You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGTATAYA SA ARALING PANLIPUNAN 1


School Year 2022-2023

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ______________


Baitang/Seksyon: _____________________________________ Iskor: _______________

Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang
titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Saang istruktura dinadala at ginagamot ang taong may sakit?


A. Ospital C. Palengke
B. Paaralan D. Parke

2. Suriin ang dalawang larawan. Ano ang pagbabagong ipinapakita sa


ikalawang larawan?

A. Nagkaroon ng mga bahay.


B. Nawala lahat ng mga puno.
C. Maraming bata ang naliligo sa ilog.
D. Dumami ang mga malalaking puno.

3. Aling larawan ang nagpapakita ng wastong gawi?


A. C.

B. D.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III-Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
4. Alin sa mga sumusunod na larawan ng mga estruktura ang bahay-
dalanginan?
A. C.

B. D.

5. Alin sa sumusunod na lararawan ang nagpapakita na ang bulaklak ay


malapit sa puno?
A. C.

B. D.

6. Ang sasakyang ito ay ginagamitan ng sagwan o ng makinang de motor


upang makatawid sa ilog. Anong uri ng sasakyan ito?
A. Bangka C. Bus
B. Barko D. Kotse

7. Saan istruktura namimili ng mga bagay na ating kailangan gaya ng


pagkain, damit at iba pang kagamitan?
A. Ospital C. Palengke
B. Paaralan D. Parke

8. Pinapabili ka ng pandesal ng iyong tatay para sa inyong almusal. Saang


lugar ka dapat magpunta upang bumili?
A. Barber Shop C. Panadirya
B. Health center D. Parke

9. Ang sumusunod ay magagamit mo bilang panukat ng lapit o layo ng isang


bagay maliban sa isa. Alin ito?
A. Buhangin C. Patpat
B. Hakbang D. Tali
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III-Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
10. Kung ikaw ay gagawa ng mapa ng bahay, saang lugar mo iguguhit ang
lababo?
A. Kusina C. Silid-tanggapan
B. Palikuran D. Silid-tulugan

11. Nakita mong maraming hugasin sa lababo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hintaying hugasan ni nanay.
B. Hugasan ito kahit hindi inuutusan.
C. Ipahugas sa nakababatang kapatid.
D. Magkunwaring hindi napansin ang mga hugasin.

12. Kung pupunta ka sa pinsan mo na nasa kabilang kanto ang bahay. Ano
ang gagawin mo upang makapunta ka doon?
A. Sasakay ako ng bangka.
B. Sasakyan ko ang aking bisikleta.
C. Mag-aabang at sasakay ng bus.
D. Magpapahatid ako sa kotse ng aking tatay.

13. Bagong lipat si Alma sa aming paaralan. Parehong naghahanap buhay


ang kanyang mga magulang kung kaya’t walang maghahatid sundo sa
kanya. Ano ang dapat niyang gawin upang hindi siya maligaw sa pagpasok
sa paaralan at pag-uwi ng bahay?
A. Hindi na lang papasok sa paaralan.
B. Makikipaglaro sa mga bata na nasa daan.
C. Hahanapin ang kanyang paaralan araw-araw.
D. Tandaan ang mga istrukturang madadaanan papuntang paaralan.

14. Tingnan ang larawan ng mapa sa ibaba. Kung ikaw ang bata at gusto
mong maglaro sa padulasan, saang direksyon ka dapat magtutungo?

A. Magtutungo po ako sa gawing kanan.


B. Magtutungo po ako sa gawing kaliwa.
C. Magtutungo po ako sa gawing harapan.
D. Magtutungo po ako sa gawing likuran.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
15. Ako si Tina, isa akong mag-aaral sa unang baitang. Kami ay nakatira sa
bayan ng Apalit. Pupunta kami ng aking ina sa paaralan ni kuya sa Maynila.
Sa iyong palagay, alin sa sumusunod ang dapat gawin ng mag-ina upang
makarating ng Maynila?
A. Sumakay ng bus.
B. Sumakay sa traysikel
C. Sumakay ng bisikleta
D. Sumakay ng ng eroplano.

16. Paano natin maipapakita ang pangangalaga sa mga istrukturang nagba-


bago sa ating kapaligiran?
A. Panatilihin itong malinis at maayos.
B. Sulatan ang mga pader sa paligid.
C. Pinipitas ang mga bulaklak sa parke.
D. Pagsira sa mga pampublikong kagamitan.

17. Ano ang dapat gawin kapag kayo ay magtatapon ng basura?


A. Itapon kahit saan.
B. Ihagis nang kahit paano.
C. Paghalu-haluin ang kalat o dumi sa iisang basurahan.
D. Paghiwa-hiwalayin ang nabubulok at hindi nabubulok.

18. Ang mapa ay isang larawang kumakatawan sa kinalalagyan ng mga


bagay o lugar. Ano ang mangyayari kung gagamitin mo ito sa pagha-
hanap ng bagay o lugar?
A. Maliligaw sa paghahanap ng bagay o lugar.
B. Makakaabala sa paghahanap ng bagay o lugar.
C. Mahihirapan upang makita ang bagay o lugar na hinahanap.
D. Makakatulong ito upang makita kaagad ang bagay o lugar na
hinahanap.

19. Pagmasdan ang larawan ng mapa. Ang bata sa larawan ay si Rina. Gabi
na at gusto na niyang matulog. Saang direksyon siya dapat pupunta?

A. Pupunta po sa gawing harapan.


B. Pupunta po sa gawing likuran.
C. Pupunta po sa gawing kanan.
D. Pupunta po sa gawing kaliwa.

20. “May sunog! ang sabi ng kapitbahay. Paano mo matutulungan ang


kapit-bahay na nasunugan?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
A. Tumawag sa himpilan ng pulis.
B. Tumawag sa istasyon ng bumbero.
C. Tumawag sa inyong Health Center.
D. Tumawag sa bahay-dalanginan sa inyong lugar.

21. Ang mga sumusunod ay paraan ng pangangalaga ng komunidad


maliban sa isa. Alin ito?
A. Ilagay sa tapat ng kapit-bahay ang mga basura.
B. Sundin ang batas trapiko, tumawid sa tamang tawiran lamang.
C. Bigyan ng pagkakataon ang ibang bata na makapaglaro sa palaruan
D. Iwasang mag-ingay kung nakasakay sa pampublikong sasakyan katulad
ng bus

22. Nagkaroon ng pagbabago sa inyong lugar. Ang dating bakanteng lote


noon ay ginawang pook pasyalan at palaruan ngayon na nakatulong
upang umunlad at mas nakilala ang inyong lugar. Ano ang dapat mong
gawin sa pagbabagong ito?
A. Pabayaan at huwag na itong pansinin.
B. Mahalin at ingatan ang ginawang pagbabago.
C. Magalit sa mga taong gumawa ng pagbabago ng lugar.
D. Sirain at magkalat sa ginawang pook pasyalan at palaruan.

23. Ano ang magiging resulta kapag malinis ang ating kapaligiran?
A. Magiging makalat ang paligid.
B. Babahayan ng mga insekto ang ating lugar.
C. Magiging marumi ang hangin na ating nalalanghap.
D. Tayo ay malayo na magkaroon ng anumang uri sakit.

24. Ang bawat mag-aaral ay nagsasagawa na wastong pangalaga ng


paaralan. Kung ikaw ay isa sa mga mag aaral paano mo ito ipapakita?
A. Pagtakbo sa loob ng paaralan
B. Pagpitas ng mga bulaklak sa hardin ng paaralan.
C. Pagsunod at paggalang sa mga namumuno sa paaralan
D. Pagsulat sa mga pahina ng mga aklat na ipinapahiram ng paaralan.

25. Isa sa dahilan ng pagbabago sa kapaligiran ay ang nararanasang mga


sakuna tulad ng bagyo na nagdudulot ng pagbaha. Bilang isang batang
tulad mo ano ang iyong magagawa upang maiwasan ito?
A. Magtanim ng mga puno.
B. Magtapon ng basura sa ilog.
C. Magtapon ng basura sa mga kanal.
D. Putulin ang mga halamang nakatanim sa bakuran.

You might also like