You are on page 1of 3

BATAAN PENINSULA STATE UNIVESITY

MAIN CAMPUS
Telefax: (6347) 2372350
Website: www.bpsu.ed.ph GRADUATE SCHOOL
Email : batpenstateu@yahoo.com City of Balanga 2100 Bataan, Philippines

JENSE C. GATDULA
EDD 520 Student

Question: Should a person needs to get married?  Why?  or Dapat pa bang magpakasal
either sa huwes or sa simbahan kung nais magasawa ng isang tao?  Kung oo, bakit, kung
hindi, bakit?

An interview from unprofessional male : ( kuya Joel – school utility)


Yes, kailangan talaga makasal ang isang tao sa isang taong mahal niya at mahal
siya. Para sa akin ang kasal ay mahalaga talaga at siyempre isang legal na proseso. Pero
hindi din eh, kase hindi lamang naman ito isang legal na pagsasama. Sa aking tingin at base
na din sa aking karanasan,pareho itong pisikal, espirituwal, at emosyonal na alyansa habang
kayo at ang iyong asawa ay magdedesisyon nang magkasama at hindi na mag-iisip nang
makasarili sympre iisipin nyo na and mararamdaman at kapakanan ng iyong pamilya.Sabi
nga ng pari nung kami ay kinasal ni Irene ang pag-aasawa day ay idinisenyo siguro para
maging salamin nang walang pasubaling pagmamahal ng ating Tagapaglikha o ni Lord para
sa atin para sa bawat sa sa atin. At tsaka ito din ay isang pag-ibig na laging nandiyan at hindi
tayo iiwan o pababayaan.Bakit ka ba magpapakasal kung walang love o pagmamahal na
namamagitan sa inyo, diba? Kapag ang isang lalaki at babae ay nagmamahalan nang
walang pasubali, deserve nila ang magsama habang buhay at ipakita sa buong mundo yon.
Para sa akin wala naming kaso kung civil o church wedding. Ang mahalaga ay
makasal ang dalawang taong nagmamahalan. Ang pagkakaiba lang kapag kase civil non-
religious un pwedeng si Mayor and ginganap syempre hind isa simbahan. Pero lahat ng
papel o documents ng sang kasal gaya ng simbahan ay mayroon din naman kapag civil.
Kaya para sa akin kahit saan pwede. Isa pa ang hirap ng buhay ngayon, mayayaman na lang
ata ang nkakapg pakasal sa simbahan at may magarang reception kagaya ng mga hotel o
resort. Siguro maging praktikal na lang sa buhay at hindi naman masama iyon.

An interview from unprofessional female: ( ate Ever – school clerk)


Para sa akin, hindi naman kailangan ng kasal. Kagaya ko, single nanay din ako at ang
kagandahan lang sa akin hindi talaga ako pinakasalan at nung una masama loob ko sympre
kase nabuntis ako eh parang lumalabas na disgtasyada ako at sa totoo lang napakadmi kong
natnggap na masasakit na salita sa mga tao pero sa mga nangyayari ngayon sa paligid na
napakadami din naming naghihiwalay at kasal pa parang ang hirap para sa kanila kumawala
eh, eh ako naman hindi ko na pinoprblema ung hiwalay o annulment kase nga hindi naman
ako pinakasalan at ngayon ko na – realized na maswerte pa pala ako at least mag isa lang
ako, mag isa lang ako nagpalaki ng anak ko wla akong iintindihin kundi siya. At kung
tatanungin ako kung mag-aasawa pa ba ako kase mejo bata bata pa nga ako, isa lang ang
sagot ko lagi eh, masaya na akong mag isa at alam kong tatanda ako mag isa at ready ako
doon.
Since hindi naman nga ako kinasal, para sa akin base sa mga nakikita ko at
nararansan mas okay pa ding ikasal ka sa simbahan. Eh doon si Lord talaga ang witness mo
hehehe. Isa pa parang masarap sa feeling kase ikaw ang bida sa araw na iyon. Lahat
nakatingin sayo lalo na kung maganda ung damit pangkasal mo dagdag mo na din na
mayroon kang gwapong nobyo. Hindi naman kailangan magara o bongga ang kasal o
handaan eh, kung anu lang ang kaya ng budget yun lang. hindi kailangang makipag sabayan
sa uso o trending ngayon na talaga naming milyon milyon ang ginagasta para sa kasal. Para
sa akin mas okay ang church wedding talaga.
BATAAN PENINSULA STATE UNIVESITY
MAIN CAMPUS
Telefax: (6347) 2372350
Website: www.bpsu.ed.ph GRADUATE SCHOOL
Email : batpenstateu@yahoo.com City of Balanga 2100 Bataan, Philippines

An interview from professional male: (Sir Sandy – co- teacher)


“Ang kasal ang itinuturing na pinakabanal at pinakadalisay na taling
nagbubuklod sa lalaki at babaeng mag-asawa—isang institusyon na napakahalaga
sa buhay ng tao.”
Mula noon, hanggang ngayon, ang pagpapakasal ay isa mga usaping
kailanman ay hindi kumukupas. Maraming nagsasabi na hindi na kailangan pang
magpakasal dahil ang mahalaga raw ay mahal ng mag-asawa ang isa’t isa. Dagdag
pa rito ang mahabang proseso at malaking gastos na gugugulin kung nais
magpakasal ng isang mag-asawa. Sa kabilang banda, may mga tao naman na
nagsasabi na kailangang magpakasal ng isang mag-asawa bukod sa kadahilanang
ito ang tanggap at tama sa mata ng lipunan, ito rin ang ninanais ng ating Panginoon.
Kung ako ang tatanungin, naniniwala at nananalig ako na kailangang dumaan
ng isang mag-asawa sa seremonya ng kasal. Ito man ay sa simbahan o sa tinatawag
man lang na civil wedding (huwes). Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit
sumasaang-ayon ako sa pagpapakasal ay dahil ito ang nakatala sa bibliya na
iniuutos ng Panginoon sa bawat lalaki at babaeng nilalang niya. Ikalawa, naniniwala
rin ako na ito ang pundasyon upang magkaroon ng isang matibay na pagsasama ang
isang mag-asawa, Isang pundasyon na kailanman ay hindi maigugupo ng kahit
anong mga suliranin na siyang nagiging dahilan ng mga hiwalayan at pagkasira ng
isang masayang pamilya. Dagdag pa rito, kung mag-asawa ay may basbas ng
Panginoon na nagbubuklod sa kanila ay hindi kailanman maiisipan ng sinuman ang
tumingin sa iba at iwan ang kanilang pamilya.
Lagi nating isapuso at isaisip na sa pagpapakasal nabubuo ang kasagraduhan
ng isang pamilya. Kaya hindi lamang sa pisikal na katawan nagiging isa ang mag-
asawa – kundi maging sa puso at kaluluwa.

An interview from professional female: (Ma’am Sonia – co- teacher)


Para sa akin, oo, siyemre ang bawat babae at lalaking nagmamahalan ay
nararapat lamang na maikasal. Napakahalaga ng aspetong ito sapagkat ang bawat
tao ay nilikha ng Diyos para magkaroon ng mamahalin at magkaroon ng nagmamahal
pero siyempre sa tamang pamamaraan at katanggap tanggap sa mata ng ating
Panginoon. May mga nagiisip na ang pagpapaksal ay isang proseso lamang na kung
saan masasabi nating legal ang inyong pagsasama, pero para sa akin hindi lang iyon
eh. Bubuo kasi kayo ng isang pamilya na kung saan mabubuo ito sa pamamagitan ng
pagmamahal ninyo sa isa’t-isa. At para sa akin hindi mahalaga kung sa simbahan ba
o sa huwes ang kasal lalo na sa panahon ngayon na napakahirap ng buhay, ayus na
yung mairaos ninyo ng matiwasay at walang problema ang kasalan. Maswerte na
lang siguro kung may kakayanan kayong maging mas bongga at mas maganda ang
seremonya.
Kapag kasi hind kayo kasal ganito ang mangyayari, because you are not
legally obligated to marry someone, it is much simpler to leave your spouse and your
child.
BATAAN PENINSULA STATE UNIVESITY
MAIN CAMPUS
Telefax: (6347) 2372350
Website: www.bpsu.ed.ph GRADUATE SCHOOL
Email : batpenstateu@yahoo.com City of Balanga 2100 Bataan, Philippines
A child's mental and behavioral development will be significantly impacted by missing
parents, according to statistics, which show an alarming rate of this situation. There
are more than enough reasons to reconsider your priorities and life when you are
married and have children, even if you are having difficulties.
So, why get married? Because it remains one of the foundations of a strong
family. And if you want to live a happy and fulfilled life, you need enhance your
relationships. Even with their differences, a couple might improve because of the
unity that comes with marriage. A married pair with a shared goal can accomplish
anything.You can dream together and work toward it with your spouse. It provides
you with lifetime support, and with this assurance comes the self-assurance to do
incredible feats.

You might also like