Tangalin muna ang mga natirang pagkain sa plato. Sabunan na ang mga plato gamit ang sponge. Banlawan ang plato ng malinis na tubig. Patuyuin na ang mga pinggan sa lalagyan. Panuto • ay nagsasabi ng dapat gawin • may panutong binubuo ng dalawa hanggang apat na hakbang o higit pa • mahalagang unawaing mabuti ang mga hakbang upang magawa nang tama ang panuto. • Maaring galing sa inyong mga magulang. Sa loob ng ating tahanan ay may mga hakbang na ibinibigay sa mga gawaing bahay. • Nagbibigay din ng panuto ang guro sa mga hakbang na dapat gawin sa mga gawain sa paaralan. • Maging ang pamahalaan ay may mga hakbang din na ipanapatupad na kailangan din nating sundin Gawain 1 Panuto: Sundin ang sumusunod na direksiyon mula 1-4. 1. Gumuhit ng malaking parihaba. 2. Sa loob ng parihaba, isulat ang salitang “ Salamat po”. 3. Sa ilalim ng Salamat po ay maglagay ng guhit o salungguhitan ito. 4.Sa itaas ng parihaba ay gumuhit ng puso Gawain 2 Panuto: Pakinggan natin ang mga ibinibigay na hakbang ng ama sa kaniyang anak. Tanong: Ano anong mga panuto o hakbang ang ibinigay ng ama kay Caloy? 1. Pumunta ka sa bahay ng iyong Tiyo Caloy.
2. Kunin mo ang isang piling ng saging
3. Dumaan ka sa bahay ng iyong Tiya Silva. 4. Ibigay moa ng kalahating piling ng saging sa iyong Tiya Silva. 5. Pagkatapos ay umuwi ka na kaagad ng bahay. .