You are on page 1of 7

4TH QUARTER ESP 10 LECTURE b) Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na

kapag ang mga gumagawa nito ay may pagsang-ayon.


MODULE 1: MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSUWALIDAD c) Karapatan ng tao na makipagtalik at malaya silang gawin ito.
Alamin
d) Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan silang
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
makaranas ng kasiyahan.
➢ natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
e) Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.
seksuwalidad. (EsP10PB-Iva-13.1)
Kung iyong susuriin, batay sa mga natutuhan mo, tama ba ang mga pananaw na ito?
Batayang Konsepto
Nararapat bang makipagtalik ang kabataan kahit hindi pa sila kasal?
Mula ng ikaw ay nasa ika-8 baitang natutuhan mo na ang seksuwalidad ng tao ay
Ang pakikipagtalik ay hindi pangangailangang biyolohikal tulad ng pagkain at hangin na
kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki. Ito ay nangangahulugang
ating hinihinga. Hindi kinakailangan ng tao ang makipagtalik upang mabuhay sa
magiging ganap kang tao at bukod-tangi sa pamamagitan ng iyong pagkalalaki o
mundong ito. Mayroon o walang pagtatalik, mananatiling buhay ang tao. Maraming mga
pagkababae.
taong nagpasiyang mabuhay nang walang asawa tulad ng mga pari, mga madre, at mga
Bagama’t nalalaman ang kasarian ng tao mula pa sa kaniyang pagsilang, malaya ang
kasapi ng 3rd orders, ang patuloy na nabubuhay nang maayos, malusog, at masaya.
kaniyang pagtanggap at pagganap sa kaniyang seksuwalidad. Ito ay nararapat na
Samakatuwid, ang seksuwal na pakikipagrelasyon lalo pa kung hindi pa kasal ang lalaki
naaayon sa tawag ng pagmamahal at batay sa kaniyang pagkatao sa kabuuan niya –
at babae, ay hindi kailanman pangunahing pangangailangan ng tao. Ang pakikipagtalik
ang pagkakaisa ng katawan at espiritu. Ang seksuwalidad, samakatuwid ay isang nang hindi kasal ay nagpapawalang-galang at nagpapababa sa dignidad at integridad ng
malayang pagpili at personal na tungkulin na ginagampanan ng tao gamit ang kaniyang
pagkatao ng mga taong kasangkot sa gawaing ito.
katawan at espiritu tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos.
Karaniwan naririnig o kaya’y nababasa mo, “Kung mahal mo ako, papayag kang
Natutuhan mo rin sa Baitang 8 na bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at linangin
makipagtalik sa akin.” Sa ganitong pananaw, masasabing ang pagmamahal na alam ng
ang seksuwalidad upang maging ganap ang pagiging pagkababae o pagkalalaki. Kung
kabataan ay kondisyonal. Hindi ito tunay na pagmamahal. Ang pagmamahal kapag tunay
ang seksuwalidad at ang pagkatao ay hindi mapag-iisa habang nagdadalaga o
ay hindi kailanman humihingi ng kapalit. Ayon kay Sta. Teresita, “Ang mabuhay sa pag-
nagbibinata, maaaring magkaroon ng kakulangan sa pagkatao sa pagsapit niya sa sapat
ibig ay pagbibigay ng di nagtatantiya ng halaga. Ang tunay na pagmamahal na
na gulang o adulthood. Kapag nagkulang ang tao sa aspektong ito, maaari siyang
isinasakatawan sa pagtatalik ay bukas sa katotohanang dapat itong humantong sa
magpakita ng mga manipestasyong magdadala sa kaniya sa mga isyung seksuwal.
pagbubuo ng pamilya. Kung kaya, bago ito gawin ng lalaki at babaeng nagmamahalan,
Ano-ano nga ba ang mga isyung seksuwal na palagi nating naririnig at nababalitaang
kinakailangang ito’y binasbasan ng kasal. Sa konteksto ng pagbubuklod ng isang babae
madalas ay kinasasangkutan ng mga kabataan?
at isang lalaki, sila ay nangangakong magkaisa at maging mapanlikha, magkaroon ng
Ayon sa isang survey na ikinomisyon ng National Secretariat for Youth Apostolate
anak at bumuo ng pamilya.
(NSYA), ang kabataang Filipino ngayon ay patuloy na nakikibaka sa mga isyung may
Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapahayag ng kawalan ng paggalang,
kinalaman sa seks at seksuwalidad. Ito ang mga sumusunod:
komitment, at dedikasyon sa katapat na kasarian. Itinuturing ng taong nagsasagawa nito
1. Pagtatalik bago ang kasal (Pre-marital sex)- ito ay gawaing pagtatalik ng isang
ang kaniyang kapareha bilang isang seksuwal na bagay na tutugon sa personal at sarili
babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal.
niyang kasiyahan. Kapag hindi na niya kailangan ang kaniyang kapareha, maaari na niya
Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging
itong balewalain at palitan. Nawawala ang komitment sa kaniyang kapareha at sa
manlilikha ng Diyos kapag tumuntong na siya sa edad ng pagdadalaga o pagbibinata
pamilya nito. Nakasisira ito hindi lamang sa kanilang dalawa kundi maging sa komunidad.
(puberty). Subalit kahit siya ay may kakayahang pisyolohikal na gamitin ito, hindi
Sa pakikipagtalik na walang kasal, napaglalaruan ng kabataan ang kanilang
nangangahulugang maaari na siyang makipagtalik at magkaroon ng anak. Hanggang
seksuwalidad. Dahil dito, napabababa nila ang kanilang pagkatao dahil sa kanilang
wala siya sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi
pagtatalik. Ang sarili nila ay maaaring maging mga bagay lamang na tutugon sa kanilang
siya kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik.
makalupang pagnanasa. Ang seksuwalidad sa ganitong konteksto ay nagiging
May iba’t ibang pananaw na siyang dahilan kung bakit ang isang tao lalo na ang kasangkapan at hindi nadadala sa nararapat nitong kaganapan.
mga ap ag n ay pumapasok sa maagang pakikikapagtalik. Ito ay ang sumusunod:
Dagdag pa rito, ang kabataang nagsasagawa ng pre-marital sex ay hindi pa handa
a) Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog
sa mga maaaring maging bunga nito sa kanilang buhay. Hindi pa sila ganoon katatag
siya at matugunan ang pangangailangan ng katawan. Kapag hindi raw ito isinagawa
upang harapin ang responsibilad na kaakibat ng pag-aasawa at pagkakaroon ng anak.
hindi mararating ng tao ang kaganapan ng kaniyang buhay.
Ang kabataan ay nasa panahong nagbubuo pa lamang ng kanilang sarili upang maging
ganap at responsableng tao. Kung kaya hindi pa sila napapanahong magkaroon ng anak, isip ng masama at magkaroon ng hindi ap ag ng pagtingin sa katawan ng taong nasa
na mangyayari iyon kapag nakipagtalik sila nang wala pa sa hustong gulang at hindi pa larawan. Ang anggulo ng isang babae na nasa mga babasahin, kalendaryo, patalastas,
kasal. at mga pelikula ay nagpapakita ng inklinasyon sa seks. Sabi nga, ang mga larawan ay
2. Pornograpiya -ito ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego, “porne,” na may “hindi na nagtitira sa imahinasyon.” Ang katawang sagrado, gayundin ang mga gawaing
kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw, at “graphos” na angkop lang na makita, madama, at maipahayag ng mga mag-asawa ay lubusang
nangangahulugang pagsulat o paglalarawan. Samakatuwid, ang pornograpiya ay ipinapakita. Nawawala na ang propriety at decency na dapat sana ay kaakibat ng
mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na may layuning makabuluhang pagtingin sa katawan ng tao. Dahil dito, umiiral ang kaniyang mga
pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa. makamundong damdamin na maaaring mauwi sa pang-aabuso, panghahalay, at sa iba
Epekto ng pornograpiya sa isang tao pang epekto na nabanggit na. Ito ang mga dahilan kung bakit hindi dapat ituring na sining
a. Ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay nagkakaroon ng kaugnayan sa ang pornograpiya.
pakikibahagi ng tao o paggawa ng mga abnormal na gawaing seksuwal, lalong-lalo 3. Mga Pang-aabusong Seksuwal – Walang pangkalahatang pagpapakahulugan ang
na ang panghahalay. maaaring ibigay sa pang-aabusong seksuwal. Sa gitna ng mga pang-aabusong ito,
b. May mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa pagkasugapa sa pornograpiya ay ang nangingibabaw na posisyon ay ang pang-aabuso na isinasagawa ng isang
nahihirapang magkaroon ng malusog na pakikipag-ugnayan sa kanilang asawa. nakatatanda na siyang pumupuwersa sa isang nakababata upang gawin ang isang
Nakararanas sila ng seksuwal na kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng gawaing seksuwal
pornograpiya, at pang-aabuso sa sarili at hindi sa normal na pakikipagtalik. Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng
c. Ito rin ay ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha ang kanilang mga sariling katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa
bibiktimahin. Isang pananaw tungkol sa pornograpiya na lumalaganap ngayon ay ang seksuwal na gawain at sexual harassment. Maaari rin itong hindi pisikal tulad ng
pagtingin dito bilang isang sining. paglalantad ng sarili na gumagawa ng seksuwal na gawain at pagkakaroon ng
Ano ba ang masama sa pornograpiya? kaligayahang seksuwal sa pamamagitan ng pagtingin sa mga hubad na katawan,
Dahil sa pornograpiya, ang tao ay maaaring mag-iba ng asal. Ang mga seksuwal na seksuwal na pag-aari o kaya’y panonood ng pagtatalik na isinasagawa ng iba.
damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, na maganda at mabuti, ay nagiging Karamihan sa mga nagiging biktima ng pang-aabusong seksuwal ay ang mga bata o
makamundo at mapagnasa. Ayon kay Immanuel Kant, nauuwi sa kawalang-dangal o kabataang may mahihinang kalooban, madaling madala, may kapusukan at kadalasan,
nagpapababa sa kalikasan ng tao ang mga makamundong pagnanasa. Kapag ang tao iyong mga nabibilang sa mahihirap at pamilyang hiwalay ang mga magulang. Sa gitna
ay nagiging kasangkapan sa seksuwal na pangangailangan at pagkahumaling, lahat ng ng kanilang pagiging mahina, pumapasok ang mga taong nagsasamantala, tulad ng mga
mabuting layunin sa pakikipagkapuwa ay maaaring hindi na makamit. Ang tao na pedophile na tumutulong sa mga batang may mahinang kalooban subalit ang layunin
nagiging kasangkapan ng mga pagnanasa ay hindi na nagpapakatao; bagkus, tinatrato pala ay maisakatuparan ang pagnanasa. Dagdag pa rito, may mga magulang din na sila
ang sarili o ang kapuwa bilang isang bagay o kasangkapan. Sa ganitong paraan, mismo ang nanghihikayat sa kanilang mga anak na gawin ito upang magkapera. Ilan sa
ibinababa ng tao ang pagkatao o ang kaniyang dignidad bilang tao. Hindi rin naisasagawa mga ito ay sila mismo ang umaabuso sa kanilang mga anak.
o nagbibigay ng presensiya sa kabutihan. Ang mga kadahilanan ng mga taong nagsasagawa ng mga pang-aabusong seksuwal
Sa palagay mo, kailan ba sining ang pornograpiya at kailan pornograpiya ang sining? ay taliwas sa tunay na esensiya ng seksuwalidad. Ang gawaing paglalaro ng sariling pag-
Ang sining ay nagpapahayag ng kagandahan at pagkaranas ng kagandahan ay aari at ng kapuwa, panonood ng mga gawaing seksuwal, pagpapakita ng ginagawang
nakapagbibigay ng kasiyahan, pagkalugod at pagtanggap sa isang magandang nagawa. paglalaro sa sariling ari at paghihikayat sa mga bata na makipagtalik o
Isang halimbawa nito ay ang estatwa ng “oblation” na nasa bungad ng Pamantasan ng mapagsamantalahan ay maituturing na pang-aabusong seksuwal. Hindi nito
Pilipinas sa Diliman. Ang estatwang hubad ay sumisimbolo sa ganap na pag-aalay ng ipinapahayag ang tunay na mithiin ng seksuwalidad. Ang paggamit ng kasarian ay para
sarili sa Diyos, hindi nagsasaalang-alang sa ano pa mang mga bagay at kahubarang lamang sa pagtatalik ng mag-asawa na naglalayong ipadama ang pagmamahal at bukas
nagnanais na mabihisan ng kaalaman. Ilan pang halimbawa ng sining na nagpapakita ng sa tunguhing magkaroon ng anak upang bumuo ng pamilya. Ito ang esensiya ng
kahubaran ay ang estatwa ni Venus de Milo at ni Haring David na pawang mga nilikha ni seksuwalidad.
Michaelangelo. Maaari kaya natin itong uriin bilang halimbawa ng pornograpiya? Dapat 4. Prostitusyon- ay sinasabing pinakamatandang propesyon o ap ag ay ang
nating tandaan na hindi lahat ng hubad na larawan ay halimbawa ng pornograpiya. pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera. Dito, binabayaran ang pakikipagtalik
Ang pornograpiya ay nagpapakita ng mga larawang hubad o mga kilos seksuwal na upang ang taong umupa ay makadama ng kasiyahang seksuwal.
kadalasan ay suggestive at provocative. Hinihikayat nito ang taong tumitingin na mag-
EsP10 Quarter 4 Lecture Page 2 of 7
Ayon sa mga pag-aaral, karamihan sa mga taong nasasangkot sa ganitong ap ag ay Marahil ikaw ay mapipilitan at papayag ka dahil sa iyong pagmamahal sa iyong
iyong mga nakararanas ng hirap, hindi nakapag-aral, at walang muwang kung kaya’t ap kasintahan. Ito ay hindi tunay na pagmamahal. Ito ay kondisyonal. Dahil ang
ag silang makontrol. Mayroon din ap ag may maayos na pamumuhay, nakapag-aral pagmamahal kapag ito ay tunay ay hindi kailanman humihingi ng kapalit.
ngunit marahil ay naabuso noong bata pa. Dahil dito nawala ang kanilang paggalang sa
sarili at tamang pagkilala kung kaya’t minabuti na lang nilang ipagpatuloy ang kanilang Isa kang Grade 10 sa inyong paaralan masipag at nangunguna sa klase. Isang araw
masamang karanasan. Dahil nasanay na, hindi na nila magawang tumanggi kung kaya’t inanyayahan ka ng iyong matalik na kaibigan na manood ng exciting na pelikula.
naging tuloy-tuloy na ang kanilang pagpapagamit sa masamang gawaing ito. Napag-alaman mo na ang pelikulang tinutukoy ng kaibigan ay malaswang panoorin
Sa prostitusyon, naaabuso ng tao ang kaloob na handog ng Diyos na seksuwalidad. pala. Itutuloy mo pa ba ang panonood ng pelikula?
Isa sa mga halaga ng seksuwalidad ay ang pagkakaranas ng kasiyahang seksuwal mula
sa pakikipagtalik sa taong pinakasalan. Nakararanas ng kasiyahan ang taong Marahil tatanggi ka sa paanyaya ng iyong matalik na kaibigan. Dahil sa iyong
nasasangkot sa prostitusyon ngunit hindi ito angkop sa tunay na layunin ng kaalaman na sa pornograpiya, ang tao ay maaaring mag-iba ng asal at nakabababa sa
pakikipagtalik. Sa prostitusyon, ang kaligayahan ay nadarama at ipinadarama dahil sa kalikasan ng tao at nauuwi sa kawalang dangal. Lahat ng mabuting layunin sa
perang ibinabayad at tinatanggap. Mahalagang maunawaan na ang pakikipagtalik ay pakikipagkapuwa ay maaaring hindi na makamit at kung ang tao na nagiging
hindi lamang para makadama ng kasiyahang sensuwal. Hindi ito isang paraan para kasangkapan ng mga pagnanasa ay hindi na nagpapakatao. Sa ganitong paraan,
makadama ng kaligayahan, kundi ito ay isang paraan na naglalayong pag-isahin ang ibinababa ng tao ang pagkatao o ang kaniyang dignidad bilang tao.
isang babae at lalaki sa diwa ng pagmamahal.
Labing-anim na taong gulang si Patricia. Nag-aaral siya sa isang pampublikong
MODYUL 2: ANG PAGGALANG SA DIGNIDAD AT SEKSWALIDAD paaralan. Dahil sa hirap ng buhay kinailangan niyang magsideline upang
Alamin matulungan ang kanyang mga magulang. Isang araw nabanggit ng kanyang tiya na
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na: may nangangailangan ng plantsadora sa isang malaking bahay sa pangatlong kanto
➢ nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sa kanilang lugar. Nirekomenda niya si Patricia upang magplantsa ng mga damit.
seksuwalidad. (EsP10PB-Iva-13.2) Pumayag naman si Patricia na mamasukan dito. Habang namamlantsa ng damit si
Batayang Konsepto Patricia unti-unting hinahawak ng matanda ang buhok niya at hawak ang isang libo.
Bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at linangin ang seksuwalidad upang Hinayaan na lang ni Patricia na hawakan ang buhok nito dahil batid nya na kailangan
maging ganap ang pagiging pagkababae o pagkalalaki. Natutuhan mo sa unang linggo niya ng pera. Kinabukasan, inalok siya ng kanyang amo ng tatlong libo ngunit
ng modyul ang iba’t ibang isyu tungkol sa seksuwalidad gaya ng pagtatalik bago ang ipapakita niya ang kanyang maseselang bahagi ng katawan at pumayag naman ito
kasal (Pre-marital sex), pornograpiya, mga pang-aabusong seksuwal at prostitusyon. dahil may sakit ang kanyang bunsong kapatid. Ipinagpatuloy ni Patricia ang
Kung iyong susuriin, batay sa mga natutuhan mo, tama ba ang mga pananaw na ito? pagpayag sa ganitong gawain upang makauwi siya ng pera para sa kanilang pamilya
Nararapat bang makipagtalik ang kabataan kahit hindi pa sila kasal? Nararapat ba na kahit na siya ay inaaabuso. Bakit nga ba nangyayari ang mga pang-aabusong
ibenta ang sariling katawan para lamang sa pera? Dapat bang manood ng malalaswang seksuwal? Ano ang karaniwang nagtutulak sa mga kabataan na gawin ito o
palabas o magbasa ng malalaswang magasin upang masiyahan? Dapat bang ibigay ang pumayag sa ganitong uri ng pang-aabuso?
lahat para lang sa sariling kagustuhan o tawag ng laman?
Karamihan sa mga nagiging biktima ng pang-aabusong seksuwal ay ang mga bata
Subukin nating suriin ang mga moral dilemma na nasa kahon o kabataang mahihina ang loob, may kapusukan at kadalasan mahihirap. Pumapayag
sila sa ganitong gawain upang magkapera kahit labag ito sa kanilang kalooban. Isang
Isa kang lider sa inyong paaralan. Mahalaga sa iyo ang pag-aaral dahil naniniwala halimbawa ang pedophile na tumutulong sa mga batang may mahinang kalooban subalit
kang ito ang mag-aahon sa inyo sa kahirapan. Nagtutulong-tulong ang iyong pamilya ang layunin pala ay maisakatuparan ang pagnanasa. Minsan ang magulang pa mismo
upang makapagtapos ka ng pag-aaral. Mayroon ka ring kasintahan na mahal na ang pumapayag na abusuhin ang kanilang mga anak upang umangat lamang sa buhay.
mahal mo. Isang araw nagyaya siyang pumasok kayo sa hotel upang mapatunayan Kung susuriin natin, bakit ang mga gawaing seksuwal na nabanggit sa itaas ay itinuturing
ang pagmamahal na iyon. Sabi niya, iiwanan ka niya at magpapakamatay siya kung na pang-aabuso? Bakit hindi ka dapat magpabuyo sa mga ito?
hindi mo siya pagbibigyan. Ano ang iyong gagawin?

EsP10 Quarter 4 Lecture Page 3 of 7


Ang mga taong nagsasagawa ng mga pang-aabusong seksuwal ay taliwas sa tunay Batayang Konsepto
na esensiya ng seksuwalidad. Ang gawaing ito ay hindi tunay na mithiin ng seksuwalidad. Ang seksuwalidad ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay mabuti at magdadala sa bawat
Ang esensiya ng seksuwalidad ay ang paggamit ng kasarian ay para lamang sa isa sa atin sa layuning makamit at madama ang tunay na pagmamahal na siya namang
pagtatalik ng magasawa na naglalayong ipadama ang pagmamahal at bukas sa dahilan kung bakit nilalang tayo ng Diyos.
tunguhing magkaroon ng anak at bumuo ng pamilya. Ang paggamit sa mga kakayahang seksuwal kabilang na ang katawan bilang
ekspresyon ng pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat itong gawin sa tamang
Isang dalagang ina si Marife. Labing lima pa lamang siya noong nabuntis kaya naman panahon. Ang mga seksuwal na pakultad o kakayahan ng tao ay tumutukoy sa dalawang
ang hirap ng kaniyang pinagdaanan sa buhay. Noong sumapit ang ika labing walo layuning maaari lamang gawin ng isang babae at lalaki na pinagbuklod ng kasal. Ito ay
niyang kaarawan naisipan niyang pumasok sa isang bar upang maging serbidora at tumutugon sa layuning magkaroon ng anak (procreative) at mapag-isa (unitive).
paminsan minsan niyayaya siya ng mga dayuhan na itable at isama sa hotel. Dahil Anumang layuning taliwas sa dalawang nabanggit ay magdadala sa atin sa katotohanang
siya lamang ang bumubuhay sa kaniyang anak hindi siya huminto sa ganitong gawain mali ang ating kilos sa paggamit ng ating seksuwalidad. Halimbawa na rito ay ang
kahit ibenta pa niya ang kaniyang katawan, lulunukin na lamang niya ang kahihiyan pakikipagtalik kahit hindi pa kasal, prostitusyon, pornograpiya, at pang-aabusong
para mairaos sa hirap ang anak. Masama o mali nga ba ang prostitusyon? seksuwal. Ang mga isyung ito ay humaharap sa maling paggamit ng ating seksuwalidad
na nauuwi sa kawalan ng paggalang sa dignidad ng tao.
Ayon sa mga peminista, marapat lamang ang prostitusyon sapagkat ito ay Malaya tayo na gamitin ang ating mga kakayahang seksuwal, ngunit ang ating
nakapagbibigay ng gawain sa mga taong walang trabaho lalo na sa mga kababaihan. kalayaan ay mapanagutan at nauukol sa paggawa lamang ng mabuti. Ang pakikipagtalik
Ang pagbebenta ng sarili ng isang prostitute ay maihahalintulad sa isang manunulat na nang walang kasal, pagbebenta ng sarili sa prostitusyon, pagbabasa at pagtingin sa mga
ibenebenta ang kaniyang isip sa pamamagitan ng pagsusulat. Bukod pa rito, kapag ang seksuwal na babasahin ay malaya nating magagawa, ngunit mabuti ba ang mga kilos na
prostitusyon daw ay isinagawa ng isang tao na may pagkagusto o konsento, maaaring ito? Kaakibat ng malayang kilos ay ang pananagutan na alamin kung ang mga ito ay mali
sabihin na hindi ito masama. Ito ay sa kadahilanang alam niya ang kaniyang ginagawa at kung may naaapektuhan ba o wala. Nararapat na tingnan ng tao kung ano ang
at nagpasiya siya na ibigay ang kaniyang sarili sa pakikipagtalik kapalit ng pera o halaga. kalalabasan nito sa kaniyang sarili at sa iba kapag ito ay isinagawa. Ito ba ay
nakatutulong ap ag-unlad ng iyong pagkatao ayon sa wangis at larawan ng Diyos?
Dapat kaya natin itong paniwalaan? Ano ba ang katotohanan sa prostitusyon? Nasunod mo ba ang kaloob ng Diyos sa seksuwalidad bilang instrumento sa paglalang
ng tao na nakapaloob sa sakramento ng kasal (Sacrament of Matrimony)?
Ang pang-aabusong seksuwal ay nagpapababa sa pagkatao ng tao. Ang mga taong Sa pagsasagawa ng mga isyung seksuwal na nabanggit, marapat ding alamin ng
sangkot dito ang bumibili at nagpapabili ng aliw ay nawawalan ng paggalang sa pagkatao tao lalo na ng kabataan kung ano ang layunin nila sa pagsasagawa nito. Ang layunin ba
at dignidad nito. Mapagsamantala ang prostitusyon. Sinasamantala ng mga taong nila ay mabuti? Paano naman ang kanilang paraan? Ang paraan ba ay mabuti? Sa ganito
“bumibili” ang kahinaan ng babae o lalaking sangkot dito. Nagsisilbi ang babae o lalaki dapat maintindihan na ang paraan sa paghantong sa layunin ay dapat na magkatugma.
sa pamamagitan ng paggamit sa kanila bilang isang kasangkapan na magbibigay ng Layunin mong ipahayag ang iyong pagkatao o kaya’y pagmamahal. Ngunit kung sa
kasiyahang seksuwal. Sinasamantala naman ng tagapamagitan ang babae o lalaking pagpapahayag nito, ang pamamaraan ay hindi mabuti, hindi rin maituturing na mabuti
sangkot sa pamamagitan ng hindi pagbabayad o panloloko rito. Ito ang mga dahilan kung ang kilos. Dagdag pa rito, nararapat ding tingnan sa ating pagpapasiya kung ang pinipili
kaya’t ang prostitusyon ay nagiging pugad ng pamumuwersa at pananamantala. ba natin ay may mas mataas o mababang pagpapahalaga. Nararapat din na piliin ang
mga kilos na may mas mataas na halaga. Maaari mong pagpasiyahang gamitin ang mga
MODYUL 3: PAGKAKAROON NG POSISYON TUNGKOL SA KAHALAGAHAN seksuwal mong kakayahan ngunit nararapat mong isipin kung ano ang tunay na halaga
NG PAGGALANG SA DIGNIDAD AT SEKSUWALIDAD NG TAO at layunin ng paggamit mo nito.
Alamin Ito ang dahilan kung kaya’t ang mga isyung seksuwal ay hindi nararapat na
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na: napangangatwiranan na kasangkutan ng kabataang katulad mo.
makatutulong sa pagkakaroon ng posisyon tungkol sa kahalagahan ng Upang ating malaman ang iyong kakayahan sa pagpili ng mga tamang pasiya, narito
paggalang sa pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito ang kaalaman sa mga ang mga maikling pagsasanay na iyong sasagutan. Gawing kawili-wili ang pagsagot sa
isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad ng mga ito.
tao. (EsP10PI-Ivb-13.3)

EsP10 Quarter 4 Lecture Page 4 of 7


MODYUL 4: MALINAW NA POSISYON TUNGKOL SA ISYU SA KAWALAN NG MODYUL 5: MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA KAWALAN NG PAGGALANG
PAGGALANG SA DIGNIDAD AT SEKSWALIDAD SA KATOTOHANAN
Alamin Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na: Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa katotohanan.
paggalang sa dignidad at seksuwalidad. (EsP10PI-IVb-13.4) (EsP10PI-IVc-14.1)
Batayang Konsepto Batayang Konsepto
Atin nang natukoy at nasuri ang iba’t ibang isyu tungkol sa sekwsuwalidad, kabilang Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at
dito ay ang panonood at pagbabasa ng poronograpiya ng mga kabataan dahil sa mga layunin niya sa buhay. Ang pagsukat ng kaniyang katapatan ay nangangailangan ng
natutuklasan sa social media, o di kaya ay impluwensya ng mga naging kaibigan na pagsisikap na alamin ang katotohanan. Sa bawat tao na naghahanap nito,
namulat na sa ganitong mga bagay. Ang pagtatalik bago ang kasal o pre-marital sex, masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at walang
ay isa rin sa mga isyung kinakaharap ng mga kabataan sa makabagong panahon dulot pag-aalinlangan na sundin, ingatan, at pagyamanin. Ang sinumang sumusunod dito ay
na rin nang maagang pagkamulat sa pornograpiya o di kaya ay maaagang pagpasok sa nagkakamit ng kaluwagan ng buhay (comfort of life) na may kalakip na kaligtasan,
isang relasyon. Ang mga pang-aabusong seksuwal naman ay isa sa mga nagiging katiwasayan, at pananampalataya. Ang katotohanan din ay ang kalagayan o kondisyon
bunga ng labis na panonood o pagbabasa ng pornograpiya at pagsasagawa nito sa ng pagiging totoo. Upang matamo ito, inaasahan na maging mapagpahayag ang bawat
karelasyon bago ang kasal, o di kaya ay paggawa nito sa kapwa nang walang pahintulot isa sa kung ano ang totoo sa simple at tapat na paraan.
at may halong pananakit. Kabilang din sa mga isyu tungkol sa seksuwalidad ang Ang pagsasabi ng totoo ay mahalaga sa paninindigan ng katotohanan. Ang tunay
prostitusyon kung saan nagiging bayaran ang mga babae at lalaki kapalit ng nitong halaga ay ang pagiging isa at matatag na ugnayan sa pagitan ng wika at
pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng kasiyahang seksuwal. kaalaman. Maipakikita ito sa paglilipat ng kaalaman patungo sa pagsasawika nito. Ito ay
Ang mga isyu tungkol sa seksuwalidad ay dapat lamang bigyan ng pansin ng mga malayang pagpapahayag sa kung ano ang nasa isip. Ipinahihiwatig na kung ano ang
kabataang katulad mo. Kabilang rito ang iba’t ibang epekto sa mga taong sangkot sa wala sa isip ay hindi dapat isa wika. Sa ganitong paraan, ang pagsisinungaling o hindi
mga ito, gayundin ang iba’t ibang pananaw na kaugnay ng mga isyung ito. Nahihinuha pagkiling sa katotohanan ay magaganap.
rin natin sa mga paglalahad na ang mga isyung seksuwal ay hindi nararapat gawin lalo Ayon kay Sambajon Jr. et.al (2011), ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling
na ng mga kabataan. Ang pagpayag, pagsasagawa, at pagiging kaugnay sa mga isyung at pagsang-ayon sa katotohanan. Ito ay isang lason na humahadlang sa bukas at
panseksuwalidad ay nagsasawalang-bahala sa mga sumusunod na katotohanan: kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng
1. Nilikha ng Diyos ang tao na mabuti at tumutungo sa sariling kaganapan, at ang mga tao sa isang grupo o lipunan.
pagtungo sa kaganapang ito ay malaya at may kamalayan.
2. Ang tao ay may espirituwal na kaluluwa (porma) at katawan (materya) na kumikilos Ang kasinungalingan ay may tatlong uri:
na magkatugma tungo sa isang telos o layunin. 1. Jocose lies – isang uri na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid ng
3. Upang marating ang kaniyang telos o layunin, kailangang gamitin ng tao ang kasiyahan lamang. Ipinapahayag ito upang magbigay-aliw ngunit hindi sadya ang
kaniyang isip at kilos-loob na siyang magpapasiya kung ang kilos at pamamaraan pagsisinungaling.
ay mabuti o masama. 2. Officious lie – tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang
sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling.
Iugnay natin ngayon ang mga katotohanang ito sa mga isyung seksuwal na ating 3. Pernicious lie – ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na
tinukoy at inunawa. pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
Upang magbunga ng mabuti ang iyong pagpapasiya, dapat na maging bukas ang
isipan ng kabataang katulad mo tungkol sa pinagdaraanan mo. Huwag mo itong itago o MODYUL 6: KAALAMAN SA KAWALAN NG PAGGALANG SA KATOTOHANAN
ilihim. Maghanap at paligiran ang iyong sarili ng mga kapamilya at kaibigang iyong Alamin
mapagkakatiwalaan. Magbibigay sila sa iyo ng suporta at magkakaloob sa iyo ng lakas Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
na labanan ang mga tukso. Maaari ka ring maghanap ng propesyonal na tulong kung ➢ nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa
sakaling ikaw ay lulong na sa mga pang-aabusong ito. katotohanan. (EsP10PI-IVc-14.2)

EsP10 Quarter 4 Lecture Page 5 of 7


Batayang Konsepto
Ang lihim ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o Mental Reservation ito ay maingat na paggamit ng mga salita sa
naisisiwalat. Ito ay pag-angkin ng tao sa tunay na pangyayari o kuwentong kaniyang pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na
nalalaman at hindi kailanman maaaring ihayag sa maraming pagkakataon nang walang impormasyon sa nakikinig kung may katotohanan nga ito. Ito ay
pahintulot ng taong may alam dito. Ang sumusunod ay mga lihim na hindi basta-basta paraan ng paggawa ng kasinungalingan. Halimbawa nito ay ang
maaaring ihayag: pahayag na, “Ang sabi ko ay pupunta ako sa isang excursion na
1. Natural secrets – ay mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas Moral. Ang ang totoo ay wala naman talaga akong planong gawin iyon.”
mga katotohanan na nakasulat dito ay magdudulot sa tao ng matinding hinagpis at
sakit sa isa’t isa. Ang bigat ng ginawang kamalian (guilt) ay nakasalalay kung ano ang
bigat ng kapabayaang ginawa. Halimbawa: Ang pagtatago ng isang maambisyong
babae na isa siyang ampon na pinipilit pagtakpan ang kaniyang nakaraan. Ito ay
maaaring magdulot ng kahihiyan sa kaniyang pagkatao. At ang isang dating bilanggo Pangalawa ay ang pagbibigay nang malawak na paliwanag at kahulugan sa
na nagsisikap makapagbagong- buhay sa ibang lugar upang itago ang kaniyang maraming aspekto at anggulo ng mga isyu upang ang nakikinig ay makakuha ng
dating buhay. impormasyon sa isang pahayag na walang katotohanan. May mga kondisyon sa
2. Promised secrets – ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito. paggamit nito, ang ilan ay ang sumusunod:
Nangyari ang pangako pagkatapos na ang mga lihim ay nabunyag na. Halimbawa: 1. Walang panganib sa tao na siyang may karapatan na malaman ang totoo – ang
Paglihim sa isang sinisimulang magandang negosyo hangga’t hindi pa ito magulang at mga taga-gabay ay may karapatan na malaman ang katotohanan
nagtatagumpay. Hindi rin sinasabi ang mga mahahalagang detalye at impormasyon tungkol sa kanilang mga anak at maging sa kanilang pinangangasiwaan.
kahit sa mga kasamahan o kaibigan man. 2. Magandang intensiyon sa paglilihim dito – hindi man matatawag na tunay na
3. Committed or entrusted secrets – naging lihim bago ang mga impormasyon at makatarungan ang pagprotekta sa kaalaman ng tao sa pagtatago ng mga lihim gaya
kaalaman sa isang bagay ay nabunyag. Ang mga kasunduan upang ito ay mailihim ng edad, tirahan, o personal na impormasyon gaya ng isang charitable institution na
ay maaaring…….. humahawak sa talaan nito upang masagip ang reputasyon mula sa kahihiyan sa mga
a) Hayag. Kung ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita o kahit pasulat. taong mapanghusga. Ang kaligtasan ng buhay ng isang tao mula sa kamay ng mga
Halimbawa: Ang isang sekretarya ng doktor, na inililihim ang mga medical records hoodlums o sa kamay ng kaniyang mga kaaway.
ng isang pasyente. Ang iba pang mga paraan sa pagtago ng katotohanan ay sa pamamagitan ng
b) Di hayag. Ito ay nangyayari kapag walang tiyak na pangakong sinabi ngunit pagiwas (evasion) at paglilihis ng mga maling kaalaman (equivocation). Makatutulong ito
inililihim ng taong may alam dahil sa kaniyang posisyon sa isang kompanya o kung ang isyu o problema ay hindi lubhang mahalaga at ang isang partido ay may
institusyon. Madalas ito ay pang propesyonal at opisyal na usapin. Mga halimbawa pahintulot dito. Sa prinsipyo ng confidentiality, ang pagsasabi ng totoo ay hindi
nito ay mga impormasyon na natatanggap ng mga doktor at nars mula sa kanilang lamang pagpapahayag nang ayon sa nasa isip. Ito rin ay maipahayag sa mas
mga pasyente, mga facts na nasa pangangalaga ng government intelligence men, malalim na pag-iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa
mga pambihirang kaalaman (priviledge knowledge) na nakuha ng mga abogado, katotohanan. Mula sa matalinong pagiisip at pagpili, ang pagiging totoo ay solusyon
social workers, mga pari (at iba pang mga lihim sa kumpisalan na binigyan ng sa mga posibleng hidwaan, mga pagkakaiba-iba sa pananaw at opinyon, hindi pag-
ganap na kapatawaran at iba pang di ginagawa ng hayagan). uunawaan, mga sakit ng kalooban at kahihiyan at nakababawas ng pagkakahiwa-
hiwalay sa pagitan ng bawat isa tungo sa pagkamit ng kapayapaan at maayos na
Ang mga lihim ay maaaring ihayag o itago lalo’t higit kung may matinding dahilan samahan.
upang gawin ito. Sa kabilang banda, ang paglilihim ay maaaring magbunga ng ➢ Sa ating lipunan na talamak ang pandaraya at kawalan ng galang sa tunay na halaga
malaking sakit at panganib sa taong nagtatago nito, sa ibang taong may kaugnayan ng katotohanan, may paraan pa ba upang ito ay maituwid? Ano-ano ang mga isyu sa
rito maging sa kaniyang lipunan ginagalawan. ating kapaligiran ang humahamon sa kasagraduhan ng katotohanan?
➢ Ano ang mga itinuturing na paglabag sa intelektuwal na gawain at pag-aari ng tao?
➢ Paano na kaya ang mga taong tila bulag na sa katotohanan? May ideya ka ba kung
paano ito nakasisira sa halaga ng pangkaisipan at moral na paglago ng isang tao
mula sa mga pinaghirapan niya at bunga ng kaniyang pagpupunyagi?
EsP10 Quarter 4 Lecture Page 6 of 7
MODYUL 7: ISABUHAY ANG PAGIGING MAPANAGUTAN AT TAPAT NA MODYUL 8: MGA HAKBANG UPANG MAISABUHAY ANG PAGGALANG
NILALANG SA KATOTOHANAN
Alamin Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na: napatutunayang ang pagiging Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na: nakabubuo ng mga hakbang
mulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan ay daan upang maisabuhay ang paggalang sa katotohanan. (EsP10PI-IVd-14.4)
upang isulong at isabuhay ang pagiging mapanagutan at tapat na nilalang.
(EsP10PI-IVd-14.3) Batayang Konsepto
Batayang Konsepto
Ang pagsasabuhay ng pagiging mapanagutan at tapat na nilalang ay araw araw na “Natutuklasan ang katotohanan hindi lamang ang katuwiran kundi maging puso ng
hamon sa bawat isa sa atin. Ginagawa natin ito sa araw-araw sa ating pamumuhay. sinuman.” - Blaise Pascal
Ang lahat ng gagawin natin ay pawang totoo lamang at mabuti. Hindi tayo gagawa sa
ating kapwa ng masama, hindi natin lolokohin ang ating sarili o ang ating kapwa. Narito ang mga hakbang upang maging gabay mo sa pagsasagawa ng katotohanan.
Minsan kahit ang ating sarili ay niloloko natin, kahit mali na ang ginagawa ay
nagmamaang maangan tayo na mabuti pa din ang ating ginagawa kahit alam natin sa Mga Hakbang upang maisabuhay ang paggalang sa katotohanan:
sarili natin na mali na ito matakpan lang ang katotohanan. 1. M-aging mulat sa mga isyung may kaugnayan sa kawalan ng paggalang sa
Ang kasinungalingan ay may tatlong uri: katotohanan.
1. Jocose lies – isang uri na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid ng 2. U- galiing magkaroon ng sapat na kaalaman upang matuklasan ang katotohanan.
kasiyahan lamang. Ipinapahayag ito upang magbigay-aliw ngunit hindi sadya ang 3. L- aging paghiwalayin ang kasinungalingan sa katotohanan.
pagsisinungaling. 4. A- lamin lahat ng angulo at sumangguni sa ibat’-ibang tao.
2. Officious lie – tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang 5. T- ayain ang posibleng hakbangin pagkatapos magsuri at magpasya tungo sa
sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling. Ito ay pinakamabuti.
isang tunay na kasinungalingan, kahit na gaano pa ang ibinigay nitong mabigat na
dahilan.
3. Pernicious lie – ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na
pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
Ang Uri ng Lihim
1. Natural Secret – ang mga katotohanan na nakasulat dito ay nagdudulot sa tao ng
matinding hinagpis at sakit sa isa’t-isa.
2. Promised Secret – ito ay ang lihim na ipinangako ng taong pinagkakatiwalaan nito.
3. Commited or Entrusted Secret – ito ay may dalawang uri hayag at di-hayag
➢ Mental reservation - ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa
pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa
nakikinig kung may katotohanan nga ito.
➢ Plagiarism - ito ay maituturing na pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin
ang hindi iyo.
➢ Intellectual piracy - Ang paglabag ay sa paraan ng pagpaparami, pagpapakalat,
pagbabahagi, at panggagaya sa pagbuo ng bagong likha.
➢ Whistleblowing - ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na
karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon.
Ang pagiging mulat sa iba’t ibang isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan
ay magiging daan upang maisulong ang pagiging mapanagutan at tapat na nilalang.
EsP10 Quarter 4 Lecture Page 7 of 7

You might also like