You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5


Pangalan:

Baitang at Seksyon:

PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
ito sa inyong sagutang papel.

1. Isang natatanging pagdiriwang ang Sunduan. Nagmula ito sa kaugaliang hindi umaalis
sa bahay ang dalaga nang nag-iisa. Ang mga dalaga ay sinusundo at sinasamahan sa
kanilang nais puntahan. Binubuhay ang kaugaliang ito tuwing sasapit ang pista ng bayan
ng Parañaque.

Ano ang angkop na pamagat ng seleksiyon?Ang Makulay at Buhay na Tradisyon ng


Kaugalian ng mga Tao sa Parañaque

a. Ang Makulay at Buhay na Tradisyon ng Kaugalian ng mga Tao sa Parañaque


b. Ang Sunduan
c. Ang Pista ng Bayan
d. Ang Pagsundo sa Isang Dalaga

2. Ang edukasyon ay isang proseso ng pagkatuto. Nagbibigay ito ng pagkakataon para sa


magandang kinabukasan. Uunlad ang ating bansa kapag ang mamamayan ay mayaman
sa kaalaman. Mapapaunlad niya ang sarili upang makatulong sa iba. Ang edukasyon ang
tanging makapagpapaunlad ng ating teknolohiya at kabuhayan ng bansa. - Pinagkunan:
DepEd Learning Resource Portal. 6795 MISOSA. Ang Pagsulat ng Balangkas

Ano ang angkop na pamagat sa nabasang teksto?

a. Edukasyon Daan sa Pag-Unlad ng Isang Bansa


b. Edukasyon Ang Daan sa Pagpapayaman
c. Edukasyon Ang Makapagpapaunlad ng Teknolohiya
d. Edukasyon Ang Proseso sa Pagpapaunlad ng Sarili

Lacaron, Malita, 8012 Davao Occidental


+639663063411
depedoccidental@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education

Tingnan ang halimbawa ng pormularyo sa itaas. Suriin at gawing gabay sa


pagsagot sa tanong.

3. Ano ang pinaka-una at pinakamahalagang impormasyon o datos na kinakailangan sa


pagsagot sa mga form o pormularyo, gaya ng enrolment form, registration form, maging
mga online form, library card, withdrawal/deposit slip, bio-data?
a. tirahan o address
b. Pangalan
c. email-address
d. Lagda

4. Gusto mong magkaroon ng dagdag na allowance kaya ikaw ay mag-aapply bilang


student grantee ng iyong paaralan. Ang pormularyong nasa ibaba ay kailangan mong
punan ng impormasyon at isumite. Ano-ano ang mga dapat mong tandaan sa pagsagot
ng mga impormasyong hinihingi sa pormularyo?

a. huwag kalimutang lagdaan ang pormularyo


b. huwag kaligtaang isulat nang maayos ang pangalan
c. dapat maayos ang pagkakasulat ng mga impormasyon o datos na
hinihingi sa pormularyo
d. kinakailangang maayos ang pagkakasulat, kompleto at makatotohanan ang lahat ng
mga impormasyon o datos na ilalagay sa mga pormularyo

Lacaron, Malita, 8012 Davao Occidental


+639663063411
depedoccidental@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education

5. Padabog niyang sinunod ni Andrie ang utos ng kanyang ina dahil abala siyang
naglalaro ng online games. Ano ang pang-abay na ginamit sa pagalalarawan ng kilos na
sinunod?
a. utos
b. naglalaro
c. padabog
d. abala

6. Talagang kitang-kita ang pagsusumikap ni Maria na makapagtapos ng pag-aaral sa


kolehiyo. Ano ang uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
a. Pang-abay na Pamaraan
b. Pang-abay na Pamanahon
c. Pang-abay na Panlunan
d. Pang-abay na Panulad

7. Si Liza ay __________ na nagtatabi ng kaunting halaga mula sa kaniyang baon. Nais


niya kasing ibili ang kanyang ina ng bagong blusa para sa darating nitong kaarawan. Alin
sa mga sumusunod na pang-abay ang angkop para mabuo ang diwa ng pangungusap?
a. matiisin
b. masigasig
c. masigla
d. masipag

8. Si Cardo ay __________ na bumaba mula sa itaas ng niyog. Alin sa mga sumusunod na


pang-abay ang angkop sa paglalarawan ng kilos na bumaba?
a. maingat
b. napakabilis
c. palukso
d. padausdos

9. Kamangha-mangha ang mga Christmas lights sa harap ng Munisipyo ng Malita tuwing


sasapit ang kapaskuhan. Ano ang kaantasan ng pang-uring ginamit sa pangungusap?
a. Lantay
b. Pahambing
c. Pasukdol
d. paglalarawan

Lacaron, Malita, 8012 Davao Occidental


+639663063411
depedoccidental@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education

10. Napakaganda ng nanalong Mutya ng Davao Occidental 2022. Ang salitang


sinalingguhitan ay nasa anong kaantasan ng pang-uri?
a. Lantay
b. Pahambing
c. Pasukdol
d. paglalarawan

11. Dahil sa COVID-19, lumubo ang bilang ng mga nawalan ng trabaho. Ano ang ginamit
na salitang naglalarawan sa pangungusap?
a. COVID-19
b. lumubo
c. bilang
d. trabaho

12. Si Bebeth ay nakatira sa isang maliit na kubo sa isang nayon. Araw-araw ay masinop
niyang ginagawa ang mga gawaing bahay. Tahimik niyang nilalabhan ang mga damit,
maayos na niluluto ang mga pagkain, at mabilis niyang nililinis ang kanilang bahay. Alin
sa mga sumusunod na mga pahayag ang gumagamit ng pang-uri?
a. maliit na kubo
b. masinop na ginagawa
c. maayos na niluluto
d. mabilis na nililinis

13. Malayo ang bahay nila Mely mula sa paaralan kaya napagod at nagutom siya sa
paglalakad. Pagdating niya sa kanilang bahay ay nakita niya ang mga kamote sa may
banggera at gusto niya itong lutuin. Ano kaya ang unang gagawin ni Mely?

a. ilagay ang mga kamote sa kaldero at lutuin


b. hugasan nang maayos ang mga kamote at lutuin
c. magpainit ng tubig at kapag kumulo na ito ay ilalagay na ang mga kamote
d. sasabihan ang kanyang nanay na iluto ang kamote dahil siya ay nagugutom

Lacaron, Malita, 8012 Davao Occidental


+639663063411
depedoccidental@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education

14. Basahin ang teksto sa loob ng kahon at pagsunod-sunurin ang mga kaganapan.

Pista sa Aming Barangay

Tuwing ika-20 ng Setyembre ay ipinagdiriwang ang pista sa aming


barangay. Ang lahat ay abala sa paghahanda bago pa sumapit ang araw na ito.
Naglilinis at nagkakabit ng mga bandiritas ang mga kabataan. Tuwing gabi ay
may mga palabas sa gym ng barangay na pinapanood ng mga tao. Sa bisperas ng
pista ay mayroong Amateur Singing Contest. Sa araw ng kapistahan, ang bawat
bahay ay may mga handa. Maraming mga bisita ang dumarayo mula sa mga
karatig na mga lugar. Sa tanghali, ay may misa at binyagan na nagaganap. Sa
hapon naman ay may prusisyon kung saan iginagala ang patron ng barangay.

____Maraming bisita ang dumarating mula sa karatig na lugar.


____May prusisyon kung saan iginagala ang patron ng barangay.
____May palabas sa gym ng barangay tuwing gabi.
____Abala ang lahat sa paghahanda sa nalalapit na kapistahan
____May misa at binyagang nagaganap.

Kung lalagyan ng bilang sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod ang mga kaganapan,


alin sa mga sumusunod ang tama ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?

a. 1,2,3,4,5
b. 3,2,5,1,4
c. 3,5,2,1,4
d. 5,3,2,1,4

15. “Matagal ko ng pangarap na makapunta sa Boracay upang magbakasyon. Sa wakas,


ngayon ay nandito na ako,” masayang sambit ni Benny. Anong panghalip na panlunan
ang ginamit sa pangungusap?
a. ako
b. Boracay
c. ngayon
d. nandito

Lacaron, Malita, 8012 Davao Occidental


+639663063411
depedoccidental@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education

16. Naroon sa aming probinsiya ang aking lolo at lola, kaya ngayong Disyembre ay
dadalawin namin sila.

Alin sa mga sumusunod na panghalip na ginamit sa pangungusap ay panghalip na


panlunan?
a. naroon
b. amin
c. sila
d. namin

17. Basahin at unawain ang dayalogo. Sagutin ang tanong sa ibaba.

Magkatabing gumagawa ng proyekto sa paaralan ang magkapatid na sina


Rauf at Randlee nang dumating ang kaklase ni Rauf na si Junaid.

Junaid: Rauf, iyan ba ang proyekto mo sa Filipino?

Rauf: Oo, ito ang proyekto kong ipapasa kay Gng.Gonzalo. Ikaw, iyan
bang dala mo ang proyekto mo sa Filipino?

Junaid: Oo, ito nga. Tingnan mo hindi ko pa natapos.Kulang kasi ang


aking mga pangkulay. Pwede mo ba akong pahiramin?

Rauf: Oo naman. Halika maupo ka at tapusin natin ang ating proyekto sa


Filipino nang maipasa natin bukas kay Gng. Gonzalo.

Base sa usapang iyong binasa, ang panghalip na ito ay ginagamit kapag ________________.
a. ang tinutukoy ay malapit sa kausap
b. ang tinutukoy ay malapit sa nagsasalita
c. ang tinutukoy ay malayo sa nagsasalita
d. ang nagsasalita ay malapit sa kausap

18. “Ang bisikletang iyan ang gagamitin natin sa pamamasyal sa parke,” sabi ni Leon.
Ang iyan ay panghalip na paturol na ginamit sa pahayag dahil _____________.
a. ang bisikleta ay malapit sa nagsasalita
b. ang bisikleta ay malapit sa kinakausap
c. ang bisikleta ay malapit sa iyo
d. ang bisikleta ay malapit kay Leon

Lacaron, Malita, 8012 Davao Occidental


+639663063411
depedoccidental@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education

19. Walang ingat ang mga tao sa pagputol sa mga puno sa kabundukan at kagubatan.
Patuloy ang pagsasagawa ng sistemang kaingin. Patuloy ang pagsunog ng mga kaingenero
sa kagubatan. Wala ng makakapigil sa pagguho ng lupa mula sa kabundukan. Ang
pagbaha ay hindi na rin mapipigilan kapag may malakas na ulan.

Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na islogan ang mabubuo upang mapigilan
ang pagkakalbo ng kagubatan at ang hindi magandang epekto nito?
a. Magtanim ng mga puno at palaguin ang mga ito.
b. Pagkakaingin ay iwasan upang pagbaha ay maagapan.
c. Puno ay itanim at muling palaguin upang mga sakuna ay maiwasan natin
d. Maging maingat at maging handa sa panahon ng sakuna

20. Si Kisses ay isang mag-aaral na nasa ika-limang baitang. Binigyan sila ng takdang-
aralin ni Gng. Salih tungkol sa pagbibigay ng angkop na paksa para sa talatang binasa.
Nang simulan na niyang basahin ang talata ay may mga salitang hindi niya lubos
maintindihan ang ibig sabihin. Kaya nahihirapan siyang tukuyin kung ano ang paksa ng
talata. Alin sa mga sumusunod na pangkalahatang sanggunian ang makakatulong kay
Kisses upang maunawaan niyang lubos ang mga salitang hindi niya naintindihan?
a. Tesoro
b. Ensayklopediya
c. Pahayagan
d. Talatinigan o Diksiyonaryo

21. Gustong malaman ni Lucian ang agwat o layo ng mga bansa na nakapaligid sa
Pilipinas dahil isa ito sa mga datos na dapat niyang pag-aralan para sa kanyang pag-
uulat bilang performance task sa Araling Panlipunan. Anong sanggunian ang angkop
niyang gamitin para makuha ang insaktong datos na kailangan niya?

a. Mapa
b. Globo
c. Atlas
d. Almanac

22. Ang COVID-19 ay isang pandemya na nagdulot ng panganib sa buong mundo sa


nagdaang 2 taon. Ang coronavirus ay mula sa isang malaking grupo ng mga virus na
nagsasanhi ng mga karamdaman. Kabilang dito ang karaniwang sipon na humahatong
sa severe acute respiratory syndrome. Ayon sa mga balitang iyong narinig mula sa radyo
o napanood sa telebisyon. Alin sa mga sumusunod ang dagdag impormasyong iyong
maitatala tungkol sa COVID-19?

Lacaron, Malita, 8012 Davao Occidental


+639663063411
depedoccidental@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education

a. Ang COVID-19 ay isang sakit na sanhi ng isang bagong uri ng coronavirus. Ito ay
unang iniulat noong Disyembre 2019 sa Wuhan City sa China.
b. Ang COVID-19 ay isang sakit sa paghinga na sanhi ng isang bagong bacteria. Kabilang
sa mga sintomas ang lagnat, pag-ubo, namamagang lalamunan at pangangapos ng
hininga.
c. Ang COVID-19 ay karaniwang sakit na nakukuha sa pabago-bagong panahon at
temperatura ng paligid.
d. Ang COVID-19 ay isang karamdaman na mula sa aedes aegypti na nagdulot ng
trangkaso, matinding sakit ng ulo, sakit sa ilalim ng mga mata, pananakit ng kalamnan
at kasukasuhan, pagkahilo at pagsusuka.

23. Araw ng Sabado, masayang naglalaro si Manisha kasama ang kanyang asong si
Kitkat. Mabilis na tumakbo si Kitkat kaya agad niyang nahuhuli ang bolang inihahagis ng
kanyang among si Manisha.

Alin sa mga sinalungguhitang mga salita ang pang-abay na naglalarawan ng kilos?


a. Sabado
b. naglalaro
c. mabilis
d.bolang inihahagis

24. Masayang nagkukwentohan ang magkakaibigan habang kumakain ng


panaghalian. Paano ginamit ang pang-abay sa pangungusap?
a. sa paglalarawan ng pangngalan
b. sa paglalarawan ng pang-uri
c. sa paglalarawan ng pandiwa
d. sa paglalarawan ng kapwa pang-abay

25. Batay sa mga balitang iyong napapanood sa telebisyon, naririnig sa radyo at nababasa
sa mga pahayagan.Kung ikaw ay gagawa ng isang ulat tungkol sa polusyon, alin sa mga
sumusunod na ulat ang iyong ikokonsiderang makatotohanan sa paglalarawan sa tunay
na kalagayan ng polusyon?
a. Ang polusyon ang nagpapataas ng antas ng oxygen sa hangin at nagpapababa ng
antas ng carbon dioxide. Ito ay resulta ng labis na pagtotroso at sa binubugang usok ng
mga sasakyan, pabrika, at plastik na sinusunog ay nagiging sanhi ng polusyon sa
hangin.

Lacaron, Malita, 8012 Davao Occidental


+639663063411
depedoccidental@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education

b. Ang pag-init ng daigdig ay nagdudulot ng pagkatunaw ng mga yelo sa Antarctica na


nagiging sanhi ng pagtaas ng dagat.Ang kalagayang ito ay dulot ng polusyon sa tubig.
c. Magarang sasakyan, malalaking pabrika, maulad na teknolohiya ay mga bagay na
ginawa ng tao. Ang katalinuhan ng tao ay siyang sanhi ng polusyon na kumakalat sa
mundo.
d. Ayon sa inilabas na resulta ng survey na isinagawa ng DENR, ang polusyon ay epekto
ng kawalan ng disiplina, kapabayaan , walang pakialam at walang konsiderasyong mga
tao. Hindi nila iniisip ang mga bunga ng kanilang mga gawain. Kaya maraming likas na
yaman ang nasira.

26. Basahin at sagutin ang tanong.

Talambuhay ni Andres Bonifacio

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga
magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina De Castro. Nakatapos siya sa Mababang
Paaralan ni Guillermo Osmeña ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay
namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababatang
kapatid na babae at lalaki. Bilang hanapbuhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na
tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa
lansangan.

Paano mo mailalarawan si Andres Bonifacio mula sa binasang teksto?


a. Siya ay masunuring anak dahil huminto siya sa pag-aaral nang mamatay ang
kanyang mga magulang
b. Siya ay responsableng kapatid at maparaan sa pagsasagawa ng mga bagay na
pwedeng pagkakitaan
c. Siya makasariling kapatid dahil inatasan niya ang mga kapatid na tumulong sa
mga gawaing pangkabuhayan
d. Siya ay mapagmahal at matulungin na kapatid

27. Sumama si Wendell sa kanyang mga kamag-aral na maligo sa ilog sa halip na


umuwi nang maaga pagkagaling sa paaralan. Ginabi sila sa pag-uwi sa bahay at
nadatnan na niya ang kanyang ama na galing pa sa bukirin. Tinanong siya kung saan
galing. Ngunit sinabi niya na inutusan siya ng kanyang guro na linisin uli ang silid-aralan.

Kung ikaw ang kaibigan ni Wendell at alam mo ang totoong nangyari, ibabahagi mo ba
sa ama ni Wendell ang tunay na nangyari?

Lacaron, Malita, 8012 Davao Occidental


+639663063411
depedoccidental@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education

a. Opo, dahil iyon ang totoo at dapat lang na pagalitan siya ng kanyang ama
b. Opo, para paluin siya ng kanyang ama at hindi na niya uulitin ang paliligo sa ilog
c. Hindi po, kakausapin ko muna si Wendell na huwag na niyang ulitin ang ginawa niya
at kapag inulit pa niya ay sasabihan ko na ang tatay niya para maiwasan ang hindi
magandang pangyayari sa susunod
d. Hindi po, dahil wala akong karapatan na makialam sa kanyang buhay at mga gawain.

28. Ang ating mga karanasan sa buhay ay nagbibigay sa atin ng inspirasyon. Malungkot
man o masayang karanasan ay magsisilbing instrumento sa ating pag-angat sa buhay.
Anong reaksyon ang pinakaangkop para sa isyung ito?
a. Talagang umaangat ang tao dahil sa kanyang pagkukusa at pagsisikap
b. Ang magagandang karanasan lamang ang makakatulong sa atin upang umangat ang
ating buhay
c. Malungkot man o masayang karanasan ay magbibigay ito ng aral sa ating buhay at
may malaking bahagi sa paghubog ng ating katauhan
d. Natural lamang na sasama ang iyong kalooban sa mga taong nagbigay ng malungkot
na karanasan.

29. Ang watawat ay tinahi at ginawa upang maging simbolo ng ating bansa. Ito ang
pagkakakilanlan ng ating bansang Pilipinas. Ang bawat kulay ay may kahulugan. Ang puti
ay sumisimbolo ng pagkakapantay at kapatiran. Ang pula ay ay kumakatawan sa
kagitingan at pagkamakabayan, at ang asul ay kumakatawan naman sa katarungan,
kapayapaan at kalayaan. Ang mga desinyong nakalagay ay may kahulugan rin. Ang
tatlong bituin ay kumakatawan sa tatlong malalaking pulo ng Pilipinas. Ang gintong araw
ay sumisimbolo sa pagkakaisa, demokrasya at soberenya ng mga tao. Samantala ang
walong sinag ng araw ay kumakatawan sa walong lalawigan na unang nagsimula ng pag-
aalsa laban sa Espanya.

Alin sa mga sumusunod na mga tanong ang pwede mong mabuo at mahanapan ng sagot
para sa binasang teksto?
a. Ang bawat bansa ay may sariling watawat
b. Bakit ang mga bansa ay mayroong watawat?
c. Ano ang ibig sabihin ng mga kulay at desinyo na makikita sa ating watawat?
d. Ano-anong mga lalawigan sa Pilipinas ang may sariling watawat?

Lacaron, Malita, 8012 Davao Occidental


+639663063411
depedoccidental@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education

30. Ang Miss Universe ay isáng taunang pandaigdigang patimpalak ng kagandahan na


pinamamahalaan ng Miss Universe Organization. Sa pandaigdigang patimpalak na Miss
Universe, ang Pilipinas ay hindi naman pahuhuli. Bilang patunay noong taong 1969 ay
naiuwi ni Miss Universe Gloria Diaz ang kauna-unahang korona ng Miss Universe sa edad
na 18. Taong 1973 naman nang muling naiuwi ang korona sa Miss Universe. Sa edad na
19 taon, nasungkit ni Margie Moran ang korona sa ginanap na kompetisyon sa Athens,
Greece. Matapos ang panalong ito ay lumipas ang mahigit 40 na dekada bago muling
nasungkit ng Pilipinas ang titolo at korona ng Miss Universe. Taong 2015 nang muling
maiuwi ito ng 26 taong gulang na si Pia Alonzo Wurtzbach. Ang pagkapanalo niya ay
dumaan sa hitik na kontrobersya dahil sa maling anunsyo ng host na si Steve Harvey. Sa
unang anunsyo ni Harvey ay ang Miss Columbia na si Paulina Vega ang itinanghal na Miss
Universe, ngunit agad naman niya itong binawi at humingi ng paumanhin sa kanyang
pagkakamali. Kaya naman si Pia Wurtzbach ay tinaguriang “The Most Popular Miss
Universe”. At makalipas lamang ang dalawang taon (taong 2018) ay muling nakuha ng
Pilipinas ang korona ng Miss Universe nang maiuwi ito ni Catriona Gray mula sa
kompetisyon na ginanap sa Thailand.

Kung ikaw ay bubuo ng isang timeline tungkol sa sa mga nanalong Miss Universe mula
sa tekstong binasa, alin sa mga sumusunod ang tama ang pagkakabuo.
a.
Mga Nagwaging Miss Universe Mula sa Bansang Pilipinas
1969 1973 2015 2018
Catriona Gray Pia Wurtzbach Margie Moran Gloria Diaz
b.
Mga Nagwaging Miss Universe Mula sa Bansang Pilipinas
2018 2015 1973 1969
Catriona Gray Pia Wurtzbach Margie Moran Gloria Diaz
c.
Mga Nagwaging Miss Universe Mula sa Bansang Pilipinas
1969 1973 2015 2018
Gloria Diaz Margie Moran Pia Wurtzbach Catriona Gray
d.
Mga Nagwaging Miss Universe Mula sa Bansang Pilipinas
2018 2015 1973 1969
Gloria Diaz Margie Moran Pia Wurtzbach Catriona Gray

Lacaron, Malita, 8012 Davao Occidental


+639663063411
depedoccidental@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5


SAGUTANG PAPEL

Pangalan:

Baitang at Seksyon:

Dito isulat ang sagot sa bawat bilang:

1. 11. 21.

2. 12. 22.

3. 13. 23.

4. 14. 24.

5. 15. 25.

6. 16. 26.

7. 17. 27.

8. 18. 28.

9. 19. 29.

10. 20. 30.

Lacaron, Malita, 8012 Davao Occidental


+639663063411
depedoccidental@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education

SUSI SA PAGWAWASTO:

1 B
2 A
3 B
4 D
5 C
6 A
7 B
8 D
9 C
10 C
11 B
12 A
13 B
14 C
15 D
16 A
17 B
18 B
19 C
20 D
21 C
22 A
23 C
24 C
25 D
26 B
27 C
28 C
29 C
30 C

Lacaron, Malita, 8012 Davao Occidental


+639663063411
depedoccidental@gmail.com

You might also like