You are on page 1of 5

DEPARTMENT OF EDUCATION | REGION IV – A CALABARZON | CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS

DASMARIÑAS INTEGRATED HIGH SCHOOL


Congressional South Avenue, Burol 1, City of Dasmariñas, Cavite

Pangalan:____________________________________________
Antas at Seksyon:______________________________________ Petsa:______________

GAWAING PAMPAKATUTO SA FILIPINO 10


I. Kasanayang Pampakatuto
Nabibigyang- kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda
(WG 92)
II. Panimula
Kamusta! Naalala pa ba ninyo ang kahulugan ng Maikling Kuwento? Tama! Ang maikling
kuwento ay isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guniguni ng may-akda. Ito ay maaring
likhang isip lamang o batay sa sariling karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng
bumabasa o nakikinig. Ito ay maikli lamang at matatapos basahin sa isang upuan lamang. Iilan lamang
ang mga tauhan. Ang mga kawil ng pangyayari ay maingat na inihanay batay sa pagkasunod-sunod
nito.

Sino na nga ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento” sa Pilipinas? Mahusay! Siya ay si
Deogracias A. Rosario.
Ngayon ay basahin at unawain ang kwentong Bangkang Papel ni Genoveva Edrosa-Matute
pagkatapos sagutin ang mga katanungan.

Bangkang Papel
ni: Genoveva Edroza-Matute

Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilangaraw
mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y nagpatuloy sa loob ng tatlong
araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang arawnang walang tigil ang
pag-ulan.Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkang papel, nariyang tinatangay
ngtubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.

Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat. Sa loob ng
ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan
niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit,nagunita niyang noon ay
wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.

Patuloy na hinihintay at hinahanap ng batang lalaki sa kanyang ina kung kailan babalikang
kanyang ama. Walang kaalam-alam ang bata sa kung saan namamalagi ang kanyang ama satuwing
wala ito sa kanilang tahanan. Maraming katanungan ang sumasagi sa kanyang isipankung bakit hindi
pa umuuwi ang kanyang ama at hindi ipinapaliwanag ng kanyang ina ang mga pangyayaring
nagaganap sa kanyang paligid.

Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang
yao’y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay. Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.
Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang
ulirat. Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Aling Ading, si Feli, at siTuring,
si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.
“TAGA-DIHS AKO: Disiplina at Kalinisan nasa Puso Ko”
E-mail: dasmarinas.ihs@depeddasma.edu.ph| Phone: 506-1208/ 416-0498

DEPARTMENT OF EDUCATION | REGION IV – A CALABARZON | CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS

DASMARIÑAS INTEGRATED HIGH SCHOOL


Congressional South Avenue, Burol 1, City of Dasmariñas, Cavite

Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap
nila’y biglang natigil nang siya’y makita. Wala siyang narinig kundi...
“Labinlimang lahat ang nangapatay...”
 Hindi niya maunawaan ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayosng
kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.
Sa pagitan ng mga hikbi, siya’y patuloy sa pagtatanong...
 
“Bakit po? Ano po iyon?”
 
Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahananay
nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.Ang gabing yaon ng mga dagundong at
sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ngmga bangkang papel
 – 
  Ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na
humalili’y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.
Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking
gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel
na hindi niya napalutang kailanman...

III. Mga Sanggunian


https://proudpinoy.ph/maikling-kwento/maikling-kwento-kahulugan-halimbawa
Filipino III: BANGKANG PAPEL ni Genoveva Edroza-Matute (nuevaskimberly.blogspot.com)

IV. Mga Gawain

Gawain 1.
Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa mga sumusunod na katanungan. Isulat ang tamang letra sa inyong
sagutang papel.

1. Sa isang eskwelahan, mayroong isang batang babae na napakatahimik. Nakaupo lamang ito sa sulok,
mahiyain na parati nakayuko,walang kaibigan dahil walang gusting makipagkaibigan, nagsasalita
lamang kapag ito’y tinawag ng kanyang guro. Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagtatapos sa
kanyang mga damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kanyang pagkain at sila’y
magtatawanankapag nakita nila na ang kanayng baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa’y
walang palaman. Mula sa pahayag na ito Ano ang suliraning kinahaharap ng tauhan?
A. Ang pagiging mahiyain.
B. Ang bata ay isa lamang mahirap.
C. Laging Panunukso sa bata ng mga kaklase.
D. Hindi pakikihalubilo sa ibang kamag-aral.

2. Ang panunukso sa ating kapwa ay malaking suliranin ang naidudulot nito sa biktima. Alin sa mga
sumusunod ang nararapat na gawin upang matigil na ang panunukso sayo ng iyong kapwa.
A. Matutong lumaban kung kinakailangan.
B. Manatiling tahimik at hayaan na lamang ang panunukso.
C. Maging aktibo upang hindi na abusuhin ng iba.
D. Ipagtanggol ang sarili sa pamamagitan ng maayos na paraan.

3. Ang pagtatahi ba ng mga kuwento upang maiangat mo ang sarili mo sa iba ay nararapat lamang na
Gawin?Patunayan.
A. Opo, dahil ito ay nakatutulong upang hindi ka tuksuhin.
B. Opo,sapagkat makakagaan ito sa iyong kalooban para maipagmalaki moa ng iyong sarili.
C. Hindi,dahil hindi mo kailangan iplease ang iba upang tanggapin ka kung sino ka man.
D. Hindi, sapagkat sa makakasama ito sa iyong imahe.

4. Ang diskriminasyon sa kapwa ay patuloy pa ring nangyayari sa kasalukuyan. Bilang kabataan ano ang
iyong magagawa.
A. Iwasang makihalubilo sa mga basagulero.
B. Pananatili sa loob ng bahay kung kinakailangan.
C. Sumunod sa mga ipinapayo ng mga magulang.
D. Huwag maging kasangkapan sa pang-aabuso sa kapwa.

5. Piliin ang angkop na Slogan upang labanan ang diskriminasyon.


A. Huwag maging bulag sa Katotohanan,Lumaban kung Kinakailangan!
B. Walang mang-aapi,Kung walang Mag-papaapi!
C. Lahat at pantay-pantay sa pagtingin ng Poong Maykapal.
D. Sugod! Laban kung Laban,Ngipin sa Ngipin!

“TAGA-DIHS AKO: Disiplina at Kalinisan nasa Puso Ko”


E-mail: dasmarinas.ihs@depeddasma.edu.ph| Phone: 506-1208/ 416-0498

DEPARTMENT OF EDUCATION | REGION IV – A CALABARZON | CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS

DASMARIÑAS INTEGRATED HIGH SCHOOL


Congressional South Avenue, Burol 1, City of Dasmariñas, Cavite

V. Repleksiyon
Dugtungan ang sumusunod na talata.
Bilang Kabataan pananatilihin ko____________________________________

Magiging susi ako________________________________________.

.
“TAGA-DIHS AKO: Disiplina at Kalinisan nasa Puso Ko”
E-mail: dasmarinas.ihs@depeddasma.edu.ph| Phone: 506-1208/ 416-0498

DEPARTMENT OF EDUCATION | REGION IV – A CALABARZON | CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS

DASMARIÑAS INTEGRATED HIGH SCHOOL


C o n g r e s s i o n a l S o u t h A v e n u e , B u r o l 1, C i t y o f D a s m a r i ñ a s , C a v i t e
“TAGA-DIHS AKO: Disiplina at Kalinisan nasa Puso Ko”
E-mail: dasmarinas.ihs@depeddasma.edu.ph| Phone: 506-1208/ 416-0498

You might also like