You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA REGION
DIVISION OF MARINDUQUE
TORRIJOS DISTRICT
TORRIJOS CENTRAL SCHOOL

Ikatlong Markahang Pagsusulit


FILIPINO 1

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot at Isulat sa
patlang.

______1. Mahilig maglaro ng mobile legend si Mario sa kanyang cellphone. Maghapon at


magdamag syang nakababad sa paglalaro. Ano pwedeng mangyari kay Mario?
a. Mas gagaling sya sa paglalaro ng ML
b. Sasakit ang kanyang tiyan
c. Sasakit ang kanyang mga mata

______2. Sina Amie at Anie ay matalik na magkaibigan. Pagkatapos ng


kanilang klase ay nakaugalian na nilang magkaibigan ang maglaro sa labas kahit matindi ang
sikat ng araw o kahit umuulan man. Ano ang maaaring mangyari sa dalawang magkaibigan?
a. Magkakasakit sila
b. Magiging malusog sila
c. Matutuwa ang kanilang mga magulang

______3. Si Jun, Jane at Ana ay pumunta sa parke. Sila ay masayang nagpapalipad ng


saranggola ng biglang kumilimlim ang kalangitan. Ano sa tingin mo ang susunod na
mangyayari?
a. Bubuhos ang malakas na ulan
b. Hahangin ng malakas
c .Sisikat ang araw

Si Atok ay nasa Unang Baitang. Minsan sa klase ni Gng. Mendoza na Matematika,


binigyan sila ng isang gawain na kanilang sasagutan. Nang siya ay matapos, lumapit siya
sa kanyang guro upang magpawasto. Tatlong beses siyang lumapit subalit mali pa rin ang
kanyang sagot.
______4. Ano ang kulang sa sagot ni Atok?
a. pera
b. piso
c. peso sign
______5. Dapat bang magtanong sa guro kung hindi mo alam ang gagawin? Bakit?
a. Opo, para makilala ng guro.
b. Opo, para maintindihan ko ang gagawin.
c. Hindi po, nahihiya po kasi ako.
______6. Kailan ginagamit ang salitang “siya”?
a. Pamalit sa isang taong pinag-uusapan.
b. Pamalit sa dalawa o maraming taong pinag-uusapan.
c. Pamalit sa isang taong kausap.
______7. Kay Monica ang laruan na ito. Sa _____________ rin ang dilaw na rosas sa tabi
nito. Anong panghalip ang gagamitin upang mabuo ang pangungusap na ito?
a. kanya
b. sila
c. ikaw

______8. “Ako ang bahala sayo.” Paano nagsimula ang pangungusap?


a. maliit na letra
b. malaking letra
c. may tuldok sa unahan

______9. “Naku, nahulog ang bata sa hagdan!” Ano ang ginamit na bantas sa pangungusap
na ito?
a. tuldok
b. tandang padamdam
c. tandang pananong
______10. Alin sa mga pangungusapa ng gumamit ng bantas na tandang pananong?
a. Si Ana ay isang masipag na anak.
b. Wow! Ang galing galing mo naman.
c. Bakit nasa daan ang mga aso, pusa, at kambing?

Masayang Pamilya
Masayang pamilya, kumakain ng sama-sama
Masustansyang gulay, prutas, at karne
Pinagsasaluhan ng pamilya.
Alam nina tatay at nanay, karapatan ng mga anak minamahal
Mabigyan ng masustansyang pagkain araw-araw
Upang lumaking malusog ang mga anghel sa bahay.

______11. Ano ang paksa ng tula?


a. malusong na bata
b. masayang pamilya
c. masustansyang pagkain

______12. Ano ang paksa sa ikalawang saknong?


a. Kahalagahan ng masustansyang pagkain
b. Pangangalaga ng magulang
c. Karapatan ng mga bata

______13. Ayaw kumanta ni Alex sa harap ng kanyang mga kaklase kaya yumuko na
lamang siya nang siya ay tawagin ng kanyang guro. Ano ang nararamdaman ni Alex sa oras
na iyon?
a. pagkahiya
b. pagsisi
c. pagrereklamo

______14. "Wala pa si Jay. Malakas pa naman ang ulan ngayon," wika ni Nanay. Ano ang
damdamin ni nanay sa pangungusap na ito?
a. pagtatampo
b. panghihinayang
c. pag-aalala

Ang Pamilya Koyo


Araw ng Linggo at walang pasok. Bihis na bihis ang pamilya Koyo. May mga
dala silang aklat-dasalan o bibliya. Tuwing araw ng Linggo sila ay nagpupunta sa
simbahan.

______15. Ano ang dala ng pamilya Koyo kapag pumupunta sila ng simbahan?
a. bibliya o aklat-dasala
b. halaman at bulaklak
c. gulay at prutas
______16. Mabuti bang gawain ang pagpunta ng pamilya Koyo sa simbahan tuwing araw ng
Linggo? Bakit?
a. Hindi po, dahil hindi ito nakabubuti sa kalusugan.
b. Opo, dahil napapalapit tayo sa Diyos.
c. Hindi po, gagastos lamang ng pera

______17. Nagpupunta rin ba ang iyong pamilya sa simbahan tuwing araw ng Linggo?
a. Opo, dahil maraming pagkain.
b. Opo, dahil mahal namin ang Diyos.
c. Opo, dahil kasama ang magulang.

______18. Anong kasarian ng pangngalan ang manga, saging, at abokado?


a. di-tiyak
b. pambabae
c. walang kasarian
______19. Anong kasarian ng pangngalan ang nasalungguhitan?
Inay, liwanag ng buhay, sa iyong kamay at gabay
Palaging nakasalalay, para sa aking tagumpay
a. di-tiyak
b. pambabae
c. panlalaki
______20. Bakit ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang pista sa kanilang lugar?
a. Para makalikom ng maraming pera ang pamahalaan.
b. Dahil ito diwa ng pasasalamat sa Diyos sa mga biyaya sa nagdaang taon.
c. Para makapagbenta at kumita ng malaking halaga ng pera.

______21. Kung ang salitang baha ay dadagdagan, ano ang maaaring mabuong salita?
a. bahay
b. basa
c. buhat
______22. Ano ang pwedeng ipalit sa letrang s sa salitang lapis para makabuo ng bagong
salita?
a. letrang k
b. letrang d
C.letrang t
______23. Ano ang ibig sabihin ng kulay berde sa traffic light?
a. Nagpapahiwatig ng pagtigil (STOP) o Delikado ( DANGER)
b. Magpatuloy (GO) o ligtas (SAFE)
c. Ang sasakyan na tumawid sa stop line ay maaaring magpatuloy na dumaan.
______24. Ano ang maaaring maging babala sa isang simbahan?
a. Tumawid sa tamang tawiran.
b. No I.D No Entry.
c. Panatilihin ang katahimikan.

______25. Alin sa mga pangungusap ang gumamit ng salitang naglalarawan na tumutukoy


sa bilang?
a. Sariwa at luntian ang mga tanim.
b. Mataba ang batang tumatalon.
c. Maraming bata ang nagtatakbuhan.

You might also like