You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Regional Diagnostic Assessment Test


Filipino 6

Panuto: Basahin ng mabuti ang kwento at sagutin ang sumusunod na tanong.Piliin


ang titik ng iyong sagot isulat sa sagutang papel.

Ang Plaster ni Bong


Isang araw, pumasok si Bong sa klase na naka-benda ang kamay. Nagtaka ang
kanyang mga kaklase at unti-unting naglapitan sa kanya. “Anong nangyari sa iyo,
Bong?”, tanong ni Annie. “Plaster yan, hindi ba? Naku, nabalian ka ng buto” ang
malakas na sigaw ni Lito mula sa likuran. Nabali ang buto ko sa braso. Nag-bisikleta
kasi ako sa madulas na kalsada at nadisgrasya. Dapat talaga nakinig ako kay Nanay.
Hindi pa sana nangyari ito”, mahinang sagot ni Bong. “Hayaan mo na, Bong gagaling
din yan pagkatapos ng ilang buwan”, sabi ni May habang inaalalayan si Bong sa
kanyang upuan. Tumahimik ang lahat ng dumating si Gng. Santos. Hudyat na ito ng
simula ng klase. Pagkatapos nilang magdasal ay nagsalita ang guro sa lahat. “Salamat
sa pag-aalala ninyo sa inyong kaklase. Tulungan muna natin siya sa ilang mga gawain
habang ang kamay niya ay naka-plaster pa.

1. Matapos basahin ang kuwento, ano sa palagay mo ang natutunan ni Bong sa


nangyare sa kanya?
A.Huwag nang magbisikleta kahit kalian.
B.Makinig sa magulang at palaging mag-ingat.
C.Bawasan na ang pagbibisikleta at maglakad na lamang.
D.Huwag dumaan sa madudulas na kalsada upang di madisgrasya.

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang DAPAT sabihin kung nais mong
magpapahayag ng iyong ideya?
A. Hindi maganda ideya mo, dapat ganito.
B. Maaari ba akong magbigay ng aking ideya?
C.Mas maganda ideya ko, ito ang gawin natin.
D Mali ang mga ideya ninyo, making kayo sa akin.

3.Nakatanggap ka ng regalo mula sa iyong magulang sa araw ng iyong kaarawan. Ano


ang iyong sasabihin?
A.. Maraming salamat.
B. Ay, naku! Hindi ko naman po ito gusto.
C. Hay, salamat naman may regalo kayo sa akin.
D. Itay, Inay maraming salamat po sa inyong regalo sa akin.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

4.__________ ng aking pamilya ay nagbakasyon sa Boracay. Kumpletuhin ang


pangungusap ng wastong panghalip.
A.Kami
B.Tayo
C. Siya
D.Ako
5.________________ ang makapunta na doon ay magagandahan at masisiyahan dahil sa
maraming palabas tuwing gabi. Kumpletuhin ang pangungusap ng wastong
panghalip.
A. Kailanman
B. Saanman
C. Sinoman
D. Ilanman

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang sumusunod na tanong.

Isang araw, sa bukid ay may isang uhaw na uhaw na uwak na gustong


uminom sa pitsel na naiwan sa mesa. Makipot lamang ang bunganga ng pitsel kaya
hindi maipasok ng tuka ang ulo upang sipsipin ng uwak ang tubig. Hirap na hirap
abutin ng uwak ang kaunting tubig sa malalim na sisidlan. Kahit anong pilit ay hindi
mabawasan ang sobrang pagkauhaw ng ibon. Tumingala siya at luminga-linga sa
paligid. Alam niya may kasagutan sa alinmang problemang kinakaharap niya. Tama
siya! Sa isang iglap ay naisip niya ang kasagutan. Lumipad siya sa labas at tumuka
siya ng munting bato na inihulog sa loob pitsel. Nagpabalikbalik siya sa paglagay ng
mumunting bato hanggang umabot ang tubig sa makitid na bunganga ng pitsel.
Nakainom ang uwak at natugunan ang pagkauhaw niya sa isang iglap lamang.

6.Ano ang tema ng kuwentong binasa?


A.. pag-aalala
B.. pagtitiyaga
C.. pagmamahal
D. pag-mamalasakit

7.Saan naganap ang kuwento?


A.. sa mesa
B.. sa gubat
C. sa puno
D. sa bukid

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

8. Nais ni Lorna na bigyan ng regalo ang kanyang nanay dahil kaarawan niya sa
susunod na linggo ngunit wala siyang pera.
A. Kumuha ng pera ng iba kapag walang nakakakita.
B. Batiin ko na lamang at hahalikan ang aking nanay.
C. Ipagwalang-bahala na lamang.
D. Magtatago na lamang ako.

9.Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa
ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang
patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang
pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong
sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.
Piliin ang angkop na pamagat sa talata.
A. Ang Bayanihan
B. Tradisyon ng mga Pilipino
C. Kapistahan ng mga Pilipino
D. Mga Kapistahan sa lalawigan

10.Marami nang nalathalang balita at impormasyon ukol sap ag-unlad ng mga


karatig-bansa ng Pilipinas. Tinagurian silang pitong dragon. Napakabilis ng pag-unlad
ng mga bansang tulad ng Indonesia, Malaysia, Thailand, HongKong, Taiwan,
Singapore at South Korea. Hindi katulad ng Pilipinas na hanggang ngayon ay
nakasadlak pa rin sa kahiraapan.
May mga suliranin tayong dapat lutasin upang umunlad ang ating bansa.
Unang-una ay ang isyu ng kapayapaan at katahimikan sa bansa. Ikalawa ay ang
kalinisan at pangangalaga sa paligid na tila nalimutan na ng bawat Pilipino. Ikatlo ay
ang isyu ng kahirapan ng nakararaming mamamayan. Ikaapat ay ang kawalan ng
edukasyon ng kabataang siyang inaasahang maglilingkod sa bayan.
Sumasang-ayon ka ba na kinakailangan munang lutasin ng ating pangulo ang mga
suliraning kinakaharap ng bansa upang tayo ay umunlad?
A Sumasang-ayon ako dahil kapag nalutas ng ating pangulo ang lahat ng mga
suliraning kinakaharap ng ating bansa at matugunan ang mga
pangangailangan ng mga Pilipino madali na nating makakamtan ang pag-unlad
ng ating bansa.
B. Ibig ko lamang magbigay ng puna sa pag-unlad ng mga karatig bansa,
umunlad sila dahil na rin sa pagtutulungan ng bawat mamamayan.
C. Magaling ang ideya subalit marami pang dapat na lutasin na mga problema
ang ating pangulo upang umunlad ang ating bansa.
D. Lahat ng nabanggit

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

11. Ito ay pangkalahatang sanggunian na serye ng mga aklat tungkol sa iba’t ibang
paksa.
A. Ensiklopedya
B. Diksyunaryo
C. Almanak
D. Atlas

12.Isang aklat na nililimbag taon-taon na naglalaman ng mahahalagang pangyayari sa


buong mundo.
A. Ensiklopedya
B. Diksyunaryo
C. Almanak
D. Atlas

13.Alin sa sumusunod ang dapat tandaan sa pagsulat ng talatang nagpapaliwanag at


talatang nagsasalaysay?
A. Kumpleto at wasto ang mga bantas na ginamit
B. Wasto at kumpleto ang nilalaman ng talata
C. Wasto ang baybay ng mga salita
D. Lahat ng nabanggit

14. Taimtim na nagdarasal sa harap ng altar si Aling Norma. Ang salitang taimtim ay
isang ___________________.

A.Pandiwa
B.Pang-uri
C.Pang-abay
D.Pangngalan

15. Ang mga sumusunod ay mga dapat isaalang-alang sa epektibong pagbabahagi ng


isang pangyayaring nasaksihan maliban sa isa, alin dito?

A.Maging malinaw sa pagbabahagi o pagsasalaysay ng nasaksihang pangyayari.


B.Tiyakin kung ano ang layunin sa pagbabahagi ng mga pangyayaring nasaksihan.
C.Bago magbahagi, siguruhing tama at sapat ang mga detalye o impormasyong
ibibigay.
D.Maaring magdagdag ng mga detalye o impormasyon kahit hindi totoo, maging
makatotohananl lamang ang sinasabi.

16. Pagkatapos mag-almusal, inihanda na ni James ang mga gagamitin para sa


Online Class sa Filipino. Habang inihahanda niya ang mga gamit nito, napansin

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

niyang nawawala ang kaniyang modyul sa Filipino. Ilang beses na niyang binulatlat
ang mga modyul sa kaniyang bag pero hindi pa rin niya ito makita. Tinanong na rin
niya ang kaniyang nanay at mga kapatid kung nakita nila ang modyul. Mag-uumpisa
na ang online class kaya nagdadalawang isip kung dadalo pa siya rito. Napansin ito
ng kaniyang ina kaya _______________________________.

A.Pinagsabihan siyang dumalo pa rin kahit hindi makita ang modyul.


B.Pinaghugas na lamang siya ng mga pinagkainan kaysa dumalo pa sa online class.
C.Nagpasiya na lamang na huwag padaluhin ang anak at bumawi na lamang sa
susunod na online class.
D.Pinagsabihan niyang magpaalam saglit ang anak sa kaniyang guro at sabihing
masama ang pakiramdam nito.

17. Si Nerissa ay masipag mag-aral. Araw-araw ay sinisikap niyang masagutan ang


mga modyul na ibinibigay ng kaniyang guro. Kahit siya ay nahihirapan sa pagsagot,
pinipilit niyang tapusin lahat ng mga gawain nang may katapatan. Dahil sa kaniyang
pagpupursige sa pag-aaral, matataas ang nakuha niyang marka sa bawat asignatura.
Ano ang ginawa niya upang magtagumpay?

A.Ikinukumpara ang kaniyang mga sagot sa susi sa pagwawasto.


B.Madalas siyang nagpupuyat sa pagsagot ng kaniyang mga modyul.
C.Siya ay nagpapaturo sa kaniyang mga magulang kung hindi alam ang sagot.
D.Sinisikap niyang tapusin ang pagsagot sa mga modyul kahit siya ay nahihirapan.

Panuto: Tukuyin ang pinakaangkop na posibleng dahilan ng pagbabago ng iyong dating


kaalaman kaugnay sa sitwasyong nabasa.Piliin ang letra ng tamang sagot.

18. Unang araw ng Limited Face to Face Class sa Josephine F. Khonghun Special
Education Center. Masayang gumising si Jessie at sabik na sabik nang pumasok. Sa
loob ng paaralan ay nanibago siya sa mga nakikita at nababasang mga karatula. Ilang
saglit lamang ay tinawag siya ng kaniyang guro upang magpakilala. Nagulat at hindi
agad nakapagsalita si Jessie.

A.Masaya ang unang araw ng pagpasok sa paaralan.


B.Nakapapanabik makilala ang ang dati at bagong kaklase.
C.Nakatatakot ang unang araw ng limited face to face class.
D.Hindi maiwasan ang kabahan at mahiya sa pagpapakilala sa unang araw ng klase
kaya dapat maging handa sa lahat ng oras.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

19. Isang gabing hindi makatulog si Arnel, hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang
narinig na usapan ng kaniyang mga magulang. Nabanggit ng kaniyang ama na
matatanggal siya trabaho dahil sa nalugi ang pinapasukang kumpanya dulot ng
pandemya. Nagpasya ang kaniyang ama na tumigil muna siya sa pag-aaral dahil wala
na silang perang pangtustos nito sa pag-aaral.

A.Mahirap mag-aral sa panahon ng pandemya.


B.Kailangang may hanapbuhay upang makapag-aral.
C.Malaki ang epekto ng pandemya sa kabuhayan ng mga tao.
D.Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagtamo ng magandang kinabukasan.

Panuto: Basahin at tukuyin ang maaaring mangyari sa bawat teksto. Isulat ang tamang
letra sa sagutang papel.

20. Madalas na umiyak si Daisy. Halos sumuko na siya sa pagsagot ng mga gawain sa
modyul. Tuwing nakikita niya ang mga sasagutan ay nawawalan siya ng ganang
magsagot Gayunpaman, pinalakas niya ang kaniyang loob. Ipinangako niya sa
kaniyang sariling pagbubutihin niya ang pagsagot sa mga modyul. Kaya naman wala
siyang sinayang na sandali. Sa halip na magmukmok at mag-iiyak tuwing ibinibigay
ng kaniyang nanay ang mga modyul nito, lalong pinaghusayan niya ang pagsagot.
Nang sumapit ang bigayan ng kard, siya ay nagulat.

A.Walang pag-unlad na makikita sa kard ni Daisy.


B.Maliit lamang ang itinaas ng mga marka ni Daisy.
C.Iisang asignatura lamang ang may mataas na marka.
D.Malaki ang pagbabago at pag-unlad ng kaniyang mga marka.

21. Umuwi ang ina ni Melody mula sa ibang bansa. Gustong-gusto na niyang lapitan
at yakapin ang ina ngunit mahigpit na ipinagbabawal ito dahil kailangang sumailalim
muna siya ng pitong araw na quarantine. Ano ang susunod na mangyayari?

A.Nagpumilit si Melody na mayakap ang kaniyang ina.


B.Agad na lumayo at nilisan ang kinaroroonan ng kaniyang ina.
C. si Melody nang malamang bawal lapitan at yakapin ang ina.
D.Kumaway na lamang si Melody sa kaniyang ina at matiwasay na sinunod ang
safety protocols.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at sagutin ang mga tanong.
Piliin ang tamang letra at isulat sa sagutang papel.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

22. Ang kaniyang butihing-ina ay mapagtimpi, likas na mabait at may pusong-


mamon.
1 2
3 4
Alin sa mga salitang may bilang ang kabilang sa pang-uring maylapi?

A.1
B.2
C.3
D.4

23. Sa kasalukuyan, masasabing nasa kritikal na kondisyon ang ekonomiya ng


bansang Pilipinas dahil sa pandemya. Bunga nito, __________________ ang bilang ng
mga nawalan ng hanapbuhay. Alin sa mga sumusunod ang ankop sa pangungusap?
A.biglang tumaas
B.talagang tumataas
C.masyadong mataas
D.lubhang matataas

24. Alin ang wastong pagkakasulat ng bating panimula sa liham pangangalakal?


A.Mahal na Binibini.
B.Mahal na Binibini,
C.Mahal na Binibini:
D.Mahal na Binibini;

25. Punan ang patlang ng wastong pang-angkop. Nabasag ni Harry ang salamin__
dala niya dahil siya ay tumatakbo.
A.g
B.na
C.ng
D.nang

26. Ang mga mag-aaral sa San Fernando Elementary School ay masisipag. Ano ang
salitang-ugat ng salitang nakasalungguhit?
A.masipag
B.sisipag
C.sipag
D.masi

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

27. Tayong mga Pilipino ay dapat na magtulungan upang umunlad ang ating bansa.
Ano ang mga panlapi na ginamit sa salitang nakasalungguhit?
A.mag-ngan
B.mag-an
C.lu-ngan
D.tu-lu

28. Alin sa sumusunod na pangungusap ang katotohanan?


A.Paborito ko ang ampalaya.
B.May pitong araw sa isang linggo.
C.Ang paboritong kulay ko ay bughaw.
D.Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.

29. Alin sa sumusunod na pangungusap ang opinyon?


A.Mas masarap ang mga prutas kaysa gulay.
B.Ang mga prutas ay may iba’t ibang bitamina at mineral.
C.Labag sa ating batas ang magbenta ng alak sa mga bata.
D.Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre.

30. Alin sa sumusunod ang dapat tandaan sa pag-uulat tungkol sa pinanood/nabasa?


A.Magbasa o magsaliksik tungkol sa paksang gagawan ng ulat.
B.Itala ang mahahalagang impormasyon na nakuha tungkol sa paksa.
C.Bumuo ng balangkas ayon sa dapat nilalaman ng ulat at ayusin ang mga
impormasyon na nakuha ayon sa balangkas na ginawa.
D.Lahat ng nabanggit.

31. Alin sa sumusunod ang patanong na pangungusap?


A.Maaari mo ba akong ikuha ng inumin?
B.Pwede mo bang iabot ang aking baso?
C.Ano ang pangalan mo?
D.Puwede mo bang hinaan ang telebisyon?

32. “Anak, pumunta ka sa aking silid, kunin mo ang aking pitaka.” Anong uri ito ng
pangungusap?
A.Pasalaysay
B.Padamdam
C.Patanong
D.Pautos

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

33. Ano ang iyong paboritong pelikula___. Anong bantas ang dapat gamitin sa
pangungusap na ito?
A.tandang padamdam (!)
B.tandang pananong (?)
C.tuldok (.)
D.kuwit (,)

34. Si Ben ay hindi mahilig mag-aaral ng leksyon. Imbis na siya ay nag-aaral, inuubos
niya ang oras niya sa paglalaro ng online games. Kinabukasan sila pala ay may
pagsusulit sa Filipino. Dahil hindi siya nag-aral ng leksyon, nakakuha siya ng
mababang marka. Naranasan mo na rin bang makakuha ng mababang marka? Ano
ang iyong ginawa upang hindi na ito maulit?

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

A.Nag-aral na ako ng leksyon araw-araw.


B.Nangongopya ako sa kaibigan tuwing may pagsusulit.
C.Tatabi ako sa matalino kong kamag-aral tuwing may pagsusulit.
D.Nag-aaral na ako ng leksyon sa tuwing magkakaroon kami ng pagsusulit.

Panuto: Mula sa kuwentong Litong-lito si Ben sagutin ang mga sumusunod na


tanong.

35. Bakit gigil na gigil ang guro ni Ben sa kanya?


A.Dahil nakikipagdaldalan si Ben habang nagtuturo ang kanyang guro.
B.Dahil mababa ang marka ni Ben sa pagsusulit.
C.Dahil palaging walang takdang-aralin si Ben.
D.Dahil lumabas si ben ng walang paalam.

36. Ano ang ibig sabihin ng “makakukuha ka ng kalabasa sa Marso”?


A.Bibigyan siya ng kalabasa ng kanyang guro sa Marso.
B.Magkakukuha ng gulay na kalabasa sa Marso.
C.Bibili ng kalabasa ang kanyang ina sa Marso.
D.Babagsak siya sa Marso.

37. Alin sa sumusunod ang dapat tandan sa pagsulat ng tula at sanaysay na


naglalarawan?

A.May kaisahan ang mga ideyang inilahad


B.Gumamit ng marikit na mga salita.
C.May wastong mga bantas
D.Lahat ng nabanggit
38. Ito ay isang paraan upang ianunsiyo ang produkto o serbisyo sa pamamagitan ng
iba’t ibang anyo o komunikasyon. Layunin nito na hikayatin ang mga tao upang
tangkilikin ang isang produkto.
A.usapan C. pahayagan
B.patalastas D. pandiwa

39.. Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang mabuo ang patalastas.
Gatas-Lakas, tunay na masustansiya.
Mayaman sa bitamina, calcium, mineral at _____.
Para sa matibay na buto, ngipin at malinaw na ____.
Resistensiya ay lalakas, siguradong lulusog at sisigla.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Araw-araw uminom ng dalawang basong Gatas-Lakas.


Tiyak sustansiya’y sapat, basta laki sa gatas.
A. protina – mata C. iron - ilaw
B. piging – saging D. lugaw – sabaw

40. Gatas-Lakas, tunay na masustansiya. Anong bahagi ng pananalita ang may


salungguhit?
A. Pandiwa C. Panghalip
B. Pang-uri D. Pangngalan

41. Ang bansa ay isang kapuluan. Sa pagitan ng mga isla ay mga katubigan.
Maraming likas na yaman din ang dulot ng ating mga katubigan. Malaki ang
naitutulong ng mga dagat, ilog, lawa, look, bukal at talon sa iba’t ibang panig ng
kapuluan.
Alin ang salitang magkaugnay ayon sa uri?
A. Bansa – kapuluan C. Isla - katubigan
B. Katubigan – dagat D. Ilog – lawa

Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang anyong lupa. Ang mga anyong lupang
ito ay makikita sa iba’t ibang rehiyon ng kapuluan. Mga kapatagan, talampas, burol,
lambak at kabundukan na nababalotan ng makakapal na gubat. Ang mga ito ay
dinarayo ng mga turista at magandang pasyalan, dahil sa mga tanawin.

42. Ang ugnayan ng mga salitang may salungguhit ay ayon sa _____.


A. lokasyon C. uri
B. kulay D. gamit

43 Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa di-kathang isip na teksto?


A. nagsasaad ng mga makatotohanang lugar
B. kinapapalooban ng mga likhang-isip na tauhan
C. nagsasaad ng mga likhang-isip o di-makatotohanang lugar
D. nanlilibang at nagpapawi ito ng inip gamit ang mga pangyayaring pawang kathang
isip lamang ng may akda

44. Alin ang halimbawa ng piksyon o kathang isip?


A. Araw ng Kalayaan C. Mga Diwata ng Bulaklak
B. Buhay ni Manuel L. Quezon D. Talambuhay ni Ramon Magsaysay
45. Ito ay nakilala rin bilang sine at pinilakang tabing. Ito ay isang larangan na
sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang
bahagi ng industriya ng libangan.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

A. pelikula C. musika
B. balita D. dokumentaryo

Panuto: Basahin ang buod ng pelikula. Sagutin ang sumusunod na tanong. Piliin ang
letra ng tamang sagot.
Praybeyt Benjamin (2011)

Si Benjamin "Benjie" Santos VIII ay isang baklang nais patunayan ang


kaniyang halaga sa kaniyang lolo. Dahil naharap ang Pilipinas sa sibil na giyera at
terorismo, kailangang may isang lalaki sa bawat pamilya ang pumasok sa
pagsusundalo at maglingkod sa bansa. Siya ang tuluyang napasabak sa pagsasanay
ng pagsusundalo. Itinago niya ang tungkol sa kaniyang kasarian. Ang kaniyang
pagsusumikap ay kinilala ng kaniyang mga tagapagsanay. Gawa ng kaniyang pagiging
hindi tuwid na lalake, napilitan siyang umalis sa pagsusundalo. Sumama sa kaniya
ang mga kaibigan, ngunit napunta sila sa kampo ng mga terorista. Nilabanan nila ito
at natalo ang mga terorista. Napuno nang tawanan at kakulitan ang ang mga eksena.
46. Anong uri ng pelikula ang iyong nabasa?
A. Drama C. Komedya
B. Aksyon D. Animasyon

47. Biyernes na naman, araw ng pagbabalik at pagkuha ng modyul ng mga magulang


sa Del Pilar Elementary School. Nagtungo si Ginang Razal sa eskuwelahan, dahil sa
pandemya, sumunod siya sa protocol. Pagkatapos niyang pumirma sa log book ng
guwardiya, nag-disinfect siya gamit ang alcohol. Tumungo siya sa lagayan ng modyul
na nasa gitnang bahagi ng paaralan. Isinilid ang dala-dalang modyul sa may kahon ng
lagayan ng mga nasagutang modyul at kinuha nito ang panibagong sasagutang
modyul sa kahon nakalagay ang pangalan ng kaniyang anak. Bago umalis si Gng.
Razal ay pumirma ito sa attendance sheet.

Sa tulong ng grapikong pantulong, paano kinuha ni Gng. Razal ang modyul ng


kaniyang anak?
A. disinfect ilagay ang modyul kumuha ng bagong modyul pumirma ng attendance
sheet
B. disinfect kumuha ng bagong modyul ilagay ang modyul pumirma ng
attendance sheet
C.disinfect ilagay ang modyul pumirma ng attendance sheet kumuha ng
bagong modyul

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

D. ilagay ang modyul kumuha ng bagong modyul pumirma ng attendance


sheet disinfect

Panuto: Basahin ang buod ng maikling kuwento. Sagutin ang tanong. Piliin ang letra
ng tamang sagot.

Pag-asa ni Lito
ni Minerva M. Villanueva, Del Pilar ES

“Sa bawat dapit-hapon ay may bukang liwayway.” Ito ang karaniwang


nasasambit ni Lito. Siya ay isang mag-aaral mula sa ikalimang baitang. Maagang
nagsisimula ang kaniyang araw. Sakay ng kaniyang bisikleta ay naglalako na siya ng
pandesal na kinukuha niya sa panaderya ng kaniyang tiya. Matiyaga niyang
tinutunton ang mga eskinita ng bawat kalsada para makabenta. Nadaraanan din niya
ang mga magsasakang maagang pumupunta sa bukid sakay ng kanilang kalabaw na
hila-hila ang kariton. Napakagaan ng umaga ni Lito, lalo na’t huni ng ibon mula sa
pugad ang kaniyang naririnig at mga bangka sa dagat ang nakikita na nagbibigay
saya sa kaniyang musmos na pagnanasang makaahon sa kahirapan.
Ang kaniyang paninda ay nauubos nang maaga. Magmamadali siyang
uuwi at magbibihis. Kukunin ang bag na nakasabit sa dingding ng bahay bago
papasok sa eskuwelahan. Madalas siya ay dumarating na ang watawat ay nakalagay
na sa tagdan na tamang-tamang magsisimula na sa pagpupugay dito. Buong pusong
pag- awit at pagtingala sa bughaw na langit ang gawi ni Lito.

48. Ano ang maaaring bunga ng kasipagan ni Lito kung ito ay nasa kasalukuyang
panahon?
A. pagkilala sa kaniyang kasipagan C. pagiging modelo sa mga kabataan
B. pag-unlad sa buhay D. pagtapos ng pag-aaral

49. Maraming dayuhan ang nawiwiling mamasyal sa lalawigan ng Zambales dahil sa


malinis na dalampasigan at magagandang tanawin nito. Halos sa kahabaan ng
baybayin ay may mga beach resort na maaaring tuluyan ng mga bisita. Dito rin
umaasa ng kita ang mga mamamayan. Ngunit ang pandemya ang humadlang sa
karaniwang sitwasyon. Ano ang maaaring gawin ng mga mamamayan upang
makaagapay sa epekto ng pandemya?

A. ipatupad ang curfew at IATF protocol


B. ipaabot sa lokal na pamahalaan ang sitwasyon

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

C. gumawa ng alternatibong pamamaraan tulad ng pangingisda


D. hayaan ang pamahalaang tumustos sa pangangailangan ng mamamayan

50. Nais ni Pishang na pumunta sa pamilihang bayan. Sa tulong ng isang mapa,


madaling malaman at matutuhan ang direksiyon at lokasyon ng mga nakadetalye rito.
Tukuyin ang susunding daan ni Pishang upang madali niyang marating ang
pamilihang bayan.

A.Mula sa bahay niya, siya ay dadaan sa kalye Burgos, patungo sa paaralan


B.Mula sa bahay niya, dumaan sa bangko Flores, dumaan sa ilog Burgos, dumaan sa
paaralan, sa simbahan bago sa palengke
C.Mula sa bahay niya, dumaan sa kalye Burgos patungo sa tulay ng Mabini at
maglakad patungo sa pamilihang bayan
D.Mula sa bahay niya, dumaan sa kalye Jacinto patungo sa pamilihang bayan

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like