You are on page 1of 41

ARALING

PANLIPUNAN
WEEK 14 DAY 1
Ano-ano ang mga dapat at
di dapat gawin ng mga bata
sa loob ng kanilang bahay?
Magdaos ng isang talakayan tungkol
sa mga ugali o gawing ipinatutupad
sa kanilang tahanan.
A,L,I,T,U,N,T,U,N,I,N
A- ayusin ang pinagtulugan
L- linisin ang kalat
I- iwasang kumain ng junk food
T-tandaang magsabi ng ―po‖ at ―opo‖ sa nakatatanda
U-umuwi sa bahay sa tamang oras
N-nararapat na iligpit ang pinagkainan
T-tumulong sa gawaing bahay
U-umiwas sa labis na panonood ng telebisyon
N-nagpapaalam kung makikipaglaro sa kapitbahay
I-ipagpapatuloy ang mabuting pag-aaral
N- nagsasabi nang totoo sa lahat ng pagkakataon
Bilang isang mahalagang kasapi ng
iyong pamilya, bakit kailangan
mong tuparin ang mga
alituntuning ipiatutupad ng iyong
pamilya sa inyong tahanan?
Ano ang nauunawaan ninyo
patungkol sa mga alituntunin?
( Ito ay mga mabubuting ugali o gawi
na ipinatutupad ng mga magulang.)
Malasakit ni Lagrimas G. Papa

Sa baryo Balite ay may isang mag-anak na


kilala sa lugar dahil sa kanilang hanap-buhay at sa
kanilang mabuting pakikitungo sa kanilang mga
kapitbahay. Sila ang pamilya Dimagiba. Ang buong
pamilya ay nagtutulungan sa paghahanap- buhay
para matugunan ang pang araw- araw
pangangailangan. Ang ama ng tahanan ay kilalang
nangangalakal sa lugar at ang ina naman ay
naglalabada sa mga kapit-bahay.
Ang dalawang anak ay pumapasok sa
paaralan mula Lunes hanggang Biyernes at
tumutulong sa mga gawaing bahay tuwing
Sabado at Linggo. Isang Sabado, habang
naghahanapbuhay ang ama at ina ng pamilya
Dimagiba, nagkaroon ng malaking sunog sa
kanilang lugar.
Dali-daling umuwi ang mag-asawa sa
bahay dahil sa kanilang pag-aalala sa
iniwang mga anak sa tahanan.Pagkadating
nila sa bahay, nakita nilang nilamon ng
apoy ang kanilang bahay. Umiyak ng
napakalakas ang ina. Narinig ito ng
kaniyang mga anak na nagmamadaling
tumakbo sa kinaroroonan niya. “Inay, ligtas
po kami.”Ang sambit ng nakatatandang
kapatid.”
Iniligtas po kami ng ating kapit-bahay na si
Mang Andoy.” “Maraming Salamat, Andoy.”
Humihikbing wika ng ina. Walang anuman.
Sino-sino pa ba ng magtutulungan dito sa
ating barangay kung hindi tayo-tayo din.”
Nakangiting sagot ni Mang Andoy habang
tinatapik ang balikat ng ama ng mga bata.
Tanong:
1.Sino ang tumulong sa pamilya Dimagiba?
2. Ano kaya ang naramdaman ng pamilya Dimagiba
sa tulong na kanilang natanggap?
3.Kung ikaw ay kapitbahay ng pamilya Dimagiba,
anoanong tulong ang maaari mong ibigay sa
kanila?
4.Sa iyong palagay, bakit iniligtas ni Mang Andoy
ang mga bata?
 
Pangalan:________________________________
Araling Panlipunan
Basahing mabuti ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek /) ang patlang
kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagtugon sa mga alituntunin
ng pamilya at ekis (X) naman kung hindi.
 
___1. Nagliligpit ako ng pinaghigaan ko.
___2. Tumutulong ako sa paglilinis ng bahay bago maglaro.
___3. Naglilinis ako sa bahay kahit hindi ako inuutusan.
___4. Sumasagot ako ng may paggalang kapag ang kausap ko ay
nakatatanda.
___5. Ginugulo ko lang sina nanay at ate sa paglalaba.
ARALING
PANLIPUNAN
WEEK 14 DAY 2
Ano ang ang tawag sa
mga mabubuting ugali
o gawi na ipinatutupad
ng inyong mga
magulang?
Hikayatin ang bawat mag-
aaral na magbigay ng
halimbawa ng alituntunin
na ipinatutupad ng kanilang
mga magulang sa kanilang
tahanan.
Kailan natin dapat
tuparin ang mga
alituntuning ito?
Tumawag ng mga mag-
aaral na sagutin ang
katanungan
Pangkatang Gawain:
Gabayan ang mga mag-aaral na pumili ng kanilang kapareha.
Ipabahagi
sa magkapares na mag-aaral ang mga alituntunin na ipinatutupad sa
kanilang pamilya. Mahalagang matukoy nila ang mga alituntuning
parehong ipinatutupad sa kanilang mga sariling tahanan at kung alin
ang
magkaiba sila.
Kung kaya na ng iyong mga mag-aaral, maaaring gumamit ng Venn
Diagram sa pagpakita ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
alituntuning
ipinatutupad ng mga kasapi ng pamilya ng magkapareha na mag-
aaral
upang masanay ang kanilang murang isipan sa kritikal na pag-iisip.
Presentasyon ng
Awtput
Pag-uulat ng bawat
magkapareha
Tandaan
May iba‘t ibang alituntunin na
ipinatutupad sa bawat pamilya.
Nararapat lamang igalang ang mga
alituntuning ipinatutupad hindi
lamang sa iyong sariling pamilya
kundi maging sa ibang mga
pamilya.
Gumuhit ng larawan ng
inyong sarili na tumutupad
ng alituntunin para sa
inyong:
Kalusugan,pag-aaral at pag-
uugali.
ARALING
PANLIPUNAN
WEEK 14 DAY 3
Ano-ano ang iba’t-ibang
batayan ng mga
alituntunin?
Magpakita ng mga larawan ng mga masusustasiya at di
masusustansiyang pagkain.
Tukuyin ang mga ito
Ano ang kaugnayan ng
mga pagkain na ito sa
ating mga kalusugan?
Tumawag ng piling mag-aaral.
Pangkatin ang mga larawan ng masusustansiyang
at di masusustansiyang pagkain
Ipasulat sa kuwaderno ang isang
pangako at lalagdaan ito ng kanilang
mga magulang.
“Ipinapangako kong kakain ako ng
mga masusustansiyang pagkain
araw-araw”
ARALING
PANLIPUNAN
WEEK 14 DAY 4
Magbigay ng mga halimbawa ng
mga masusustansiyang pagkain
Ipaayos ang mga salita upang mabuo ang
pangungusap:

Pagkain ng Kumakain masusustansiyang

Anong tuntunin sa tahanan ang nabuo ninyo?


:Napapansin ba ninyo ang plato ng bata? May natira
bang pagkain?
Ginagawa mo rin ba ang kanyang
ginagawa?
Bakit mo ito ginagawa sa inyong
tahanan?
Ano ang mangyayari kung hindi
mo uubusin ang pagkaing inihanda
ng iyong nanaypara sa iyo?
Naimbita kayo ng kapitbahay mo na ng
kanyang kaarawan. Nakita mo na
punong-puno ang plato ng ate mo sa
kinuha niyang pagkain. Tama ba ito?
Bakit?
Tandaan :
Ang pag-ubos ng pagkain na
inihanda ng inyong magulang
isang tuntunin na dapat sundin sa
inyong tahanan.
Tama o Mali.
 
____1. Ubusin ang inihaing pagkain.
____2. Kumuha ng maraming pagkain sa handaan at wag itong
ubusin.
____3. Itapon ang tiring pagkain.
____4. Kumuha lamang ng kayang ubusin na pagkain.
____5. Ang pag-ubos ng pagkain ay mahalagang tuntunin.
ARALING PANLIPUNAN
WEEK 14 DAY 5
Performance Task No.3
 
Hatiin sa anim ( 6 ) na grupo ang
klase. Ipapakitang kilos ng bawat isa
ang mga alituntunin ng bawat kasapi
ng pamilya, Bawat grupo ay may
gaganap na ama, ina, mga anak at iba
pang kasapi ng pamilya.

You might also like