You are on page 1of 21

Department of Education

Division of Island Garden


City of Samal
6
Layunin
Nasasagot ang tanong sa kuwentong
napakinggan
Balikan
Ipalaro ang charade.
Umisip ng isang pangalan.Pahulaan ito sa mga kaklase. Sa
pamamagitan ng pagsasabi ng:
Ito ay may _____ pantig.
Katugma ng salitang ________.
Ito ay (magbibigay pa isang clue.)
Anong salita ito?
Magpakita ng isang halimbawa.
Ito ay may dalawang pantig.
Kasintunog ng kamay.
Ito ay isa sa mga pangunahing pangangailangan.
Ano ito?
Paghawan ng Balakid
Bago natin basahin ang kuwento ni Jose atin munang
alamin ang kahulugan ng ilang salitang ginamit dito. Basahin
ang mga pangungusap. Tukuyin ang kahulugan ng mga
salitang nasa loob ng kahon sa pamamagitan ng mga salitang-
ugat nito.
1. Magtatanghalian ang buong mag-anak sa isang kainan na
malapit sa kanilang bahay.
2. Bago umuwi, dumaan muna si Roy sa isang tindahan
upang bumili ng kakailanganin sa kaniyang takdang-aralin.
3. Ang batang magalang ay kinagigiliwan ng lahat.
Pangkatin ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng set ng
jumbled letters. Bigyan sila ng ilang minuto upang iayos ang
mga letra at makabuo ng salita.

A N G A L A M G

H T N N A D A I
Anong salita ang nabuo mo sa
mga letra na nasa bawat kahon?
Ano ang naaalala mo sa
dalawang salita na nabuo?
Bakit kaya tinawag na batang
magalang si Jose?
Isulat sa organizer ang mga sagot na ibibigay ng mga
mag-aaral.

Si Jose ang
Batang
Magalang

Ipabasa sa mga mag-aaralang natapos na organizer.


Gawin Natin

Si Jose, Ang Batang Magalang


ni Arjohn V. Gime
Bukas ay araw na ng pasukan. Lahat ng mga mag-aaral ay
sabik ng pumasok sa paaralan. Habang nag-aayos ng gamit si
Jose para sa kaniyang unang araw sa ikaapat na baitang, bigla
siyang tinawag ng kaniyang Nanay Lorna. Agad namang lumapit
si Jose sa kaniyang ina.
“Jose, magtatanghalian na, bumili ka muna ng mga
kakailanganin natin para sa lulutuin kong adobong manok.”
“Opo. Ano po ba ang bibilhin sa tindahan? Tanong ni Jose.
“Bumili ka ng paminta, mantika, suka, at toyo” tugon ni Nanay
Lorna kay Jose.
“Sige po Nay! Tugon ni Jose.
Pumunta na si Jose sa pinakamalapit na tindahan ni Mang
Melchor.
“Magandang tanghali po, Mang Melchor!” bungad ng
masiglang bata sa may-ari ng tindahan.
“Magandang tanghali rin sa iyo. Ano ang bibilhin mo?”
tanong ng tindero sa bata.
“Pinabibili po ako ni Nanay ng halagang limang pisong
paminta, isang bote ng mantika, suka at toyo.” “magkano po
lahat?”tanong ni Jose.
“Limang pisong paminta, bente pesos ang mantika, sampung
piso ang suka at kinse pesos naman ang toyo. Kaya lahat-lahat
ay limampung piso,” ang tugon ng nakangiting tindero.
”Salamat po, Mang Melchor,” “Walang anuman, Jose!”
Sa kaniyang pag-alis ng tindahan, nakasalubong naman niya si
aling Helen na kanilang kapitbahay.
“Magandang araw po, Aling Helen. Pupunta pala kayo rito
sana ako na lamang ang pinabili ninyo para hindi na kayo
napagod.” “Naku oo nga e, may kulang pala ako sa aking
lulutuing pananghalian. O di ba may pasok ka na bukas?”
“Opo kaya nga po nag-aayos na ako ng aking mga gamit at
hindi muna ako nakipaglaro sa aking mga kaibigan upang
makapagpahinga. Maghapon na naman po kasing titigil sa
paaralan at hindi na makatutulong sa tanghali. Sige po mauna na
ako.”
“Magandang araw po, Mang Caloy, pahinga muna
kayo,”ang kaniyang bati sa kaibigang abala sa pag-aayos ng
kaniyang sirang tricycle, sabay kaway.
“Uy, Ben.Kumusta? Handa ka na bukas? Umuwi ka na at
mainit na ang sikat ng araw. Pasukan na natin bukas. Sige
ka,ikaw rin baka magkasakit ka e, mamis , mo ang mga
mangyayari sa unang araw ng pasukan natin, Ang paalala ni
Jose sa kaniyang kaklase na abala sa pagbibisikleta malapit sa
kanilang bahay.
At sa wakas, nakauwi rin si Jose sa kanilang bahay. May
ngiti sa labi dahil nakatulong siya sa kaniyang nanay at nakita
niya at nabati ang mga taong malapit sa kaniyang puso.
Sa isip niya, napasaya rin niya kahit papaano ang mga
taong kaniyang nakita sa pagbili niya sa tindahan ni Mang
Melchor.
Paano ipinakita ni Jose ang pagiging magalang?
Bakit sinasabing batang
magalang si Jose?
Tama ba ang mga
hulang ginawa ninyo
kanina?
Gawin Ninyo

Pangkatang Gawain

Isang pangkat, isang set ng tanong. Basahin


ang mga tanong at pagkatapos pumunta sa
itinakdang lugar upang simulan ang gawain.
Ako at ang Aklat

“Ang sagot ay makikita sa aklat o kaya’y Sino ang pupunta ng tindahan?


iisipin muna bago hanapin.” (1 puntos)
Ano-ano ang ipinabibili ni Nanay Lorna sa kanya?
( 1 puntos)
Kaninong tindahan siya bumili? ( 1 puntos)
Ano-anong pahayag ang ginamit ng bata na
nagpakita ng pagiging magalang? ( 3 puntos)

Ako at ang May-Akda

“Ang sagot ay nasa awtor at iyo o kaya’y Ilarawan ang isang batang magalang?
nasa isipan mo. (1 puntos)
Kung ikaw si Jose , gagayahin mo rin ba ang mga
sinabi niya sa kaniyang Nanay Lorna at Mang
Melchor? Bakit?( 5 puntos)
Gawin Mo

Katulad ka ba ni Jose? Bakit?


Bakit hindi?
Gawin Mo

Gumuhit ng isang traffic lights sa inyong kuwaderno.


Sa itaas na bilog, isulat ang mga gawain mo na
nagpapakita ng kawalang paggalang. Kulayan ito ng pula.
Sa gitnang bilog, isulat ang mga bagay na hindi mo pa
nagagawa upang maipakita ang pagiging magalang.
Kulayan ito ng orange.
Sa ibabang bilog, isulat ang mga gawain mong
ipagpapatuloy na nagpapakita ng iyong pagiging
magalang. Kulayan mo ito ng berde.

You might also like