ang mabubuting


pakikipag-ugnayan? Ano ang mga paraan na iyong gagawin?

Pagdiriwang: Panalangin ng Kabataan para sa Kalinisan.

Panginoong Jesukristo, ako ay sa iyo, nilikhang kawangis mo.


Naroroon ka sa kaibuturan ng aking puso at isipan sahil na rin sa
binyag at kumpil na aking tinanggap. Inihanda mo sa aking
katawan para maging malinis na luklukan ng Iyong Banal na
Espiritu. Pagkalooban mo ako ng sapat na panahon para
mapangalagaan ito. Wala akong magagawa kung wala ka, subalit
marami akong magagagawa kung kasama kita. Tanging hiling ko
lamang sa iyo ay lagi kang makapiling, upang sa tulong ng iyong
biyaya ako’y manatiling tapat sa iyo. AMEN.

You might also like