You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BACOLOD CITY
VISTA ALEGRE-GRANADA RELOCATION ELEMENTARY SCHOOL
Progreso Village 1, Barangay Vista Alegre, Bacolod City

FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT

Pangalan:______________________________Baitang at Seksyon:____________

MELC: nakapagbibigay ng sarili o maaring solusyon sa isang suliraning naobserbahan sa paligid (F6PS-Ig-9)

I. Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Ibigay ang maaaring solusyon dito. Piliin ang
titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Nakagawian na ng mga tao sa barangay ang pagsunog ng basura na siya pa lang dahilan ng pagkakasakit ng mga
bata ng asthma. Ano ang maaaring solusyon mo sa ganitong suliranin?
A. Ilagay sa loob ng buho at sunugin ang mga basura.
B. Iwanan lang sa daanan ang mga basura.
C. Itapon ang mga basura sa ilog, sapa, at dagat.
D. Ipunin at i-segregate ang mga basura at itapon sa tamang tapunan.

2. Noong bata pa akoay madalas kaming naliligo sa sapa tuwing nagbabakasyon kami sa lugar ng lola ko. Malinis,
maputi at maraming isda ang nag-uunahan sa paglangoy sa sapa. Ngayon, sobrang nakadidismayang isipin dahil
maitim na ang tubig nito sapagkat napabayaan at ginawa ng paliguan ng kalabaw.
A. Pabayaan na lang ito.
B. Iiyak at huwag ng bumalik sa lugar na iyon.
C. Pagalitan ang mga taong nagdadala ng kanilang kalabaw sa sapa.
D. I-reportsa opisyal ng barangay para mapagbawalan ang mga taong ginagawang
paliguan ng kalabaw ang sapa.

3. Maraming namamatay sa kabilang barangay dahil sa sakit na Dengue. Ano ang maaaring solusyon nito?
A. Tumulong sa paglilinis ng sambayanan.
B. Huwag ng tumulong dahil marami naman ang gumagawa ng paglilinis.
C. Ipaubaya na lang ang lahat sa mga opisyal ng barangay.
D. Gumamit ng pesticides napamatay sa lamok.

4. Ang buong mundo ay humaharap sa napakasalimuot na suliranin sa kalusugan dahil sa paglitaw ngpandemic na sakit
ang COVID-19. Alin ang maaaring solusyon nito.
A. vaccine
B. paracetamol
C. halamang gamot
D. gamot sa ubo

5. Problema ang doble-dobleng pag-park ng mga sasakyan sa aming kalye. Ano ang pinakamabuting solusyon nito?
A. Guhitan ang sasakyan ng kahit na anong tinta.
B. Magalit sa mga may-ari ng sasakyang nagpa-park sa kalye.
C. Huwag pansinin kasi wala ka namang sasakyang magpa-park.
D. Ipaalam sa opisyales ng barangay upang mahanapan ng tamang parking area ang
mga sasakyan.

BAKUD KA: Bida Ang Kabataan Updan sa Dalan sang Kadalag-an


School Address: Progreso Village 1, Brgy. Vista Alegre, Bacolod City Telephone: (034) 466-5091
Facebook Page: https:// www.facebook.com/vagreselem Website:
Email: 181004.bacolod@deped.gov.ph
II. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot na
nagpapakita ng paggalang sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.

11. Gusto mong lumabas kasama ang iyong mga kaibigan. Paano ka magpapaalam sa iyong mga magulang?
A. Aalis po ako kasama ng aking mga kaibigan.
B. Hinihintay na ako ng aking mga kaibigan sa labas, paalam.
C. Maaari po ba akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan?
D. Payagan ninyo akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan.

12. Gusto mong makipaglaro sa labas kasama ang inyong mga kaibigan. Humingi ka ng pahintulot sa iyong ina ngunit
ayaw kang payagan dahil sobrang init sa labas. Ano ang iyong sasabihin?
A. Sige na inay, payagan na po ninyo ako.
B. Aalis pa rin ako, Inay kahit hindi ninyo ako papayagan.
C. Opo, Inay, gagawa nalang po ako ng aking takdang-aralin.
D. Naku, Inay, wala naman po akong gagawin dito sa bahay kaya payagan na ninyo ako.

13. Nakita mong hindi wasto ang paggawa ng proyekto ng iyong kagrupo at ikaw ang nakakaalam ng tamang paggawa
nito. Paano mo ito sasabihin?
A. Mali ka, hindi ganiyan ang paggawa nito.
B. Ihinto mo na iyang ginagawa mo kasi mali naman.
C. Dapat sana sinabihan ninyo ako bago kayo gumawa.
D. Maaari ba akong magbigay ng suhestiyon sa paggawa ng ating proyekto?

14. Pinuri ka ng iyong guro dahil sa husay mo sa pagguhit. Ano ang tama mong isasagot?
A. Wala iyon, Ma’am.
B. Magaling po talaga ako.
C. Maraming salamat po, Ma’am.
D. Syempre naman po, kasi may pinagmanahan.

15. Lalabas na sana si Angie sa kanilang silid-aralan ngunit nag-uusap ang kaniyang mga kamag-aral sa may pintuan.
Ano ang nararapat niyang sabihin?
A. Padaan nga.
B. Makikiraan po sa inyo.
C. Umalis nga kayo diyan.
D. Huwag kayong humarang sa pintuan.

III. Panuto: Kilalanin ang kaukulan ng panghalip na may salungguhit kung palagyo, paari o palayon. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

16. Kami ang unang dumating sa paaralan.


17. Para sa kanila ang mga santol na pinitas ko.
18. Maagap siya sa kaniyang mga takdang-aralin.
19. Gahol na tayo sa panahon para matapos ang proyekto.
20. Matalinhaga ang mga pahayag ng aking lolo sa kaniyang sulat kay lola.

BAKUD KA: Bida Ang Kabataan Updan sa Dalan sang Kadalag-an


School Address: Progreso Village 1, Brgy. Vista Alegre, Bacolod City Telephone: (034) 466-5091
Facebook Page: https:// www.facebook.com/vagreselem Website:
Email: 181004.bacolod@deped.gov.ph

You might also like