You are on page 1of 1

MAYLEN N.

ALZONA

MODULE 3

Ang pag – ibig ng diyos at ang sakramento ng pag – iisang dibdib o kasal ay ang kasunduan ng
pag-iisang dibdib ng isang lalaki at babae ayon sa batas at ng simbahan upang bumuo ng di
mapaghihiwalay na buhay at isang maayos at buong pamilya. Ito ay isang banal na seremonya
kung saan pinag-iisang dibdib ang babae at lalaki at nangangakong mamahalin at aalagaan ang
bawat isa habang buhay.
Ang pag-aasawa ay pagsasama ng dalawang magkaiba at di-perpektong tao. Kaya napakahalaga
na bago pumasok sa pag-aasawa at bago bumuo ng pamilya, kailangan munang mangako ng
pagmamahalan ng dalawang nag-iibigan sa harap ng Diyos. Ang buhay may-asawa at pamilya ay
nangangailangan ng gabay ng pananampalataya sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib sa
simbahan.Sa bubuuing pamilya pagkatapos ng kasal. Namumuno ang ama sa liwanag at
pagmamahal, at walang anumang kasamaan. Ang ina ang naglalaan ng kaalaman, inspirasyon, at
nangangalaga na likas na sa kanya.Mahalaga ang kasal sa isang magkarelasyon dahil ito ang
nagpapatunay sa walang hanggang pagmamahalan nyong dalawa sa isa't isa.

You might also like