You are on page 1of 4

LESSSON Quarter 2 Grade Level 6

PLAN
Date (MIYERKULES) Learning Filipino
Area

Banghay Aralin sa Filipino 6


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang
talasalitaan
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakabubuo ng isang nakalarawang balangkas
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari ((F6PB-IIIb-6.2)
II. Nilalaman ng Pagkatuto
A. Paksang Aralin: Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
B. Sanggunian:
 Ikalawang Markahan – Modyul 11: Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga
Pangyayari
 Filipino 6 Wika at Pagbasa (2010) pp. 51-57

C. Integrasyon: ESP
D. Pagpapahalaga: Pagmamalasakit sa kapwa

III. Kagamitan
Powerpoint/ tsart

IV. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Padiktang Pagsulat
a. Masikip ang lumang sapatos ni Daniel
b. Sobrang bilis magpatakbo ng bisikleta si Erwin.

2. Balik-aral
Pakinggan ang bawat isyung binalita. Magbigay ng iyong reaksyon sa balita.
(https://www.youtube.com/watch?v=RjxcQ_OG-U0)
3. Pagwawasto ng Takdang Aralin

B. Gawain sa Pagkatuto

1. Pagganyak
Pag-aralang mabuti ang mga sumusunod na larawan. Ano kaya ang maaring
maging bunga ng mga pangyayaring ito.
1. 2.

2. Paghahawan ng Balakid
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salitang may salungguhit ayon sa
gamit nito sa pangungusap.
1. Masalimuot ang aming aralin sa Math dahil madaming pormula na
kailangang tandan.
2. Sila Mang Ador at Aling Iska ay matagal nang magkabiyak. Halos 25 years
na silang kasal.
3. Kahit natalo siya sa paligsahan ay binigyan naman siya ng malakas na
palakpakan ng mga nanonood bilang pampalubag-loob.

3. Pagganyak na Tanong
Sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa, ano kaya ang mga dapat gawin upang
maging masaya at mapayapa ang pamilya?

4. Pamantayan sa Pagbasa
1. Intindihing mabuti ang binabasa.
2. Mata ang gamitin sa pagbabasa.
3. Itikom ang bibig.
5. Pagbasa sa Teksto
Sa masalimuot na Lungsod ng Maynila nagsimula ang pamilya Santos. Isang guro
sa pribadong paaralan si Gng. Lisa Santos at empleyado naman sa isang kompanya si G.
Ramon Santos. Nasa tamang edad sila nang magpakasal at isilang ang kanilang panganay
na si Rey.
Sa may labasan, nag-uusap ang dalawa. Magkahalong tuwa at kaba ang nadarama
ng magkabiyak para sa nagsisimula nilang pamilya. “Mahirap talga ang buhay ngayon.
Ngunit mabuti na lamang at pareho tayong nagtatrabaho,” ang pampalubag-loob na wika
ni Lina sabay halik sa pisngi ng sanggol sa kanyang bisig.
“Huwag kang mabahala, Lina. Lahat ay gagawin natin para mabigyan ng
magandang kinabukasan ang ating supling,”ani Ramon. Palibhasa parehong nagmula sa
disente at marangal na pamilya, sina Lina at Ramon ay may mabuting disposisyon sa
buhay. Handa nilang tugunan ang mga pangangailangan at pag-aarugang dapat iukol sa
kanilang anak.
Ang tanging hangad ko lamang ay mapalaki nating bukod sa may matibay na
pangangatawan ay maging isang mabuting mamamayang may takot sa Diyos ang ating si
Rey,” nasabi niya sa kabiyak.
Pagtulungan nating ibigay ang lahat ng pangangailangan ni Rey. Busugin natin
siya sa pagmamahal upang hindi siya mapasama sa masamang barkada,”tugon ni Lina.
“Sana mabuting mundo ang kamulatan ng ating anak upang maiwasan niyang
malihis ng landas.
Naisip din ng mag-asawa na kahit anong husay nila sa pagpapatakbo ng pamilya,
hindi pa rin nila masisigurong makapapamuhay nang mapayapa ang kanilang anak. Sa
paglaki ni Rey, isang mabuting kumunidad ang dapat niyang kagisnan.
“Totoong walang perpektong mundo, pero sa tulong ng ating pangaral at mabuting
halimbawa, lalaki ring matuwid ang ating anak.” wika ni Ramon.
Maya-maya’y unti-unti nang dumilim ang langit. “Hayan na yata ang ulan. Tayo
na sa loob,” ang pagyakag ni Lina.
Puno ng pag-asang haharapin ng mag-anak na Santos ang bawat araw at handa
silang makipagsapalaran sa mga hamon ng buhay.

6. Pagsagot sa mga Tanong


1. Ano ang paksa ng usapan ng mag-asawang Ramon at Lina?
2. Ano-ano ang mga pangarap nila para sa kanilang anak?
3. Ano-ano ang mga kailangan upang lumaking matuwid ang isang bata?
4. Bakit mahalagang may mabuting huwaran ang isang bata sa kanyang paglaki?
5. Para s aiyo, ano ang maaring gawin ng kumunidad para lumaking matuwid ang
isang bata?

7. Pagsasanay
Ang bawat pangkat ay bibigyan mg pangungusap mula sa ating kwento. Kilalanin
natin ang ideyang nagsasaad ng sanhi at bunga. Ibabahagi ito sa klase.
Pangkat 1: Ikinatuwa ng mag-asawang Ramon at Lina ang pagsilang ng kanilang
supling.
Pangkat 2: Palibhasa pareho silang nagmula sa maayos na pamilya, mahusay ang
kanilang disposisyon sa buhay.
Pangkat3: Sapat ang kanilang kinikita kaya hindi problema ang panustos sa mga
pangangailangan sa araw-araw.
Pangkat 4: Seryoso silang nagpaplano para sa kanilang pamilya dahil nais nila
talagang bumuti ang kanilang buhay.
Pangkat 5: Alam nilang papatnubayan sila ng Panginoon kaya hindi sila lubhang
nag-aalala sa nakaantabay na bukas.

8. Paglalahat
Sanhi – ito ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Karaniwan
itong sumasagot sa tanong na bakit.
Bunga – ito ay nagsasabi ng kinalabasan o resulta ng pangyayari.

V. Pagtataya
Basahin ang bawat kalagayan. Piliiin ang maaaring maging bunga o sanhi sa pangyayari.
Isulat ang letra ng wastong sagot sa iyong sagutang papel.
1. Nakasakay ka sa dyip na napakalakas ang tugtog ng stereo. Ano ang maaaring ibubunga
nito?
A. Lalakas ang boses ng mga pasahero.
B. Mapapasayaw ang mga pasahero.
C. Hindi makababa ang mga pasahero.
D. Hindi maririnig ng drayber ang pagpara ng pasahero.
2. Mahirap ang buhay ng mag-anak Mang Doming. Isa siyang magsasaka at ang kaniyang
maybahay ay nasa bahay at nag-aalaga ng kanilang mga anak. Sa kabila rito, masaya ang
kanilang pamilya. Sa lahat ng oras ay nagtutulungan sila sa anumang gawain kaya hindi
nag-aaway ang mga anak nila. Alin ang sanhi ng talata?
A. Masaya ang kanilang pamilya.
B. Kaya hindi nag-aaway ang mga anak nila.
C. Mahirap ang buhay ng mag-anak ni Mang Doming.
D. Sa lahat ng oras ay nagtutulungan sila sa anumang gawain.
3. Nakatira ka sa may tambakan ng basura. Nakikita mong paroo’t parito ang mga tao sa
pagtatapon ng kanilang mga basura maliban pa sa mga itinatapon ng mga sasakyan. Ano
ang pinakamalapit na epekto sa pamayanan ng patuloy na pagtatapon at pagdami ng
basura sa inyong lugar?
A. Yayaman ang mga basurero
B. Lilipat ng tirahan ang mga tao.
C. Mangangamoy basura ang paligid.
D. Maglilinis ang mga mamamayan ng kani-kanilang bakuran.
4. Pumunta sina Daisy at mga kaibigan nito sa palaruan. Biglang may lumapit na
gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom. Nakatitig lamang ito sa mga
pagkaing kinakain nila. Nakaramdam ng awa si Daisy sa bata kaya binigyan niya ito ng
pagkain. Ano ang dahilan sa pagbibigay niya ng pagkain sa bata?
A. Pumunta sina Daisy sa palaruan.
B. Nakatitig ito sa mga pagkain nila.
C. Nakaramdam ng awa si Daisy sa batang kalye.
D. Lumapit ang gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom.
5. Tumatakbo nang mabilis ang isang bus at bumubuga ng pagkaitim-itim na usok. Ano
ang ibubunga nito sa kalusugan ng mga tao?
A. Magkakaroon ng sakit sa balat ang mga tao.
B. Magkakasakit sa baga ang mga tao.
C. Magsusuka ang mga tao.
D. Maluluha ang mga tao.

VI. Takdang Aralin


Magbigay ng limang posibleng ibubunga ng sumusunod na kalagayan. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
A. Dumarami ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
B. Marami ang nawalan ng trabaho sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.

You might also like