Professional Documents
Culture Documents
Panitikan Sa
Panahon
Ng Katutubo
(MODYUL 1)
“ANG PANITIKAN SA
PANAHON NG KATUTUBO”
Karunungang Bayan
(Salawikan, Sawikain at Kasabihan)
(Modyul 1)
Baitang 8
Agosto 24 - 28, 2020
PHEBE F. LLAMERA
Guro sa Filipino
PAUNANG SALITA
PAALALA AT TAGUBILIN:
Dahil sa kinakaharap nating pandemya ang lahat ay inaasahang sumusunod sa mga protocol ng World
Health Organization upang makaiwas at malabanan ang sakit.. Bilang pagtalima sa kautusang huwag
magkita-kita at magsama-sama nang maramihan kaya itong modyul na ito ay sasagutan sa inyong
mga tahanan at pag-aralan sa tulong ng iba pang miyembro ng iyong pamilya. Kung ikaw ay may
katanungan maaari mo akong maka-ugnayan sa numerong 09552013179 at sa aking emailadd na
llameraphebe@ gmail.com.
Eksayted ka na ba? Maghanda ng iyong kuwaderno upang doon ay sagutan at itala ang
mga mahahalagang pagkatuto na maaaral mo rito.
Panimulang Pagtataya
Panuto: Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na
ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin mo ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.
____1. Isang maikli ngunit makabuluhang pahayag na karaniwang may matulaing katangian.
a. Sawikain b. Salawikain c. kawikaan d. kasabihan
Basahin ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong bilang 3-6
____ 3. Ano ang ipinapakahulugan ng salawikaing “Ano man ang tibay ng piling abaka ay
wala ring lakas kapag nag-iisa”?
____ 4. Matatapos na ang inyong breaktime kaya nagmamadali kang bumalik sa inyong silid-
aralan sapagkat ang susunod na guro sa inyong klase ay mahigpit sa pagtatala ng attendance.
Sa di inaasahan, nasaksihan mo ang pagkahimatay ng isang mag-aaral. Ano ang iyong gagawin?
____ 5. Usong- uso sa mga kabataan ang “fliptop”. Nais mong maging “in “ sa bagong
henerasyon na iyong kinabibilangan ngunit gusto mong maging makabuluhan ang nilalaman ng
fliptop na iyong ibabahagi. Ano ang dapat mong gawin?
_____8. “Bumbong kung liwanag, kung gabi ay dagat. Anong uri ng sukat ang halimbawa ito?
a. 2 b. 4 c. 6 d. 8
____11. Ito ang pagkakapare – pareho ng bilang ng pantig ng dalawa o higit pang taludtud sa
isang saknong.
_____14. “Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos
akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng
kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na
paghinga niya,sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay,
paghikbi…” Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?
____15. Tawag sa pagkakapare – pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit pang taludtud sa
isang saknong.
BALIKAN NATIN
TALA-ISIP
Panuto: Gamit ang diksyunaryo o internet hanapin ang kahulugan ng mga
salitang may salungguhit sa mga sumusunod na mga pangungusap.
1. Taon-taon ay nagdaraos sila ng caῆao bilang parangal sa kanilang mga anito.
2. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito.
3. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala.
Noong unang panahon, ang mga katutubo sa kabundukan ay hindi pa mga binyagan. Ang kanilang
pinupuri at pinasasalamatan sa mga biyayang napapasakanila ay ang itinuturing nilang Bathala. Kapag
nagwawagi sila sa pakikidigma laban sa mga taong kabilang sa ibang tribu ay tumatawag sila kay Bathala.
Kapag nakakakuha sila ng maraming gulay o prutas ay si Bathala rin ang kanilang tinatawag upang
pasalamatan. Sama-sama silang tumatawag at pumupurikay Bathala sa pamumuno ni Yaw-yawen, ang puno
ng mga katutubo.
Likas na masisipag ang mga katutubo. Bago pa man sumikat ang araw ay nasa taniman na sila at
pinagyayaman ang matabang lupa. Ang ilan naman ay nasa dagat upang manghuli ng mga matatabang isda.
Magkikita lamang sila kapag matindi na ang sikat ng araw.
Isang umagang abala ang lahat sa pagtatanim at panghuhuli ng mga isda ay isang malakas na hangin
ang humihip. Halos tangayin nito ang mga katutubo. Ang lahat ay natakot.
"Huwag naman po, Bathala," ang nasabi ni Yaw-yawen. "Magsiluhod tayong lahat at tumingin sa langit.
Alam kong hindi tayo pababayaan ni Bathala."
At nagsiluhod ang mga katutubo. Pagkaluhod nila'y sabay-sabay silang tumingala sa langit. Anong
himala! Biglang nagdilim ang paligid. Kinilahutan ang mga katutubo. Ang iba'y inihanda na ang sarili upang
mamatay. Ngunit ang karamihan ay nagsiluha at lalong tumibay ang pananalig sa Diyos.
"Bathala... aming Bathala, ipinauubaya na namin sa inyo ang aming kapalaran," ang panalangin ng lahat
sa pamumuno ni Yaw-yawen.
Sa isang iglap, ang dating madilim na paligid ay napalitan ng naiibang liwanag. Nang tingalain ng mga
katutuboP ang
age |9 GAUDENCIO E. ABORDO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
langit ay nakakita sila ng isang bolang apoy. Paikut-ikot ito at nang mawala ay isang malinaw na
aninong puti ang kanilang nakita.
Karugtong…..
"Huwag kayong matakot. Ako ang tinatawag ninyong Bathala," ang sabi ng aninong puti. "Nagpakita ako sa inyo
hindi upang kayo'y takutin, kundi upang pagkalooban kayo ng isang magandang biyaya."
"Marami pong salamat, aming Bathala. Ngunit hindi pa po ba sapat ang kapayapaan, kaligayahan, kalusugan, at
masaganang ani na inyong ipinagkakaloob?" ang tanong ni Yaw-yawen.
"Ipinakikita ninyo ang inyong angking kasipagan at mabuting pagsasamahan kaya't dapat lamang na bigyan ko
kayong lahat ng biyaya," ang sagot ni Bathala.
"Magpapadala ako ng aking kinatawan. Bababa siya sa lupa at kayo'y bibigyan niya ng mga buto ng ginto.
Inaasahan kong itatanim ninyo ang mga butong ito hanggang sa mamunga ng mga ginto. Isang malaking kayamanan
ang magiging bunga ng mga punong inyong paghihirapang palakihin. Isang kundisyon lamang ang aking hinihiling sa
inyo," ang sabi ni Bathala.
"Na huwag na huwag ninyong puputulin ang mga punungkahoy, lalung-lalo na ang mga punong ginto na aking
ipagkakaloob," ang utos ni Bathala.
At nang araw na dumating ang kinatawan ni Bathala na dala-dala ang mga buto ng ginto ay nagsimulang
magtanim ang mga katutubo. Pagkaraan ng ilang araw ay sumibol ang halaman. At pagkaraan ng maraming taon ay
nagsilago at tumindig ang mga matataas na puno ng ginto.
"Nasaan ang bunga? Bakit ang tagal-tagal na'y hindi pa namumunga ang mga punong iyan?" ang inip na inip na
nasabi ng mga katutubo.
"Putulin natin ang mga puno. Tiyak na nasa loob ng mga malalaking katawan ang mga gintong ating hinahanap,"
ang mungkahi ng isang lalaki.
"Oo nga! Sige, putulin natin ang mga puno," ang utos ni Yaw-yawen.
"Bathala, bakit po hindi pa namumunga ang mga ginto?" ang tanong ni Yaw-yawen.
"Sinuway ninyo ang aking utos. Mahigpit kong ipinag-utos sa inyo na huwag na huwag ninyong puputulin
ang mga puno. Mula ngayon, ang gintong dapat sana'y mapasainyo ay mananatiling nasa ilalim ng lupa. Hindi
ninyo makikita iyon hangga't hindi ninyo pinaghihirapang kunin," ang sabi ni Bathala.
Gayon na lamang ang pagsisisi ng mga katutubo sa kanilang ginawa. Ang gantimpalang ginto na dapat
mapasakanila sa pamamagitan ng mga puno ay biglang naglaho.
Mula noon, hanggang ngayon, ang ginto'y sa ilalim ng lupa na lamang matatagpuan.
TALA-ISIP
PANUTO: Sa isang pirasong papel, gumawa ng isang diagram
tungkol sa iba’t ibang kultura at tradisyon ng mga Igorot na ipinakita sa
alamat.
Si Pilandok ay nahatulang ikulong ng isang masamang Sultan sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa
paghihimagsik na kaniyang ginawa.
Pagkalipas ng ilang araw ,ang Sultan ay nanggigilalas nang makita si Pilandok sa kaniyang harapan na nakasuot ng
magarang kasuotan ng Sultan. Nakasukbit sa kaniyang baywang ang isang kumikislap na ginintuang tabak .
“ Hindi ba’t itinapon ka na sa dagat”?nagtatakang tanong ng Sultan kay Pilandok.
“ Siya pong tunay ,mahal na Sultan ,” ang magalang na tugon ni Pilandok.
“Paanong nangyarig ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon,” wika ng
Sultan“ .
Hindi po ako namatay , mahal na Sultan , sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako’y
sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang
masagana sa lahat ng bagay?” paliwanag ni Pilandok.
“Marahil ay nasisiraan ka ng bait,” ang sabi ng ayaw maniwalang Sultan.”Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa
ilalim ng dagat”.
“ Kasinungalingan po iyan! Bakit po ako naririto ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong
ninyo sa hawla ay naririto at kausap ninyo,” ang paliwanag ni Pilandok.” May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang
tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po’y aalis na at marahil ay
hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak.
Umakmang aalis si Pilandok.
“ Hintay ,” pagpapahinto ng Sultan kay Pilandok.” Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang Sultan
ng mga Sultan at ang iba ko pang kamag-anak”.
Tatawagin n asana ng Sultan ang mga kaal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihang walang dapat makaalam ng
bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang Sultan sa loob ng isang hawla.
“ Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?” ang tanong ni Pilandok.” Kapag nalaman po ng iba ang
tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon.”
Sandaling nag-isip ang Sultan at nakangiting nagwika, “ Gagawin kitang pansamantalang Sultan, Pilandok. Mag-iiwan
ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin.”
“ Hintay mahal na Sultan ,” ang pigil ni Pilandok . “ Hindi po ito dapat malaman ng inyong mga ministro.”
“ Ano ang nararapat kung gawin?” ang usisa ng Sultan .” Ililihim po natin ang mga bagay na ito. Basta’t ipagkaloob
ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Kapag nakita nila ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila
ako,” ang tugon ni Pilandok.
Pumayag naman ang Sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang Bangka. Pagdating sa
gina ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalulunanan ng Sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang Sultan.
Mula noon si Pilandok na ang naging Sultan.
Matapos kong mataya ang dati mong kaalaman sa paksa, oras na upang ating pag-aralan ang
ilan sa mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo.
PAGSASANAY 2: UNAWA-GAWA
SURIIN
ALAM MO BA NA...
Mga Halimbawa:
(Ibanag) (Pampango)
“Walang gawaing mahirap “Ang taong matiyaga
sa taong matiyaga.” natutupad ang ninanasa.
Mga Halimbawa:
“parang natuka ng ahas- natulala” “itaga mo sa bato- pakatandaan”
“malayo sa bituka- hindi malubha” “mahaba ang kamay- magnanakaw”
Mga Halimbawa:
Panuto: Suriin kung ang mga sumusunod ay salawikain, sawikain o kasabihan. Isulat sa
sagutang papel. Gayahin ang pormat.
3. Itaga sa bato
1. ___________________________________________________________
2.____________________________________________________________
1 TUMATAK SA ISIPAN
1. ___________________________________________________________
ISAISIP
URI NG TUGMA
PATINIG – (a, e, i, o, u)
KATINIG – (b, c, d, f, g, h, j, k, l, m, n, ñ, ng, p, q, r, s, t, v, w, x, y, z)
GANSAL (5, 7)
HALIMBAWA:
HALIMBAWA
PANUTO: Gamit ang kasunod na tsart, magsulat ng isang salawikain, sawikain o kasabihan at
pagkatapos ay suriin ito.
BILANG
SALAWIKIN SUKAT TUGMA
NG TALUDTOD
1.
BILANG
SAWIKAIN SUKAT TUGMA
NG TALUDTOD
2.
KARAGDAGANG GAWAIN
PANGWAKAS NA
PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat bilang, pagkatapos ay isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
____1. Isang maikli ngunit makabuluhang pahayag na karaniwang may matulaing katangian.
a. Sawikain b. Salawikain c. kawikaan d. kasabihan
____ 2. Pansinin ang bahagi ng alamat na nasa kahon sa kasunod na pahina . Ano ang kapuna-
puna sa pangyayari?
a. makatotohanan b. posibleng maganap
c. kapani-paniwala d. hindi kapani-paniwala
Basahin ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong bilang 3-6
____ 4. Matatapos na ang inyong breaktime kaya nagmamadali kang bumalik sa inyong silid-
aralan sapagkat ang susunod na guro sa inyong klase ay mahigpit sa pagtatala ng attendance.
Sa di inaasahan, nasaksihan mo ang pagkahimatay ng isang mag-aaral. Ano ang iyong gagawin?
____ 5. Usong- uso sa mga kabataan ang “fliptop”. Nais mong maging “in “ sa bagong
henerasyon na iyong kinabibilangan ngunit gusto mong maging makabuluhan ang nilalaman ng
fliptop na iyong ibabahagi. Ano ang dapat mong gawin?
_____6. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam isang mas mabuting
buhay para sa kaniyang mga minamahal. Anong salita ang binibigyang turing ng mga salitang
nakahilig sa pangungusap?
_____8. “Bumbong kung liwanag, kung gabi ay dagat. Anong uri ng sukat ang halimbawa ito?
b. 2 b. 4 c. 6 d. 8
____11. Ito ang pagkakapare – pareho ng bilang ng pantig ng dalawa o higit pang taludtud sa
isang saknong.
_____13. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya?
_____14. “Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos
akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng
kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na
paghinga niya,sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay,
paghikbi…” Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?
____15. Tawag sa pagkakapare – pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit pang taludtud sa
isang saknong.