You are on page 1of 52

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO
WEEK8 DAY 1
Paano mo maiiwasang
masaktan ang damdamin ng
iyong kasambahay?
Paano mo siya dapat
tratuhin?
Sinasabi ba ninyo
kung saan kayo
pupunta? Bakit?
Iparinig ang kwento
Nagpaalam si Dennis na sasama siya sa
pamimingwit sa ilog malapit sa Hulo. Nang
matagal-tagal na silang nakaalis ay biglang
bumuhos ang malakas na ulan.
Kaagad-agad na sinundan ng kanyang ama si
Dennis. Tamang-tama ang kanyang pagdating
dahil hindi na sila halos makaalis sa umaapaw na
ilog.
1. Nagsabi ba si Dennis nang totoo kung saan siya
pupunta?
2. Ano ang nagyaring hindi inaasahan?
3. Bakit hindi sila makaalis-alis sa kanilang
kinalalagyan?
4. Nailigtas kaya sila ng ama ni Dennis?
5. Kung hindi kaya siya nagsabi nang totoo, ano
kaya ang maaring nangyari sa kanya
Lutasin:
1. Pinababalik ka ng iyong guro sa paaralan
upang tumulong sa paglilinis ng silid-
aralan.Paano ka magpapaalam sa iyong
magulang?
2. Kinukumbida ka ng kaklase mo sa kanyang
kaarawan. May gawain ka pa sa bahay. Paano
ka magpapaalam?
Sagutin kung ginagawa o hindi ginagawa.
___1. Umaalis ka ng
bahay na hindi nagpapaalam?
___2. Nagsasabi ka ng totoo kung saan ka
pupunta?
__3. Nagpapaalam na papasok sa paaralan
ngunit namamasyal ka.
Tandaan:
Sabihin ang totoo
kung saan pupunta.
Lagyan ng S kung sang-ayon at DS kung di-sang-ayon
 
__1. Nagpapaalam ako kapag aalis ng bahay.
__2. Sasabihin ko kay nanay na galing ako sa palaruan
pagdating ko sa bahay.
__3. Hindi nalang ako magpapaalam kay nanay na aalis ako,
kasi wala naman siya.
__4. Patakbong umalis ng bahay si kuya, hindi na siya
nagpaalam dahil hindi naman siya papayagan.
__5. Ang pagpapaalam ay isang magandang gawi na dapat
nating ugaliin.
Takda:
Mag-isip ng pangyayari sa inyong
tahahan na nagpapakita ng
pagpapaalam mo sa iyong nanay.
Humanda sa pagbabahagi nito sa
klase bukas.
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 8 DAY 2
Pagsagot sa takdang –aralin.
Bakit mahalaga na sabihin ang tunay na pook
na pupuntahan?
Kung di kaya sinabi ni Dennis ang totoong
lugar na pinuntahan niya mailigtas kaya sila
ng tatay niya?
Iparinig ang kwento tungkol kay Mario.
Maagang gumising si Mario upang maghanda sa kanyang
pagpasok. Hindi nagtagal siya ay nagpaalam na.
Ang totoo, hindi siya pumasok sa paaralan. Kasama ang barkada,
sila’y nagpunta sa mall. Doon sila namasyal at naglaro.
Nag-aalala ang mga magulang ni Mario. Dumidilim na ay wala
pa siya. Pagdating sa bahay, inusisa siya at nagsabi nang totoo.
Nangako na hindi na niya uulitin ang nangyari. Pinatawad
naman siya ng kanyang mga magulang.
Sina ang bata sa kwento?
Saan nagpunta ang barkada nina Mario?
Bakit nagalit ang kanyang tatay?
Ano ang ginawa ni Mario matapos siyang
makagalitan ng ama?
Sagutin:
Galing si Ben sa bahay ng kaklase niya at
naglaro sila ng holen buong araw. Tinanong
siya ng tatay kung saan siya galing. Sinabi niya
na sa paaralan lamang siya nagpunta at
maraming ipinagawa ang guro niya kaya
natagalan siya. Tama ba iyon? Bakit?
Medyo ginabi ng uwi si Lita galing sa paaralan.
Paano ay nakipaglaro pa siya sa kaklase
pagkatapos ng kanilang klase. Pag-uwi sa
bahay, sinabi niya na inuutusan pa siya ng guro
na maglinis. Tama ba ang ginawa niya?Bakit?
Tandaan:
Sabihin ang totoo kung saan
nanggaling.
Sagutin: Tama o Mali
1. Niyaya ka ng iyong kaibigan. Sumama ka nang di-
nagpapaalam sa iyong magulang.
2. Sinasabi sa magulang ang kasama sa lakad.
3. Ipinaalam sa magulang ang oras ng pag-uwi.
4. Hindi umuuwi sa takdang oras na ibinibigay ng
magulang.
5. Nagsabi kang kasama ang guro sa lakad ninyo, kahit
hindi totoo.
Takda:
Iguhit ang iyong mukha sa iyong kwaderno
at isulat sa ibaba.

“Ako ay batang matapat lagi akong


magsasabi kung saan ako pupunta at
kung saan ako galing.”
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK8 DAY 3
Bakit mahalaga na maayos
kang magpaalam kung saan
mo nais magpunta?
Kanino ka humihingi ng pera?
Sinasabi mo ba ba kung saan
mo ito gagamitin?
Iparinig ang kwento tungkol kay Jeb.
Naisip ni Jeb na bumuli ng laruan para sa kapatid niyang
magdaraos ng kaarawan. Ngunit wala siyang pera.“Inay, nais kop
o sanang bumuli ng laruan para kay Nina.”
“Naku, araw pa naman ng tyanggi ngayon. Husto lamang ang
perang pamalengke ko para sa isang lingo.
Kung talagang kailangan mo ay ibabawas ko sa pamamalengke
ang kailangan mo,” ang napapailing na ina.
“Huwag po muna ngayon.” Sabi ni Jeb.
1. Sinabi ba ni Jeb ang tunay na gamit ng perang
hinihingi niya?
2. Kaya ban g ina na ibinigay ang perang kailangan
niya? Bakit?
3. Ano ang sinabi ni Jeb na ikinasiya ng ina?
4. Tama ba ang ginawa ni Jeb? Bakit?
5. Nais ba ninyong tularan si Jeb? Bakit?
Lutasin:
Nanghihingi si Kevin ng pera sa
nanay niya.Sinabi niya na ibibili daw
niya ito ng proyekto pero teks lang ang
binili niya. Tama ba iyon?Bakit?
Basahin at sagutin:
Gusto ni Ben na bumili ng bagong lapis
dahil maikli na ang ginagamit niyang lapis.
Sinabi niya sa nanay na kung maari bang
bigyan siya ng pambili dahil nahihirapan na
siyang gamitin ang maikling lapis. Tama ba
ang ginawa niya?Bakit?
Bakit dapat mong sabihin ang
totoong gamit ng perang iyong
hinihingi?
Tandaan:
Laging sabihin ang totoong gamit
ng perang iyong hihingin.
Lagyan ng T kung tama at M kung hindi
 
__1. Humingi ako ng pera kay mama dahil bibili ako ng laruan.
__2. Sinabi k okay ate na may bibilin kaming proyekto pero
pambili k0 lang iyon ng laruan.
__3. Tinanong ako ni tatay tungkol sa perang hiningi ko at sinabi
ko naman kung saan ito gagamitin.
__4 Sasabihin ko kay nanay na may babayaran kami sa paaralan
kahit wala naman.
__5. Ang pagsasabi ng totoong gamit ng perang iyong hiningi ay
tanda ng katapatan.
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 17 DAY 4
Pinabili si Roy ng kuya niya sa
tindahan,
Dinagdagan niya ng dalawang
piso ang binili niyang
suka.Tama ba ang ginawa niya?
Bakit?
Ano ano ang mga bagay na
pinagkakagastahan mo sa
paaralan?
Kumakasya ba ang baong
binibigay sa iyo ng iyong
magulang?
Gusto ni Milo na makasali sa paglalaro sa mga kaklase niya pero wala siyang
pambili ng goma. Alamin natin kung ano ang gagawin niya.
Tama! Makakasali na ako sa paglalaro ng aking mga kaklase.
“Sasabihin ko sa nanay na P15.00 ang halaga ng pinabili niya sa akin. May
sosobra akong piso.“Tuwang-tuwa si Milo.Bumili siya ng pisong goma.
Nakipagpitikan siya ng goma sa mga kaklase. Hanggang maubos ang
goma. Pagkabigay niya ng mantika sa nanay niya, hindi ito nagustuhan ng
nanay niya. “Bakit kakaunti lamang ito?”Bukas ay pupunta ako sa tindahan
upang magtanong.” Natakot si Milo at napilitan siyang ipagtapat ang tunay na
halaga ng mantika. “Inay, hindi ko nap o uulitin ang aking ginawa.”
Nanghingi na ba kayo ng pera sa
inyong nanay?
Para saan ang inyong hiningi?
Sinabi nyo ba ang totoong gamit ng
perang inyong
hiningi? Bakit?
Sagutin”
1. Ano ang binalak ni Milo sa ipinabili ng nanay niya?
2. Ano ang ginawa niya sa sobrang pera?
3. Ano kaya ang mangyayari kapag tinanong ng nanay niya
ang binilhan niya?
4. Ano kaya ang gagawin ng ina sa kanya?
5. Tama ba ang ginawa niya? Bakit?
Lutasin:
Sinabi ng guro ninyo na may babayaran
kayong piso para sa Xerox copy ng inyong
babasahin. Parang gusto mong sabihing
limampiso para may ibibili ka ng laruan. Ano
ang iyong huling pasya?
Bakit mo dapat sabihin ang
tunay na halaga ng bagay na
iyong binili?
Tandaan:
Magsabi ng totoo. Laging
sabihin ang tunay na halaga ng
bagay
na binili.
Sagutin: Tama o Mali
_____1. Sabihin ang totoong halaga ng pinagbabayaran ng
guro sa magulang.
_____ 2. Dagdagan ang halaga ng pinananayaran ng guro sa
magulang.
_____ 3. Sabihin ang totoong dahilan kapag hihingi ng pera sa
magulang.
_____ 4. Mangupit ng pera sa pitaka ng nanay kapag hindi ka
pinagbigyan sa hinihingi.
_____ 5. Huwag sasama ang loob kung hindi kaya ng iyong
magulang na bigyan ka ng hinihingi mong pera o bagay.
Takda:
Lutasin:
May binili ka sa tindahan. Nang pauwi kana,
napansin mo na sobra pala ng limampiso ang
sukli sa iyo. Ano ang gagawin mo?
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK8 DAY 5
Bakit mo kailangang sabihin
sa iyong magulang ang tunay
na halaga o presyo ng bagay
na bibilin mo?
Naranasan mo na ba na
makatanggap ng labis o
sobrang sukli? Ano ang
ginawa mo?Bakit?
Sa Kantina
Oras ng rises, nakapila ang mga bata habang bumibili ng
merienda sa kantina. Puto at jus ang binili ni Janine.
Nagbayad siya ng limampiso para sa puto at limampiso para sa
jus. Nakabalik na siya sa silid-aralan nang mapansin niya na sobra
ng limampiso ang naisukli ni Ate Tere sa kanya. Dali-daling
bumalik sa kantina si Janine at isinauli ang sobrang sukli. Dahil sa
kanyang ginawa, nahirang siyang” Star Kid.” Yon ang ibinibigay sa
mga batang tulad niya na nagpapakita ng katapatan sa kanilang
paaralan. Tuwang-tuwa ang guro ni Janine sa kanya.
1 Anong oras naganap ang kwento?
2. Bakit nagbalik si Janine sa kantina?
3. Anong ugali ang ipinakita ni Janine?
4. Ano ang nagging gantimpala niya?
5. Kaya mo bang gayahin si Janine?
Pakinggan:
Ang Batang Matapat
Minsang inutusan ang batang si Juan
Para bumili ng ulam, doon sa tindahan.
Halaga ng binili ,totoong sinabi
Pati na ang sukli, kanyang isinauli.
Sagutin:
1. Sino ang batang nautusan?
2. Ano ang bibilin niya?
3. Saan siya bibili?
4. Ano ang isinauli niya?
5. Anong uri ng bata si Juan?
Lutasin:
Pinabili kayo ng inyong guro ng
aklat-sanayan sa halagang limampiso.
Binigyan ka ng nanay ng sampung piso.
Ano ang iyong gagawin sa sukli?
Ano ang dapat mong
gawin sa labis o sobrang
sukli?
Tandaan:

Isauli ang sobrang


sukli.
Lagyan ng / kung tama at X kung mali.
__1. Ibinalik ni ate ang sobrang sukli ni Ate Ana sa kanya.
 
__2. Dahil kailangan ni kuya ng pera, hindi na niya isinoli kay
nana yang sobra sa perang hiningi niya.
__3. Binilang ni Allen ng sukli niya at nalaman niyang ito ay sobra
kaya agad niya itong isinoli.
__4. Hindi na naalala ni nana yang kanyang sukli sa tindahan kaya
hindi na ito ibinigay ng tindera.
__5. Ang pagsasauli ng sobrang sukli ay tanda ng pagiging
matapat.
Takda:
Isaulo
Ako ay natatangi. Ang bawat
batang katulad ko ay may
kakayahan. Pauunlarin ko ang aking
sarili.

You might also like