You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI- WESTERN VISAYAS
DIVISION OF ESCALANTE CITY
JAPITAN NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY BUENAVISTA NHS-JAPITAN EXTENSION)
QUARTER 3 SUMMATIVE TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
April 19-30, 2021 (WEEKS 5-6)

PANGALAN: __________________________________ PETSA: ____________ ISKOR: ______

I. WRITTEN TEST
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bawat bilang.

_______ 1. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?


A. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at pamayanang
matitirhan.
B. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating
pagkatao.
C. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa kaniyang
bayang sinilangan.
D. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay upang hubugin
ang kaniyang mga kakayahan.
_______ 2. Paano napalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapuwa?
A. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng bayan.
B. Nagtataguyod ng reporma ng pamahalaan para sa mas mabuting pamumuno.
C. Gumagamit ang midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at kaalaman.
D. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa, magtulungan, at
magdamayan.
_______ 3. Bakit natin dapat linangin at isabuhay ang mga pagpapahalagang na nakapaloob sa
Panimula (Preamble) ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas?
A. Upang maipakita natin ang ating pagmamahal sa bayan.
B. Upang maging maunlad at maayos ang lipunan ng ating bansa.
C. Upang makibahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan para makapag-ambag sa
kabutihang panlahat.
D. Upang maisakatuparan ang paggalang sa pagkatao ng tao, ang tawag ng katarungan, at
ang kapayapaan sa ating bansa.
_______ 4. Ang pagpasa ng RA 10535 o mas kilala bilang Philippine Standard Time ay makatutulong
upang ang bawat Pilipino ay magkaroon ng tamang oras na susundan. Anong negatibong
kaugalian ng mga Pinoy ang gustong baguhin ng batas na ito?
A. Kumpadre system B. Manana habit C. Filipino Tim D. Crab mentality
_______ 5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan tuwing halalan?
A. Absentee voting C. Flying voters
B. Pagtanggap ng regalo mula sa mga kandidato D. Vote buying
_______ 6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng diwang makabansa?
A. Filipino First Policy ni dating Pangulo Carlos P. Garcia.
B. Paggbili ng mga smuggled goods dahil mura.
C. Pagtangkilik sa Original Pinoy Music (OPM).
D. Pangingibang bansa upang magtrabaho.
_______ 7. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
A. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
B. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon.
C. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
D. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
_______ 8. Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang Pilipino?
A. Sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna at kalamidad.
B. Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang turismo ng bansa.
C. Sa bawat pagkilos ng bawat Pilipino natutugunan ang mga pangangailangan ng taong
bayan.
D. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad ng sarili at
kapuwa-Pilipino.
_______ 9. Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang
maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?
A. Paggalang at pagmamahal C. Katahimikan at kapayapaan
B. Katotohanan at pananampalataya D. Katarungan at pagkakaisa
_______ 10. Ang mga kabataang Pilipino ngayon ay mas tumatangkilik na sa KPOP culture kaysa sa
sarili nating kultura. Bilang kabataan, ano ang maipapayo mo sa kapwa mo kabataan?
A. Tumangkilik sa kulturang gusto nila dahil may kalayaan naman tayong pumili.
B. Tatangkilik sa KPOP pero ‘wag kaligtaang tangkilikin din ang sariling atin.
C. Dapat sa lahat ng oras ay unahing tangkilikin ang ating kultura.
D. Kung saan sila masaya,doon na lang sila.
_______ 11. Bilang mamayang Pilipino na may pagmamahal sa bayan. Ano ang isasaad mong solusyon
sa tumataas na krimen na kinasasangkutan ng mga kabataan?
A. Higpitan at lagyan ng pangil ang mga batas.
B. Pahabain ang oras para sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao.
C. Bawasan ng kaunting oras na inilalaan sa paaralan upang mapahaba ang oras ng mga
mag-aaal para sa pamilya.
D. Pababaan ang edad sa makukulong upang matakot na ang kabataang gumawa ng
krimen.
_______ 12. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita na may pagmamahal ka sa bansang Pilipinas?
A. Sisiguraduhing tapat sa lahat ng bagay na gagawin.
B. Makikilahok sa mga programa ng aming barangay at sa SK.
C. Magiging masunurin sa lahat ng utos ng aking mga magulang.
D. Mag-aaral ako ng mabuti at sisiguraduhin ko na makakapagtapos ako ng pag-aaral.
_______ 13. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang
bayan gayundin sa pagka-Pilipino natin?
A. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.
B. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.
C. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.
D. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapuwa.
_______ 14. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
A. Katatagan at kasipagan C. Pinagkopyahan o pinagbasehan
B.Kabayanihan at katapangan D. Pinagmulan o pinanggalingan
(Para sa bilang 15):
Ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi ramdam ang pagmamahal nito sa kanilang koponan?
Maipananalo ba ng mga manlalaro ang kanilang grupo? Hindi ba lagi mong naririnig ang salitang “puso” sa
tuwing kinakapanayam ang isang manlalarong nagbigay ng malaking puntos upang ipanalo ang kanilang
koponan?
_______ 15. Ano ang pangunahing mensahe ng talata?
A. Kung may pagmamahal sa loob ng koponan, masaya, at mas madali para sa mga manlalaro na
isakatuparan ang mithiing manalo.
B. Mahalaga ang pagbibigayan at sportsmanship ng mga manlalaro upang maiwasan ang
tunggalian at sakitan.
C. Ang pagsisikap na sanayin ang angking kakayahan na kinakailangan sa laro ay mahalaga
para makamit ang tagumpay.
D. Piliin ang tamang laro at libangan na lalong makatutulong sa paghubog ng malusog na
pangangatawan at isipan.
II. PERFORMANCE TASK
PANUTO: Magsalisksik ng kantang nasyonalismo “Nationalistic Song” sa internet. Kopyahin sa short-bondpaper
ang liriko o lyrics nito at gumawa ng REPLEKSIYON na nakabase sa mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa isang short-
sized bond paper. Maaring isend ang inyong gawa sa aking messenger o email: meah.bajand@deped.gov.ph
1. Ano-anong mensahe ang gustong iparating ng awitin?
2. Napapanahon ba ang mga mensaheng ito? Bakit?
3. Makatutulong ba ang mensahe ng awitin sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan?
Gawing basehan ang rubriks sa ibaba
Rubrik sa Pagmamarka:
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Kawastuhan Ang mga inilagay/ginamit ay tumutugma sa paglalarawan at konsepto. 5
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang impormasyon. May pinagbabatayang pag-aaral, 5
artikulo o pagsasaliksik ang ginamit na datos.
Organisasyon Kumprehensibo at malinaw ang daloy ng kuwento/impormasyon. Maayos na 5
naipahayag ang konsepto.
Pagkamalikhain May sariling istilo sa pagsasaayos o pagpapakita ng ginawa. Gumamit ng angkop 5
na paglalarawan upang maging kaaya-aya ang kaanyuan ng repleksiyon
Kabuuan 20
“I pray that no matter how tired you are, you will never lose a joyful heart”
Inihanda ni:
Bb. MEAH A. BAJANDE
Guro sa AralPan/EsP/ITWRBS/DIASS
Sanggunian: EsP 10 LAS weeks 5-6

You might also like