You are on page 1of 32

NOT

 FOR  SALE

$0.1*-&%
Instructional Materials
For K12
COMPILED  FOR  EDUCATIONAL  PURPOSES  ONLY
Instructional  Support  Network  (ISN)
isncompiler@gmail.com

5
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
(EsP)

PCN-­ESP05-­G2-­WK11-­19-­A
Baitang 5

PAGBIBIGAY NG IMPORMASYON SA KINAUUKULAN,


MALAKING TULONG SA IKAAAYOS NG PAMAYANAN

Alamin Mo

Alam mo ba ang mahahalagang numero ng teleponong dapat matawagan sa panahon ng


pangangailangan? Kanino ka magbibigay ng impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa iyong
pamayanan? Dapat ba itong ireport? Ano ang maitutulong nito sa pamayanan?

Sa modyul na ito, matututuhan ang kahalagahan ng pagbibigay ng impormasyon sa


kinauukulan at ang naitutulong nito sa ikaaayos ng pamayanan.

Pag-aralan Mo

Pag-usapan ang larawan.

Ano ang ipinakikita sa larawan? Kanino dapat ipagbigay-alam ang pangyayaring ito lalo
na kung nakapeperwisyo sa pamayanan? Bakit?

1
Basahin ang kuwento.

Di Na Po Uulit

Abala sa pag-aaral si Peping. May pagsusulit siya sa Matematika kinabukasan.


Sinasagot niya ang ilang pagsasanay nang marinig niya ang malakas na awitan ng mga
nag-iinuman sa tapat ng kanilang bahay.
“Pinoy  ako!    Pinoy  tayo!”    Bahagi  ito  ng  sikat  na  awitin ng palabas sa telebisyon.
Gusto niya ang awitin, subalit kailangan niyang magrebyu. Patuloy pa rin ang malakas
na kantahan.
“Wa  n  ng!    “Wa  n  ng!”  tunog  ng papalapit na patrol car ng barangay.
“Magandang  gabi  po,  Mang  Larry. Nagkakasayahan pala kayo rito. Doon na po
kayo sa loob ng inyong bahay. Bawal po kasi ang nag-iinuman sa kalye. Gabi na po,
nakaaabala po kayo sa mga kapitbahay ninyo,”    ang  sabi  ng  kapitan ng barangay.
Napag-aralan niyang kailangang ipagbigay-alam sa kinauukulan ang mga
pangyayaring hindi kanais-nais sa pamayanan.

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

 Paano napahinto ang inuman sa tapat ng silid ni Peping?


 Tama ba ang ginawang pagtawag ni Peping sa kapitan ng barangay?
 Kung ikaw si Peping, magagawa mo kaya ang ginawa niya? Ipaliwanag
ang iyong sagot.
 Ano-ano kayang pangyayari ang maaaring ireport sa barangay?
 Makakaya mo bang iparating ang mga ganoong pangyayari sa barangay?
 Paano mo ito gagawin?

Isaisip Mo

Maging mapagmasid sa paligid ng pamayanan. Ireport ang mga di kanais-nais na


pangyayari tulad ng:

 pagtatapon ng dumi sa ilog.


 paggagala ang mga hayop sa loob ng paaralan.
 pangunguha ng kable ng kuryente.
 paglalaro ng mga bata sa daan sa oras ng klase

2
Isapuso Mo

Alin ang irereport kay Kapitan? Lagyan ng tsek () kung dapat itong iparating o
ireport at ekis (X) kung hindi. Gawin sa kuwadernong sagutan.

_____ 1. Maraming aso ang dumudumi sa kalye.


_____ 2. Nagkukuwentuhan sa bangketa ang magkumpareng Danny at Wally.
_____ 3. May binatilyong sisilip-silip sa bahay ni Aling Patsy.
_____ 4. Nangongolekta ng taya ng huweteng si Mang Artem.
_____ 5. Naglalagay ng mga nakapasong halaman sa bangketa si Aling Flora.

Isagawa Mo

Magtala ng mga pangyayari na maaaring ipaabot sa pamunuan ng barangay sa tulong ng


iyong mga kaibigan. Pag-usapan ninyo kung paano ipaaabot ang mga pangyayari na inyong
naitala.

3
Baitang 5

KUSANG PAGBIBIGAY NG TULONG

Alamin Mo

Ano ang masasabi mo sa larawan sa itaas? Naging saksi ka na ba sa ganoong pangyayari?


May ginawa ka bang hakbang upang makatulong sa nangangailangan? Ano kaya ang nararapat
gawin sa mga ganitong sitwasyon?

Ang modyul na ito ay tumutukoy sa kusang pagbibigay ng tulong sa mga taong


nangangailangan lalo na sa panahon ng sakuna, kalamidad, o pambibiktima ng masasamang
loob.

1
Pag-aralan Mo

Basahin at unawain ang sumusunod na kuwento.

Karanasan Sa Paaralan

Isang umaga, nagulantang ang mga batang kasalukuyang nagririses. May biglang
sumigaw sa labas ng kantina.
“Naku!  Nabuwal  ang  bata!  Hinimatay  na  naman  si  Carlos  Kisay,”  sambit  ng  mga  bata.
Sa pagbagsak ni Carlos ay nasagi niya ang isang batang babaeng nagdaraan sa harap
niya. Sabay silang natumba. May sumaklolo agad sa batang babae ngunit walang lumapit kay
Carlos.  Takot   sila  sa  hitsura  nito  na  animo’y  kinuryente. Isa siyang mag-aaral na nangingisay
kapag sinusumpong ng sakit na epilepsy.
Nakita ni Joel ang pangyayari. Kaagad niyang niyapos ang ulo nito upang hindi tumama
sa semento. Ipinasok niya ang panyo sa bibig ni Joel upang hindi nito makagat ang dila. Ganito
ang nakikita niyang ginagawa ng kanyang lolo kapag inaatake ang kanilang kapitbahay.
“Hay, salamat!” sabi ng nakakita sa nangyari. “Mabuti na lang mabilis si Joel, kung hindi
baka kung ano  na  ang  nangyari  kay  Kisay.”
Binuhat ni Joel si Carlos at dinala sa klinika. Naging usap-usapan ang ginawa niya sa
araw na iyon.
Lingid sa kaalaman ni Joel, nagpunta ang mga magulang ni Carlos sa tanggapan ng
prinsipal at ipinasundo siya.
“Maraming  salamat  at  hindi  ka  natakot  sa  anak  ko,”  bungad  ni  Gng.  Gonzales.  “Mahina
talaga ang katawan niya ngunit hindi naman nakahahawa ang sakit  niya.”
“Wala  po kayong alalahanin. Ginawa ko lamang po ang  nararapat,”  pakumbabang  sagot  
niya.
“Tanggapin  mo  ito,”  sabi  ni  Gng.  Gonzales  na  iniaabot  ang  isang  sobre  kay  Joel.
“Aba, hindi po! Huwag po ninyo akong abutan niyan. Sabi po ng mga magulang ko, ang
tunay  na  pagmamalasakit  sa  kapwa  ay  hindi  naghihintay  ng  kabayaran,”  paliwanag  ni  Joel.

o Sang-ayon ka ba sa ikinilos ni Joel? Bakit?


o Dapat ba siyang tularan?
o Kung ikaw si Joel, gayon din ba ang gagawin mo? Bakit?

2
Isaisip Mo

Ang kusang pagtulong ay nararapat gawin na hindi nangangailangan ng kabayaran.

Isapuso Mo

Lagyan ng tsek () ang hanay na nagpapakita ng tamang gawain. Itala sa kuwadernong
sagutan.

 
1. Maraming dala nang umagang iyon si Gng.
Reyes. Sinalubong agad siya ni Rubie at kinuha
ang dala-dalahan nito.
2. Napasubsob ang matandang nakatungkod nang
humakbang siya sa gilid ng kalsada. Walang
pumansin sa kaniya.
3. Kitang-kita ni Tony na hindi makatawid ang
isang matanda sa kabila ng kalye. Binalikan
niya ito at inakay.
4. Iyak nang iyak ang isang batang halos tatlong
taong gulang. Hinahanap niya ang kaniyang
nanay. Dinala ni Dina sa himpilan ng pulisya
ang bata.
5. Nabundol ng kaskaserong drayber ang taong
tumawid sa daan. Tinakbuhan ng tsuper ang
kaniyang kasalanan.

3
Isagawa Mo

Sumulat ng maikling talata sa inyong kuwaderno kung ano ang nararapat gawin sa
sumusunod na pagkakataon:

A. Naging saksi ka sa isang aksidente sa daan. Tumilapon ang isang traysikel sa tabing-
kalsada nang kaladkarin ito ng rumaragasang “delivery van”. Hindi huminto ang drayber
at iniwan ang mga sugatan.
B. Naipit ang alagang tuta ni Bobby sa bakod ng kapitbahay. Nag-iiyak ito dahil sumisikip
nang sumisikip ang pagkakaipit niya habang nagpupumiglas. Gusto mong alisin ito sa
pagkakaipit ngunit takot ka namang makagat nito.

4
Baitang 5

BUNGA NG SARILING PAGPAPASIYA

Alamin Mo

Sa modyul na ito, matututuhan mo na ang pagpapasiya o pagsasagawa ng desisyon ay


nangangailangan ng masusing pag-aaral at mga batayan. Ang makatarungang pagpapasiya ay
ginagamitan din ng iba’t  ibang estratehiya.

Pag-aralan Mo

Naranasan mo na bang angkinin ng iba ang iyong laruan tulad ng nasa larawan?
Basahin ang kuwento tungkol ditto. Sagutin ang mga tanong.

1
Basahin.

Dalawang batang lalaki ang nag-aagawan sa isang laruan. Dumating ang   guro   at   sila’y  
inawat. Nagpaliwanag ang dalawang bata.
“Ma’am,  inaangkin  po  niya  ang  laruan  ko,”  anang  batang  si  Victor.
“Ma’am, akin po ito. Naiwanan   ko   lang   po   no’ng   isang   araw   sa   ilalim   ng   desk,”  
paliwanag ng batang si Romy.
Ayaw magpatalo sa isa’t  isa sina Victor at Romy sa pag-angkin ng laruang robot. Saglit
na nag-isip ang guro. Hindi niya malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo. Kinuha niya ang
robot. Kumuha ng martilyo sa drawer.
“Sisirain   ko   na   ang   robot   na   ito   upang   di   na   pakinabangan   at wala na kayong pag-
aawayan.”
“Sige  po  Ma’am!”  sang-ayon  ng  unang  bata.  “Para hindi na makipag-agawan si Romy sa
akin,”  patuloy  niya.
Inilapag ng guro ang robot sa mesa at umastang mamartilyuhin ito.
“Huwag  po  Ma’am, kawawa po ang robot ko! Ibigay niyo na lang po Ma’am  kay  Victor.”
“Sige  na  po  Ma’am  wasakin  na  po  ninyo!”  sulsol  ni  Victor  sa  guro.
“Kunin mo na Victor para di masira! ‘Pag nagsawa ka na, huwag mong itapon. Ibigay
mo  na  lang  uli  sa  akin  si  Volter  V,”  pakiusap  ni  Romy.
Hindi itinuloy ng guro ang pagmamartilyo ng laruan. Ang totoo hindi naman niya
talagang gagawin iyon. Sinubukan lamang niyang malaman kung sino talaga ang tunay na may-
ari ng laruang robot.
“Sa  iyo  ang  robot, Romy.  Heto  kunin  mo!”  ang  sabi  ng  guro.  “Palibhasa  hindi  ito  sa iyo
Victor   kaya   wala   kang   malasakit   sa   laruan!”   Hindi nakaimik si Victor. Nagtataka siya kung
bakit mabilis na nalaman ng guro na talagang hindi kaniya ang laruan.

1. Sa kuwentong binasa, ano ang pinag-aawayan ng dalawang bata?


2. Bakit gumamit ng estratehiya ang guro bago nagpasiya?
3. Ano ang ginawa ng guro upang malaman kung sino ang tunay na may-ari ng laruan?

Isaisip Mo

Ang masusing pag-aaral sa isang sitwasyon ay kinakailangan bago magsagawa ng


nararapat na pasiya.

2
Isapuso Mo

1. Nag-ipon ka ng pera para mabili mo ang lahat ng gusto mong laruan. Marami ka nang
naipon. Narinig mo ang nanay mo na nagsasabing wala siyang pambili ng bigas dahil
wala pang suweldo ang tatay mo. Kaya mo bang ibigay ang naipon mo? Bakit?
2. Nabalitaan mong nagalit sa iyo ang iyong pinsan. Hindi mo alam ang dahilan. Magagalit
ka na rin ba sa kaniya? Ano ang gagawin mo? Bakit?

Isagawa Mo

Basahin ang sumusunod: Lagyan ng tsek () ang hanay na nagpapahayag ng iyong
saloobin.

Paminsan-
Gawain Oo Hindi Minsan
1. Pumapanig kaagad sa kaibigan o kamag-anak
kahit hindi mo pa alam ang puno at dulo ng
pangyayari.
2. Naghahanap ng paraan upang malaman ang
totoo tungkol sa dahilan ng away ng kaibigan,
kaklase, at kamag-anak.
3. Nagpapasiya agad kahit hindi pa nalalaman ang
dahilan ng sigalot o away.
4. Pinagsisikapan na maging makatarungan sa
mga ginagawang pasiya.
5. Tinitingnan ang magkabilang panig ng isyu
bago magsabi ng sariling saloobin.

3
Baitang 5

OBLIGASYON KO, TUTUPARIN KO

Alamin Mo

Bawat relihiyon ay may mga ipinasusunod sa mga kasapi nito. Sa relihiyong iyong
kinaaaniban, ano-ano ang mga ito?

Sa modyul na ito, magkakaroon ka ng kaalaman tungkol sa mga obligasyong


ipinatutupad  ng  iba’t  ibang relihiyon.

Pag-aralan Mo

Katoliko si Aling Flora, nagbibisita-Iglesia Muslim si Jamil. Hindi siya


ang mag-anak niya tuwing Mahal na Araw. kumakain mula 6:00 ng umaga
hanggang 6:00 ng hapon tuwing
Ramadan.

Ano ang relihiyon mo? Anong mga obligasyon sa inyong relihiyon ang ipinatutupad sa
inyo bilang kasapi?

1
Basahin.

“Pasensiya na kayo. Hindi ako makasasali sa scouting sa Linggo. May gawain kami sa
simbahan sa araw na iyon,”  wika ni Lita.
“Hindi mo matatapos ang ating camping. Paano na ang mga gawain   mo?”   tanong   ni  
Glenda.
“Huwag  kayong mag-alala. Sabado pa lamang ay tatapusin ko na ang anumang gawaing
nakaatas sa akin. Aayusin ko itong mabuti para hindi mabitin ang gawaing nakatoka sa akin,”  
paliwanag ni Lita.
“O,  sige.  Kami  na  ang  bahala  sa  mga  gawain ng pangkat. Isama mo na lang kami sa iyong
mga  dalangin,”  wika  ng  kanilang  lider.
Masayang ginampanan ni Lita ang kaniyang mga gawain. Nakasisiguro na siyang
makapagsisimba sa darating na Linggo at makalalahok sa gawain ng kanilang simbahan.

Sagutin ang mga tanong. Isulat sa kuwadernong sagutan.

1. Sa iyong palagay, pinag-isipan kayang mabuti ni Lita ang kanyang desisyon sa hindi
dadalo sa scouting sa araw ng Linggo? Patunayan.
2. Tama ba ang naisip na solusyon ni Lita na tapusin ang nakaatas na Gawain sa kanya
sa araw ng Sabado? Bakit?
3. Kung ikaw ang lider ng pangkat, papayagan mo ba ang kahilingan ni Lita? Bakit?
4. Kung ikaw si Lita, uunahin mo rin ba ang iyong obligasyon sa iyong relihiyon kaysa
sa ibang gawain? Bakit?
5. Batay sa iyong karanasan, ano-anong obligasyon o tungkuling itinakda ng relihiyong
iyong kinabibilangan ang hindi mo natutupad? Ipaliwanag ang iyong nararamdaman
sa tuwing hindi mo nagagampanan ang iyong obligasyon o tungkulin?

Isaisip Mo

Bawat tao ay dapat tumupad sa obligasyon/tungkuling itinakda ng sariling relihiyon tulad


ng regular na pagsisimba, paglahok sa mga gawain, at iba pa.

2
Isapuso Mo

Iguhit ang wastong pananda na nagpapahayag ng iyong saloobin sa bawat


bilang. Ipaliwanag kung bakit.

 - sang-ayon

 - di sang-ayon

1. Araw ng pagsamba. Nagbihis si Ana at umalis kahit may


nararamdamang masakit sa katawan.
2. Araw ng Linggo. Masisimba ang mag-anak ni Mang Fermin.
Dumating ang kanyang kumpare. Hindi na siya sumama sa simbahan.
3. Hindi natuyo ang paboritong damit ni Tessa. Isusuot pa naman niya
ito sa pagsimba. Nagpasiya siya na magsuot na lang ng iba.
4. Malayo ang simbahan sa lugar nina Liza at Fe. Hindi sila pumupunta
dito kung araw ng pagsamba.
5. Tinapos ni Anthony ang gawaing ipinagagawa ng kanyang nanay.
Nahuli siya sa oras ng pagsamba. Nagpasiya siyang tumuloy kahit
huli na.

Isagawa Mo

Sa darating na Linggo, magsimba kasama ang pamilya. Sa sampung pangungusap,


isalaysay ang iyong naranasan pati ang iyong natutuhan sa araw na iyon. Isulat sa kuwadernong
sagutan ang iyong salaysay.

3
Baitang 5

MGA KARAPATANG PANTAO, IGALANG AT PAHALAGAHAN

Alamin Mo

Ang bawat mamamayang Pilipino ay may mga karapatang tinatamasa tulad ng ibang lahi
sa mundo. May mga batas na ipinatutupad upang maipakita ang paggalang sa Karapatang Pantao
ayon sa ating Saligang Batas.
Tinatalakay sa modyul na ito ang mga Karapatang Pantao na dapat igalang at
pahalagahan  upang  tayo’y  makapamuhay nang tahimik at makabuluhan.

Pag-aralan Mo

Ano nga ba ang Karapatang Pantao?

Pinagtibay ang mga karapatang ito sa ating Konstitusyon, tulad ng katutubong


kapangyarihang moral ng isang mamamayan na mag-ari, gumawa, at mangailangan ng anuman
na dapat igalang ng kapwa. Karapatan itong naaayon sa batas at pantay-pantay nating tinatamasa.
Ang Kapulungan ng mga Nagkakaisang Bansa ay bumalangkas ng isang pahayag ng
pandaigdigang karapatang pantao noong Disyembre 10, 1948. Itinataguyod dito ang karapatan
at kalayaang dapat taglayin at tamasahin ng sinuman anuman ang lahi, relihiyon, at katayuan sa
buhay. Sumang-ayon dito ang ating Konstitusyon at itinadhana ang mga tanging karapatang
pantao.

Pinagtibay ang mga karapatang sumusunod:


- magtatag ng kapisanan
- maglakbay
- magpahayag ng saloobin
- pumili ng paniniwala o pananampalataya na nais salihan
- sumamba, magpakasal, mag-aral, at magkaroon ng pamilya

Inaasahang igagalang ang mga karapatang ito ng sinuman bagama’t dapat tandaan na
hindi dapat sumaklaw sa karapatan ng iba.
Natutuwa ka bang mayroon kang karapatang maglakbay kahit saang dako ng daigdig?
Tandaan mo lamang na ang iyong ikinikilos ay dapat naaayon sa batas.

1
Isaisip Mo

Ang tao ay may mga karapatan na dapat igalang at pahalagahan. Ang paggalang sa
karapatang pantao ay daan tungo sa kapayapaan.

Isapuso Mo

Isulat ang A kung dapat igalang at pahalagahan ang sumusunod na sitwasyon at B kung
hindi. Ipaliwanag kung bakit A o B ang iyong sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Naglakbay ang mag-asawang Jimmy at Perla patungong ibang bansa kahit may
malaking pagkakautang sa inyong pamilya.
2. Sinabi ni Gng. Reyes ang katiwaliang nangyari sa kanilang tanggapan kahit siya ay
pinagbabawalan ng kanyang pinuno.
3. Ipinahuli ni Aling Pilar ang palaboy na si Mang Juan dahil nangungupit ng pera.
4. Tinatawag  na  “baboy”  si  Jun  dahil  sa  kanyang  katabaan.
5. Nagwelga ang FEJODAP sa pamamasada ng jeep. Ayaw sumunod ni Mang Rolly
kahit siya ay kasapi. Kailangan niyang kumita ng pera.

Isagawa Mo

Basahin mo ang sumusunod na sitwasyon at isulat ang nararapat mong gawin sa iyong
kuwadernong sagutan.

1. Pagod na pagod ka sa tanghaling iyon kung kaya mahimbing ang iyong pagkakatulog.
Binuksan ng Ate mo ang TV nang malakas at nagising ka.
2. Pinagbintangan ka na siyang kumuha sa baon ng kapatid mo.
3. Maingay ang tahol ng alagang aso ng kapitbahay mo. Hindi ka makatulog.
4. Tinawag ka ng guro dahil may sulat siyang ipadadala sa iyo para sa iyong kaklase. Bukas
ang sobre at maaari mo itong basahin.
5. Nangangailangan ka ng bulaklak na gumamela para sa aralin ninyo. Napansin mong
mayroon nito sa halamanan ng kapitbahay mo.

2
3
Baitang 5

MGA SAMAHAN AYON SA HILIG O INTERES, SALIHAN

Alamin Mo

Ang bawat tao ay binigyan ng Panginoon ng talino at kakayahan. Magagamit natin


ang mga biyayang ito sa mabuting gawain upang makapaglingkod sa lipunan.
Sa modyul na ito, mapag-aaralan mong mahalagang isaalang-alang ang hilig o
interes sa pagsali sa mga samahan.

Pag-aralan Mo

Pag-aralan ang larawan. Basahin mo ang kuwento tungkol dito. Sagutin ang mga
tanong.

1
Si Mely ay mahusay nang magpinta noon pa lamang. Kapasin-pansin na ang husay niya
noong siya’y   nasa   Preschool   pa   lamang.   Lalo pa niyang pinaghusay ang taglay niyang
kakayahan. Sa tuwing may pagkakataon, nagsasanay siya sa pagpinta. Lalo siyang naging
mahusay sa pagpipinta. Siya ang Pangulo ng Arts Club ng kanilang paaralan.
Sina Ben at Roy ay mahusay maglaro ng basketball. Kasapi sila sa Basketball Team ng
kanilang paaralan. Lagi silang nagsasanay upang lalong mapahusay ang kanilang paglalaro.
Mahilig naman sa pag-awit itong si Minda. Siya ang laging kumakatawan sa paaralan sa
mga paligsahan sa pag-awit. Kasapi siya ng samahan ng mga mang-aawit sa kanilang paaralan.
Hinikayat ng mga guro ang mga mag-aaral na sumali sa iba’t   ibang   samahan   tulad   ng  
Math Club, English Club, Filipino Club, Arts Club, Athletic Club upang mapagyaman ang talino
at kakayahan ng bawat mag-aaral. May mga gawaing inihahanda ang bawat samahan upang higit
pang mapaunlad ang angking talino at kakayahan ng mga mag-aaral.
Ikaw, ano ang samahang iyong sinalihan? Anong hilig at kakayahan ang nais mong
mapaunlad o mapagyaman pa?

Sagutin ang sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Ano ang hilig ni Mely? nina Ben at Roy? ni Minda?


2. Anong samahan sa paaralan ang sinalihan nila?
3. Paano nila napahusay ang kani-kaniyang angking kakayahan?
4. Bakit makabubuting sumapi sa isang samahan?
5. Ikaw, ano ang hilig mo? Saan ka interesado?
6. Ano-ano ang mga samahan sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga kasapi ang maaari
mong salihan? Bakit?
7. Nakatutulong ba ang mga samahan sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga kasapi?
Paano?
8. Kung wala pang samahan sa inyong paaralan, paano mo kaya imumungkahi sa iyong
guro na magkaroon nito?

Isaisip Mo

Kakayahan at talino ng bawat tao ay di pare-pareho,


Kaya magkaiba ang hilig mo at hilig ko.
Ang pagsali sa samahan ayon sa hilig mo,
Nakapagpapaunlad ng kakayahan at talino.

2
Isapuso Mo

Narito ang talaan ng mga samahan. Lagyan mo ito ng bilang ayon sa iyong hilig o interes.
Magsimula ka sa bilang 1 para sa pinakagusto mong samahan. Gawin ito sa kuwadernong
sagutan.

Bilang Samahan

Dance Group
Orators Group
Boy/Girls Scout
Math Club
Sports Club
Science Club
Young  Artists’  Club
Young  Writers’  Club
Glee Club o Children’s  Choir
Dramatic Guild

Isagawa Mo

Piliin ang titik ng wastong sagot. Gawin ito sa kuwadernong sagutan.

1. Kasali ka sa palatuntunan dahil mahusay kang sumayaw. Isang kaklase mong


hindi masyadong marunong ay kasali rin. Ano ang gagawin mo?

a. Sasabihin sa guro na palitan na lang ang kaklase.


b. Pag-uukulan ng panahon ang pagtuturo sa kaniya.
c. Pabayaan na lang siya dahil marami ka pang gagawin.

2. Gustong-gusto mong sumali sa contest sa paglangoy. Hindi ka nakapasa sa try-


out. Ano ang gagawin mo?

a. Pipilitin ang coach na isali ka.


b. Kakalimutan na lang ang hilig.
c. Magsasanay pa upang makapasa sa susunod na try-out.

3
3. Mahusay kang tumula kaya isasali ka sa progama sa Buwan ng Wika.
Tinatanong ka ng guro kung maaari kang tumula. Ano ang gagawin mo?

a. Tatanggi.
b. Sasabihin sa guro na hindi mo kayang tumula sa programa.
c. Papayag at manghihingi ng tulong sa pagsasanay sa pagtula.

4. Magaling kang gumuhit at magletra. Kailangan ng inyong barangay ang


magleletra sa stage dahil piyesta. Ano ang gagawin mo?

a. Hihintayin mong tawagan ka.


b. Babalewalain at maglalaro ka na lang.
c. Magpiprisinta upang makatulong sa gawain.

5. Nabasa mo sa bulliten board na nangangailangan ng mga kasapi ang isang


organisasyon. Nagkataon na gusto mo ring sumali. Ano ang gagawin mo?

a. Magpapatala agad.
b. Ipagpapaliban ang pagsali.
c. Maghahanap ng kaklaseng isasama sa pagsali.

4
Baitang 5

MGA NAGANAP NA NAKAWAN, ILEGAL NA PASUGALAN, AT IBA


PANG KRIMEN, IPAGBIGAY-ALAM

Alamin Mo

Ano ang ipinakikita ng larawan? Nakasaksi ka na ba ng mga pangyayari na humantong


sa ganitong tagpo? Ano ang iyong ginawa?

Kasabay sa pag-unlad ng lipunan ay ang paglubha ng problemang may kinalaman sa


katahimikan at kaayusan ng pamayanan. Naging mailap ang mga masasamang-loob, kung  kaya’t  
nahihirapan na ring sugpuin ang krimen sa ating paligid. Hinihikayat ng may kapangyarihan na
tulungan sila ng mamamayan sa pagsugpo ng mga katiwalian sa lipunan.
Sa modyul na ito, hinihikayat ang mamamayan na ipagbigay-alam sa kinauukulan ang
nagaganap na kriminalidad sa kasalukuyan tulad ng nakawan, illegal na pasugalan, at bawal na
gamot tungo sa ikabubuti ng madla.

1
Pag-aralan Mo

Basahin ang sumusunod.

Robert : Mano po Inay. (Humahangos pa)


Inay : Bakit tila pagod na pagod ka?
Robert : Tumakbo po ako mula sa kanto hanggang sa atin!
Inay : Bakit?
Robert : May naganap na hold-apan sa kabilang kalye. Marami pong pulis na
dumating.
Inay : May napatay ba?
Robert : Wala po. Nahuli po ang masasamang-loob.
Inay : Salamat sa Diyos at walang namatay. Ano ba talaga ang nangyari?
Robert : Ayon po sa bali-balita, may tumawag sa mga pulis habang nagaganap ang
krimen kaya naabutan ng mga awtoridad ang mga salarin.
Inay : Mabuti na lang may taong nagmalasakit na magsumbong sa pulisya. Sana
lahat ng tao na nakasasaksi sa mga nagaganap na nakawan, pagsusugal at
iba pang krimen ay may lakas ng loob na ipagbigay-alam ang mga
pangyayari sa kinauukulan. Tiyak na mababawasan ang mga problemang
may kinalaman sa katahimikan at kaayusan ng pamayanan.
Robert : Sana nga po!

Dahan-dahang kumalas si Robert sa usapan. Walang malay ang ina ni Robert na ang anak
niya pala ang nagsumbong sa mga pulis at inilihim ang pangyayari nang hindi nerbiyusin ang
ina.
 Tama ba ang ginawa ni Robert?
 Bakit kaya niya ginawa iyon?
 Kung ikaw si Robert, ganoon din ba ang gagawin mo? Pangatwiranan ang iyong
sagot.

2
Isaisip Mo

Ipaalam sa may kapangyarihan ang lahat ng katiwalian sa lipunan upang ang krimen ay
mapigilan.

Isapuso Mo

Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa kuwadernong sagutan.

_______ 1. Nakita mong may isang sasakyang tumigil sa tapat ng kapitbahay mo. Hindi
mo kilala ang mga nagsisibabaan. Ano ang gagawin mo?

a. Isasara ang bahay at umalis kaagad.


b. Tumahimik at isara ang bahay ninyo.
c. Lihim na tatawag sa himpilan ng pulis.

_______ 2. Malimit ang nakawan sa lugar ninyo. Ano ang isa sa mga gagawin mo para
hindi kayo mabiktima?

a. Ipagbigay-alam ito sa pulis.


b. Ikandadong lagi ang pintuan.
c. Laging mag-iwan ng tao sa bahay.

_______3. Mag-isa ka sa bahay ninyo. May kumatok sa pintuan na hindi mo kilala.


Ano ang gagawin mo?

a. Tumawag ng kapitbahay.
b. Buksan ang pinto at patuluyin ang bisita.
c. Sumilip sa bintana at sabihing ikaw lang ang tao sa inyo.

_______4. Ang isang mama ay nag-aalok na tumaya sa huweteng. Maraming tumaya sa


kaniya. Ano ang gagawin mo?

a. Tataya ka rin at baka manalo ka.


b. Mura lang naman kaya tataya ka.
c. Lihim mong isusumbong ang mama sa pulis.

3
_______5. Maraming batang tambay ang nakita mong sumisinghot ng rugby. Naging
interesado ka sa ginagawa nila. Ano ang gagawin mo?

a. Susubukan mo ang ginagawa nila.


b. Ituturo mo sa pulis ang hardware na nagbebenta sa kanila.
c. Pababayaan mo na lang sila dahil wala naman silang ginugulo.

Isagawa Mo

Ano ang gagawin mo sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang iyong paliwanag sa


kuwadernong sagutan.

1. Pasahero ka ng bus. Nakita mong dinudukutan ang matandang lalaking nakatayo.


2. Nagsisigaw ang isang estudyanteng nahablot ang cellphone pag-ilaw ng traffic light.
3. Pinabili ka ng nanay mo ng gamot sa botika. Habang hinihintay mo ang iyong sukli
ay nakita mo ang isang lalaking mabilis na umalis kahit hindi pa nagbabayad ng
gamut na kaniyang binibili.

4
Baitang 5

PAGPAPARAMI NG PAGKAIN: ISANG PARAAN NG PAGIGING


PRODUKTIBO

Alamin Mo

Kulang sa pagkain ang maraming Pilipino. Mahal ang halaga ng gulay, isda, prutas, at iba
pang pagkain na nabibili sa palengke. Ang bawat mag-anak ay dapat maging maparaan sa
pagpaparami ng pagkain.
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga paraan sa pagpaparami ng pagkain.

Pag-aralan Mo

Awitin  ang  nasa  ibaba  sa  himig  ng  “Magtanim  ay  Di  Biro”.

Magpamilya’y  di  biro


Kung walang isusubo
Kapag kulang ang pagkain
Anak ay gugutumin.

Sa umagang masalimsim
Punlang gulay ay ayusin
Alagang hayop ay pakainin
Bago bukid ay linangin.

Halina,  halina  tayo’y  magtanim


Ang lupa ay ating bungkalin
Baka, manok ay alagaan din
Ang  pagkai’y  paramihin.

1
Sagutin ang mga tanong:

1. Ano-anong paraan ng pagparami ng pagkain ang nabanggit sa awitin?


2. Paano pinararami ang mga prutas, gulay, at hayop na pinagkukunan ng pagkain?
3. Naniniwala ka ba na ang pagpaparami ng pagkain tulad ng pagtatanim at pag-
aalaga  ng  hayop  ay  isang  paraan  upang  ang  tao’y  maging  produktibo?    Patunayan  
ang iyong target.
4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong makapamili ng paraan na
makapagparami ng pagkain. Alin ang pipiliin mo? Bakit?

Isaisip Mo

Ang paggamit ng bakanteng lugar upang pagtaniman ng gulay ay pag-alagaan ng hayop


ay nakatutulong sa pagpaparami ng pagkain.

Isapuso Mo

Isulat ang S kung sang-ayon ka sa pangungusap at DS kung di ka sang-ayon.

_______1. Makapagtatanim ng gulay at nakapag-aalaga ng hayop sa mga tahanang may masikip


at makitid na bakuran.
_______2. Sariwang gulay at isda ang iyong mailuluto kung ito ay galing sa iyong sariling
pananim at palaisdaan.
_______3. Ang pagtatanim at pag-aalaga ng hayop ay nakaaabala sa mag-anak.
_______4. Ang pamahalaan ay nakikinabang sa pagtatanim ng gulay sa bakuran.
_______5. Maaari ding kumita ang mag-anak sa pagtatanim ng gulay at pag-aalaga ng hayop sa
bakuran.
_______6. Magagamit ang mga lata at gulong ng sasakyan sa pagtatanim ng mga gulay.

2
Isagawa Mo

Magtanim ng gulay sa inyong bakuran. Piliin ang angkop na paraan ng pagtatanim. Iulat
sa klase kung anong gulay ang itinanim.
Pumili ng hayop na maaari mong alagaan sa inyong bakuran. Itala sa kuwadernong
sagutan kung paano mo ito aalagaan upang makapagbigay ng pagkain sa inyong pagkain.

3
Baitang 5
ANG KAALAMANG MALI, ITUWID!

Alamin Mo

Marami tayong kaalaman mali na hindi naitutuwid. Maaaring ayaw lamang nating mag-
aksaya ng panahon o makasakit ng damdamin ng iba.
Sa modyul na ito, pag-aaralan mong ituwid ang kaalamang mali.

Pag-aralan Mo

Basahin ang usapan.

Sina Lino at Lito ay magkaibigan, araw-araw, sabay silang pumapasok sa paaralan. Isang
araw,   habang   sila’y   naglalakad   patungong   paaralan   ay   napag-usapan nila ang proyektong
ipinapapasa ni Gng. Reyes ng araw na iyon.

Lino : Natapos mo ba ang pryektong ipinapapasa ni Gng. Reyes?


Lito : Hindi, saka ko na lamang iyon tatapusin.
Lino : Bakit  naman?    Sana’y  tinapos  mo  na  para  makakuha  ka  ng  mataas  na  marka.
Lito : Hayaan mo na, tatapusin ko rin yon. Maaaring bukas o sa makalawa. Hindi
lang naman ako ang magpapaliban ng gawain. Marami pang iba.
Lino : Huwag kang magagalit pero mali ang pinaniniwalaan mo na ayos lang na
ipagpaliban mo para bukas ang isang Gawain na maaari mo naming tapusin
ngayon.    “Mañana  habit”  ang  tawag  dito.    Mali  ang kaalaman natin na walang
problema tungkol dito. Sayang ang panahon. Ang kaalamang mali tulad ng
“mañana  habit”  ay  dapat  nating  ituwid.
Lito : Salamat ha. Hayaan mo, tatapusin ko ngayong araw na ito ang aking proyekto.
Lino : Ayos!

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Ano ang pinaniniwalaan o kaalaman ni Lito tungkol sa pagpapaliban ng gawain?


2. Ano ang magiging epekto ng pagpapaliban ni Lito ng gawain sa ibang tao?
3. Tama ba ang ginawang pagpapaliwanag ni Lin okay Lito? Bakit?
4. Kung ikaw si Lito, maniniwala ka ba kay Lino? Bakit?

1
5. Ang pagtutuwid o pagwawasto ng kaalaman mong mali ay maaaring maging masakit
sa iyo. Paano mo ito tatanggapin? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Isaisip Mo

Ang kaalamang mali ay dapat na ituwid para sa sariling kapakanan at kabutihan ng ibang
tao.

Isapuso Mo

Basahin ang sumusunod na kalagayan. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Nakita mo na maraming inihahandang pagkain ang iyong ina para sa iyong kaarawan
bukas. Katulong niya ang nanay ng iyong kaibigan. Walang ano-ano’y  narinig  mo  
na nangutang ng pera ang iyong nanay para may ihanda sa iyong kaarawan. Ano ang
iyong gagawin?
2. Alam mong nagsisinungaling ang iyong kuya nang sabihin niyang kasama niya ang
anak ng inyong kapitbahay kahapon. Nakita mo kasing walang kasama ang iyong
kapatid. Sinabi lang niya ito upang pagtakpan ang anak ng inyong kapitbahay. Tiyak
kasing sasaktan siya ng kanyang tatay. Paano mo itutuwid ang kamaliaang
“pinagtakpan   lamang   ng   iyong   kuya   ang   ank   ng   inyong kapitbahay”   upang   huwag  
masaktan?

2
Isagawa Mo

Gumawa ng isang panayam sa limang matatanda sa iyong lugar. Magtala ng 5


kaalamang  mali  at  kung  paano  ito  maitutuwid.    Tularan  and  “organizer”  sa  ibaba.    Gawin  ito  sa  
kuwadernong sagutan.

Kaalamang Mali Paano mo ito itutuwid


1.
2.
3.
4.
5.

3
"$,/08-&%(.&/54

Philippine K to 12 Education
(DepEd Committee Chairs, Members, and Writers)

Open Educational Resources Community

DISCLAIMER:

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary
for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among
other things, impose as a condition the payment of royalties.

Bor
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this material are owned by their respective
copyright holders. The ISNC does not represent nor claim ownership over them.

This Material Is Not For Commercial Use!

END    OF  SECOND    GRADING

You might also like