You are on page 1of 15

Filipino 4

Filipino – Ikaapat na Baitang


Unang Markahan – Modyul 7: Pagsagot sa Tanong sa Binasang Tekstong
Pampanitikan, Tekstong Pang-impormasyon at Mahahalagang Detalyeng Napakinggan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Wilma S. De Guzman
Editor: Catherene S. Acabado
Tagasuri: Lucia B. Alejandrino
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 4
Unang Markahan
Modyul 7 para sa Sariling Pagkatuto
Pagsagot sa Tanong sa Binasang Tekstong
Pampanitikan ,Tekstong Pang-impormasyon
at Mahahalagang Detalyeng Napakinggan
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul , inaasahan ang mag-aaral ay:


Nasasagot ang mga tanong ayon sa mga nabasang tekstong
pampanitikan, tekstong pang-impormasyon at mahahalagang
detalyeng napakinggan.
PANUTO : Pag-aralan ang bawat larawan at sagutin ang
sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang letra ng tamang
sagot.
1. Ano ang tawag sa mga taong nagmamadaling
bumili ng alkohol at iba pang pagkain sa
pamilihan?
A. Ang mga tao ay nagpa- panic buying
B. Ang mga tao ay namamasyal sa mall.
C. Ang mga tao ay pupunta sa palengke.
D. Ang mga tao ay nakapila nang maayos
habang namimili.

2. Sila ang mga taong tumutugon sa


pangangailangan sa panahon ng pandemya
tulad ng COVID-19, Alin sa sumusunod na
salita ang tawag sa kanila?
A. Sila ay mga guro.
B. Sila ay mga frontliners.
C. Sila ay mga drayber ng bus at dyip.
D. Sila ay Overseas Filipino Workers (OFW )
3. Ano ang nais ipahayag ng larawan na ito lalo
na sa panahon ng pandemya tulad ng COVID-
19?
A. Umalis ng bahay
B. Lumipat sa kapitbahay
C. Manatili sa loob ng bahay
D. Puntahan ang bahay ng kamag-anak.
4. Kung pupunta sa palengke o sa ibang lugar
dapat ay may isang metro ang layo sa isa’t isa.
Ano ang ibig sabihin nito?
A. Social Distancing
B. Rapid COVID-19 Testing
C. Social Amelioration Program
D. Enhanced Community Quarantine
5. Ang nanay at tatay ay may mahalagang
pupuntahan, ayon sa larawan kanino
pansamantalang iniwan ang kanilang anak?
A. kina lolo at lola
B. kina tita at tito
C. sa kapitbahay
D. kay kumare

BALIK-ARAL

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra


ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang.

A. Banghay D. Sina Maria, Jose, at Jesus


B. Tuloy ang Pag-aaral E. Tauhan, Tagpuan, at Banghay
C. Sa loob ng bahay F. Maikling kuwento

___1. Ano ang pamagat ng kuwentong nabasa ninyo tungkol sa


isang batang gustong mag-aral kahit wala siyang laptop?
___2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
___3. Saan naganap ang bawat pangyayari sa kuwentong
nabasa?
____4. Ano-ano ang elemento ng kuwento?
____5. Anong elemento ng kuwento ang nagsasaad ng
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari?
ARALIN

Sa kwentong ito ay iyong alamin, kung ano ang


pinangangambahan ng tauhan sa pagtira niya sa
kaniyang lolo at lola?

PANUTO: Basahin at unawain ang kuwento.

Munting Bakuran
Dahil sa banta ng COVID- 19, napaaga ang bakasyon ni
Ellize sa paaralan. Si Ellize ay sampung taong gulang, ang
kaniyang ina ay isang nars at pulis naman ang kaniyang ama.
Sa tuwing papasok sa trabaho ang kaniyang magulang, sa lolo at
lola siya naiiwan.
Bago umalis sa trabaho ang kaniyang magulang ay
kinausap siya nito. Ilang araw na hindi sila makauuwi sapagkat
kailangan manatili ng kaniyang ina sa ospital upang tulungan
ang mga tinamaan ng nakababahalang sakit, ang kaniyang ama
naman ay bantay sa mga checkpoint upang mapanatili ang
kaayusan , malimitahan ang pumapasok at lumalabas sa
lungsod. Napagpasyahan nila na huwag munang umuwi ng
bahay para sa kaligtasan ng lahat.
Ayon sa balita , mahigpit nang ipinatutupad ang Enhance
Community Quarantine (ECQ) sa maraming lugar sa bansa. Isa
lamang sa bawat pamilya ang maaaring lumabas at mamili ng
kanilang mga pangangailangan sa palengke upang maiwasan
ang mabilis na pagkalat ng sakit. Ipinagbawal din na lumabas
ang matatanda at bata dahil delikado sa kanilang mga
kalusugan.
Napaisip si Ellize na kung hindi na maaaring lumabas ang
kaniyang lolo at lola ay maubusan sila ng pagkain . Tumingin si
Ellize sa kaniyang lolo at lola at nagdalawang – isip magsalita.
“Ano iyon apo?” tanong ng lolo. “Ah, kasi po sabi sa balita ay
bawal kayong lumabas, iniisip ko lang po kung paano na tayo
kapag matatagalan pang umuwi sina nanay at tatay. Nangiti ang
dalawang matanda sa narinig.
Niyaya nila si Ellize sa kanilang bakuran. Ipinakita nila ang
mga tanim na talbos ng kamote, petsay, okra, talong at
kangkong. May dalawang puno pa ng malunggay na nakatanim.
“Sa palagay mo ba apo, magugutom tayo?” Sabay tawanan nilang
tatlo.
Simula noon, si Ellize na ang nagdidilig ng mga tanim
araw-araw. Ipinamimigay din nila ang sobrang gulay sa kanilang
kapitbahay. Naisip ni Ellize ang palaging sinasabi ng lolo niya
“kapag may itinanim, may aanihin.”

Natandaan mo ba ang mahahalagang impormasyon o


detalye ng kuwentong binasa ? Ngayon naman ay iyong
sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Sino ang batang ipinaalaga sa kaniyang lolo at
lola?____________________________________________________
2. Bakit kinakailangan na paalagaan si Ellize sa kaniyang lolo
at lola? Nangangamba ba si Ellize sa pagtira niya sa bahay ng
kanyang lolo at lola?_____________________________________
_______________________________________________________
3. Sa palagay mo, naalis ba ang pangamba ni Ellize nang makita
niya ang bakuran nina lolo at lola? ___________________________
______________________________________________________________
4. Noong panahon ng Enhance Community Quarantine, tulad ni
Ellize, mayroon ka rin bang pinangambahan? Paano mo ito na
solusyunan? ____________________________________________
________________________________________________________
5. Sang-ayon ka ba sa winika ni Lolo, “Kapag may itinanim , may
aanihin.” Ipaliwanag mo ito?__________________________________
______________________________________________________________
Narito ang mga nararapat gawin upang masagutan
nang tama ang bawat tanong batay sa binasang
pampanitikan o teksto.
• Alamin at unawain ang mahahalagang impormasyon o
detalye sa mga kuwentong binabasa.
• Tandaan ang daloy ng kuwento o tekstong
pampanitikan upang masagot nang tama ang mga
tanong.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay Bilang 1
PANUTO: Basahin at unawain ang kuwento. Bilugan ang
letra ng tamang sagot.

Nang Utusan si Selina


“Selina! Selina!” ang tawag ng Nanay sa kanyang bunsong
anak. “Bumili ka nga ng sampung pisong mantika kay Aling
Sepa. Dalian mo sanan at mahuhuli na ang Ate mo.”
Dali-daling naming sumunod si Selina. Ngunit naidlip na
ang kanyang ina ay wala pa siya gayong malapit lamang
naman sa kanila ang tindahang bibilhan.
Nang dumating si Selina, agad siyang nagpaliwanag.
"Nadapa po sa daanan ng tatlong taong apo ng bago nating
kapitbahay. Nagdugo po ang kanyang tuhod kaya inihatid ko
muna siya sa kanila.”
Hindi na kumibo ang nanay sapagkat alam niyang tama
ang ginawa ni Selina.( halaw sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 4, pp. 6 )

1. Sino ang tinatawag ni nanay?


A. Si Selina B. Si Aling Sepa C. Si Ate D. Si Susie
2. Bakit Kailangan niyang magmadali sa inuutos ni nanay?
A. Mahuhuli na ang kanyang Ate
B. Mahuhuli na ang kanyang Nanay.
C. Mahuhuli na ang kanyang Tatay.
D. Mahuhuli na silang lahat.
3. Ano ang dahilan ni Selina na natagalan siya sa pagbili ng
mantika?
A. Namasyal na muna siya.
B. May tinutulungan siyang nadapa.
C. Naghanap pa siya ng ipinabibili sa kanya.
D. Maraming bumibili sa tindahan ni Aling Sepa.
4. Bakit hindi nagalit ang nanay ni Selina sa matagal niyang
pagdating?
A. Nakatulong siya sa kapuwa.
B. Nagalit na ang Ate ni Selina.
C. Hindi sila kikibuin ni Selina.
D. Maaaring magtampo si Selina.
5. Ayon sa kuwentong binasa, anong magandang katangian ni
Selina ang ipinakita dito?
A. Siya ay masipag.
B. Siya ay magalang.
C. Siya ay matulungin.
D. Siya ay maramdamin.
Pagsasanay Bilang 2
PANUTO: Basahin at unawain ang teksto. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.

Isang mahalagang hakbang upang makaiwas sa pagkalat ng


sakit ay ang paghuhugas ng kamay. Ugaliin ang paghuhugas
ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig. Upang hindi
mahawahan ng sakit sa paligid, iwasang hawakan ang mata,
ilong at bibig. Magsuot ng face mask kung lalabas ng bahay.

____1. Bakit mahalaga na panatilihing malinis ang ating kamay?


A. upang makapaglaro kasama ang kaibigan
B. upang laging malinis at mabango ang ating mga
kamay
C. dahil ang kamay ay maraming naitutulong sa
gawaing buhay
. dahil ang kamay ay maraming hinahawakan at
madaling kapitan ng bakterya
____2. Ano ang dapat mong gawin upang mapanatiling malinis
ang iyong kamay ?
A. Hugasan ang mga kamay gamit ang tubig.
B. Gumamit ng tisyu upang linisin ang mga kamay.
C. Hugasan ang mga kamay gamit ang tubig at sabon.
D. Punasan na lamang ng bimpo ang ating mga kamay.
____3. Alin sa mga pahayag ang hindi ka sang-ayon?
A. Panatilihing malinis ang kamay upang hindi kapitan
ng bakterya.
B. Upang makaiwas at malabanan ang pagkalat ng
sakit, iwasang hawakan ang mata,bibig at ilong
C. Magdala ng alkohol upang malinis kaagad ang mga
kamay kung ito’y may mahawakang ibang bagay.
D. Hayaan na munang marumi ang kamay kapag may
nakita ng tubig saka na ito hugasan.

Napakaraming tao sa buong mundo ang gumagamit ng


bisikleta. Katunayan, nasa isandaang milyong bisikleta ang
ginagawa sa buong mundo taon-taun at sa bansang Tsina pa
lang ay mayroon nang mahigit kalahating bilyong bisikleta. Ang
bisikleta ay nagsimula sa imbensiyon ni Karl Von Drais, isang
baron mula sa bansang Alemenya na ang pamaraan ng bisikleta
ay pagsikad sa sahig at tinawag na draisine. Sa paglipas ng
panahon ay napaunlad ang imbensiyong ito mula sa pagsikad at
napabago sa paglalagay ng mekanikong pedal at kawad na
tinatawag na bicycle o bisikleta. Mula noo’y naging paboritong
sasakyan na ito ng maraming tao.(halaw sa Pinagyamang Pluma 4, pp.113 )
____4. Tungkol saan ang tekstong binasa ?
A. Ang pag-imbensiyon ng bisikleta mula sa pagsikad
hanggang sa maging mekanikong pedal at kawad.
B. Ang tawag sa bisikleta noon ay draisine na ang
pamamaraan na paggamit ay pagsikad sa sahig.
C. Maraming tao na ang gumagamit ng bisikleta sa
buong mundo.
D. Mataas ang halaga ng bisikleta ngayon.
____5. Sa panahon ngayon, paano nakatulong ang bisikleta sa
mga manggagawang pumapasok sa trabaho?
A. Napadali ang kanilang pagpasok sa trabaho
sapagkat mahirap sumakay ngayon sa mga
pampublikong sasakyan.
B. Ang bisikleta ay maaaring magamit ng bata man o
matanda.
C. Ang bisikleta ay mabilis gamitin kaysa sa ibang
sasakyan.
D. Kayang bumili ng bisikleta ang sinuman para
gamitin sa pagpasok sa trabaho.

Pagsasanay Bilang 3
PANUTO: Basahin at unawain ang kuwento. Lagyan tsek ( √ )
ang kahon ng letrang may tamang sagot .

Pagbibigayan
Magkapatid sina Raul at Rene. Masisipag at mababait
sila. May kani-kanilang tungkulin sa bahay. Si Rene na
nakatatanda ang tagbili ng tinapay sa umaga at tagabunot ng
sahig. Si Raul Naman ang nagwawalis sa binunot ni Rene at
nagdidilig ng mga halaman.
Minsan nag-uwi ng laruang gitar si Mang Pedro, ang
kanilang ama. Iisa lamang ang nabili niya dahil mahal yaon.
“kanino kaya mapupunta ito? Pasensya na muna ang isa
sa inyo, ha?” sabi ng ama. “Sa amin pong dalawa. Hiraman po
kami riyan,” ang sagot ng magkapatid.
Napangiti si Aling Bess. Nasisiyahan siya sa pasiya ng
dalawang bata. Tunay na hindi siya binibigyan ng suliranin ng
kanyang mga anak. (halaw sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 4, pp. 35)
1. Magkaano-ano sina Raul at Rene ?
A. Magkaibigan C. Magpinsan
B. Magkapitbahay D. Magkapatid
2. Ano ang iniuwi ng kanilang ama galing sa pagtatrabaho?
A. bola C. gitara
B. baril-barilan D. bisikleta
3. Kanino napunta ang laruang uwi ng kanilang ama?
A. Kay Raul C. Kay Rene
B. sa kanilang dalawa D. kay Mang Pedro
4. Bakit iisang laruan ang uwi ni Mang Pedro?
A. Wala nang iba pang tinda
B. Isa lamang ang gustong bigyan
C. Hindi na maganda ang ibang gitara
D. Mahal yaon ang gitara at isa lamang ang kaya ng pera
ng ama.
5. Tama ba ang ginawa ng magkapatid na maghiraman na
lamang sa laruan? Bakit?
A. Oo, dahil naunawaan nila ang sitwasyon ng kanilang
magulang.
B. Oo, para hindi na sila mapagalitan ng kanilang
magulang.
C. Hindi, kailangang tig-isa sila ng laruang gitara.
D. Hindi, kailangan pinilit ni tatay na makabili ng dalawang
gitara.

PAGLALAHAT

PANUTO: Sagutin ang tanong. Isulat sa loob ng dayalogong


kahon ang iyong natutuhan sa aralin.
Ano ang dapat mong gawin upang masagutan nang
tama ang bawat tanong ayon sa kuwento o tekstong
binasa?
Alamin at unawain
Madaling matandaan
ang_________________
_____________________ kung____________________
_____________________ _________________________
_____________________ _________________________
_____________________ _________________________
_________________________
PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Kulayan ng pula ang puso na nagpapakita ng


katangian ng isang bata ayon sa kuwentong binasa.

1. Makulit sa nag-aalaga.
2. Matulungin sa kapuwa.
3. Maalahanin sa lolo at lola.
4. Makatwiran sa mga sinasabi ng ibang tao.
5. Masunurin sa pinag-uutos ng nakatatanda.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong. Itiman ang


bilog ng letra na may tamang sagot.

Tumutulong si Nardo sa kaniyang nanay sa pagtitinda ng


niyog sa palengke. Mayroon silang pangkayod na de-kuryente
kaya napakadali at napakabilis nilang makapagtinda. Iniipon
ni Nardo ang sabaw ng niyog sa isang malaking balde.
Inilalagay naman niya ang bao niyog sa isang malaking
kanastro. Ginagawa nilang suka ang sabaw ng niyog.
Pinatutuyo naman nila ang bao upang magamit na
panggatong.
Matalino si Nardo at ang kanyang ina. Nagawa nilang
kapakipakinabang ang mga bagay na karaniwang itinatapon
na.(halaw sa pagpapaunlad sa kasanayan, pp.95 )
1. Sino ang batang tumutulong sa kaniyang ina sa pagtitinda
ng niyog sa palengke?
A. Si Narding
B. Si Nanding
C. Si Nardo
D. Si Nato

2. Paano napapabilis ang trabaho niya sa pagkayod ng niyog?


A. Siya ay gumagamit ng kudkuran.
B. Siya ay gumagamit ng itak.
C. Siya ay gumagamit ng tinidor.
D. Siya ay gumagamit ng de-kuryente.

3. Sa inyong palagay, ano ang gagawin nila sa inipong sabaw ng


niyog?
A. Ito ay ididilig sa halaman.
B. Ito ay kanilang itatapon.
C. Ito ay magagawang suka.
D. Ito ay magagawang mantika.

4. Tama ba ang ginagawa ng mag-ina sa mga patapong bagay na


nagagawang kapakipakinabang? Bakit?
A. Oo, dahil ito ay magagamit pa sa ibang pamaraan.
B. Oo, dahil ito ay maaari pa nilang maibenta.
C. Oo, dahil ang mga patapong bagay nakatutulong sa
karagdagang kita.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

5. Dapat bang tularan ng iba sina Nardo at ang kaniyang


Nanay? Bakit?
A. Oo, dahil ang mag-ina ay matalino at masinop.
B. Hindi, dahil ang daming ginagawa ng mag-ina.
C. Siguro, dahil malaki ang kita ng mag-ina.
D. Ayaw, dahil nakakapagod ang kanilang ginagawa.
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian

Alma M. Dayag, Pinagyamang Pluma 4, Wika at Pagbasa para sa


Elementarya. Phoenix Publishing House, Inc. 927 Quezon Ave.,Quezon
City, 2015
Anita A. Bagabaldo, Et.Al, Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa, Saint
Mary/s Publishing Corporation, 3rd flr. SMPC Building. Sta. Cruz . Manila 1003,

https://www.redbubble.com/i/poster/You-are-Heroes-NHS-Doctors-
Nurses-Frontliners-by-auror/47005474.LVTDI
https://www.shutterstock.com/search/social+distancing
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vectors
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/figure-grandparents-
with-their-granddaughter-icon-vector-14139895
https://images.app.goo.gl/Xp8hYUvgWfTKnvPVA

https://images.app.goo.gl/nLfwhGC99LxtTwyHA

You might also like