You are on page 1of 3

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

MAPEH 3

Name:_________________________________Grade/Section:____________Date:__________

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang huni ng ibon ay tunog na nanggagaling sa _________.
A. bagay B. hayop C. tao D. instrumentong pangmusika
2. Ang tunog ng tambol ay halimbawa ng tunog na nanggagaling sa ___________________.
A. bagay B. hayop C. tao D. instrumentong pangmusika
3. Tumutukoy ito sa uri ng tinig ng tao at instrumentong pangmusika.
A. bagay B. hayop C. kalikasan D. timbre
4. Alin sa mga sumusunod na mang-aawit ang may boses na mataas?
A. Sarah Geronimo B. Toni Gonzaga C. JayaD. Kim Chiu
5. Ito ay isa sa mga elementong nagbibigay buhay sa musika na nauukol sa paglakas at hina ng tunog.
A. timbre B. dynamics C. speaking voice D. singing voice
6. Sa awiting Lupang Hinirang anong linya o bahagi ng awit ang inaawit nang malakas?
A. Ang mamatay ng dahil sa iyo C. Sa dagat at bundok Sa simoy at
B. Sa dibdib mo’y buhay D. Duyan ka nang magiting
7. Anong ibig sabihin ng senyas ng konduktor na ipinakikita sa larawan?
A. maliit C. mahina
B. malaki D. malakas

8. Aling ang senyas ng konduktor na nagpapahiwatig na mapahina ang musika.


A. B. C. D.

9. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng katamtamang dynamics?

A. B. C. D.
10. Ano ang angkop na damdamin at dynamics ng linyang ito?
“Yehey! Kakain kami sa Jollibee.”
A. Sabik – Malakas C. Nagulat – Katamtaman
B. Masaya – Mahina D. Nainis – Malakas

ARTS
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
11. Ano ang tawag sa isang paraan ng paglilipat o pagpaparami ng mga teksto o larawan?
A. Pagpapadami B. Pagsasama C. Paglilimbag D. Paglililok
12. Ano ang mga bagay na ginagamit sa paglilimbag na mura o hindi mahal na makikita mo lamang ito sa
kalikasan?
A. Kahoy o mga dahon B. Logo C. Pintura D. Tinta
13. Ito ay isang paraan ng paglikha ng disenyo mula sa tubig na may hinalong pintura at inilimbag sa papel o
tela.
A. Finger printing B. Logo C. Marbling D.Pag-iistensil ng pangalan
14. Ito ang nagbibigay-buhay sa marka ng isang imprenta. Inilalagay ito sa pantatak upang mag-iwan ng bakas
o markang nagtatagal sa isang patag na bagay. Kung wala ito, ay hindi makikita ang larawan o anyong nais
mabuo sa imprenta.
A. Tubig B. Pambura C. Kulay D. Gunting
15. Ang mga sumusunod ay mga kagamitang ginagamit sa pag-iimprenta MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Likidong pangkulay C. Pantatak
B. Krayola D. Gunting
16. Ito ay maaring gamitin sa iba’t ibang bagay o larawan upang mapaganda ang mga likhang sining.
A. Disenyo B. Larawan C. Sining D. Likha
17. Kung ikaw ay nakalikha ng pinakamagandang disenyong istensil? Ibabahagi mo ba ito sa iyong kamag-aral?
A. Opo, limitado lang.
B. Opo, para maging inspirasyon nila ako.
C. Ayaw kung magbigay ng ediya sa kanila.
D. Hindi ko ibabahagi sa iba ang kaalaman ko.
18. Pinapagawa kayo ng inyong guro ng isang slogan tungkol sa kapaligiran. Paano mo ito gagawin?Ayusin ang
mga sumusunod ayon sa wastong paraan ng paggawa ng islogan.
I. Planuhin ang pagkakaposisyon ng bawat salita sa buong papel gamit ang
imahinasyon.
II. Lagyan ito ng kulay upang lumitaw ang titik.
III. Ihanda ang iyong naisip na nilalaman ng islogan. Isulat ito sa isang kodigo o maliit
na papel.
IV. Gawin ang burador o draft ng islogan sa pamamagitan ng magaang pagsulat ng
mga titik gamit ang lapis.
V. Guhitan ng mga linyang pahalang ang malaking papel nang may tig-iisang
pulgada ang pagitan. Ito ay magsisilbing gabay upang magpantay pantay ang
mga titik.
A. III, IV, I, II, V C. III, IV, I, V, II
B. III, V, I, IV, II D. III, V, I, II, IV
19. Ano-ano ang mga paligsahan na maaari mong lahukan upang mahubog ang iyong galing sa pag-awit at
pagsayaw?
A. Isang tinig at pagbigkas ng tula
B. Pagguhit at pagkanta
C. Rondalla, Luksong tinik at pagguhit
D. Isahang tinig, Dalawahang tinig at Folk Dances
20. Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Sining?
A. Hindi ko papansinin ang ganitong mga aktibidad.
B. Makikilahok ako kung meron akong makakasama.
C. Hindi ako lalahok sa mga patimpalak tuwing sasapit ang buwan ng Pambansang
Sining.
D. Makikibahagi ako sa mga patimpalak na ilulunsad upang mas mapaunlad ko pa
ang aking talento sa pagguhit, pagsayaw at pagkanta.

PE
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
21. Ito ay punto ng kilos o pagpalaw papunta sa isang eksaktong lugar na maaaring ilarawan sa pamamagitan ng
pasulong, paatras, pakaliwa, o pakanan.
A. Daanan B. Direksiyon C. Espasyo D. Lokasyon
22. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng katamtamang antas o lebel ng espasyo?
A. B. C. D.

23. Paatras ang ginagamit sa paglalarawan ng kilos na papunta sa kaniyang likuran sa pamamagitan ng
paghakbang o pag-andar patalikod. Ang pangungusap na ito ba ay tama?
A. Mali dahil ang kilos na inilalarawan ay pasulong.
B. Mali dahil ang paatras ay kilos na pauna.
C. Tama dahil ang kilos na inilalarawan ay tumutukoy sa kilos na paatras.
D. Tama dahil ang paatras ay kilos na nagsasaad ng diireksyon.
24. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng kahulugan ng “Kunday”?
A. pag-ikot ng kaliwang kamay
B. paghakbang na kanang paa
C. paggalaw ng kaayaayang paa
D. paggalaw ng kamay sa isang kaaya-ayang kilos
25. Alin ang HINDI pangunahing hakbang ng paa sa sayaw na “Kunday-Kunday”?
A. change stepB. pabaligtad na T C. point step D. touch step
26. Itulak ang bola pauna na nakababa ang mga hinlalaki at mabilis itong pakawalan. Ang hakbang na ito ay
nagsasaaad ng wastong _____________ ng bola.
A. paghagis B. pagsalo C. pagpalo C. pagbuslo
27. Isaayos ang mga sumusunod na galaw mula sa mabilis hanggang sa pinakamabilis:
I. Paglalakad III. Pagtakbo
II. Paglukso IV. Pag-iskape
A. II, IV, III, I B. II, IV, I, III C. IV, II, I, IV D. IV, II, III, I
28. Pagpapatalbog-talbog ng bola ay tinatawag na ____
A. pagtapon ng bola C. Pag-agaw ng bola
B. pagdribol ng bola D. Pagsipa ng bola
29. Kasanayan sa larong basketbol na ang bola ay ihahagis at ipapasok sa ring o buslo.
A. pagbuslo ng bola C. Pagtalbog ng bola
B. pagdribol ng bola D. Pagbara ng bola
30. Alin sa sumusunod ang nahuhubog ng paggamit ng kagamitan sa pagsasagawa ng ritmikong ehersisyo?
A. kaaya-ayang galaw at tiwala sa sarili.
B. kaaya-ayang galaw at koordinasyon ng katawan
C. koordinasyon ng katawan at tiwala sa sarili.
D. koordinasyon ng katawan, kaaya-ayang galaw at tiwala sa sarili.

HEALTH
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
31. Sila ang mga taong bumibili ng produkto o gumagamit ng serbisyo para matugunan ang kanilang
pangangailangan sa pamamagitan ng produkto o serbisyong binili.
A. Serbisyo B. Produkto C. Mamimili D. Prodyuser
32. Alin sa mga sumusunod ang sangkap sa kalusugan ng mamimili o consumer health?
A. Impormasyong Pangkalusugan C. Serbisyong Pangkalusugan
B. Produktong Pangkalusugan D. Lahat ng nabanggit
33. Alin sa mga salik na nakakaimpluwensya sa ating pamimili ang tumutukoy sa halaga ng isang serbisyo o
produkto?
A. Anunsyo B. Presyo C. Panahon D. Kalidad
34. Ito ang salik na nakakaimpluwensya sa ating mamimili na tumingin sa ganda o tibay ng serbisyo o
produktong binebenta.
A. Kalidad B. Panggagaya sa uso C. Kita D. Panahon
35. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng matalinong mamimili MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Hindi nagpapadaya C. Nagpapadala sa anunsyo
B. Sumusunod sa badyet D. Marunong maghanap ng alternatibo
36. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matalinong pamimili?
A. Tinitingnan ni Erica ang expiration date ng bibilhin niyang gatas.
B. Bago umalis si Jenny sa tindahan ay binibilang muna niya ang kanyang sukli.
C. Sinusuri ni John ang kalidad at presyo ng bibilhing sapatos.
D. Pinipili ni Yumi ang mga iniendorsong bag ng paborito niyang K-pop group.
37. Ang matalinong mamimili ay dapat may kaalaman sa kaniyang karapatan. Anong karapatan ang
nagsasabing may karapatan tayong magkaroon ng sapat na pagkain, pananamit, serbisyong pangkalususugan at
edukasyon.
A. Karapatan sa Kaligtasan
B. Karapatang Pumili
C. Karapatan sa Patalastasan
D. Karapatan sa Pangunahing Pangangailangan
38. Mayroon kayong biniling laruan sa isang mall pero hindi ito gumagana. Ano ang gagawin mo?
A. Itatago ko na lang muna.
B. Ibibigay ko na lamang ito sa aking kapatid.
C. Babalik ako sa mall at papalitan na lamang o aayusin ang aking laruan.
D. Kukunan ko ito ng larawan at ikakalat sa social media na sira ang benta nilang
mga laruan.
39. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng responsableng mamimili?
A. Ipinasubok muna ni Edward kung umiilaw ba ang biniling bombilya bago ito bilhin.
B. Nagbabaon si Karen ng eco bag sa palengke upang paglagyan ng mga bibilhing
mga gulay
C. Binili ni Cherry ang sapatos ng hindi pa ito isinusukat sa kanyang paa.
D. Sinusuring mabuti ni Aleah ang bibilhing cellphone.
40. Alin sa sumusunod na pinagmulan ng impormasyon ang HINDI mapagkakatiwalaan?
A. Mga kapitbahay B. Pahayan C. Doktor D. Health Center

You might also like