You are on page 1of 5

I.

Layunin

Pangunawa sa kahalagahanng pagiging magalang at maunawaain.

Nasasabuhay ang pagiging masuninurin at magalang sa komunidad nakanyang kinabibilangan.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Aralin 2 Pag sunod at pag Galang Gagawin ko ko kahit saan.

References: Kagamitan ng mag aaral (pp. 155-168)

Kagamitan:

Integrasyon: AP, ARTS, Filipino

Pag papahalaga: Maisasabuhay ang kahalagahan ng pagiging magalang at masunurin.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain:

Pagdadasal
Pagbati
Pag tingin kumg may liban

Pagganyank:

“Lobo mo sagot mo”


Ang Lobo ay iikot sa bawat mag-aaral kalakip ng
tugtog at ang bawat matitigilang ng lobo sa
pamamagitan ng pag tigil ng kanta ay syang
sasagot sa katanungan na nasa loob ng lobo.

1. Ikaw ba ay gumagamit ng po at opo? Ang mga mag aaral ay maaaring mag karoon ng
ibat-ibang kasagutan
2. Ikaw ba ay nag mamano sa mga matatanda?

3. Ikaw ba ay sumusunod sa mga iniuutos ng iyong


magulang?

4. Ikaw ba ay sumusunod sa mga alituntuning ng


iyong paaralan?

B. Aralin
1.Pag lalahad
Pag lalahad ng isang kwento na pinamagatang
Gusto ni Noel ng Surbetes

Ano ang dapat tandaan pag nakikinig ng kwento?

Ano pa?

Mahusay mga bata, ngayon uumpisahan na natin


ang kwento ni Noel.

Pag bibigay ng tanong ayon sa kwento na


pinamagatang “Gusto ni Noel ng sorbetes”

1. Ano ang gusto ni Noel mula sa kanyang nanay?


Ang gusto ni Noel na ibigay ng kanyang nanay ay
ang sorbetes.

2 .Umiiyak ka ba agad kapag hindi naibigay agad


ang gusto mo? Bakit? May ibata ibang kasagutan ang mag aaral.

3. ano ang alituntunin sa tahanan ang binanggit ni


Ginang Maligaya? Ang ibinigay na alituntunin ni Ginang Maligaya ay
kumain muna ng tanghalian, bago lantakan ang
sorbetes

4. Nasusunod mo rin ba ang alintuntuning iniutos


ng iyong mga magulang sa iyong tahanan? (Maaaring ang mag aaral ay magkaroon ng ibat
ibang sagot.)

5. Bakit mahalaga na sundin natin ang alituntuning


inutos sa atin n gating mga magulang? (Maaaring ang mag aaral ay magkaroon ng ibat
ibang sagot.)

2.PAG TATALAKAY:
Mag papanood ng Video na nag papakita ng
pagiging masunurin, at pagiging magalang na bata.

3. PAGSUSURI:
Ang klase ay hahatiin sa Apat para sa pangkatng
Gawain.
Bawat grupo ay bibigyan ng alituntunin nan aka
sulat sa makukulay na papel.

Mga bata kayo ay mahahati sa apat at bawat


grupo ay bibigyan ko ng alituntunin sa paaralan at
sa tahanan. Ang bawat alituntunin ay ididikit kung
saan ito isinagawa.
Bibigyan ko lang kayo ng tatlong minute para
maisagawa ang inyong pangkatang Gawain
maliwanag ba mga bata? Opo Teacher!.

Pero bago ang lahat mga bata ano nga ba ang


dapat tandaan habang kayo ay gumagawa ng
inyong Gawain? Ang dapat tandaan habang gumagaa ng gawain ay
una dapat sumunod sa panuto

Ano pa? Gumawa ng tahimik.

At ang pangatlo? Mag tulungan sa pag gagawa teacher.

4. PAG LALAHAT

Punan ng mga salitang susunod po ako ang mga patlang ng bawat pangungusap. Pagkatapos ay sabay
sabaysabay na basahin ang pangungusap.

1. ____________ sa mga patakaran sa tahanan na itinakda ng aking mga magulang.

2.____________ sa bawat utos ng mga nakakatanda sa aming ppamilya upang maging maayos at
mapayapa an gaming samahan.

3.____________ sa mga pinag kasunduang tungkulin ng aking mga kapamilya para sa ikabubuti at
ikaliligtas ng bawat isa.

4.____________ sa mga alituntunin na itinakda ng gaming guro at punong guro sa paaralan

5.____________ at makikiisa sa mga proyekto at programa ng paaralan para makamit ang lubos na
kaayusan kalinisan at kapayapaan ng lahat.

5.PAGLALAPAT

Isulat sa iyong kwaderno kung ang pangungusap sa bawat bilang ay NAKATUTULONG o HINDI
NAKATUTULONG

Nakatutulong- kung ito ay nakakapagpanatili ng kayusan at kapayapaaln sa tahanan


Hindi nakatutulong- kung ito a nakasisira sa kaayusan at kapayapaan sa tahanan

1. Hihingi ako ng paumanhin sa aking ate dahil natabig ko ng hindi sinasadya ang kanyang baso.

2. Ako ang dapat laging masunod sa aming magkakapatid dahil ako ang nakakatanda.

3. Mag hihintay ako ng tamang pagkakataon sa pag gamit ng banyo.

4. mag papaalam ako sa aking kapatid kung nais kong gamitin ang kanyang bola ng basketball.

5. Upang hindi ako mapagalitan ng aking nanay, ililihim ko na ako ang nakabasag ng kanyang salamin.

IV.PAGTATAYA

Isulat sa inyong kuwaderno ang titik ng tamang sagot sa bawat sitwasyon.

1. Naglalaro ang iyong ,ga nakababatang kapatid. Maya maya pa ay nariig mo na sila ay nag aaway. Ano
ang iyong gagawin?

a. sisigawan ko sila

b. ipapaalam koi to sa aking nanay

c. makikisali ako sa kanilang pag aaway.

2. Bawat isa sa inyong magkakapatid ay may nakatakdang gawaing bahay. Upang maiwasan ang hindi
pagkakasundo, ito ay:

a. dapat kong gawin

b. irereklamo ko sa aking magulang

c. hahayaan kong gawin ng aking nanay.

3. Kakausapin kayo ng inyong mga magulang tungkol sa dapat gawin upang maiwasan ang hindi
pagkakasunduan sa paggamit ng computer. Ano ang inyong gagawin?

a. pakikinggan ko ang sasabihin ng bawatisa.

b. ipipilit ko ang gusto kong mangyari dahil ako ang bunso

c. aalis ako habang naguusap sila upang mauna ako sa paggamit ng computer.

4.Hindi sinasadyang nagalaw ng kaklase mo ang iyong desk habang ikaw ay nagsusulat. Ano ang iyong
gagawin?

a. magagalit ako sa kanya

b. gagantihan ko sya.
c.pagpapasensyahan ko sya.

5. Malabo ang mata ng iyong kaklase kaa hidi na niya gaanong nababasa ang mga salita na nakasulat sa
pisara. Nakikiusap sya na magpalit muna kayo ng upuan mo na malapit sa pisara. Ano ang gagawin mo?

a. hindi ko papansinin ang kanyang pakiusap?

b. tutuksuhin ko sya dahil Malabo ang mata

c. pagbibigyan ko ang kanyang pakiusap.

V.KASUNDUAN

Isulat sa inyong kuwaderno kung anong alituntunin sa tahanan at paaralan ang dapat mong gawin sa
bawat sitwasyon.

1. Kailangan mo ng tambol para sa inyong pagtatanghal sa paaralan. Alam mo na mayroon nito ang
iyong ate. Ano ang gagawin mo?

2. Naglalaro kayo ng iyong mga kapatid sa sala. Sinabi ng inyong nanay na nagpapahinga ang inyong
tatay sa kanilang silid. Ano ang gagawin mo?

You might also like