You are on page 1of 2

A Law Each Day

(Keep trouble away)

Marry go around

Divorce is a legal action between married people. For us, we are not agree or not in
favor with divorce in our country.

Ang pagpapakasal ay sagrado. Kailangan ng mahabang pagpaplano, sapat na


karunungan at matatag na desisyon bago pasukan. Ngunit, habang nagbabago ang
panahon patungo sa maunlad na teknolohiya ay unti-unting nababago at naaapektuhan
ang pag-iisip ng mga tao ukol sa halaga at kabuluhan ng 'kasalan'. Makatarungan ba
ang pag-ugnay ng salitang 'diborsyo' sa sagradong salitang 'kasal'?

Ang artikulo ni Jose C. Sison na pinamagatang 'A Law Each Day (Keep trouble away)
ay lubos kong sinasang-ayunan. Detalyado at maayos na naipaliwanag kung bakit
mali ang pagsang-ayon na maipatupad ang batas para sa legalisasyon ng diborsyo.
Palibhasa ay natuto ang mga Pilipino na gayahin ang kung anumang bagay na
ginagawa ng mga taong banyaga. Nakalimutan ang prinsipyo ng bansa at tuluyan ng
inidolo ang ibang mga bansa. Para bang walang natutunan ang mga taong
namamahala sa batas, na kung ano ang uso sa karatig bansa ay sinusubukan din
isakatuparan sa ating bansa. 'Kailangan natin ipatupad ang legalisasyon ng diborsyo
sapagkat tayo nalang ang natitirang bansa na wala ito', tama bang gayahin ang iba
dahil lamang sa dahilan na ikaw nalang mag isa ang hindi nag implementa? Hindi ba
dapat ay ipagmalaki natin na tayo nalang ang natitirang bansa na tumanggi na
maipatupad ang naturang batas? Hindi ba dapat matuwa tayo na itinataguyod natin at
iniisip ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buong pamilya? Na ang tanging
nakakapaghiwalay sa atin magkakapamilya ay ang mga pagkakataong kailangan
mangibang bansa para makakain ang pamilya? Hindi ba dapat ay masaya tayong
ipagsigawan sa mundo na hindi tayo tulad ng iba na pinapaubaya sa iba ang pag-
aalaga sa magulang kapag nagkaedad na sila? Na tayo ay naiiba sapagkat ang ating
bansa lamang ang bumubuo ng asawang lalaki at asawang babae na patuloy na
nagsasama sa hirap at ginhawa, sa kasakitan at kalusugan at sa kung ano pang
sumpaan na binitawan nila sa harap ng altar nang sila'y nagpasyang mag isang dibdib.
O kung nais talaga ng iba na maghiwalay matapos silang magpakasal ay meron
naman na tayong sariling batas na nagpapahintulot isagawa iyon. Kaya lamang ay
dapat may bisa, tunay at makatarungan ang dahilan kung bakit ang magkabiyak ay
nais nang maghiwalay dahil kung iisipin ay maraming puwedeng mangyari kung
sakaling ganoon na lamang kadaling makipaghiwalay o magpawalang bisa sa halaga
ng kasal. Kung bibigyang

pansin, kung nagkataong napalaya o napawalang bisa ang kasal dahil sa pagkakasala
ng kabiyak na lalaki ay hindi imposibleng maghanap ito ng bagong mamahalin
pagkatapos ay baka maulit muli ang nangyari sa una.
Ganoon din kung ipagpalagay natin na ang kabiyak na babae ang nagkasala. Madali
lamang sakanila na maghanap ng bago at mauulit lamang ang naging karanasan.
Magkakaroon ng basag na tirahan, tibag na pamilya, pabaya at adik na kabataan, at
saganang maagang pagbubuntis ng mga teenager. Paikot-ikot lamang ang problemang
dulot ng diborsyo na pinahintulutan na maisakatuparan. At sa puntong mawala na ang
bisa ng 'kasalan' , ang siyang pagkawala rin ng kabuluhan ng pagsagawa nito.
Matatawag pa ba itong sagrado kung wala ng kabuluhan ang pagsasagawa nito? Ang
batas para sa diborsyo ay tumutulong sa magkasintahan na kumawala sa nasirang
relasyon at tumangging ayusin ang kanilang relasyon. Nagsisilbi itong pinto upang
tumakas sa dating obligasyon. Pero hindi ito kailanman magiging tama kung kaya't
hindi dapat pahintulutan. Dahil ang pagkikipag isang dibdib hindi kailanman
makatarungang i-ugnay sa salitang hiwalayan. Hindi kailanman magiging katanggap-
tanggap na iparis sa salitang diborsyo.

Divorce can't help a family to strengthen their relationship within each other but
instead divorce let a family to drift away with each other. Under this circumstances,
the most affected are their children, they can suffer depression, anxiety and etc. For
us, divorce is not a solution, divorce is a wrong solution. Bilang mga mamamayang
Pilipino, lumaki kaming itinatak sa utak na ang kasal ay sagrado. Tumatak sa isip
namin kung paano ang mga Pilipino ay relihiyoso, hindi dapat kalimutan ang sariling
prinsipyo na ang kasal hindi basta basta pinagsasabahala kahit sabihin pang
demokratiko ang ating bansa.

You might also like