You are on page 1of 56

ARALING

PANLIPUNAN
WEEK 8 DAY 1
Ano ano mga bata ang iba’t-ibang
alituntunin na tinalakay at
isinagawa ninyo sa inyong tahanan?
Tingnan ang mga larawan sa
pisara. Ano-ano ang ginagawa ng
mga bata?
Ayon sa mga larawan, sabihin ang akmang
sitwasyon sa paggawa o pagtugon ng mga
alituntuning ito.
Kumuha ng iilang sitwasyon sa loob ng silid
aralan at tutugunan ito ng mga piling bata .
Hal.1. May kalat na papel sa sahig.
2. Pakikipag-usap sa guro
Kailan natin dapat gawin o
isasabuhay ang pagtugon ng mga
alituntunin?
Kilalanin ang mga batang nagpapakita
ng dagliang pagtugon sa mga
sitwasyon sa silid aralan
Ano-anong sitwasyon ang madalas
mong natutugunan sa inyong tahanan.
Bigyan ng pagkakataon ang mag-
aaral na magkuwento
Gumawa ng talaan sa isang maliit na
kuwaderno ng mga alituntuning
tinitugunan mo sa inyong pamilya
Ang isang suliranin o sitwasyon ay
magiging magaan kapag kusa natin itong
tinutugunan para sa kapakanan ng ating
pamilya
Sagutin; Tama o Mali
____1. Dapat natin sundin ang mga alituntunin.
____2. Magiging maayos ang tahanan kahit walang
alituntunin na ipinatutupad.
____3. Dapat na sumunod ang mga nakatatanda
lang sa alituntunin.
____4. Hindi dapat pinasusunod sa mga alituntunin
ang mga bata.
____5. May katapat na kaparusahan ang pagsuway
sa tuntunin.
ARALING
PANLIPUNAN
WEEK8 DAY 2
Paano maging magaan at
madali ang mga tungkulin
natin sa ating tahanan?
Ang mga alituntunin ba na
ipinapatupad ng ating
pamilya ay magkakaiba kaya
sa ibang pamilya?
Ano ano ang mga alituntunin na
ipinapatupad ng mga magulang
ninyo patungkol sa:
-pag-aaral, sa pagkain at iba pa
Sabihin ang uri ng alituntuning ibibigay ng guro.
_________Pagbabasa ng mga aklat
_________Pagtulog nang maaga sa gabi
_________Pagliligpit ng mga laruan
_________Paghalik/pagmamano  
Pare-pareho ba ang mga
alituntunin na
ipinapatupad ng bawat
pamilya?
Ano-anong mga alituntunin
na magkapareho at
magkakaiba ang dalawang
bata?
Paano mo ipagmamalaki ang
iyong pamilya sa araw-araw
na pagganap mo ng mga
alituntunin?
Tandaan:
May iba’t-ibang alituntunin na
ipinapatupad sa bawat pamilya.
Nararapat lamang na igalang ang mga
alituntuning ipinapatupad kahit sa
ibang pamilya.
Gumuhit ng isang larawan na
magkakatulad sa iyong kaklase
sa pagtupad ng mga alituntunin
sa kanilang pamilya.
ARALING PANLIPUNAN
WEEK8 DAY 3
Ano-ano ang iba pang mga
alituntunin na kusa ninyong
isinagawa sa tahanan ninyo?
Itanong sa katabi ninyong kaklase.

Bakit mahalagang sundin ng mga mag-


aaral ang mga alituntunin ng inyong
pamilya?
Ginagawa mo lang ba
ito kapag sinusuhulan
kayo?
Kapag may gusto lang ba
kayong hihingin sa mga
magulang ninyo?
o dahil kusa mo itong
ginagawa ng walang
kapalit
Ano-ano ang nadagdag na
kakayahan sa pagtulong ang
naibahagi mo sa pamilya mo?
Magpalitan ng kapareha at
magbahaginan ng karanasan sa
pagtulong nila sa kanilang
pamilya at sa pamilya ng iba
Sikaping magtala sa
kuwaderno ng mga gawain na
nais matutunan upang
makatulong sa iyong pamilya
at sa iba.
Tandaan:
Tuparin araw-araw ang mga
alituntuning iniatang sa iyo at
igalang ang mga alituntunin ng
ibang pamilya.
Lagyan ng tsek (/) ang larawan na nagpapahalaga sa alituntunin at ekis ( X) kung hindi.

____

____

____
ARALING PANLIPUNAN
WEEK8 DAY 4
Muling balikan ang mga alituntunin tulad ng:
A-ayusin ang pinagtulugan
L –linisin ang kalat
I – iwasang kumain ng junk food
T – tandaang magsabi ng po at opo
U – umuwi sa bahay sa tamang oras
N- nararapat na iligpit ang pinagkainan
T – tumulong sa gawaing bahay
U – umiwas sa labis na panonood ng telebisyon
N – nagpapaalam kung makikipaglaro sa kapitbahay
I – ipagpatuloy ang mabuting pag-aaral
N – nagsasabi ng totoo sa lahat ng pagkakataon
Bakit mahalagang sundin ng
mga mag-aaral ang mga
alituntunin ng kanilang
pamilya?
Basahin ng guro ang kuwentong pinamagatang
“Ang Ilawan at Ang Gamugamo”
Pagkatapos basahin ang kuwento, itanong sa
mga mag-aaral:

a. Ano ang sinabi ng matandang gamugamo


sa batang gamu-gamo?
b. Ano ang ginawa ng
batang gamugamo?
c. Bakit hindi sinunod ng
batang gamugamo ang sinabi
ng matandang
gamugamo?
d. Ano kaya ang naramdaman ng
matandang gamugamo sa
kaniyang ginawang hindi
pagsunod?
d. Ano kaya ang naramdaman ng
matandang gamugamo sa
kaniyang
ginawang hindi pagsunod?
e. Ano ang nangyari sa batang
gamugamo?
e. Ano ang nangyari sa
batang gamugamo?
f. Kung ikaw ang batang
gamugamo, gagawin mo rin ba
ang kanyang
ginawa? Bakit o bakit hindi?
g. May mga pagkakataon ba na, tulad ng
batang gamugamo, hindi mo rin
sinusunod ang payo o utos sa iyo ng
iyong nanay o tatay?
Ikuwento mo nga ang iyong karanasan.
h. Sa inyong palagay, bakit
mahalagang sundin ang mga
alituntunin ng
inyong pamilya?
Pangkatang Gawain:
Gumuhit ng isang gamu-gamo
Panuto:
Sa kaliwang pakpak ng gamu-
gamo, magsulat ng mga hindi
mabuting dulot ng hindi pagsunod
sa mga alituntunin.
Ayon sa kuwentong narinig, ano ang
naunawaan ninyong dulot sa
pagsunod at hindi pagsunod sa mga
alituntunin.
Ano-ano ang kahalagahan ng
mga alituntunin sa buhay mo
bilang bata .
Itala ang kanilang mga sagot
ARALING
PANLIPUNAN
WEEK8 DAY 5
A. Anong alituntunin ng pamilya ang tumutugon sa sumusunod na sitwasyon ?
Bilugan ang tiik ng tamang sagot.
1. “ Kumain ka na ba Pepe ?” tanong ng iyong lola
a. Andiyan na ako.
b. Opo, Lola .
c. Ayokong kumain
d. Naglalaro pa ako.
2. Natulog na si Bunso, tapos na kayong maglaro ng mga uwing laruan ni Tatay.
a. Ililigpit ang mga laruan
b. Tawagin si Nanay para magligpit
c. Matulog na rin
d. Bukas iligpit ang mga laruan
3. Napakaganda ng palabras sa telebisyon,pero gabing-gabi na

a. Abangan ang napakagandang palabras


b. Hindi matutulog hanggat di ito napapanood
c. Ayain si Ate para samahan kang manood
d. Matulog na para maging masigla kinabukasan
4. Nakita mong naglilinis ng bakuran ang iyong Nanay at Tatay
a. Hintaying tawagin bago tumulong
b. Lumapit sa kanila at tumulong
c. Makipaglaro sa kapitbahay
d. Magtago para di mautusan
B. Ikahon ang kung alituntunin sa pamilya ang maririnig at naman kung hindi.
5. Tutulong lamang kung inuutusan
6. Gumagamit ng po at opo sa pakikipag-usap
7. Umiwas sa sobrang pagpupuyat
8. Iniiwan ang pinagtulugan pagkagising sa umaga

C. Bilugan ang larawang nagpapakita ng wastong pagtugon sa mga alituntunin sa pamilya.


( 9- 10 )
D. Bilugan ang titik T kung tama at ang titik M naman kung mali.
T M 11. Igalang ang alituntunin ng bawat pamilya.
T M 12. Sundin ang alituntunin ng pamilya paminsan-minsan.
T M 13. Nakikipaglaro sa bahay ng kamag- aral hanggang gabi.
T M 14. Umuwi sa itinakdang oras ng mga magulang.

E. Iguhit sa loob ng malaking bilog ang nakalakihan ninyong pagpapahalaga ng iyong pamilya.

You might also like