You are on page 1of 3

ESP

Third Quarter
Week 2
Aralin: Pagsunod sa mga Tamang Tagubilin o Paalala ng mga Nakatatanda.
Layunin
Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagsunod sa tamang tagubilin ng
nakakatanda.

Balik Aral:
Iguhit ang (/) kung nagpapakita ng kaugaliang Pilipino at ekis (X) kung hindi.

_____1. Nagmamano sa mga nakakakatanda sa akin.


_____2. Gumagamit ng po at opo sa pakikipagusap sa mga nakakatanda.
_____3. Tinatawag na ate at kuya ang mga nakakatandang kapatid.
_____4. Laging binabati ang mga nakakasalubong ng magandang umaga o hapon.
_____5. Kung aalis ng bahay ay nagpaapalam sa mga magulang.
Alamin:
Ikaw ba ay sumusunod sa mga tagubilin ng iyong mga magulang o sinumang nakatatanda
sa inyong tahanan? Basahin mo ang kuwento ng magkaibigang Roy at Jun.

Buti na lang!
ni Sherly L. Izon

Oras na ng uwian, iniligpit na ni Roy ang kanyang mga gamit para sa paguwi.
Paglabas niya ng silid aralan ay naghihintay na sa kanya ang kanyang kaibigan na si
Jun.
“Roy! Roy!” tawag ni Jun. Luminga-linga si Roy at hinanap ang pinanggalingan ng
boses. Nakita niya ang kaibigang si Jun na nakatayo sa tabi ng bakod. Patakbong
nagtungo si Roy kay Jun. “Bakit Jun, parang excited na excited ka?”tanong ni Roy.
“Halika sumama ka sa amin nina Den, pupunta kami sa bagong bukas na computer
shop doon sa kabilang kanto,” yaya ni Jun. “Naku hindi ako puwedeng sumama Jun
pasensya na ha. Ang bilin kasi ni nanay umuwi ako agad pagkatapos ng klase,”sagot
ni Roy. “Sandali lang naman tayo ano ka ba, sigurado ako magugustuhan mo din
doon kasi maraming bagong malalaro sa computer nila”masayang wika ni Jun.
“Sumama ka na ilang minuto lang naman tayo doon e,”pangungulit ni Jun. “Pasensya
na talaga Jun sa susunod na lang ako sasama, magpapaalam muna ako kay
nanay,”sagot ni Roy.
“Sige ikaw ang bahala, basta ako sasama kina Den, kapag tinanong ka ni nanay sabihin
mo hindi mo ko nakita ha”wika ni Jun. “Ha? akala ko ba sandali ka lang, hahanapin ka
sigurado ng nanay mo”nag-aalalang wika ni Roy. “Ngayon lang naman ito Roy,
ako na ang bahalang magsabi ng dahilan kay nanay ko. Basta huwag mong
sasabihing pupunta ako ng computer shop,”wika ni Jun. “Umuwi ka na lang kaagad
Jun”, sagot ni Roy. Pero nagtatakbo nang umalis si Jun.
Pagka-uwi sa bahay ay nagmano si Roy sa kanyang nanay at pumasok na sa
kanyang silid upang magpalit ng damit pambahay. Nagdilig muna ng halaman si Roy
at pinakain niya ang kanilang mga alagang manok at bibe.“Anak magmeryenda ka
muna. Pagkatapos gawin mo na ang iyong mga takdang aralin,”wika ni nanay. “Opo
nanay, salamat po,” sagot ni Roy.
Dumating ang tatay ni Roy at siya ay nagmano.“Naku Roy kanina sa kanto nakita ko
isinugod sa ospital si Aling Lota,” wika ng tatay ni Roy. “Bakit daw po tatay ano po
kaya ang nangyari?” tanong ni Roy sa ama. “Dahil kay Jun, ang tigas pala ng ulo ng
batang iyon. Kinuwento ng ama kung bakit tumaaas ang presyon ng nanay ni Jun.
Basahin at sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang magkaibigan sa kwento?
2. Saan inaaya ni Jun si Roy? Pumayag ba si Roy? Bakit?
3. Ano-ano ang mga ginawa ni Roy pagkauwi niya sa bahay?
4. Ano ang balitang hatid ng tatay ni Roy?
5. Kung ikaw ang papipiliin, sino ang tutularan mo si Roy o si Jun? Bakit?

Gawain 1:
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tagubilin ng ating mga nakakatanda.
Piliin ang letra.
A. Huwag magpaalam sa nakatatanda kapag aalis ng bahay
B. Huwag sasali sa usapan ng nakatatanda
C. Huwag pababayaan ang mga nakababatang kapatid
D. Magpasalamat sa mga bagay na ibinibigay sa iyo.
E. Umuwi kaagad sa bahay pagkagalilng sa paaralan

Gawain 2
Punan ng mga salitang nasa loob ng kahon ang mga patlang.

tagubilin nakatatanda makabubuti

paggalang pamilya

Ang pagsunod sa 1.________ ay isang ugali na dapat taglayin sapagkat ito ay


pagpapakita ng 2._______________ at pagmamahal sa mga 3._______________ sa
atin. Ang isang 4. _______________ ay laging masaya kapag sinusunod ng bawat
isa ang mga tagubilin na 5._______________ sa kanila.

Tandaan:
Isa sa mga magagandang kaugalian nating mga Pilipino ay ang pagsunod sa tamang
tagubilin o paalala ng mga nakatatanda. Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging
masunurin lalo na sa mga nakatatanda. Isa ito sa mga kaugalian na dapat nating
ipagmalaki. Ang pagsunod sa tagubilin ay nagdudulot ng kasiyahan sa ating mga
magulang. Ito ay isang paraan ng pagpapakita natin ng paggalang at pagmamahal sa
mga nakatatanda.
Pagtataya:
Sa iyong sagutang papel, isulat ang T kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pagsunod sa tagubilin at M kung hindi.

1. Nagpupunta muna si Ron sa bahay ng kaibigan niya bago umuwi sa kanila.


2. Kapag may bisita sina nanay at tatay, hindi ako nakikisali sa kanilang usapan o
kwentuhan.
3. Laging nagpapasalamat si Lulu sa mga bagay na binibigay sa kaniya.
4. Putlang-putla na si Mike sa kakapuyat niya sa paglalaro ng iba’t ibang games sa
cellphone.
5. Hindi umaalis ng tahanan si Biboy nang hindi nagpapaalam sa mga nakatatanda sa
kanilang pamilya.

You might also like