You are on page 1of 15

PAGTATALIK BAGO ANG

KASAL
(PRE-MARITAL SEX)
BY GROUP 1:CARMELA DE GUZMAN ,JANAH
VICTORIA ANG ,JARED PINEDA JACINTO ,PAUL S
ENRILE ,SOPHIA NICOLE OBRA
ANO BA ANG PRE-MARITAL SEX?

• Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong


edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal.
• Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa
pagiging manlilikha ng Diyos kapag tumuntong na siya sa edad ng
pagdadalaga o pagbibinata (puberty). Subalit kahit siya ay may
kakayahang pisyolohikal na gamitin ito, hindi nangangahulugang maaari
na siyang makipagtalik at magkaroon ng anak. Hanggang wala siya sa
wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi
siya kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik.
IBA’T IBANG DAHILAN KUNG BAKIT ANG ISANG TAO
(LALO NA ANG KABATAAN )AY PUMAPASOK SA
MAAGANG PAKIKIKAPAGTALIK.

1. Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao


upang maging malusog siya at matugunan ang
pangangailangan ng katawan. Kapag hindi raw ito isinagawa
hindi mararating ng tao ang kaganapan ng kaniyang buhay.
2. Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang
pakikipagtalik lalo na kapag ang mga gumagawa nito ay may
pagsang-ayon. Karapatan ng tao na makipagtalik at malaya
silang gawin ito.
IBA’T IBANG DAHILAN KUNG BAKIT ANG ISANG TAO
(LALO NA ANG KABATAAN )AY PUMAPASOK SA
MAAGANG PAKIKIKAPAGTALIK.

3. Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-


marital sex na may karapatan silang
makaranas ng kasiyahan.
4. Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o
pagpapahayag ng pagmamahal.
MGA ARGUMENTO
• Ang pakikipagtalik ay hindi biyolohikal na pangangailangan tulad ng
pagkain at hangin. Hindi ito kinakailangan upang mabuhay sa
mundong ito. Ang pananaw na kailangan ang pakikipagtalik upang
mabuhay ay isang maling pag-unawa sa pagkatao ng tao.
• Ang mga taong hindi nagpapakasal ay patuloy na nabubuhay nang
maayos, malusog, at masaya. Kaya hindi ito pangunahing
pangangailangan ng tao.
• Ang hindi kasal na pakikipagtalik ay nagpapawalang-galang at
nagpapababa sa dignidad at integridad ng tao. Ito ay hindi
nakakatulong sa kaganapan ng buhay na isa sa mga halaga ng
seksuwalidad.
• Ang pakikipagtalik at paggamit ng ating mga kakayahang sekswal ay
mabuti sapagkat ito ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay isang regalo o
banal na kaloob ngunit maaari lamang gawin ng mga taong
pinagbuklod sa Sakramento ng Kasal.
• Sa puntong malaya ang taong magpasiya kung gusto niyang
makipagtalik o hindi, tandan mo muna ang konsepto at
responsibilidad na nakakabit sa kalayaan.
• Bilang tao, tayo ay malaya. Ngunit ang ating kalayaan ay hindi
nangangahulugang malaya tayong piliin kung ano ang gusto nating
gawin. Ang ating kalayaan ay mapanagutan, malaya tayong pumili
ngunit nararapat na ang pipiliin ay kung ano ang mabuti at tama.
• Ang paggamit ng ating mga kakayahang seksuwal ay mabuti ngunit
maaari lamang gawin ang pakikipagtalik ng mga taong pinagbuklod
ng kasal. Mahalaga ang sapat na kamalayan at maingat na
paghuhusga bago gamitin ang mga kakayahang ito.
• May ilan din na dahilan kung bakit tinututulan ng Bibliya at tradisyonal na
Kristiyanismo ang gawaing ito. Pinahihintulutan lamang ng Diyos ang
pagtatalik sa pagitan ng isang lalaki at isang babae upang gawin sa loob
lamang ng matrimonyo ng kasal.
• Kung gagawin ito ng hindi pa nakakasal, nagiging masama ito at
nalilimitahan ang kasiyahan ng pagtatalik. Kinapapalooban ang sekswal na
pagtatalik ng isang antas ng relasyon na hindi nararanasan sa ibang uri ng
relasyon.
• Nang pagsamahin ng Diyos sina Adan at Eba, itinatag Niya ang relasyon ng
pagiging "isang laman." Sinasabi sa atin sa Genesis 2:24 na iiwanan ng isang
lalaki ang kanyang pamilya, sasama sa kanyang asawa at sila'y magiging isa.
• Dinala ang ideyang ito ng Lumang Tipan tungkol sa pagaasawa sa Bagong
Tipan. Makikita natin ang ideyang ito sa mga pananalita ng Panginoong Jesus
sa Mateo 19:5 at Markos 10:7. Ipinaliwanag din ni Pablo ang ideyang ito sa 1
Corinto 6:12-20 sa kanyang pagtuturo tungkol sa pagka-Panginoon ni Cristo
sa ating katawan gayundin sa ating mga kaluluwa. Sinabi niya na kung
makikipagtalik ang isang lalaki sa isang upahang babae, nagiging "isang
laman" sila (talata 16). Malinaw na espesyal ang sekswal na relasyon. May
antas ng panganib na masira ang pagkatao ng isang tao na nakikipagtalik na
dapat na ginagawa lamang sa konteksto ng kasal.
• Sa kasalukuyang panahon, karaniwan nang naririnig o nababasa ang
pangungusap na "Kung mahal mo ako, papayag kang makipagtalik sa akin."
Sa ganitong pananaw, maaaring masabi na ang pagmamahal na alam ng
kabataan ay kondisyonal .
• Hindi ito ang tunay na pagmamahal. Ang totoong pagmamahal ay hindi
humihingi ng kapalit. Ayon kay Sta. Teresita, ang mabuhay sa pag-ibig ay ang
pagbibigay na walang iniisip na kapalit.
SUBUKIN NATING SURIIN ANG MORAL DILEMMA NA NASA KAHON.

• Isa kang lider sa inyong paaralan. Mahalaga sa iyo ang pag-aaral dahil
naniniwala kang ito ang mag-aahon sa inyo sa kahirapan. Nagtutulong-
tulong ang iyong pamilya upang makapagtapos ka ng pag-aaral.
Mayroon ka ring kasintahan na mahal na mahal mo. Isang araw
nagyaya siyang pumasok kayo sa hotel upang mapatunayan ang
pagmamahal na iyon. Sabi niya, iiwanan ka niya at magpapakamatay
siya kung hindi mo siya pagbibigyan. Ano ang iyong gagawin?
• Sa kasalukuyang panahon, karaniwan nang naririnig o
nababasa ang pangungusap na "Kung mahal mo ako,
papayag kang makipagtalik sa akin." Sa ganitong pananaw,
maaaring masabi na ang pagmamahal na alam ng kabataan
ay kondisyonal .
• Hindi ito ang tunay na pagmamahal. Ang totoong
pagmamahal ay hindi humihingi ng kapalit. Ayon kay Sta.
Teresita, ang mabuhay sa pag-ibig ay ang pagbibigay na
walang iniisip na kapalit.
• Ang pagmamahal na nauugnay sa pakikipagtalik ay dapat na may pagiging
bukas sa posibilidad ng pagbubuo ng pamilya. Kaya, bago ito gawin ng
magkasintahan, dapat itong basbasan ng kasal. Sa konteksto ng pagsasama ng
isang lalaki at babae, sila ay nagtitiwala na maging buo, maging mapanlikha,
magkaroon ng anak, at bumuo ng pamilya.
• Ang pagtatalik nang hindi kasal ay nagpapahiwatig ng kawalan ng
respeto, pangako, at dedikasyon sa kapareha.
• Ang taong gumagawa nito ay nagtuturing sa kaniyang kasintahan
bilang isang bagay na nagbibigay ng personal na kasiyahan. Kapag
hindi na niya ito kailangan, maaari niya itong itapon at palitan.
• Nawawala ang kanyang pangako at dedikasyon sa kapareha
at sa kanilang pamilya. Hindi lamang ito nakakasira sa
kanilang relasyon kundi pati na rin sa kanilang komunidad.
• Sa pagtatalik nang hindi kasal, nilalaro ng mga kabataan ang
kanilang seksuwalidad na maaaring humantong sa
masamang bunga sa kanilang buhay. Ito ay nagpapababa sa
kanilang pagkatao at nagiging instrumento lamang ng
kanilang makalupang pagnanasa.
KUNG IYONG SUSURIIN, BATAY SA
MGA NATUTUHAN MO, TAMA BA ANG
MGA PANANAW NA ITO? NARARAPAT
BANG MAKIPAGTALIK ANG KABATAAN
KAHIT HINDI PA SILA KASAL?

You might also like