You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN CITY
AMBULONG ELEMENTARY SCHOOL
BRGY AMBULONG , TANAUAN CITY

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


FILIPINO 6

Pangalan: ___________________________________________ Iskor: _________


I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat bago sa sagutang papel.

Batang nagbebenta ng puto pangmatrikula nagtapos ng kolehiyo

LEGASPI CITY — Inspirasyon ngayon ang isang estudyanteng nakapagtapos ng kolehiyo dahil
sa pagbebenta ng puto habang nag-aaral.
Enero noong nakaraang taon nang nag-viral sa social media si Ruben Perez, isang estudyante
sa kolehiyo na nakuhanan ng retrato na nagbebenta ng puto sa labas ng kanyang paaralan.
Ang kita niya ay ipinanggagastos niya sa kanyang tuition fee sa eskuwelahan.
Nang dahil sa pagbebenta ng puto, natupad niya ang kaniyang pangarap na makapagtapos.
Noong Miyerkoles, nagbunga ang mga paghihirap ni Pereza t naka-graduate na siya sa
kolehiyo.

1.Ano ang nilalaman ng balita?


A. Tungkol sa isang estudyante nagsisikap magbenta ng puto upang makapag
aral.
B. Tungkol sa masarap na putong binibenta ni Ruben Perez.
C. Tungkol sa pagsisikap upang maabot ang pangarap.
D. Tungkol sa pagbebenta ng puto at paano kumita.

2.Bakit nagbebenta ng puto si Ruben habang nag-aaral?


A. Upang pambili ng bigas. B. Upang may pantustos sa kanyang pag aaral.
C. Upang maging sikat. D. Upang my pang post na video sa social media

3. Bakit kailangan nang isang batang katulad mo ang magsumikap sa kabila ng hirap ng
buhay?
A. Kailangang magsumikap upang maging sikat.
B. Kailangang magsumikap upang maabot ang pangarap sa buhay.
C. Kailangang magsumikap upang maging masaya ang mga magulang.
D. Kailangang magsumikap at maging sikat na blogger sa social media.

Kawa-kawa Hill and Natural Park

Nakapunta ka na ba sa Albay? Narinig mo na ba ang Kawa-kawa Hill? Ang Kawa-kawa Hill ay isang tourist
spot sa probinsya ng Albay na matatagpuan sa Lungsod ng Ligao.

Ito ay tinawag na Kawa-kawa dahil ang tuktok ng burol na ito ay hugis kawa o malaking kawali kung saan
may malalim na uka ito sa gitna. Isa rin itong sikat na lugar para sa mga deboto dahil makikita rin dito ang 13 Istasyon
ng Krus. Pinupuntahan ito ng maraming tao tuwing Semana Santa kung saan maaari kang magnilay-nilay at
magdasal. Ang pagpunta sa tuktok ng burol na ito ay hindi ganun kadali. Subalit, hindi mo mararamdaman ang pagod
sa pag-akyat dahil mabubusog ang iyong mga mata sa paikot na berdeng tanawin at ang abot-kamay na ganda ng
Bulkang Mayon ay masisilayan mo rin.

Maaari rin kayong mag-bonding dito kasama ang iyong pamilya o mga kaibigan dahil sa sobrang lawak ng
lugar. Mainam rin na makapunta sa tuktok ng burol bago lumubog ang araw upang masilayan mo ang sunset.Tunay
na ang Kawa-kawa Hill ay isa sa mga magagandang likha ng Maykapal kaya dapat natin itong mahalin at
pangalagaan.
Punan ang mga patlang upang mabuod ang talatang nasa loob ng kahon. Isulat lamang
ang titik ng inyong sagot.
Brgy Ambulong, Tanauan City, Batangas 4232
(043) 740-6614
107746@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN CITY
AMBULONG ELEMENTARY SCHOOL
BRGY AMBULONG , TANAUAN CITY

4. Ang Kawa-kawa Hill ay _________________________________________.


A. Isang lumang simbahan sa Lungsod ng Maynila.
B. Isang magandang tanawin sa Tanauan Batangas.
C. Isang magandang lugar na may masayang kultura.
D. Isang tourist spot sa probinsya ng Albay na matatagpuan sa Lungsod ng Ligao

5. Ito ay tinawag na Kawa-kawa dahil _________________________________


A. Ang tuktok ng burol na ito ay hugis kawa o malaking kawali kung saan may
malalim na uka ito sa gitna.
B. Ang tuktok ng burol na ito ay hugis kawa na katulad na sa bulkang Taal.
C. Ang tuktok ng burol na ito ay mataas at matatanaw ang magandang tanawin.
D. Ang tuktok ng burol na ito ay madaming bulaklak at mga puno

6. Mabubusog ang iyong mga mata sa pag-akyat sa burol na ito dahil____________.


A. Sa nagagandahang mga bulaklak na nasa tuktok.
B. Sa maraming bilihin mabibili sa tuktok nito.
C. Sa paikot na berdeng tanawin at ang abot-kamay na ganda ng Bulkang Mayon
ay masisilayan mo rin.
D. Sa paikot na tanawing ng mga puno at burol.

7. Masisilayan mo ang sunset kapag naabot mo ang tuktok nito bago lumubog ang
araw. Dapat natin itong mahalin at pangalagaan dahil ________________________.
A. Isa ito sa mga magagandang likha ng Maykapal.
B. Isa itong magandang pagkukuhanan ng pagkakakitaan ng tagaroon.
C. Isa itong magandang pook pasyalan.
D. Isa itong magandang lugar.

Mula sa mga teksto sa ibaba, tukuyin ang mga argumentong nakapaloob dito.
Piliin lamang ang titik ng inyong sagot.

8. Ang kabataan ang larawan ng kasiyahan at kasiglahan kaya’t sila rin ang simbolo ng
pag-asa at pagbabago. Ang pambansang bayani na mismo na si Dr. Jose Rizal ang
nagturan ng mga katagang, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Ngunit sa panahon
ngayoon maraming kabataan ang nasasadlak sa mga krimen sa kanilang murang edad.
Ito ba ang pag asa ng bayan?
A. Kasabihan na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.
B. Mga batang pag asa ng bayan.
C. Tungkol sa panahon.
D. Tungkol kay Dr. Jose Rizal.

9. “Kailan man ay hindi na yata magkakasundo ang aking lahi at ang iyong lipi” “Malalim
ang dahilan ng pag aaway kaya mahirap itong malunasan at matatagalan ang paghilom
ng mga sugat.”
A. Pagsusumikap ng isang pamilya.
B. Di pagkakasundo ng buong bansa.
C. Pagkakaisa ng dalawang pamilya.
D. Di pagkakasundo ng dalawang pamilya.

Brgy Ambulong, Tanauan City, Batangas 4232


(043) 740-6614
107746@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN CITY
AMBULONG ELEMENTARY SCHOOL
BRGY AMBULONG , TANAUAN CITY

10. Isipin na lamang kung walang mga batas at alituntunin sa ating lipunan at
magagawa natin ang anumang ating naisin. Ano kaya ang mangyayare? Bakit
kailangan ng tao ng disiplina? Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng disiplina?
A. Batas at alituntunin sa lipunan.
B. Disiplina sa mga batas at alituntunin sa lipunan at paglabag dito.
C. Disiplina ng mga kabataan sa lipunan.
D. Di pagkakasundo ng dalawang pamilya.

Ibigay ang hinihingi ng bawat balangkas. Piliin ang titik ng wastong sagot upang
mabuo ang balangkas.

Pagkaubos ng Kagubatan
Maraming bansa ang apektado ng pagkaubos ng kagubatan. Sa Timog Silangang Asya, kasama
ang Vietnam, Pilipinas, Cambodia at Laos ay lubhang naapektuhan ng pagkaubos ng kagubatan. Ayon
sa pag-aaral, ang kadalasang dahilan nito ay iba’t ibang gawain ng tao kagaya ng pagmimina,sobrang
pagpapastol, kaingin at paghahati-hati ng pagmamay-ari ng mga lupa. Nakadaragdag din ang pagtatayo
ng daan at subdibisyon sa mga kagubatan.

11. I. Pamagat
A. Pagkasira ng Kagubatan B. Pagkakalbo ng Kagubatan
C. Pagkawala ng Kagubatan D. Pagkaubos ng Kagubatan

12. II. Mga bansang apektado ng pagkaubos ng kagubatan


A. Vietnam, Finland, Cambodia, Laos B. Vietnam, Pilipinas, Canada, Laos
C. Vietnam, Pilipinas, Cambodia, China D. Vietnam, Pilipinas, Cambodia, Laos

13. III. Mga dahilan ng pagkaubos ng kagubatan.


A. pagmimina, sobrang pagpapastol, kaingin, paghahati hati ng pagmamay ari ng
mga lupa at pagtatayo ng daan at subdibisyon
B. pagpuputol ng puno, sobrang pagpapastol, kaingin, paghahati hati ng pagmamay
ari ng mga lupa at pagtatayo ng daan at subdibisyon
C. pagpuputol at pagsusunog ng puno
D. pagpatay ng mga hayop sa kagubatan at pagkakaingin

14. Kung__________________ ang makakasama ko ay lubos kong ikatutuwa.


A. siya rin B. maging C. ngunit D. kasi
15. Ang Inter-Action Task Force ____ IATF ang siyang namamahala sa mga dapat
gawin ngayong may pandemya.
A. at B. o C. sana D. ni

16.Ang isang bansa ay magiging matatag _______ may pagkakaisa ang mamamayan.
A. kung B. palibhasa C. dahil D. Maging

Dagdagan ng panlapi ang salitang-ugat upang mabuo ang salita sa pangungusap.

17. ______inom siya ng gatas kaya naging mahimbing ang tulog niya kagabi.
A. Mag B. Um C. Na D. Pag

18. Bantay_____ mong mabuti ang iyong nakababatang kapatid.


A. an B. im C. an D. un

19. Ikaw ang naatasang _____bura ng pisara ngayon.


A. Mag B. Um C. Na D. Pag

Brgy Ambulong, Tanauan City, Batangas 4232


(043) 740-6614
107746@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN CITY
AMBULONG ELEMENTARY SCHOOL
BRGY AMBULONG , TANAUAN CITY

Tukuyin ang mga pahayag sa baba kung Opinyon o Katotohanan. Isulat lamang
ang titik ng inyong sagot sa inyong sagutangf papel.

20. Ang Filipino ay ang opisyal na wika ng mga Pilipino.


A. Opinyon B. Katotohanan C. Pasalaysay D. Patanong

21. Ang kahoy ng anahaw ay mas mainam na materyal para gawing tungkod.
A. Opinyon B. Katotohanan C. Pasalaysay D. Patanong

22. Pakiramdam ko ay mas mainit ang panahon ngayon kaysa kahapon.


A. Opinyon B. Katotohanan C. Pasalaysay D. Patanong

Panoorin ang isang infomercial na ipapapanood ng inyong guro. Mula sa


napanood ay sagutan ang mga tanong sa iba. Piliin lamang ang titik ng inyong sagot.

23. Ano ang paksa ng inyong napanood o pinakinggan?


A. Pantawid Pamilyang Pilipino Program C. Condition Cash Transfer
B. Department of Social Welfare and Development D. Social assistance
24. Anong ahensya ng pamahalaan na namamahala sa 4P’s.?
A. DPWH B. DepEd C. DSWD D. DOH
25. Anong kondisyunal na tulong ang ibinibigay ng pamahalaan para sa pinakamahirap
na Pilipino?
A. Kondisyunal na mabigyan ng trabaho B. Kondisyunal na tulong pinansyal
C. Kondisyunal na tulong pang-ekonomiya D. Wala sa nabanggit

Basahin at pag aralang mabuti ang dayalogo sa ibaba. Sagutin ang mga
tanong ukol dito. Piliin lamang ang titik ng inyong sagot.

26. Paano ginamit ang pangungusap sa #1 usapan?


A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pautos/Pakiusap

27. Kung ang #3 usapan ay isang uri ng pasalaysay na pangungusap, anong uri ng
pangungusap naman ang #2 usapan?
A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pautos/Pakiusap

28. Anong uri ng pangungusap naman ang #4 usapan?


A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pautos/Pakiusap

Brgy Ambulong, Tanauan City, Batangas 4232


(043) 740-6614
107746@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN CITY
AMBULONG ELEMENTARY SCHOOL
BRGY AMBULONG , TANAUAN CITY

Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Pumili lamang ng titik
ng inyong sagot.

Sa Cebu
Ni Gng. Joy C. Reverente
Nagkayayaan ang magkapatid na Shie at Ram na magpunta sa Cebu. Nalaman kasi nila
ang mga magagandang lugar dito. Kaya naman pinaghandaan nila ito. Dumating ang araw ng
pagbisita nila sa Cebu. Pagdating pa lamang ay sinalubong sila ng ngiti ng mga tao. Hindi nila
inaksaya angoras, agad na nilibot ang Cebu. Laking tuwa nila nang marating ang Sirao Garden.
Napakaganda ng tanawin.Punong-puno ng mga sariwang halaman at bulaklak. Pinuntahan din nila
ang Magellan’s Cross. Pumasok sila sa Basilica de Sto. Niño at nanalangin. Hindi rin nila
nalimutantikman ang mga ipinagmamalaki ng mga Cebuano…lalo na ang Lechon Cebu na talaga
namang napakasarap. Marami pang lugar na pinuntahan ang magkapatid na nagbigay sa kanila ng
mga bagong alaala.
29. Sino ang magkapatid?
A. Shey at Ram B. Shan at Ran C. Shen at Rein D. Shie at Ram

30. Ano ang kanilang ginawa?


A. Bumisita at naglakbay sila sa Cebu. B. Namili ng mga produkto sa Cebu.
C. Nanghuli sila ng mga lamang dagat sa Cebu. D. Bumisita sila sa kanilang Lola.

31. Sa isang paglalakbay sa inyong pamilya, naging masaya ba ito? Bakit?


A. Opo, dahil kasama ko ang pamilya at mahal sa buhay.
B. Opo, dahil marami akong pera.
C. Hindi, dahil boring ito.
D. Hindi, dahil hindi ko kasama ang aking mga kaibigan.

Si Melvil Dewey ay isang Amerikanong nakatira sa New York. Nang masunog ang
paaralang kaniyang pinapasukan, sinagip niya ang mga libro sa silid-aklatan. Makailang ulit
siyang naglabas-masok sa silid aklatan upang maiwas ang mga libro sa pagkakasunog. Sanhi
ng kanyang pagsagip sa mga aklat,nakalanghap siya ng usok na naging dahilan upang
magkaroon siya ng ubo. Sinabi ng doctor na malala ang sakit niya. Nang marinig ni Melvil Dewey
ang sinabi ng doctor, inayos niya ang mga libro. Dahil sa mabisa at sistematikong pamamaraan
ni Dewey, tinanggap ito ng mga silid -aklatan sa Amerika at kalauna’y buong mundo.

32. Anong paksa ng teksto?


A. Ang paksa ng teksto ay tungkol sa sistematikong pamamaraan ni Dewey ng libro.
B. Ang paksa ng teksto ay ang pagsagip ni Melvil Dewey sa mga aklat mula sa sunog.
C. Ang paksa ng teksto ay ang pagmamahal ni Melvil Dewey sa mga aklat.
D. Ang paksa ng teksto ay paggamit ng silid aralin.

33. Sino ang Amerikanong nakaisip ng sistematikong pamamaraan ng panghiram ng libro sa


silid aralin?
A. Melvil Dewey B.Melvin Dewey C. Marvin Dewey D. Marlon Dewey

34. Anong matapang na hakbang ang ginawa ni Melvil Dewey nang masunog ang paaralang
kanyang pinapasukan?
A. Nagbasa siya ng libro sa silid aklatan.
B. Makailang ulit siyang naglabas-masok sa silid aklatan upang maiwas ang mga libro sa
pagkakasunog
C. Kinuha niya ang mga libro sa silid aklatan.
D. Isinaayos niya ang mga libro habang nasusunog ang paaralan.

Brgy Ambulong, Tanauan City, Batangas 4232


(043) 740-6614
107746@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN CITY
AMBULONG ELEMENTARY SCHOOL
BRGY AMBULONG , TANAUAN CITY

35. Anong magandang dulot na pamamaraang ito sa kasalukuyan?


A. Lahat ay maaaring manghiram ng libro.
B. Naging sikat si Melvin Dewey sa lahat ng panig ng mundo.
C. Naging madali at maayos ang Sistema ng panghihiram ng libro sa silid aklatan.
D. Dumami ang mga libro sa silid aklatan.

II. Panuto: Subukang sumulat ng isang sanaysay na naglalarawan. Maaaring


tungkol sa kaibigan, pamilya, kapaligiran, o kahit na ano pa man. Isaisip ang mga
natutunan sa aralin sa pagsulat ng sanaysay na naglalarawan.
(5pts)

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Brgy Ambulong, Tanauan City, Batangas 4232


(043) 740-6614
107746@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN CITY
AMBULONG ELEMENTARY SCHOOL
BRGY AMBULONG , TANAUAN CITY

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6


SUSI SA PAGWAWASTO

1. A 21. B
2. B 22. A
3. B 23. A
4. D 24. C
5. A 25. B
6. C 26. A
7. A 27. B
8. A 28. C
9. D 29. D
10. B 30. A
11. D 31. A
12. D 32. A
13. A 33. A
14. A 34. B
15. B 35. C
16. A
17. B
18. A
19. A
20. B

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6


TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Brgy Ambulong, Tanauan City, Batangas 4232
(043) 740-6614
107746@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN CITY
AMBULONG ELEMENTARY SCHOOL
BRGY AMBULONG , TANAUAN CITY

ITEM PLACEMENT

Understanding
Remembering

Evaluating
Analyzing
MOST ESSENTIAL

Applying

Creating
No. of
No. of % of
CODE LEARNING Days
Items
Taught Items
COMPETENCIES

Nasasagot ang mga


tanong tungkol sa
napakinggang/
Uncoded 3 3 7.5% 1,2,3
binasang ulat at
tekstong
pangimpormasyon
Nakapagbibigay ng
4,5,6,
lagom o buod ng 4 4 10%
7
tekstong napakinggan
Naiisa-isa ang mga
argumento sa binasang 3 3 7.5% 8,9,10
teksto
Naibibigay ang
impormasyong
11,12,
Uncoded hinihingi ng 3 3 7.5%
13
nakalarawang
balangkas
Nagagamit nang wasto 14,15,
ang pang-angkop at 3 3 7.5% 16
pangatnig
Nakabubuo ng mga
bagong salita gamit
17,18,
ang 3 3 7.5%
19
panlapi at salitang-
ugat
Nasusuri kung ang
20,21,
pahayag ay opinyon o 3 3 7.5%
22
katotohanan
Nakapag-uulat tungkol 23,24,
3 3 7.5%
sa pinanood 25
Nagagamit sa usapan
at iba’t ibang 26,27,
Uncoded 3 3 7.5%
sitwasyon ang mga uri 28
ng pangungusap
Naiuugnay ang binasa 29,30,
sa sariling karanasan 3 3 7.5%
31
Nakakakuha ng 4 4 10% 32,33 34,35
impormasyon sa
pamamagitan ng
Brgy Ambulong, Tanauan City, Batangas 4232
(043) 740-6614
107746@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN CITY
AMBULONG ELEMENTARY SCHOOL
BRGY AMBULONG , TANAUAN CITY

pahapyaw na pagbasa
Nakasusulat ng tula at 36,37,
sanaysay na 12.5
5 5 38,39,
naglalarawan %
40
TOTAL NUMBER OF ITEMS 40 40 100% 5 9 15 11 0 0

Prepared by:

ROSALIE G. MARTILLANA EMELITA P. CONTRERAS

Teacher III Teacher III

ALEJANDRA C. CAROLINO
Master Teacher I

Checked by:

ALEJANDRA C. CAROLINO
Master Teacher I

Noted:

MIRIAM M. PIA
Principal II

Brgy Ambulong, Tanauan City, Batangas 4232


(043) 740-6614
107746@deped.gov.ph

You might also like