You are on page 1of 3

Municipality of Carmona

Milagros Elementary School


SY 2022-2023
Pagsagot sa mga tanong sa binasa/napakinggang kuwento at tekstong pang-impormasyon

Panuto: Basahin ang balita at sagutin ang sumusunod na mga tanong:

Ang Huwarang pamilya


Si Mang Piolo at aling Cristy ay may huwarang pamilya. Ang kanilang mga anak na sina Arcy,
Elvie, Nancy at Frank ay masisikap na mag-Aral. Ang panganay na si Arcy na Nasa baitang 6 ay
nangunguna sa klase. Ang kambal na sina Elvie at Nancy ay masisigasig sa pagpasok, aktibo sa
talakayan at napapasali sa Lahat ng paligsahan pangakademiko.Ang nagiisang lalaki na si Frank
ay gumagaya sa masisikap niyang mga kapatid. Naitataguyod naman ang kanilang pag-aaral sa
pagiging masipag ng kanilang mga magulang. Ang mag-asawa ay responsableng gumagabay,
nagdidisiplina at double kayod sa paghahanapbuhay para itaguyod ang edukasyon ng mga anak.
Ginagawa nilang araw ang Gabi para mapaglaaanan ang pangangailangan ng pamilya. Kahanga-
hanga ang pamilya Nina Mang Piiolo at Aling Cristy.
A.Bilugan ang titik hang wastong sagot:
1.Sino-Sino ang mga anak nina Mang Piolo at Aling Cristy?

a.Arcy, Elvie,Nancy at Frank c. Nancy at Frank

b.Arcy, Elvis at Nancy d.Arcy at Elvie

2. Ano ang tawag sa pamilya Nina Mang Piolo at Aling Cristy?

a. huwarang pamilya c.masipag na pamilya

b.masayang pamilya d.mabait na pamilya

3. Bakit maituturing na huwaran ang kanilang pamilya?

a.mayaman sila

b.marami Silang kakilala

c. matalino at masipag ang mga anak at responsible ang mga magulang

d.mapagkakatiwalaan sila

4.Dapat bang tularan ang pamilya nila?

a.oo c.hindi kailanman

b. hindi d.siguro

5.ano kaya ang magiging buhay ng mga anak nila pagdating ng panahon
a. walang nakakaalam sa kapalaran nila

b.hindi makakatapos ng pag-aaral at maghihirap

c.magkakaroon ng mainland at maayos na buhay

d.walang pag-unlad at pag-asenso

B. Iguhit ang iyong buong pamilya at sagutin ang tanong sa ibabang bahagi ng inyong
larawan.

Anong katangian maroon ang iyong pamilya?Ilarawan ang inyong mag-anak sa pamamagitan
ng pagsulat ng maikling sanaysay.

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGSULAT NG TALATANG NAGSASALAYSAY

5 4 3 2 1
NILALAMAN
- Pagsunod sa uri at anyong hinihingi
- Lawak at lalim ng pagtalakay

BALARILA
- Wastong gamit ng wika
- Paglimita sa gamit ng mga salitang hiram

HIKAYAT
- Paraan ng pagtalakay sa paksa
- Pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay ng guro kaugnay ng
gawain

5- pinakamahusay
4-mahusay
3-katanggap-tanggap
2-mapaghuhusay pa
Pagharap sa kalamidad
Seryosong panawagan para sa pambansang pagtitipid ng mga pinagkukunang ng ating
tubig.Ang El Nino ay isang paulit-ulit na abnormalidad sa pandaigdigang klima na nagiging sanhi
ng mahahabang katag-arawan o tagtuyot. Dahil dito mararamdaman natin ang kakulangan sa
tubig na ginagamit pa naman natin sa pang araw-araw na buhay. Tinatayang 40 lalawigan sa
Luzon, 19 sa Visayas at 30 sa Mindanao na may kabuuang 89 na lalawigan sa buong bansa ang
makaranas ng hagupit ng El Nino.Nanawagan ngayon ang pamahalaan na magtipid sa paggamit
ng tubig upang mapaghandaan ang hagupit ng El Nino.
Mga tanong:

1. Ano ang El Nino?


2. Ano ang paksa ng balita?
3. Sa paanong Parana makakatulong ang mga tao sa pagharap sa kalamidad ng El Nino?
4. Ilan ang kabuuang lalawigan ang maaaring makaranas ng El Nino?
5. Sa palagay mo, mapipigilan ba natin ang El Nino? Bakit?

You might also like