You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION _____________________
DIVISION OF _________
_______________ District
NAME OF SCHOOL

Ikalawang Markahang Pagsusulit


MTB-MLE 3

Pangalan:__________________________________________________ Iskor: _________


Baitang at Seksyon: _________________________ Pirma ng Magulang: __________
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot at Isulat sa
patlang.

______1. Kailan gagamitin ang mga panghalip na pananong na ano, saan, kailan at sino?
a. Ginagamit ito sa paglalarawan sa pangalan ng tao, bagay, hayop.
b. Ginagamit ito sa pagpapahayag ng pag-aari o pag-angkin.
c. Ginagamit ito sa pagtatanong tungkol sa tao, bagay, hayop, lugar.
______2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang ginagamitan ng panghalip na
nagtatanong tungkol sa lugar o ngalan ng lugar?

a. Sino ang guro mo sa Ikatlong Baitang?


b. Ano ang paborito mong asignatura?
c. Saan ka nag-aaral?
______3. Anong panghalip pananong ang ginagamit kung ikaw ay nagtatanong tungkol sa
isang bagay o isang pangyayari?

a. ilan b. ano c. bakit


______4. Alin sa mga sumusunod na panghalip pananong ang tamang gamitin sa
pangungusap na ito? ________________ ang mga magulang mo?

a. Ano b. Sino c. kailan


______5. Binabasahan ng aklat si Jose tuwing gabi ng kaniyang ina.
Ano ang angkop na panghalip pananong sa salitang nasalungguhitan?
a. kailan b. sino c. saan
______6. Saan ka ipinanganak? Ano ang maaari mong isagot sa tanong na ito?
a. Ako ay ipinanganak sa Makati City.
b. Ako ay anim na taong gulang.
c. Nag-aaral ako sa Mababang Paaralan ng Makati.
______7. Ang tsinelas at sipilyo ay ipinamigay ng magkaibigan. Ano tanong ang mabubuo
sa pangungusap?
a. Kailan mamimigay ang magkaibigan?
b. Ano ang ipamimigay ng magkaibigan?
c. Saan pupunta ang magkaibigan?

______8. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo dapat gawin kung ikaw ay magbibigay ng
reaksyon o saloobin sa napakinggan mong kwento?

a. Siguraduhin na ang kwento ay galing sa mapagkakatiwalaang tao o organisasyon.


b. Ipagkalat ang impormasyon kahit hindi sigurado kung ito ay totoo.
c. Magpatulong sa mga nakakatanda tungkol sa angkop na reaksyon na ibibigay.
______9. Ano ang gagawin mo kung nalaman mo na hindi na makakapagpatuloy sa pag-
aaral ang isa mong kaklase dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang?
a. Kakausapin ko at hihikayating ipagpatuloy pa rin ang pag- aaral.
b. Pabayaan siyang huminto sa pag-aaral dahil hindi mo kamag- anak.
c. Ibubully ko siya at ipagsasabi ko sa mga kaklase ko ang nangyari.
______10. Kinausap ng guro si Beth dahil hindi ito nakapagpasa ng kaniyang proyekto.
Ibinigay niya ito tatlong araw pagkatapos na magbigay ang guro ng takdang araw ng
pagpapasa. Anong angkop na reaksyon ang dapat mo ibigay sa talatang ito?
a. Tama ang ginawa ng guro upang magbigay-aral kay Beth.
b. Dapat hinayaan na lamang ng guro dahil nakapagpasa pa rin.
c. Hindi ako sang-ayon dahil napahiya si Beth sa klase.
______11. Nag-anunsyo ang inyong punong-guro na walang pasok sa susunod na Linggo
dahil magsasagawa nang inspeksyon sa mga gusali ng paaralan dahil sanagdaang lindol. Ano
ang magiging reaksyon mo sa sinabi ng inyong punong-guro?
a. Iiyak ako dahil isang linggo akong walang baon.
b. Matutuwa ako dahil walang pasok,
c. Malulungkot ako ngunit maiintindihan ko na para ito sa aming
kaligtasan.
______12. Sa binasang talata sa bilang 11, paano mo maipapakita ang suporta mo sa
desisyon ng inyong punong-guro?
a. Matutulog ako buong maghapon.
b. Sisigaw ako sa tuwa dahil walang pasok.
c. Mag-aaral pa rin ako ng mga leksyon sa bahay.

______13. Narinig mong nagtatalo ang dalawa mong kapitbahay. Ano ang gagawin mo?
a. Awatin ang kapit-bahay.
b. Ipagsasabi ko sa lahat ang nangyari.
c. Pumasok sa loob ng bahay at hayaan sila sa ginagawa nila.

______14. May gaganaping Oplan Bayanihan sa inyong lugar. Hinihikayat ang bawat isa sa
inyo na makikilahok sa paglilinis ng kapaligiran. Ano ang gagawin mo?
a. Magpanggap na maysakit at huwag makilahok.
b. Gawin ang mga bagay na aking makakaya upang makatulong
c. Maglalaro ako at hindi makikialam sa gawain dahil bata pa ako.
______15. Ibinalita sa telebisyon na makararanas ng malakas na pag- ulan ang inyong lugar
kinabukasan. Malayo ang iyong paaralan mula sa inyong tirahan. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ako papasok.
b. Papasok pa rin ako sa eskwela.
c. Hindi ako papasok at ipapaalam ko sa aking guro sa pamamagitan ng pag-text ang
aking dahilan.
______16. Ano ang iyong reaksyon sa palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at
umaagos na tubig?
a. Sang-ayon ako para matanggal ang dumi sa aking kamay.
b. Hindi ako sang-ayon dahil maaksaya sa tubig.
c. Sang-ayon ako dahil hindi marami kaming pambili ng sabon.
______17. Bakit kailangang maging magalang sa paghahayag?
a. Upang hindi makasakit sa damdamin ng iba.
b. Upang makatanggap ng pera sa taong sasabihan mo.
c. Hindi nararapat na maging magalang sa pagpapahayag.
______18. Anong tawag sa uri ng tayutay na nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang tila, kawangis ng, mistulang, sing-tulad ng,
magkatulad, gaya ng at katulad.
a. Simili b. Personipikasyon c. Metapora
______19. Anong tawag sa uri ng tayutay na binibigyang buhay, pagtaglayin ng mga
katangiang pantao-talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay?
a. Simili b. Personipikasyon c. Hyperbole
______20. Ang kaniyang mukha ay mistulang talutot ng bulaklak. Anong salitang simili ang
ginamit sa pangungusap na ito?
a. Ang kaniyang mukha
b. mistulang talutot ng bulaklak
c. talutot ng bulaklak
______21. Ang isang pamilya ay dukha kung wala silang makain at perang pambili. Ano
ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa pangungusap na ito?
a. mayaman b. malaki c. mahirap
______22. Sumikat na ang nakangiting araw. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa
pangungusap na ito?
a. Hyperbole b. Metapora c. Personipikasyon
______23. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pangungusap na ito?
Siya ay anghel sa bago niyang pamilya.
a. Hyperbole b. Metapora c. Personipikasyon
______24. Kaya kong sisirin ang dagat mapasagot lang kita. Anong uri ng tayutay ang
ginamit sa pangungusap na ito?
a. Hyperbole b. Metapora c. Personipikasyon
______25. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumagamit ng
Metapora?
a. Siya ay gutom na leon kung kumain.
b. Singtingkad ng perlas ang kaniyang kaputian.
c. Nangungusap ang kaniyang mga mata.
______26. Alin sa mga pangungusap ang halimbawa ng hyperbole?
a. Ang kasipagan ay ina ng kayamanan at kaginhawaan.
b. Magsusunog ako ng kilay makapagtapos lang ako ng pag-aaral.
c. Matatamis ang ngiti ng mga punong-kahoy.
______27. Matapos ang malakas na kulog ay gumuhit ng apoy sa kalangitan. Ano ang
kahulugan ng tatutay na ito?
a. Mainit ang langit.
b. Nagkaroon ng pagkidlat.
c. May apoy na iginuhit sa langit.
______28. Sa bilis ng takbo ng oras, hindi ko namalayang hapon na pala at kailangan ko
nang umuwi. Ano ang kahulugan ng nasalungguhitan na salita sa pangungusap na ito?
a. Lumilipas ang oras.
b. Nahulog ang orasan.
c. Nakikipaghabulan ang oras.
______29. Simula ng magkasakit si Jane ay nasa loob lang siya ng bahay nila kaya naman
hinahanap na siya ng araw. Ano ang kahulugan ng nasalungguhitan na salita sa pangungusap
na ito?
a. Nagtatago sa dilim.
b. Makikita lang kung gabi.
c. Hindi lumalabas ng bahay.
______30. Bakit gumagamit ang mga manunulat ng tayutay sa
kanilang akda?
a. Ginagawa ito upang mas magiging kawili-wili ang isang akda.
b. Ginagawa ito upang malibang ang mambabasa.
c. Lahat ng nabanggit.

ANSWER KEY
1. c
2. c
3. b
4. b
5. a
6. a
7. b
8. b
9. a
10.a
11.c
12.c
13.a
14.b
15.c
16.a
17.a
18.a
19.b
20.b
21.c
22.c
23.b
24.a
25.a
26.b
27.b
28.a
29.c
30.c

You might also like