You are on page 1of 9

February 4, 2023

Before Courtship
“Mga bagay na dapat munang ayusin at tiyakin bago makipagrelasyon”
Genesis 2:15-25

Introduction

Magandang umaga sa inyong lahat. Sabihin mo nga sayong katabi, Ready ka na bang
magising sa katotohanan? Ready ka na bang masaktan? Dahil ngayong hapon gigisingin ko
kayo sa katotohanan. At sorry kung maaaring maging masakit ang dating sa inyo ng ilang
mga bagay na maibabahagi sa mensaheng ito. Sabi nga “sometimes truth hurts.” Kawikaan
27:6 “May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway.”
Ang ating gawain ay pamagat na “Before Courtship.” At nakapaikot ang mga tanong na,
What, Who, When, Why, Where, & How. Hindi ko iisa-isahin na sagutin ang mga tanong,
ngunit sa pagtalakay ko ng mensaheng ito ay sisikapin kong masagot ang mga tanong.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng courtship. Sa google translate ay ganito siya pinaliwanag “a
period during which a couple develop a romantic relationship, especially with a view to
marriage.” Sa Wikipedia: Christian courtship, also known as Biblical courtship, is the
traditional Christian practice of individuals in approaching "the prospect of marriage". Ang
pagliligawan, kung gayon, ay ginagawa sa layunin na pumasok sa pag-aasawa. May isang
pastor na nagsabing magkaiba ang courtship sa dating. Ang courtship aniya ay pagbubuo
ng kaugnayan ng isang binata sa isang dalaga sa ilalim ng awtoridad ng tatay, pamilya, o
iglesyang kinabibilangan ng dalaga. Ang direktang tudla o goal ay ang pagpasok sa pag-
aasawa. Ang dating naman ay nagsisimula kapag ang isang binata o dalaga ay nagpasimula
ng higit-pa-sa-magkaibigan na kaugnayan sa iba, at ginagawa nila ito sa labas ng awtoridad
na nakasasakop sa kanila. Ang goal ay maaaring pag-aasawa o hindi. Samantalang ang
courtship ay ginagawa lamang ng isang babae o isang lalaki kapag parehas silang handa na
upang magcommit sa pag-aasawa. Nakikita niyo ba ang pagkakaiba? Ngayon, ang tanong,
papaano kung gusto mo naman talagang mapangasawa ang isang babae o lalaki, pwede
mo na ba siyang ligawan o papayag ka na bang magpaligaw? Ngayong hapon ay tatalakayin
natin ang ilan sa mga dapat muna nating i-consider bago tayo manligaw o magpaligaw.

1. Kaugnayan sa Diyos
Genesis 2:8 “Naglagay si Yahweh ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan at doon
dinala ang taong kanyang nilalang.”

Bago dumating si Eva sa buhay ni Adan, ang Diyos ang una niyang kasama at nakaka-
fellowship sa araw-araw sa Eden. Ang presensya ng Diyos ang palagian Niyang nakakasama
at nararanasan. Tanong, nararanasan mo ba ang Diyos sa buhay mo? May Cristo ka na ba sa
puso mo? Ang pagkakaroon ng kaugnayan kay Cristo ang pinakamahalaga sa lahat. Bago ka
magtangkang manligaw at magpaligaw ask yourself first, nasa puso ko na ba si Cristo at
ganoon din naman ang titingnan mo sa taong liligawan mo o nanliligaw sayo, may Cristo ba
sa buhay niya ang taong ito. Nang ibigay ng Diyos si Eva kay Adan sila’y parehong nasa
presensya ng Diyos. Huwag kang magtatangkang gawin ni subukan na manligaw at
makipagrelasyon sa walang Cristo sa buhay, sa batayan at requirements ng Diyos hindi kayo
pwede at hindi kayo bagay. Kung ipipilit mo pa rin magkakasala ka na sa Diyos. Malungkot
nga lamang na maraming mas pinipiling suwayin ang kalooban ng Diyos masunod lamang ang
kanilang gusto. Sinabi ni Pablo 2 Corinto 6:14 “Huwag kayong makikisama sa mga di
sumasampalataya.”
Ang totoo’y wala namang kulang sa buhay ni Adan noon. Naroon at inilagay na ni Yahweh
ang lahat ng kailangan ni Adan sa Eden, wala na siyang hahanapin pa. Bukod sa pinuno ng
Diyos ang Eden ng lahat ng kailangan ni Adan, ang presensya ng Diyos ay pinupuno siya
araw-araw. Malamang-lamang ay narinig at nabasa n’yo na ang mga katagang “you
complete me.” Para bang ang pagiging kumpleto ng tao ay nakadepende sa babae o
lalaking kanyang nagugustuhan. May problema tayo dito dahil maraming nagsabing “you
complete me” kalaunan ay iba na ang sinasabi “you betrayed me.” Itinataboy na ang isa’t isa,
nasaan na yong “you complete me.” Sa Diyos lamang natin masusumpungan ang totoong
kapunuan. Only God can satisfy and complete us. Colossians 2:10a “So you also are complete
through your union with Christ.” Kung wala kayong kaugnayan pa kay Cristo you will never
be complete. Mga dalaga ‘wag kayong paloloko sa matatamis na salita ng mga binata,
maraming magaling mambola, magaling sa salita pero kulang sa gawa. (iilan na lamang

kaming tapat at totoo sa mundo so be wise and biblical sa pagpili at nang hindi masaktan . 😊)
Sa palagay ko’y sa halip na gamitin ang katagang “you complete” mas safe pang sabihing
“you are the one, ikaw ang tugon sa aking panalangin at pangangailangan.” Mateo 6:33 ay
nagsasabi ng ganito “Seek Ye first the Kingdom of God and His righteousness and all those
things shall be added unto you.” Ang pangako ng Diyos kung uunahin mo siya at
ipagkakaloob ang lahat mong pangangailangan. Hindi para mabuo ka kundi para matugunan
ang nag-aarise na pangangailangan sa iyong buhay Ito’y tugon at kaloob ng Diyos ayon sa
pangangailangang mayroon tayo. Kaya may mga katagang “hindi ko kayang mabuhay nang
wala ka.” Totoo siya in the sense of needs. And take note, ang nakakita ng
pangangailangan ng isang babaeng makakasama para kay Adan ay ang Diyos. Hindi si Adan
ang nag-initiate o humingi sa Diyos. Ang Diyos ang nakakita at nagdesisyon na bigyan si
Adan ng babaeng makakasama at tutulong sa Kanya. Alam ng Diyos ang ating
pangangailangan. Kapag ka kailangan mo na ng magiging kapartner ibibigay ng Diyos sayo
‘yon sa tamang panahon. Bago ka makaisip manligaw at tumanggap ng manliligaw first
thing first na kailangan mong ayusin at tiyakin ay ang iyong kaugnayan sa Diyos. Do you
have a personal relationship with Christ. At kung mayroon na, lumalago ka ba sa kaugnayan
mo sa Kanya? Naniniwala ako na ang pagbibigay ng babae kay Adan ay hindi dahil may
kulang sa buhay niya. Kumpleto si Adan ng lahat ng kailangan niya, at hindi sinabi sa Biblia
na dumaing o naghanap si Adan na may kulang sa buhay niya. Binigyan siya ng babaeng
makakasama dahil ang sabi ng Diyos Gen.2:18b “Hindi mainam na mag-isa ang tao, bibigyan
Ko siya ng makakasama at makakatulong.” May layunin ang pagkakaroon ng kapartner sa
buhay mga kapatid. At hindi para may maipakilala ka lamang sa mga kabarkada mo na “uy
GF/BF ko nga pala. May task and assignment si Adan na kailangang gawin at kailangan niya
ng isang angkop na makakasama at makakatulong para gawin ang ipinapagawa ng Diyos.
At wala sa mga hayop na nilikha ni Yahweh ang makaganap nito v.20 “Ngunit wala isa man
sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niya.”
Nasa anong kalagayan si Adan ng ginagawa ng Diyos ang operasyon at proseso nang
paggawa sa babae? Mahimbing na mahimbing na natutulog. May mga hindi na makatulog at
mapalagay kasi ang mga kaibigan niya may mga partner na. Magbi-birthday ka na ulit,
madadagdagan na naman ang edad mo, pero wala ka pa rin kapartner. Dagdag pa ang mga
tao sa paligid na waring naiinip na din sayo na magkaroon ka ng kapartner. Hindi mo
kailangang mataranta, mainip, ni mainggit sa iba, what you really need is to rest in God’s
presence and trust Him to do the process. Sa panahon ng ating pananatili at pamamahinga
sa presensya ng Diyos that is God’s moment para ihanda ang taong inilaan Niya para sayo.
Hindi ko sinasabing matulog ka na lang at wala ka nang gagawin. Ang sinasabi ko ay ‘wag
mo masyadong pakaisipin at paka-alalahanin sino at kailan darating, sa halip focus ka sa
kaugnayan mo sa Diyos. Patibayin mo at palaguin ang iyong kaugnayan sa Kanya. Para ready
ka din na maipakilala ng Diyos sa taong inilaan Niya para sayo. Your frustration could reflect
your unhealthy relationship with God. Kung maayos ang kaugnayan mo sa Diyos at nai-enjoy
mo ang presensya ng Diyos walang lugar ang pag-alala sa buhay mo, coz Jesus is more than
enough. Marahil kaya hanggang ngayon ay hindi ka pa binibigyan ng Diyos ay hindi dahil
ayaw Niya, hindi dahil wala, meron naman na talaga pero dahil hindi ka pa ready. Hindi ka pa
matured enough, emotionally and spiritually to take the responsibility. Hindi ka pa handang
magmahal ng tunay dahil kung ang Diyos nga ay hindi mo mamahal ng buong-buo paano mo
mamahalin ang partner mo na katulad ng pagmamahal ni Cristo sa iglesia. Mga kabataan wag
gawing batayan ang panlabas na nakikita at ang nararamdaman para agad na magdesisyon
na pumasok sa isang relasyon. Look at the inside, look at the heart of the person , and look
at your own heart. Sino ang naghahari sa puso mo? And what drives you to court and
pursue that girl at sa babae to entertain that boy? Love? Is that really love? What kind of
love? And what is the source of that love and feelings you have right now? If you want to
have the young people, please be careful, be wise, be biblical, and be spiritual sa lahat
ninyong gagawin lalo na pakikipagrelasyon.
Rest in God. Be in the presence of God. Yan ang unang-una mong kailangang ayusin at
tiyakin sa sarili mo at hanapin sa taong nais mong maging partner in life.
Relationships should draw you closer to Christ, not closer to sin. Don’t compromise to keep
anyone, God is more important.” Huwag magpapakompormiso sa sino man kung ang
hihinging kapalit ay ang iyong kaugnayan. God is more important.

2. Katiyakan ng kalooban ng Diyos Gen.2:21-23a “Kaya’t pinatulog ni Yahweh ang tao.


Samantalang nahihimbing, kinuha Niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa
tapat niyon. Ang tadyang na iyo’y ginawa Niyang isang babae at inilapit sa lalaki. Sinabi ng
lalaki, sa wakas, narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking buto.”

Si Yahweh ang naglapit ng babae sa lalaki (kay Adan) at nang sabihin ni Adan “sa wakas”
expression ito ng katiyakan, natiyak ni Adan na ito na nga (ang babae si Eva) ang angkop na
makakasama at makakatulong sa kanya. Ang reaksyon ni Adan ay nagpapahiwatig na tiyak
na tiyak siya na Si Eva ang kaloob ng Diyos sa kanya sa layuning para makasama at makatulong
sa kanya. Sa mga may kasintahan na narito tatanungin ko kayo tiyak na tiyak na ba kayo sa
isa’t isa, na kayo nga kalooban ng Diyos para sa isa’t isa? Ano ang inyong naging batayan para
masabing tiyak na nga kayo sa isa’t isa? Kung hindi pa huwag muna kayong mag-jump sa
another stage ng relasyon baka magkasakitan lamang kayo at sa huli magsisihan pa.
Subukan n’yo munang i-test ang inyong mga sari, test of time and space. At kung kayo
naman talaga para sa isa’t isa ang Diyos na din ang gagawa ng paraan para kayo
magkatuluyan. Pero, Hangga’t hindi mo pa tiyak na tiyak ang kalooban ng Diyos ‘wag ka
munang makipagrelasyon kung ayaw mong magsisisi sa huli. Matutong maghintay at
pumanatag lang sa presensya ng Diyos at magtiwalang may inihanda na ang Diyos na
tamang tao para sayo. At sa tamang panahon makikilala mo rin siya. Makikita natin sa
kwento nina Adan at Eva na pareho silang nasa presensya ng Diyos at ang Diyos rin ang
gumawa ng paraan para magtapo at magkalapit sila. Hindi sinabi ng talata, na nakita ni Adan
si Eva at lumapit siya dito or vice versa na nakita ni Eva si Adan at lumapit siya dito. Ang sabi
ng ating talata, v.22 “Ang tadyang na iyo’y ginawa Niyang babae at inilapit sa lalaki.” SI
Yahweh ang naglapit ng babae kay Adan. Ang kwento nina Boaz at Ruth ang isa sa pinaka-
sweet love story sa Bible. Basahin ninyo at mapapansin ninyong ang Diyos din ang gumawa
ng mga paraan para sila magtagpo at magkalapit sa isa’t isa. Kwento nina Isaac at Rebecca,
si Jose at Maria. All of them present ang Diyos kung bakit sila nagkatuluyan. God is the author
of their relationship. Magkakaroon din kayo napakagandang love story kung ang Diyos ang
gagawin ninyong author ng inyong love story.
Huwag padala sa mga tukso at sulsol ng barkada. Sige ligawan mo na at baka maunahan
ka pa ng iba. O sa babae, sige sagutin mo na at baka maagawan ka pa ng iba. Huwag kang
magtatangkang magparamdam at manligaw dahil lamang sa udyok ng iyong barkada.
Pakatiyakin mo muna siya na ba talaga? Pray first and observe sa gagawin ng Diyos bilang
tugon sa panalangin mo. Bago ka maghanap ng magiging kapartner seek God first. Seek His
presence, seek His will and seek His guidance. Hindi ka magkakamali sa pagpili dahil
mismong ang Diyos ang magbibigay sayo ng katiyakan. Kapag tayo’y nananatili sa
presensya ng Diyos hindi magiging mahirap sa atin ang tiyakin kung ano ang kalooban at
hindi kalooban ng Diyos. Mga kabataang lalaki huwag hahanap sa labas na hindi
mananampalataya, kung nasa puso mo ang hangaring makasunod at makapagbigay lugod
sa Diyos. Huwag gawing parang roleta ang mga babae na kung saan matapat ang arrow
siya na yon. Sa presesnya ng Diyos nagkita, nagtagpo at nagkakilala si Adan at Eva.
Hinihikayat ko ang bawat isa sa inyo be involve and be part ng mga paglilingkod sa church.
Alamin mo kung ano ang iyong kaloob at galing at gamitin sa paglilingkod. At magfocus ka
sa iyong paglilingkod. Habang patuloy kang nananalangin, naga-observe at nagtitiyak ng
mga bagay. Maging bahagi ka ng community ng mga taong pinanahanan ng presesnya ng
Diyos. Darating din ang tamang oras at panahon na Diyos mismo ang kikilos para ibigay ang
katiyakang kailangan mo. Ang problema lamang sa iba ay ginagamit ang paglilingkod na
paraan para magpasikat o magpakitang gilas kay crush. Huwag ganun. Hindi masamang
magpakitang gilas pero huwag gamitin ang paglilingkod para doon. Honor God in your
service.
Gusto ko ring paalalahanan ang bawat isa na ‘wag ka din makisali sa mga asaran o ulitan
na “uy parang bagay.” Huwag tayong magbigay na maling pag-asa sa kanila. Hindi ko
sinasabing lahat ng nagkatuluyan na nag-umpisa sa sulsulan ng barkada ay hindi naging
maganda ang pagsasama pero ang sinasabi ko lang ay hindi siya magandang modelo. Hindi
siya maka-kristyano at makabibliyang pamamaraan. Ano ang tama, pray, wait and observe.
“A God centered relationship is worth the wait.”

3. Kahandaang umako ng mga responsibilidad


Gen. 2:15 “Inilagay ni Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito’y pangalagaan at
pagyamanin.” / “The LORD God took the man and put him in the Garden of Eden to work it
and take care of it.”

Bago ibinigay ni Yahweh si Eva kay Adan, nauna na munang bigyan si Adan ng trabaho, at
ang isa sa pangunahing dahilan ng paggawa ng Diyos sa babae ay para maging kasama at
katulong ni Adan. Una munang sinanay ng Diyos si Adan sa pagtatrabaho at pamamahala.
sa kanya ibinigay at ipinagkatiwala ni Yahweh ang pamamahala sa lahat ng nilikha Niya
kabilang na ang pagbibigay ng pangalan sa mga hayop. May dalaga makinig mabuti, huwag
kayong papatol sa isang tambay, walang alam at diskarte sa buhay kundi magpahuway-huway
kung ayaw mong mangangawawa sa buhay. Mga binata huwag kayong manliligaw kung wala
pa kayong maipambubuhay, maawa ka sa magiging pamilya mo sa hinaharap. Ang pagpasok
sa relasyon ay hindi puro kilig at tamis, may mga responsibillidad ka na kailangan mong
seryosohin at gawin. Huwag kang makikipagrelasyon kung hindi ka pa handang seryosohin
ang buhay. Wala namang pipigil sa inyo na i-enjoy ang pagiging kabataan for as long as ang
ginagawa ninyo ay hindi ninyo ikakapahamak. Ngunit hindi habang panahon ay
mananatiling ganoon ang inyong kalagayan. may panahon ng pagsasaya, ngunit may
panahon din ng pagse-seryoso sa buhay. Panahong kailangan mong pag-isipan ang iyong
kinabukasan. Tanungin mo ang iyong sarili, ang ginagawa’t pinapasyahan mo ba ngayon ay
dadalhin ka sa isang maayos, masagana, at masayang kinabukasan o kabaligtaran ng lahat
ng ‘yan? Makakabuti ba sa iyo at sa iyong future ang maaga mong pakikipagrelasyon? Pag-
isipang mabuti ang mga bagay at hakbang na inyong gagawin. Napaka-precious ng inyong
panahon mga kabataan, huwag ninyong hayaang masayang lang dahil sa kunting kilig at
bugso ng damdamin. May awit na nagsasabing “kapag tumibok ang puso wala ka nang
magagawa kundi sundin ito.” Mali, that is a sign of immaturity. Maraming sinunod ang tibok
ng kanilang puso saan sila dinala ngayon? Iiyak-iyak kay nanay o sa kaibigan, akala ko totoo
akong mahal hindi pala. Sabihin mo sa katabi mo “uy gumising ka na sa katotohanan, kung
ayaw masaktan.” Totoo ang awit na yan sa kalakaran sa mundong ito, pero sa atin na mga
kristyano hindi, dahil may mas matinding hangarin na umiiral sa ating puso, ang presensya ng
Diyos at ang hangaring mabigyang lugod ang Diyos. Nabubuhay tayo hindi para isipin lamang
ang ating ikakasaya, kundi ang una ay isipin kung ano ang makapagbibigay lugod sa Diyos at
paano tayo magiging pagpapala sa iba at pagkatapos ay ang ating sarili. May ligawan at
relasyong nangyayari dahil sa “kilig power.” Kinilig si dalaga kay binata kasi ang lambing,
ang bait, tapos ang pogi pa saan ka pa. Si binata din naman ay kinikilig sa tuwing
mapapansin ni crush, o rereplyan ni crush sa chat. Inaakala tuloy ng mga tao sa paligid kung
napapaano na dahil ngumingiti at tumatawa na lang bigla ng mag-isa. Sabihin mo ulit sa
katabi mo “wag kang paloko.” Huwag padadala sa kilig at baka ‘pag napasubo ka ikaw ay
manginig sa kakaiyak at galit. Maraming ibang mas mahahalagang bagay ang higit kayong
dapat na pinagpo-focusan. Ang inyong pag-aaral, pagtulong sa magulang, pagpapahusay ng
kakayanan para maipaglingkod sa Diyos. Kung hindi kayo magiging smart enough to learn at
your early age to take responsibility in life darating ang panahon mangangamote kayo kung
paano ninyo patatamain ang inyong buhay at paano kayo magsu-survive sa araw-araw.
Sa kulturang hudyo especially during Bible Times ay may tinatawag na Mohar or wedding
money – ang tatay ng groom to be ay maybibigay o magbabayad ng isang halaga sa tatay
ng babaeng mapapangasawa ng kanyang anak, at ang groom to be din naman ay required
na magbigay ng “mattan” or gift sa bride to be pwede pera, lupain, arui-arian o di kaya’y
isang klase ng serbisyong ibibigay sa pamilya ng babae. Sa atin naman panahon kahit wala
pang maipapalamon, sige saman a, kasal na, amg mahalaga mahal nila ang isa’t isa. Mali.
Kahit ang Diyos mga kapatid ay hindi inakondena sa Biblia ang mga tamad, batugan,
patulog-tulog sa pansitan. Be a responsible man and woman. And start now habang mga
bata pa kayo. Habang marami pa kayong panahon paghusayin ang inyong mga sarili at higit
na mas marami ang pwedeng magawa kesa sa ibang may edad na. Colossians
3:23"Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human
masters."

4. Handang nang mag-asawa


Gen.2:25 “Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa
kanyang asawa, sapagakat sila’y nagiging iisa.”

Malinaw ang sinasabi sa talata iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa
kanyang asawa at syempre totoo rin ito sa babae. Inulit ni Jesus ang talatang ito sa Mateo
19:5 “Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, at magsasama sila ng kanyang asawa;
at sila’y magiging isa.” Kunin natin ang mga salitang iiwan, magsasama, at magiging isa. Sino
daw iiwan? Ang mga magulang ibig sabihin sa ibang salita aalis o hihiwalay na sa kanilang
pangangasiwa. Sino daw ang magsasama? Yong mag-asawa. Magsasama sila ng hiwalay sa
kanilang magulang. At magiging isa sila? Ang tanong. Handa ka na bang humiwalay sa poder
ng iyong mga magulang? Handa ka na bang umalis sa kanilang pangangalaga para magfocus sa
iyong bubuoing pamilya? Handa ka na bang mabuhay mag-isa na hindi aasa sa iyong magulang.
Ang paghiwalay sa magulang ’ito'y nangangahulugang na kaya mo na at may sapat ka nang
resources na mapagkukunan para buhayin ang pamilyang iyong bubuoin. Ang tanong kaya
mo na ba? This is a sad pero totoo sa ating panahon, madaming pumapasok sa
pakikipagrelasyon na mga hindi pa talaga ready ang nananatiling nakasulong sa bahay ng
magulang. Sa ating mga kristyano hindi ganyan ang inaasahan ng Diyos na mangyari.
Huwag kayong makikipagrelasyon ng hindi kayo ready para pumasok sa pag-aasawa. Ang
pagliligawan ay para sa mga nag-iisip at gusto nang mag-asawa. Kung hindi ka pa handang
mag-asawa at umako ng mga pananagutan “HUWAG MUNA.” Sabihin sa katabi “HUWAG
MUNA.” Ang panliligaw ang unang hakbang tungo sa pag-aasawa. Hanggat hindi ka pa
handa na pumasok sa mundo ng pag-aasawa hilingin mo sa Diyos na tulungan ka sa pagbuo
ng pakikipagkaibigan sa mga kapwa mo mananampalatayang kabataan, na walang
anumang intensyon o hangaring bihagin ang kanilang puso o makuha ang kanilang
pagmamahal. Sa mga binata pag-aralang maging maginoo sa mga dalaga hindi para magpa-
impress kundi para maging mabuting halimbawa. Efeso 5:3-4 “Kayo’y mga hinirang ng Diyos,
kaya’t hindi dapat mabanggit man lamang sa inyong usapan ang anumang uri ng pakikiapid,
karumihan o pag-iimbot. Gayon din ang anumang malaswa o walang kabuluhang usapan at
pagbibirong di nararapat. Sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos.” Sa mga babae naman be
modest in everything you do. Sa pananamit, sa pagkilos, sa pananalita, sa pakikitungo.
Huwag lang puro pagpapaganda ang i-work out n’yo kundi paano kayo maging kahanga-
hangang dalaga na hahangaan una ng Diyos at ng ibang tao. 1 Timoteo 2:9 “Ang mga babae
nama’y dapat maging mahinhin, maayos at maingat sa pananamit at ayos ng buhok. Ang
pinakahiyas nila’y hindi ang mga palamuting ginto, perlas o mamahaling damit, kundi ang
mabubuting gawang nararapat sa mga sumasampalataya sa Diyos.” / Kawikaan 31:30
“Magdaraya ang pang-akit at kumukupas ang ganda ngunit ang babaing may takot kay
Yahweh ay pupurihin ng balana.”
Gusto ko ring maging malinaw sa atin ang isang bagay. Kailan ang legal at maka-Bibliang
panahon ng pagsasama sa iisang bubong? Kapag ka mag-asawa na. At hindi sa panahong
magkasintahan pa lamang. May tanong, ok lang po ba Pastor na mag-sleep over sa bahay ni
GF o BF? Kailangan din nating matutunan na ilagay sa tamang lugar ang mga bagay.
Pinapayagan lamang ang pagsasama sa iisang bubong sa panahong mag-asawa na.
Malibang may sapat at katanggap-tanggap na dahilan, huwag makikitulog sa bahay ng
kasintahan, Hindi siya magandang patotoo sa atin bilang mga kristyano. Dumalaw pero
huwag manunulugan. Gawin nating naaayon sa itinituro at ipinapakita ng Biblia ang atin
ding mga pagkilos at pamamaraan sa pakikipagrelasyon. Sa mundo ayos lang ‘yon pero sa
atin mga kristyano hindi ayos yon. Huwag n’yong ilalagay ang inyong sarili sa isang
sitwasyon na maaaring magkaroon ng pagkakataon ang kaaway na tuksuhin kayo at
magkasala. Simple lang naman ang solusyon para maiwasan yon. Anong sabi ni Duterte
“wag mong subukan, masisira buhay mo.” Don’t do it. Para sa kapakanan ninyo ‘wag.
Sabihin sa katabi. “wag mong subukan, masisira buhay mo.”
Conclusion

Ito ang mga bagay na mahalagang maiayos at matiyak muna ng bawat isa bago ang
panliligaw at pakikipagrelasyon.
Kung ang lahat ng nabanggit ay naiayos mo na at natiyak mo na, hindi naman naming
kayo pipigilan but still we will required na padaan kayo sa mga counseling session para i-
educate naman kayo sa mga inaasahan sa bawat isa once you are married. Ngayon tanong,
gaano ba dapat katagal, kahaba ang panahon ng pagliligawan? A short courtship is best.
Ngayon ang tanong naman ay gaano kaiksi yong maiksi na ‘yon?

You might also like