You are on page 1of 3

Ophalyn Julianne B Cabigting BS Psychology 4th year Block 3 Prof. Oliver A.

Pandile Ang Diborsyo ay naiiba sa annulment at legal separation sa kadahilanang ang Annulment ay isang deklarasyon na ang isang kasal ay walang bisa sa simula pa lamang o hindi ito kalianman umiral. Mayroon tayong dalawang uri ng annulment: isang naayon sa simbahan at isa naman na naaayon sa batas kung saan ang naunang nabanggit ay isang deklarasyon ng simbahan na ang isang kasal ay hindi naisapruseso ng tama o walang totoong kasal na nangyari ngunit wala itong sibil o legal na bisa. Kung ang isang partido ay ninanais na muling makasal, siya ay nararapat na kumuha ng isang civil annulment. Ang Legal Separation naman ay nagpapahintulot sa mag-asawa na maghiwalay sa mga kadahilanang paulit-ulit na pananakit na pisikal,pakikiapid,pag-aabandona at iba pa pero hindi nito pinahihintulutan na magpakasal muli sa iba ang mag-asawa at kinakailangan na maging tapat sila sa isat isa. Ang diborsyo ay isang prusesong tumatapos o naghihinto sa bisa ng isang kasal at ang mga kasaling partido ay pinapayagan na ng batas na muling magpakasal sa kung kanino man nila nais. Tinatapos nito ang samahang conjugal at ang mga ari-arian ay pantay na hinahati sa magkabilang partido. Ang panukalang batas tungkol sa diborsyo ay nagsasaad na ang isang diborsyo ay maaaring hingin base sa limang kadahilanan kung saan ang lahat ay maikukunsiderang dahilan ng pagkasira ng isang kasal: 1) kung ang nagpepetisyon ay limang taon nang hiwalay sa kanyang esposo sa panahon ng pag haharap ng petisyon; 2) kung ang nag pepetisyon ay legal na hiwalay na sa kanyang esposo nang hindi kukulang sa dalawang taon sa panahon ng paghaharap ng petisyon; 3) kung alin man sa mga dahilang nasasaad sa Legal Separation ang naging dahilan upang masira ang pagsasamahan ng mag asawa; 4) Kung ang isa o parehong partido ay mayroong sikolohikal na problema at hindi makatugon sa mga mahahalagang obligasyon sa isang kasal; 5) Kung ang mag asawa ay hindi na nagkakasundo sa mga pananaw at mga bagay-bagay na naging sanhi ng pagkasira ng kanilang pagsasama. Ngayong alam na natin ang mga hakbang na maaaring pagpilian ng mag-asawa kung sila ay nag desisyon na kumawala sa kanilang pag ka kasal, atin namang suriin kung ang panukalang batas na magbibigay legalidad sa diborsyo ay magkakaroon ba ng positibong epekto o lalo lang nitong gagawing komplikado ang ating magulo nang systema. Matapos gawing legal ng bansang Malta ang diborsyo noong nakaraang taon, ang Pilipinas ay naging ang namumukod-tanging bansa maliban sa Vatican na walang batas ukol sa diborsyo. Ang Kulturang Pilipino ay kumikilala sa ceremonya ng kasal na isang sagradong pagsasama na may mga legal na batas na gusting magpreserba dito. Dahil ang ating bansa ay napaka conserbatibo pagdating sa mga

pagbabagong hated kung sakaling maisasabatas ang nasabing panukala, marami ang nababahala na baka tayo ay matulad sa bansang Estados Unidos na mayroong mga tinatawag na drive-through marriages at quickie divorces. Ang mga pangamba na hindi na pagiisipan mabuti ng mga mamamayan ang pag-aasawa dahil nga naman mayroon silang paraan para maka alis dito ika nga nila. Subalit, hindi ito ang kaso dahil ang diborsyo ay hindi basta basta nakakamit ng dahil lamang sa hindi mo na gusto ang iyong asawa. Mayroong mga regulasyon at mga istriktong basehan para sa diborsyo na tatalakayin at pag didesesiyunan sa korte, kaya hindi ito madali at mabilis na solusyon na inaalala ng karamihan. Ang iba ay nangangamba din na ito ay magdudulot ng permanenteng pagbabago sa ating mga kaugalian at lalo lamang nitong sisirain ang mga pundasyong aral ng pamilya. Ang mga tumutuligsang partido ay sinasabing ang batas ukol sa diborsyo ay nagpapababa sa kahalagahan ng kasal dahil inuudyukan nito ang magasawa na tuldukan ang kanilang pagsasama imbes na magbalikan at magayos ang bawat isa sa lalong madaling panahon. Bago natin tanggihan ang panukalang batas ukol sa diborsyo ay dapat muna nating ikunsidera ang mga bagay na ang talagang mahahalagang mga bagay na magbibigay ng paliwanag kung bakit dapat agad maisabatas ang nasabing panukala. Ang batas ukol sa diborsyo ay hindi naglalayon na paghiwalayin ang pamilyang Pilipino. Ito lamang ay isang daan para maka alis sa isang sira at bigo na kasal. Realidad na mismo ang makakapag sabi na talaga namang maraming kasal ang wala na sa tama o talagang hindi na maisasalba pa sa ating mga mamamayan mahirap man o mayaman. Kung talagang hindi mo na kaya magpatuloy pa sa inyong pagsasama ng iyong asawa bakit hindi nalang mag diborsyo? Mayroong apat na rason akong naiisip kung bakit kailangan na madaliang maisa batas ang panukalang batas ukol sa diborsyo. Ang una ay domestic violence, marami sa ating mga kababaihan ang nakakaranas ng hindi pantay na pagtrato at karahasan sa loob mismo ng kanilang sariling mga tahanan. Sila ay nakakatanggap ng abusong pisikal,berbal,emosyonal at sekswal. Ang nakakalungkot pa ay sa loob ng tahanan kung saan dapat maramdaman ng babae na pinakaligtas siya ay nagiging isang lugar para sila ay abusuhin ng kanilang mga asawa na nangako na sila ay mamahalin at poprotektahan. Sunod ay ang pagtataksil o pangangaliwa kung saan ang kanilang mga kabiyak ay nanganganib na makakuha ng mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Naniniwala din ako na ang pangangaliwa ay isang kasing bigat ng pag aabandona dahil kinukuha nito ang oras,pokus,pagmamahal at pera sa iyong pamilya. Pang huli ay ang irreconcilable differences na nagiging dahilan ng tuluyang pagkasira ng isang pagsasama ng magasawa. Ang diborsyo ay tungkol sa karapatan ng isang indibidwal na makamit muli ang isang

buhay na me seguridad at dignidad. Ito din ay makakatulong sa isang battered wife at kanilang mga anak laban sa patuloy na pananakit at karahasan galing sa isang mapagabusong pagsasama. Dapat nating kilalanin ang karapatan ng isang tao na magpakasal, dapat din nating kilalanin ang karapatan na umalis sa isang pagsasamang hindi na nakakabuti at nagiging isang panganib sa kanila at kanilang mga anak. Dapat nating makita ang nasa likod ng mga kauliranan at malapantasyang pananaw na ang isang pamilyang buo at sama samang nakatira sa isang bubong ang nagiging pamantayan ng isang masayang pamilya, ating buksan ang ating mga isipan at huwag hayaan ang ating mga relihiyon na makihalo dito. Ang pagpipilit sa dalawang indibidwal na mayroong irreconcilable differences na mabuhay sa iisang bubong ay lalo lamang makakalikha ng tensyon at lalong makakapagpalala at mag lalagay sa mas malaking panganib sa pamilya at ang mga sikolohikal na epekto ng nasirang pamilya sa mga bata na walang pagpipiliian kung hindi ang pumagitna lamang ay ang mga sumusunod: imbes na mapalaki sa isang mapagmahal at mapagkalingang kapaligiran ang kanilang nasasaksihan ay karahasan, pangangaliwa, pagaabandona at pagsa-walang bahala ng kanilang mga magulang dahil ang mga ito ay masyadong nakapokus sa mga pagtatalo. Ang mga bata na lumaki sa isang masalimuot na tahanan ay malaki ang posibilidad na magkaron ng masamang ugali o maligaw ng landas. Hindi tayo dapat matakot sa batas ukol sa diborsyo. Binibigyan lamang nito ang mag-asawa ng isang pagpipilian kung ang lahat ng paraan upang mapanatiling buhay ang kanilang pagsasama ay wala na at talagang hindi na posible pang ipagpatuloy ang kanilang pagsasama.

You might also like