You are on page 1of 14

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika


Ika-apat na Markahan
Week3/day3
Paksang Aralin: Pananampalataya sa Panginoon
Aralin 13: Paniniwala sa Diyos
Pagdarasal sa Diyos

Layunin:
-naisasagawa ang mga pamamaraan ng pakikipag-ugnayan sa
Panginoon sa pamamagitan ng:
-pag-usal ng panalangin (Bago kumain)
Sanggunian:
Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16
Edukasyon sa Pagpapakatao
Teaching Guide 15-18
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 75-77
Balik-aral
Balik-aral
Balik-aral
Balik-aral
Pagganyak
Pag-usal ng Panalangin
(Bago kumain)
Masayang Tahanan
Sa aming tahanan
may pagmamahalan;
Ang aming mga magulang
ay iginagalang.

May pagtutulungan
at pagbibigayan;
Ang aming pamilya
ay nagkakaisa.
Nagkikita kami
kapag orasyon na:
Kay tatay at nanay
hahalik sa kamay

Pagdulog sa mesa
Kami’y nagdarasal
Nagpapasalamat
sa Poong Maykapal.
Panalangin Bago Kumain
Panginoon, kami’y lubos na
nagpapasalamat sa biyayang narito sa
aming hapag na aming pagsasaluhan.
Nawa’y magbigay ang mga pagkaing
ito ng lakas sa aming katawan upang
magawa namin ang mga bagay na
dapat naming gampanan sa araw-araw.
Amen.
Ano ang pinakamahalagang
bagay ang ginawa ng mag-
anak bago sila kumain?
Kanino sila nanalangin?
Ano ang sinabi niya sa
kanyang panalangin?
Kayo ng iyong pamilya,
nagdarasal rin ba kayo bago
kayo kumain? Bakit?
Ano ang mabisang
paraan ng
pakikipag-ugnayan
natin sa Diyos?
Tandaan:
Ang pagdarasal ang mabisang
paraan ng pakikipag-
ugnayan/pakikipag-usap natin sa
Diyos.
Nagdarasal tayo para:
magpasalamat sa grasya o biyaya
ng aating Panginoon na
nagbibigay lakas sa ating katawan
at kaisipan.
Lutasin:
Gutom na gutom ka
na pero kailangang
munang magdasal ng
buong pamilya bago
kumain.
Ano ang gagawin mo?
Isa-isa ninyong
basahin ang
panalangin
bago kumain.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika
Ika-apat na Markahan
Unang Linggo/Unang Araw

You might also like