You are on page 1of 4

GRADE 1

PAKSA 3 : ANG AKING PAMILYA AY REGALO NG DIYOS

LAYUNIN :

 Nakapagsasabi na ang pamilya ay regalo ng Diyos.


 Nakapaglalahad ng mga gawain na nagpapakita ng pagmamahal sa pamilya.
 Nakapag-aalay ng panalangin ng pasasalamat sa Diyos na nagbigay ng
pamilya.

PAGPAPAHALAGA : Pagmamahal sa pamilya.

SITWASYON NG BUHAY :

Panimulang Gawain : Awit (sa tono ng Paru-parong Bukid)

Mahal ko si tatay
Mahal ko si nanay
Mahal ko si kuya
Mahal ko si ate
Mahal ko si bunso, si lolo at lola
Mahal ko silang lahat
Silaý bigay ng Diyos Ama.

Pagtatanong :
 Sinu-sino ang mga taong binanggit sa awit natin?
 Kapag pinagsama-sama natin silang lahat, ano ang tawag natin sa kanila?

Tama! Katulad ng ipapakita ko sa inyong larawan (larawanngpamilya). Dinala


nyo rin ba ang larawan ng inyong pamilya?

 Mahal mo ba ang iyong pamilya? Paano nagmamahalan ang inyong pamilya?


 Masaya ka ba ikaw ay may pamilya? Bakit?

Masaya ang may pamilya dahil may kasama, mag-aalaga, at tutulong sa atin.
Kahit nanay o tatay lang merontayo, o kaya mga lolo at lola lang kasama
natin o di kaya di natin kaano-ano ang nag-aalaga sa atin, sila pa rin ay ating
pamilya dahil itinuturing nila tayong kapamilya. Ang pamilya natin ay regalo
ng Diyos. Kung bakit binigyan tayo ng Diyos ng pamilya, alamin natin ang
sinasabi sa Banal naAklat :

1
SALITA NG DIYOS : Genesis 2:18

“Hindi mainam na mag-isa ang tao; bibigyan Ko siya ng makakasama


at makakatulong.”

 Ano ang ginawa ng Diyos nang makita niya na hindi mainam na mag-isa ang
tao?

Tama! Noong nilikha ng Diyos ang tao, nakita Niya na hindi mainam/ mabuti
na ang tao ay nag-iisa, malungkotsiya, walang mag-aalaga, mag-aasikaso at
tutulong sa kanya kaya binigyan Niya ang tao ng makakasama at
makakatulong kaya simula noon naging masaya na ang tao. Ito rin ang
nakita sa atin ng Diyos, nais Niya na pagsilang natin sa mundong ito ay may
makasama tayo, mag-aalaga sa atin, magpapalaki, tutulong at magmamahal
sa atin. Sa panahon natin ngayon, sino ang ibinigay ng Diyos na makakasama
natin?

PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

KATOTOHANAN : Binigyan tayo ng Diyos ng pamilya na makakasama at


mangangalaga sa atin.

Nais ng Diyos na samahan tayo at alagaan kaya binigyan tayo ng pamilya upang sa
pamamagitan nila maramdaman at maranasan ang pag-aalaga ng Diyos. Ang
pamilya natin ang unangpaaralan upang matuto tayong magmahal at maglingkod
sa bawat isa. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may tungkuling ginagampanan.
Ipinagkitawala tayo ng Diyos sa ating mga magulang upang palakihin ang mga
anak na mabuti at sisikaping mabigyan ng magandang kinabukasan at ginagawa
nila ito tanda ng kanilang pagmamahal. Bilang anak, ano ang maisusukli mo sa
kanilang pagmamahal? Ano ang nais ng Diyos na gawin natin sa ating mga
magulang?

PAGSASABUHAY : Nais ng Diyos na igalang at sundin natin ang ating


ama at ina na bigay Niya sa atin.

Dahil sa ating mga ama at ina kaya tayo naipanganak sa mundong ito. Sila ang mga
taong unang ibinigay ng Diyos upang ating makasama at mangalaga sa atin. Ngunit
tulad ng sinabi ko kanina hindi man sarili niyong magulang ang kasama at nag-
aalaga sa inyo, sila pa rin ay bigay ng Diyos upang hindi ka mag-isa kundi may
2
makakasama at makakatulong tulad ng sinabi sa Banal na Aklat. Itong mga taong
ito na bigay ng Diyos, paano ninyo ipakikita ang paggalang at pagsunodsakanila?
Alam nyo mga bata kapag iginagalang at sinusunod natin ang ating mga magulang
o kung sino man ang taong kasama ninyo ngayon at nangangalaga sa inyo ay ang
Diyos ang iginagalang at sinusunod dahil ginagawa nila ang Gawain ng Diyos para
sa inyo. Para magampanan ng bawat kasapi o miyembro ang kanilang tungkulin at
patuloy na nagmamahalan ang pamilya kailangan ang tulong ng Diyos. Paano natin
hihilingin ang tulong ng Diyos? Paano nakakatulong ang panalangin?

PAGSAMBA : Angpanalangin ay nakapagpapasigla sa pamilyang


Kristiyano.

Ang sama-samang pagdarasal ng buongpamilya ay lalong napapanatili


angpagmamahalan. Sabingani Fr. Patrick Peyton, “Ang pamilyang
nananalanginng sama-sama ay nanatili sa isa’t-isa” Kayo ba ay nagdarasal
para sa inyong pamilya? Sa ating pagdarasal unang-una magpasalamat sa Diyos sa
bigay Niyang pamilya. Bilang mga bata, tayo ay magdarasal para sa ating pamilya.
Tayo ay nagdarasal para maayos, ligtas, at may pagmamahalan sa loob ng pamilya.
Mahalaga na ang lahat ng miyembro ng pamilya ay sabay-sabay na nagdarasal
tulad ng pagsisimba tuwing Linggo kasama ang buongpamilya. Sa pagdarasal na ito
higit na tumitibay ng husto ang samahan ng isang pamilya. Huwag din nating
kalilimutang magdasal sa Banal na Pamilya (Jesus, Maria at Jose) na sana
matularan ng pamilya natin ang pamilya ni Jesus, may mga magulang na
mapagmahal at anak na masunurin.

PAGBUBUOD :

Binigyan tayo ng Diyos ng pamilya na ating makakasama at mangangalaga


sa atin kaya igalang at sundin natin ang mga taong ito at sa panalangin
pasalamatan natin ang Diyos sa bigay Niyang pamilya at ipanalangin na sana ang
ating pamilya ay manatiling nagmamahalan at nagkakaisa.

TUGON NG PANANAMPALATAYA

PANININDIGAN : Ang aking pamilya ay regalo ng Diyos sa akin.

3
PAGTATALAGA : Paano mo ipakikita ang pagmamahal sa iyong pamilya?

PAGDIRIWANG : Panalangin Para Sa Pamilya


O Panginoong Diyos, maraming salamat po ibinigay Mo sa amin si
tatay at nanay upang kami ay alagaan hanggang sa aming paglaki. Salamat.kay
kuya at ate na tumutulong sa amin at kay bunso na nagpapasaya sa amin. Ingatan
Nyo po ang bawat isa sa amin. Salamatpo, Amen.

AWIT : Balikan ang awit sa panimula.

You might also like