You are on page 1of 16

L

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY
CAMP VICENTE LIM INTEGRATED SCHOOL
Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna

ARAW AT ORAS NG KLASE LINGGUHANG PLANO NG PAGKATUTO


Baitang 8- FILIPINO Unang Markahan ARAW NG RETRIEVAL
PETSA: _________________ (Una at Ikalawang Linggo) (Pagkuha ng Awtput)
Ika-27 ng Setyembre – ika 8 ng Oktubre 2021 Hintayin ang anunsiyo
ORAS: __________________ ng tagapayo

Araw at Oras Gawain


Panimulang Pagtataya:

Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Paanong pinatibay ng mga karunungang bayan ang lahing Pilipino noon at sa kasalukuyang
panahon?
A. Naging sandigan sa pagtataglay ng pilosopiya sa buhay na lalong nagpatibay ng
lahing Pilipino.
B. Nagsisilbing salamin ng lahing Pilipino na umaakay sa kasalukuyang heneresyon
tungo sa mabuting landas ng buhay.
C. Nagpapatibay sa pagbibigkis ng mga paniniwala, kultura at tradisyon ng lahing
Pilipino tungo sa pagkakaisa.
D. Lahat ay tama.
Ika-27 ng
Setyembre 2021 2. Bakit kilala din bilang kaalamang bayan ang karunungang bayan?
A. Dahil ito ay nagtataglay ng mga talinghaga na nagpapatalas ng isipan upang
magbigay pangaral tungo sa mabuting landas ng buhay.
B. Dahil marami kang matutunang kaalaman mula sa mga ito.
C. Dahil taglay nito ang mga pang-araw-araw na kaalaman upang ang isang tao ay
umangat sa kanyang kapwa.
D. Dahil itinuturo ng mga karunungang bayan ang mga paraan upang maging
matagumpay laban sa kapwa.

3. Anong kaisipan ang nais iparating ng kasabihang nasa ibaba? “Ang payo ng nanay huwag
magmagaling Sa pakikipagkapwa, puso’y gamitin
Matalas na dila ay laging pigilin Mabuting ugali laging pairalin”.
A. Sa lahat ng sitwasyon ay kabutihan ang ipakita sa kapwa.
B. Magsalita ng masama laban sa kapwa kapag alam mong may ginagawa itong hindi
maganda.
C. Magpakita ng kabutihan sa mga taong mabait sa iyo.
D. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong makipagkapwa tao.

4. Paano naisabuhay ng mga Pilipino ang salawikaing ito sa panahon ng Pandemya? “Ang
nagtitiyaga sa panahon ng kahirapan, Tiyak may naghihintay na magandang kapalaran”.
A. Kahit anong pagpupursigi ng mga Pilipino ay nahirapan pa din sila sa pagkakaroon ng
pandemya.
B. Hindi naging hadlang sa mga Pilipino ang kahirapan upang mapagtagumpayan ang
pandemya dahil sa mga kaparaanang ginawa.
C. Madaling sumuko ang mga Pilipino sa pandemya.
D. Sa halip na gumawa ng paraan ay sinisisi ng ilan ang Pamahalaan sa kahirapang
nararanasan sa panahon ng Pandmeya.

We lead, we serve, we excel with a heart.


Address: Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna
Telephone Numbers: (049) 530-2090 / (049) 530-2098
Email Address: campvicentelimnhs@yahoo.com
5.“Ang taong tamad ay kulang palad”. Paano magiging inspirasyon ang karunungang bayang
nabanggit sa pamilyang Pilipino sa panahon ng Pandemya?
A. Hindi naghihirap ang aming pamilya kahit na may covid pa dahil nagsisikap at
nagtutulungan sa tuwina.
B. Naging masipag lamang ang mga Pilipino dahil sa pandemya na nararanasan.
C. Hindi kami nahirapan na tumugon sa hamon ng covid-19 dahil mayroon kaming mga
naitabing ipon.
D.Umasa na lamang ang mga Pilipino sa ayudang ibinibigay ng pamahalaan.

6.Ang mga doktor, sundalo, pulis at nars ay ilan sa mga “frontliners” o ang mga bayaning nasa
unahan. Ano ang kahalagahan kung bakit tinagurian silang “mga buhay na bayani” sa
kasalukuyang pandemyang kinakaharap ng bansa?
A. Dahil binabayaran sila ng gobyerno.
B. Ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin.
C. Dahil sa sakripisyong kahit ang sarili nilang buhay ay nakahanda silang ialay.
D. Nagpamalas sila ng mga superpowers sa pagsugpo ng kumakalat na virus sa bansa.
7. Mababakas ang hirap na dinaranas ng bawat Pilipino sa kasalukuyang suliraning kinakaharap
ngunit sa kabila nito ay kakikitaan pa rin ng mayamang kaugalian katulad ng pagtulong sa kapwa
kahit na sa simpleng pamamaraan. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?
A. Likas sa mga Pilipino ang pagbahagi sa kapwa ng kung anong meron siya.
B. Tutulong dahil lumalapit ang mga nangangailangan.
C.Nagbibigay ng tulong dahil naghihintay ng kapalit.
D. Nais lamang na ipakita na siya ay mayroong kakayahang tumulong sa kapwa.

8. “Sa pagkadapa’t pagkabigo, may liwanag na tutungo” sa papaanong paraan


isinabuhay ng mga Pilipino ang salawikaing ito?
A. Nagwalang bahala ang mga Pilipino kapag nagkakaroon ng black out dahil batid
nilang babalik din ang ilaw kinabukasan.
B. Naniniwala ang nanay na kapag nasugatan ang anak mula sa pagkakadapa ay
gagaling din agad ang sugat.
C. Hindi nawalang pag-asa ang mga Pilipino sa sitwasyong kinakaharap dahil sa
pandemya dahil naniniwala silang matatapos din ito.
D. Nabigo man ang bansa na agarang sugpuin ang covid-19 ay mayroon pa naman
silang tulong na hinihintay mula sa ibang bansa.
9. Ika nga nila “Sa tuwing sasapit ang alas sinko (5) ng hapon ay dumungaw tayo sa ating mga
durungawan at bigyang palakpak ang ating mga bayaning nasa unahan”. Anong kaisipan ang
iyong mahihinuha mula sa pagsasagawa nito?
A. Mainam ito upang patuloy nating maipakita ang ating pagbibigay pugay sa kanilang
mga nagawa.
B. Maganda itong gawin upang mapansin naman nila na hindi tayo sang-ayon sa
kanilang mga ginagawa.
C. Malalaman na nila na gusto na nating lumabas sa ating mga tahanan.
D. Mabuti itong gawin upang hindi nila tayo makalimutang abutan ng ayuda.

10. Ang “new normal” na sistema ng edukasyon sa bansa ay lihis sa nakagawiang paraan ng
pagkatuto subalit mayroon namang magandang dulot. Ano ang magiging kahalagahan nito sa
edukasyon at kaligtasan ng bansa?
A. Maipagpapatuloy ng bawat Pilipinong mag-aaral ang pagkatuto at maiiwasan pang manganib
ang kanilang kalusugan mula sa banta ng covid-19.
B. Makatitipid na sa pagbibigay ng baon ang bawat magulang at magagampanan pa nila ang
kanilang tungkulin bilang isang ina at ama sa kanilang mga anak.
C. Mababawasan ang alalahanin ng mga eskwelahan at magiging pasyente sa mga ospital.
D. Magagamit sa iba pang mga bagay ang pondong nakalaan para sa kagawaran ng edukasyon at
kalusugan sa bansa.

Natuwa ka ba sa unang hamon? Kung gayon, naniniwala akong kaya


mo pang pagyamanin ang iyong kaalaman. Hayaan mong talakayin
natin ito sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga dapat mong matutunan
na kaalaman sa kasunod na bahaging pag-aaralan. Magsusuri ka ng
iilang kaalamang hatid sa iyo ng modyul na ito.

We lead, we serve, we excel with a heart.


Address: Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna
Telephone Numbers: (049) 530-2090 / (049) 530-2098
Email Address: campvicentelimnhs@yahoo.com
Lagyan ng tsek ang kahon kung:
Ganap na tapos.
Hindi natapos. Lagda ng Magulang

Alam mo ba?
Noong unang panahon, sa tuwing may mga pagtitipon o mga okasyon ang mga
karunungang bayan ay nagiging sentro ng pagkakaabalahan lalo na ang bugtong na
nagiging libangan ng karamihan. Salawikain o kasabihan ang malimit gamitin ng mga
matatanda kung ang hangarin ay pangaralan ang mga anak. Patunay lamang na
buhay ang panitikan sa puso’t isipan ng ating mga ninuno. Hahayaan mo bang
maglaho ang mga gintong butil na pamana sa iyo?

Karunungang bayan- tinatawag ding kaalamang bayan na binubuo ng mga salawikain, sawikain,
bugtong, palaisipan, kasabihan. Karaniwang ang mga ito ay nagmula sa mga tagalog at hinango
sa mahahabang tula.
1.Salawikain – Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng kagandahang asal ng
ating mga ninuno na naglalayong mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihan.
Halimbawa:
Aanhin pa ang damo
Kung patay na ang kabayo.
2. Sawikain/Idyoma – ang mga sawikain o idyoma ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng
matalinghagang kahulugan.
Halimbawa:
bagong tao – binata
bulang-gugo – gastado
3. Kasabihan – karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna ng isang tao. Ito ay nababatay rin
sa gawi ng mga tao o pang-araw araw nilang gawain.
Halimbawa:
Tulak ng bibig Utos na sa pusa
Kabig ng dibdib Utos pa sa daga
4. Bugtong – inilalarawan ang bagay na pinahuhulaan, ito ay nangangailangan ng mabisang pag-
iisip. Ito rin ay nagtataglay ng apat na katangian gaya ng tugma, sukat na karaniwang binubuo ng
dalawa hanggang apat na taludtod kung saan ang unang dalawang linya ay nagsisimula sa ilang
pamilyar na bagay sa kapaligiran at ang huling dalawang linya naman ay nagbibigay ng katangian
ng bagay na binabanggit sa naunang linya. Ang kariktan at talinhaga na itinuturing na siyang
pinakamahalagang katangian ng isang bugtong.
Halimbawa: Sagot
1. Nagtago si Pedro, labas din ang ulo. Pako
2. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao. Atis
3. Nanganak ang birhen itinago ang lampin. Saging
May dalawang uri ng bugtong
Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay binibigkas nang patula at
may lima hanggang labindalawang pantig. Ang mga tagalog ang pinakamayaman sa bugtong.
1. Mga talinghaga (o enigma), mga suliraning ipinahahayag sa isang metapora o ma-alegoryang
wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan.
2. Mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyo gamit sa tanong o
sagot.
5. Palaisipan – ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang
bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin.
Halimbawa:
Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Juan, lumundag ang
isa, ilan ang natira?
May isang bola sa mesa, tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola
nang di man lang nagalaw ang sombrero?
6. Bulong – ang bulong ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na
pangkulam o pangontra sa kulam, engkanto, at masamang espiitu.

We lead, we serve, we excel with a heart.


Address: Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna
Telephone Numbers: (049) 530-2090 / (049) 530-2098
Email Address: campvicentelimnhs@yahoo.com
Halimbawa:
Huwag magagalit, kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag- uutusan.

Bakit mahalaga ang Karunungang Bayan?

Maituturing na kayamanan ng Lahing Pilipino ang karunungang bayan na


nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno noong unang panahon hanggang
sa kasalukuyang henerasyon. Ito’y naging sandigan sa pagtataglay ng pilosopiya
sa buhay na lalong nagpapatibay sa mga paniniwala at nagbibigkas sa kultura at
tradisyon ng lahing Pilipino tungo sa pagkakaisa. Nagsisilbi rin itong salamin ng
lahing Pilipino sa kasalukuyang henerasyon na maaaring maging gabay dahil sa
taglay na himig nitong umaakay sa mga kabataan tungo sa mabuting landas ng
buhay.

Saludo at masaya akong malaman na nauunawaan mo ang


nilalaman ng aralin.
Ang susunod na gawain ay susubok sa iyong kakayahang pagyamanin
ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng mga tiyak na gawain.

Gawain sa Pagkatuto 1: Panuto: Narito ang gawaing susubok sa iyong kaalaman upang lalo
mong pahalagahan ang karunungang bayan na pamana ng ating lahi. Piliin sa hanay B ang mga
karunungang bayan na tutugon sa mga pagpapahalagang nasa Hanay A.

Ika-28 ng Hanay A Hanay B


Setyembre 2021
(Martes) 1. Huwag mamuhay ng parang reyna, baka sa huli maging A. kasabihan
alipin ka
2. Matutong makinig upang landas ay tumuwid B. Sawikain
3. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo C. Salawikain
4. Ituwid muna ang iyong landas bata D. Bugtong
Huwag antayin ang pagluha ng dugo ng ina

Lagyan ng tsek ang kahon kung:


Ganap na tapos.
Hindi natapos. Lagda ng Magulang

Gawain sa Pagkatuto 2: Panuto: Mula sa larawan sa ibaba, bumuo na limang (5)


mahahalagang mensaheng nais iparating ng kahalagahan ng larawan sa
kasalukuyang sitwasyong kinakaharap ng ating bansa.

1. ___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________

We lead, we serve, we excel with a heart.


Address: Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna
Telephone Numbers: (049) 530-2090 / (049) 530-2098
Email Address: campvicentelimnhs@yahoo.com
___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
___________________________________________________________
5. ___________________________________________________________
___________________________________________________________

Binabati kita sa ipinakita mong kaalaman at kahusayan! Tiyak na


magiging madali na lamang sa iyo ang susunod na hakbang tungo
sa pagkatuto.
Lagyan ng tsek ang kahon kung:
Ganap na tapos.
Hindi natapos. Lagda ng Magulang

Gawain sa Pagkatuto 3: Gumupit ng mga larawan para makagawa ng isang “brochure”


pangkalusugan ukol sa COVID-19. Lagyan ng caption ang bawat larawan gamit ang mga
karunungang-bayan at ipaliwanag.

Halimbawa ng “brochure”

Ika-29 ng
Setyembre 2021
(Miyerkules)

Pamantayan Puntos
May kaugnayan sa paksa 30
Malinaw at maayos na pagpapaliwanag 30
Pagiging malikhain 20
Malinis at maayos na presentasyon 20
Kabuuan 100

Gawain sa Pagkatuto 4: Panuto: Suriin ang mga sumusunod na karunungang bayan. Tukuyin
kung ito ay isang bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan. Isulat sa kahon ang B kung ito ay
bugtong, S kung ito ay Salawikain, W kung ito ay Sawikain at K kung ito ay Kasabihan.

We lead, we serve, we excel with a heart.


Address: Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna
Telephone Numbers: (049) 530-2090 / (049) 530-2098
Email Address: campvicentelimnhs@yahoo.com
Pagbati!
Nasagot mo na ang mga paunang gawain.
Ating tuklasin ngayon ang mga bagong kaalaman na makatutulong
sa iyo upang lubos mong maunawaan at makilala ang mga
karunungang bayan at ang kahalagahan ng mensaheng napaloob
dito upang maiugnay mo sa iyong buhay sa kasalukuyang panahon

Lagyan ng tsek ang kahon kung:


Ganap na tapos.
Hindi natapos. Lagda ng Magulang

Gawain sa Pagkatuto 4: Panuto: Hanguin ang mga kaisipan at kahalagahan ng mga


Ika-30 ng karunungang bayan at iugnay sa iyong buhay sa kasalukuyan.
Setyembre 2021 Halimbawa:
(Huwebes) Kasabihan: Ang taong tamad ay kulang palad.
Kaisipan: Maging masipag upang ang buhay ay umunlad.
Nakasusulat ng
sariling bugtong,
salawikain,
sawikain o
kasabihan na
angkop sa
kasalukuyang
kalagayan
(F8PS-la-c-20)

We lead, we serve, we excel with a heart.


Address: Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna
Telephone Numbers: (049) 530-2090 / (049) 530-2098
Email Address: campvicentelimnhs@yahoo.com
Kaugnayan sa buhay: Hindi naghihirap ang aming pamilya kahit na may covid pa dahil
nagsisikap at nagtutulungan kami sa tuwina.

Lagyan ng tsek ang kahon kung:


Ganap na tapos.
Hindi natapos. Lagda ng Magulang

Gawain sa Pagkatuto 5 : Gumawa ng iyong sariling limang (5) bugtong,


limang (5) salawikain at limang (5) sawikain. Ibigay ang tinutukoy at/o
kahulugang ipinapakita ng bawat isa.

Bugtong Kahulugan/Paliwanag

4
Ika-1 ng Oktobre
2021 (Biyernes)
5

Salawikain

We lead, we serve, we excel with a heart.


Address: Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna
Telephone Numbers: (049) 530-2090 / (049) 530-2098
Email Address: campvicentelimnhs@yahoo.com
4

Sawikain
1

Napakasaya ko dahil napagtagumpayan mo na ang mga gawaing sadyang


sumubok at nagbigay Upang mas lalong maging epektibo ang iyong pagkatuto,
ating iugnay ang iyong mga natutunan sa aralin. ng karagdagang kaalaman sa
iyo.

Lagyan ng tsek ang kahon kung:


Ganap na tapos.
Hindi natapos. Lagda ng Magulang

Gawain sa Pagkatuto 6:
D u g tu n g a n T a y o !

1 . P a n u t o : S a g u ti n a n g m a h a h a l a g a n g t a n o n g s a p a m a m a g i t a n n g p a g d u g t o n g s a m g a
s in im u la n g p a h a y a g . Is u la t a n g s a g o t s a n a k a la a n g p a t la n g .

A . A n o - a n o a n g m g a m a h a l a g a n g b a g a y n a n a t u t u n a n m o s a a ti n g m g a n a g i n g a r a l i n .
A n g n a t u t u n a n k o s a a r a lin a y
Ika-2 ng Oktobre
2021 (Sabado)

B . P a a n o n a k a t u t u lo n g s a iy o b ila n g is a n g m a k a b a g o n g k a b a t a a n a n g w a s t o n g k a a la m a n s a
k a r u n u n g a n g -b a y a n s a p a g -u u g n a y s a m g a k a s a lu k u y a n g p a n g y a y a r i s a tu n a y n a b u h a y ?

N a k a t u lo n g it o s a p a m a m a g it a n

Lagyan ng tsek ang kahon kung:


Ganap na tapos.
Hindi natapos. Lagda ng Magulang

Matapos mong matuklasan ang mga karunungang bayan ng ating lahi. Pag-
uusapan naman natin ang mga eupemistikong pahayag. Alam mo ba na ito ay
Ika-4 ng Oktobre mahalaga sa pagpapaliwanag sa araw-araw dahil sa pamamagitan nito
maipahahayagmo ang mga kaisipan, pananaw, at kuro-kuro na maiiwasan ang
hindi pagkakaunawaan. Kaya’t pagbutihan mo hanggang matapos. Handa ka na
bang
We lead, we tuklasin
serve, angwith
we excel mgaa ito?
heart.
Address: Brgy. Mayapa, Calamba
Oooppss..Teka City, Laguna
lang dahil matapos ang ating paglalakbay inaasahan na ikaw ay:
Telephone Numbers: (049) 530-2090 / (049) 530-2098
Nabibigyang-kahulugan
Email Address: mo ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na
campvicentelimnhs@yahoo.com
pahayag sa mga tula, balagtasan, alamat/ maikling kuwento, epiko ayon sa mga
2021 (Lunes)

Panimulang Pagtataya:

Panuto: Basahin ang kasunod na mga piling saknong ng tulang Sa Aking mga Kabata ni Dr. Jose
Rizal at pansinin ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag na ginamit at
pagkatapos ay bigyan ito ng kahulugan.

Saknong 1: Kapagka ang baya’y sadyang umiibig,


Sa kanyang salitang kaloob ng langit.
Sanlang kalayaan nasa ring masapit,
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Saknong 3: Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Saknong 5: Ang salita nati’y tulad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Bilang ng Saknong Matalinghagang salita/mga salita Kahulugan


Saknong

Saknong 1 …salitang kaloob ng langit


Saknong 1 …ibong nasa himpapawid
Saknong 3 …mahigit sa hayop at
malansang

Saknong 3 …pagyamaning kusa

Saknong 5 …dinatnan ng sigwa

Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang mga piling saknong ng tula at isulat sa patlang ang
kasingkahulugan at kahalagahan ng mga salita/pahayag na nakalimbag nang pahilig.

Nakasusugat, masakit magsalita, maingay, maliksi

Ano nga ba ang iyong balak;


Bakit putak ka ng putak
Bibig mong mapanghamak
Sa puso koy sumusugat.
Kahulugan: ____________________________
Kaisipan:_______________________________

Ang payo ng nanay huwag magmagaling


Sa pakikipagkapwa, puso’y gamitin

We lead, we serve, we excel with a heart.


Address: Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna
Telephone Numbers: (049) 530-2090 / (049) 530-2098
Email Address: campvicentelimnhs@yahoo.com
Matalas na dila ay laging pigilin
Mabuting ugali laging pairalin.
Kahulugan:_____________________________
Kaisipan: _______________________________

Ako ay labis na nagtataka


Ang anak ko yata may sa pusa
Kanina lang kasama ko siya
Ano’t ngayon bigla lang nawala?

Kahulugan: ____________________________
Kaisipan: ______________________________

Nabigyang-kahulugan mo ba kaibigan ang mga ginamit na talinghang salita o mga


salitasa tula? Kung hindi, kailangan mong pagaralan ang modyul na ito. Ngunit,
kailangan muna nating balikan ang naunang aralin upang sukatin ang natutuhan
mo.

Lagyan ng tsek ang kahon kung:


Ganap na tapos.
Hindi natapos. Lagda ng Magulang

Gawain sa Pagkatuto 7: Panuto: Gamit ang iyong natutuhan sa naunang aralin, iugnay mga
karunungang bayan na nasa HANAY A sa angkop na sitwasyon na nasa HANAY B. Isulat ang titik
ng iyong sagot sa loob ng kahon sa hanay A.
Ika-5 ng Oktobre
2021 (Martes) Paksa: Pagbibigay-kahulugan sa mga Talinghaga, Eupemistiko o Masining na mga Pahayag

Lagyan ng tsek ang kahon kung:

Ganap na tapos.
Hindi natapos. Lagda ng Magulang

Gawain sa Pagkatuto 8:
Panuto: Basahin mo ang tulang sinulat ni Ildefonso Santos na pinamagatang “Ang Guryon”,
Pagkatapos, sagutin mo ang sumusunod na mga tanong

We lead, we serve, we excel with a heart.


Address: Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna
Telephone Numbers: (049) 530-2090 / (049) 530-2098
Email Address: campvicentelimnhs@yahoo.com
Ang Guryon
ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo anak, itong munting guryon


Na yari sa patpat at “papel de Hapon”
Magandang laruan pula, puti, asul
Na may pangalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin,


Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

Saka, pag umihip ang hangin, ilabas


At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw


Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaig


Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling dina mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
O, paliparinmo’t ihalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupa’y sumubsob!

1. Ano ang kahulugan ng salitang guryon?


A. damit C. laruan B. eroplanong papel D. saranggola
2. Sino ang nagsasalita sa tula?
A. ama B. kaibigan C. kapatid D. kapitbahay
3. Ano ang ipinahiwatig ng ikalawang saknong?
A. Makipaglaban ka hanggang sa ikaw ay magwagi.
B. Hayaan ang pagsubok na dumating sa buhay ng tao.
C. Magsanay at magsikap upang maging handa sa mga pagsubok na darating sa ating buhay.
D. Kung ikaw ay mabigo sa buhay, matutong tumayo at lumaban kahit anumang mangyari sa
buhay.
4. Paano inihambing ng akda ang guryon sa buhay ng tao?
A. Tulad ng guryon, ang buhay ng tao ay puno ng kasiyahan lalo na kung kasama ang buong
pamilya.
B. Tulad ng guryon, ang buhay ng tao ay puro problema ang kinakaharap mula ng isinilang
hanggang mamatay.
C. Tulad ng guryon, ang buhay ng tao ay dumaan sa pagbabalanse ng mga dapat gawin upang
maging matatag sa pagsubok na darating.
E. Tulad ng guryon, ang tao ay mahina at madaling matangay sa problemang kinakaharap
kaya nabibigo sa alinmang tinatahak.
5. Ano ang tawag sa mga salitang nakasalungguhit sa tula?
A. Mabulaklak na Pahayag C. Malalalim na Pahayag
B. Mahihirap na Pahayag D. Matalinghagang pahayag

Lagyan ng tsek ang kahon kung:


Ganap na tapos.
Hindi natapos.
We lead, we serve, we excel with a heart.
Address: Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna
Telephone Numbers: (049) 530-2090 / (049) 530-2098
Email Address: campvicentelimnhs@yahoo.com
Lagda ng Magulang

Isang katangian ng kulturang Pilipino ang pagpapahalaga ng mabuting pakikitungo at


pakikipagrelasyon sa pamilya at sa ating kapwa. Kaya nga, maging noong unang panahon,
gumamit sila ng matatalinghaga o eupemistikong salita upang mangaral at maiwasto ang ugali o
kilos ng isang nakababata o nakatatanda na hindi nakakasakit ng damdamin.
Ika-6 ng Oktobre
2021 Matatalinghagang Pahayag
(Miyerkules)
Ang mga matatalinghagang pahayag ay naiibang paraan ng paglalarawan ng kondisyon o
kalagayan, at pagpapahayag ng saloobin. Isa ito sa katangian na ikinagaganda ng ating wika.
Itinatago nito ang tunay na kahulugan. Taglay ng matatalinghagang pahayag ang kinis at sining ng
ating wika. Masasalamin sa mga pahayag ang paniniwala, pamumuhay ng mga tao,
angpagpapahalagang-pangkatauhan, kalagayang pangkapaligiran o panlipunan sa iba’t ibang
karanasan. Halimbawa nito ay mga sumusunod:

Magdilang-anghel
Ang Diyos ay nagsugo ng anghel upang maghatid ng mensahe sa kanyang mga propeta o alagad.
Ang anghel ay nagsasabi ng pawang katotohanan at sadyang ang sinabi ay nagaganap o
mangyayari. Kaya’t kapag sinabi sa isang tao ang siya’y magdilang-anghel, magkatotoo ang
kanyang winika.

Di-mag-aso ang kalan


Kung magluluto sa kalan, na noon ay ginagamitan ng kahoy, ang kalan ay nag-aaso o umuusok.
Kung mahirap ang buhay ng isang tao, walang mailulutong pagkain ang pahayag ay di-mag-aso
ang kalan.

Buwaya sa katihan
Ang buwaya ay isang malaki at mapanganib na hayop na maaring kumain ng tao o hayop. Kapag
ito’y ginamit upang ilarawan ang isang tao, nangangahulugang siya’y ganid, sakim, matakaw sa
salapi at kahit na ang kapwa-tao’y nagigipit ay malaki pa rin ang hinihinging patubo sa pautang.
Dahil sa wala ang taong ito sa tubig, angkop ang siya’y tawaging buwaya sa katihan.

Eupemismo
Eupemismo ang tawag sa mga mahihinay na salita o pahayag na ipinapalit upang maiwasan ang
makasakit ng damdamin. Ginagamit ang mga ekspresyong ito upang hindi tuwirang banggitin ang
mga salitang hindi magandang pakinggan, nakabibigla o maaring magdulot ng kahihiyan. Ang
orihinal na katawagan ay pinapagaan sa kahulugan, sa pagpapalit ng katawagan upang di maging
mabigat sa pandinig o damdamin ng iba ang sitwasyon.

Eupemistikong Pagpapahayag
1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa:
a. paksa ng usapan
b. taong sangkot sa usapan
c. lugar
2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na nagpapahiwatig lamang.
3.Gumagamit ng talinghaga para di tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na
nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.

Halimbawa:
 Sumakabilang buhay na siya.
 Kapiling na siya ng Panginoon.
 Iniwan na niya tayo.
 Tapos na ang kanyang paghihirap.
 Maligaya na siya sa kabilang buhay.

4. Para maging mas malambot o mas magaan ang dating ng sasabihin:


Pahayag 1: Gutom na gutom na ako.

We lead, we serve, we excel with a heart.


Address: Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna
Telephone Numbers: (049) 530-2090 / (049) 530-2098
Email Address: campvicentelimnhs@yahoo.com
Mas magaan: Hindi ba kayo, nagugutom?
Pahayag 2: Kumain na ba kayo ng almusal?
Mas magaan: Kumain muna tayo.
5. Para mas mainam pakinggan gamitin ang sumusunod:
bulag/ duling- walang paningin
bingi- mahina ang pandinig
pilay- nahihirapang lumakad
mataba- medyo malusog
pandak- may kaliitan
pangit- di-gaanong maganda

Ngayong tapos mo nang basahin, kung iyong babalikan ang naunang modyul, iyong natutuhan na
ang sawikain ay mga salitang ding eupemismo, patayutay at idyomatiko. Ginagamit din ang
idyomatikong ekspresyon dahil ang mga ganitong pahayag ay nakatatago rin ang masakit, bulgar
at mahahalay na salita.

Gawain sa Pagkatuto 8:
Panuto: Hanapin mo ang mga matatalinghagang pahayag sa mga piling bahagi ng akda sa bawat
bilang. Itala sa talahanayan at bigyan ng kahulugan. Pansinin ang halimbawa kung paano ito
sasagutin.
1. Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang.Tinanong
niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak ngunit naglahong parang bula si
Pinang.
Alamat ng Pinya/Pinoycollection.com
2. Oh, dila ng taong ang bulong ay sigaw,
Espada ng bibig na nakamamatay.
Ang dila ng Tao ni Jose Crorazan de Jesus. Hiyas ng Diwa. 2007
3. Bawat hakbang na gawin mo sa Templo ng Kalayaan,
Ay hakbang na papalapit sa bunganga ng libingan.
Republikang Basahan ni Teodoro Agoncillo. Hiyas ng Filipino 1997

Matalinghagang Salitang may nakatagong Tahas na


Pahayag kahulugan kahulugan Kahulugan
ng salita
Kahulugan

Hal. anghel tagapaghatid ng nagkatotoo ang


nagdilang- totoong mensahe sinabi.
anghel
1.
2.
3.

Lagyan ng tsek ang kahon kung:


Ganap na tapos.
Hindi natapos. Lagda ng Magulang

Gawain sa Pagkatuto 9:

B. Panuto: Ang na sa Hanay A ay mga eupemestikong pahayag. Suriin ang kahulugan at hanapin
ang kasalungat nito sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
_____ 1. sumakabilang bahay A. nakakakita, hindi bulag
_____ 2. walang ilaw ang mata B. malumay magsalita
_____ 3. matalim ang dila C. masunurin
_____ 4. matigas ang ulo D. busog
_____ 5. kumukulo ang tiyan E. tapat sa asawa

We lead, we serve, we excel with a heart.


Address: Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna
Telephone Numbers: (049) 530-2090 / (049) 530-2098
Email Address: campvicentelimnhs@yahoo.com
F. madaldal
Lagyan ng tsek ang kahon kung:

Ika-7 ng Oktobre
Ganap na tapos.
2021 (Huwebes) Hindi natapos. Lagda ng Magulang

Gawain sa Pagkatuto 10:


Panuto: Ibigay ang eupemistikong pahayag sa mga salitang bulgar na may guhit na ginamit sa
pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Nalasing ang binata sa magdamag na inuman.
A. nalunod sa bote B. nababad sa bote C. nadaganan ng bote D. nasagasaan ng bote
2. Sa hindi inaasahan, siya ay nabuntis na wala sa panahon.
A. nagdadalang-tao B. nagdadalang-poot C. nagdadalang-habag D. nagdadala ng buhay
3. Huwag maniwala sa tsismis.
A. kuwentong- tubero B. kuwentong-barbero
C. kuwentong-bangkero D. kuwentong- karpentero
4. Mag-ingat sa magnanakaw.
A. mabilis ang kamay B. manipis ang kamay C. mabagal ang kamay D. makapal ang kamay
5. Presinto ang hantungan ng mga taong luko-luko.
A. basag ang pula B. basag ang tinig C. basag ang bungo D. basag ang pinggan

Lagyan ng tsek ang kahon kung:


Ganap na tapos.
Hindi natapos. Lagda ng Magulang

Gawain sa Pagkatuto 11:


Panuto: Basahin ang talata at punan ang patlang upang mabuo ang kaisipan nito. Pumili ng
angkop na eupemistikong pahayag mula sa kahon sa
ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
Ika-8 ng Oktobre
2021 (Biyernes) Lumulusog bukas ang palad Butas na ang bulsa
sumakabilang buhay naghihikahos sa buhay

“Manatili sa bahay. Magliligtas ito ng buhay.”


Ang linyang ito ay karaniwan nating naririnig sa radyo, telebisyon at nababasa rin maging sa mga
pahayaganngayong panahon ng pandemya. Ito ay mungkahi ng Department of Health at ng ating
pamahalaan.

Marami-rami na nga ang (1) _______________kaya’t hindi dapat ito isawalang- bahala. Hindi
naman nagkulang sa pagpapaalala sa atin ang ating pamahalaan sa posibleng pagkalat ng sakit.
Kaya naman dapat tayong sumunod sa batas. Mahalaga pa rin ang ibayong pag-iingat.

Sa kabilang dako naman, nakatutuwa pa rin ang iba’t ibangreaksiyon ng sambayanang Pilipino sa
pagtugon sa pandemyang kinahaharap natin ngayon. Ang iba, sinasabing (2.) _______________
sila dahil sa ilang buwang pamamalagi sa loob ng bahay. Kahit marami ang (3.)
_______________, may saya pa rin sa mukha kahit (4.) _________________. (5.)
________________ naman ang paglilingkod ng ating mga kababayang frontlinersupang
makatulong sa mga nangangailangan.

Ang mga ito ay nagpapatunay lamang na tayong mga Pilipino ay likas na masayahin at
mapagpasalamat sa kabila ng problemang dinaraanan natin ngayon. Likas din sa atin ang
pagiging matulungin.

Sabi pa nga ng ating pangulo, “Ito ang panahon na maging halimbawa tayo sa nakararami.”

We lead, we serve, we excel with a heart.


Address: Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna
Telephone Numbers: (049) 530-2090 / (049) 530-2098
Email Address: campvicentelimnhs@yahoo.com
Lagyan ng tsek ang kahon kung:

Ganap na tapos.
Hindi natapos. Lagda ng Magulang

Ika-9 ng Oktobre Gawain sa Pagkatuto 12:


2021 (Sabado)
Dugtungan ang salita upang mabuo ang diwa nito gamit ang mga sumusunod na hudyat;

1. Naunawaan ko na _____________________________________.
2. Nabatid ko sa aralin na_________________________________.

Lagyan ng tsek ang kahon kung:

Ganap na tapos.
Hindi natapos. Lagda ng Magulang

MODE OF DELIVERY/ RETRIEVAL


Modular/Blended:
 Ang mga modyul ay ipamamahagi sa mga mag-aaral sa araw, oras at lugar na itinakda upang ito ay kuhanin.
 Maaaring mag-follow up/magtanong ang mga mag-aaral o magulang sa guro sa pamamagitan ng text o tawag o anomang paraan na mas
madali para sa kanila.
 Ang modyul ay ibabalik sa tamang petsa, oras, at lugar na na itinakda ito para isauli.

Mga Komento at Mungkahi para sa Linggong ito:


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Lagda ng Magulang
Inihanda nina:

Rodalyn B. Ognayon Mary Ann P. Manalo Wellamae A. Seboc


Guro I Guro I Guro I

Iniwasto ni:

Francis Ann P. Sotto


Dalubguro II - Filipino

Sinuri ni:

Esperanza C. Elomina
Ulongguro III - Filipino

We lead, we serve, we excel with a heart.


Address: Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna
Telephone Numbers: (049) 530-2090 / (049) 530-2098
Email Address: campvicentelimnhs@yahoo.com
Binigyang Pansin ni:

Mildred M. De Leon
Punongguro III

We lead, we serve, we excel with a heart.


Address: Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna
Telephone Numbers: (049) 530-2090 / (049) 530-2098
Email Address: campvicentelimnhs@yahoo.com

You might also like