You are on page 1of 3

Buenavista NHS- Japitan Extension

Brgy. Japitan, Escalante City


Ikalawang Markahang Pagsusulit
Araling Panlipunan 7

Pangalan: ___________________________________________________ Petsa: ______________ Iskor: ___________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem.

A. TAMA o MALI

1. Bawat kabihasnan ay may kani-kaniyang mahahalagang ambag na nakaimpluwensiya sa kultura ng mga


bansa sa mundo. _____________
2. Mataas ang tingin ng mga Sumerian sa mga mangangalakal keysa sa pinunong hari. ____________
3. Nagkaroon ng pag-unlad sa sining sa Kabihasnang Sumer at naitala ang mahahalagang tradisyon at epiko.
__________
4. Ang pundasyon ng pagkabuo ng mga sinaunang kabihasnan ay ang mga kaisipang Asyano na uminog sa
relihiyon at pamumuno. ___________
5. Ang pamumuhay ng mga sinaunang Asyano ay nagsimula sa payak na pamumuhay sa kuweba patungo
sa pagkakatatag ng pamayanan hanggang sa pagkatatag ng mga lungsod o sibilisasyon. _____________
6. Nanatiling nomadiko ang tao sa kasalukuyan. ____________
7. Ang sistema ng pagsulat ay isa sa mga basehan ng pagkakaroon ng sibilisasyon. _____________
8. Sa panahong Paleolitiko, ang mga matutulis na batong kanilang nalinang ay nagamit nila sa pangangaso.
____________
9. Sa Nile River nabuo ang Kabihasnang Indus. ____________
10. Walang pag-usbong na nangyari sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya. ____________

B. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sila ang kumakatawan bilang tagapamagitan ng tao at diyos sa panahon ng kabihasnang Sumer.
a. Taong-pari b. Hari c. Haring-pari d. Pari
2. Ang panahon kung saan ang tao ay tinatayang nomadiko.
a. Paleolitiko b. Neolitiko c. Metal d. Mesolitiko
3. Ito ay kinilala bilang “Cradle of Civilization” .
a. Indus Valley b. Sumer c. Mesopotamia d. Huang Ho
4. Ang _____________ ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang umusbong sa mga lambak at ilog
tulad ng Sumer, Indus at Shang.
a. Sibilisasyon b. Asyano c. Tradisyon d. Kabihasnan
5. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
a. Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at sistema ng pagsulat.
b. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ang kapaligiran.
c. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura, at
sistema ng pagsulat.
d. Kapag nagkakaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan.
6. Ito ang panahon kung saan natutong magtanim at mag-alaga ng mga hayop ang mga tao.
a. Neolitiko b. Paleolitiko c. Mesolitiko d. Metal
7. Anong kabihasnan ang nakatuklas ng sistema ng pagsusulat na tinatawag na calligraphy.
a. Shang b.Indus c. Sumer d. Aryan
8. Ito ay sistema ng pagsusulat kung saan naitatala ng mga scribe sa mga clay tabletang mga pangyayari.
a. Cuneiform b. Hieroglyphics c. Calligraphy d. Alibata
9. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?
a. Ang pagkatuklas ng pottery wheel

1
b. Ang pagkatuklas ng paggamit ng decimal system
c. Sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform
d. Mga seda at porcelana
10. Ang mga ____________ ay ang mga taong nanirahan sa kabihasnang Indus.
a. Dravidian b. Sumerian c. Aryan d. Mongol
11. Sila ang tinatayang sumakop sa kabihasnang Indus. Sila ay mapuputi at matatangkad.
a. Dravidian b. Sumerian c. Aryan d. Mongol
12. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinikilala nila bilang dambana ng
kanilang diyos at diyosa?
a. Ziggurat b. Simbahan c. Mosque d. Veda
13. Ang tawag sa mga tao na nanirahan sa kabihasnang Sumer.
a. Dravidian b. Sumerian c. Aryan d. Mongol
14. Ang oracle bones o butong orakulo ay ginagamit sa ________.
a. Pagkain b. Panghuhula c. Pagpapakasal d. Pananakop
15. Ang mga sumusunod ay mga impormasyong hindi nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring na
pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig, MALIBAN____________.
a. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisayong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami
nitong kontribusyon sa daigdig
b. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
c. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent
d. Dahil nagkaroon ito ng matatag na sistemang politikal
16. Ano ang sistema pagsusulat ng kabihasnang Indus?
a. Calligraphy b. Oracle bones c. Pictogram d. Hieroglyphics
17. Ang pangalang Aryan ay nagmula sa salitang “Arya” na nangangahulugang _____________.
a. Manananggol b. Mahirap c. Mangangalakal d. Marangal
18. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
a. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan
b. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aaway sa lugar na ito
c. Dahil maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito
d. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na may parehong sukat ng bloke ng kabahayan at may
sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa
19. Ang __________ o moog ang tawag sa tirahan ng naghaharing pari.
a. Citadel b. Ziggurat c. Simbahan d. Mosque
20. Bakit naiiba ang hari sa kabihasnang Shang sa tunngkulin ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer?
a. Ang hari ng Shang ay gumagawa ng sakripisyo para sa kasaganaan ng lahat ng nasasakupan
b. Ang gawain ng hari ng Kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro lamang sa tungkuling panrelihiyon
c. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lamang panrelihiyon
d. Ang tirahan ng hari ng kabihasnang Sumer at Indus ay sa mga templo, samantalang hari ng Shang ay
malayo sa mga tao

C. Tukuyin kung saang panahon nangyari ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.

A. Paleolitiko B. Mesolitiko C. Neolitiko

______1. Umaasa sa anumang biyaya mula sa kapaligiran


______2. Natutong magtanim at mag-alaga ng mga hayop ang mga tao
______3. Nomadiko ang mga tao
______4. Nalinang ang kasanayan sa paggawa ng mga kasangkapang yari sa matutulis na bato
______5. Nagkaroon ng malawakang pagtatanim na tinatawag na Rebolusyong Neolithic
______6. Nagsimulang mabuo ang pamayanan
______7. Natuklasan ang apoy

2
______8. Nagsimula ang iba’t-ibang hanapbuhay ng tao tulad ng pangingisda at pagsasaka.
______9. Panahon na naging transisyon sa Panahong Neolitiko.
______10. Natutong gumawa ng mga damit na galing sa balat ng hayop bilang proteksiyon sa kanilang
katawan.

D. Isa-isahin. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Ilog Tigris at Euphrates Harrapa at Mohenjo-Daro Ilog Huang Ho

Epiko ng Gilgamesh Lunar Calendar Pictogram

Decimal Sytem Calligraphy

1-2 Ang dalawang ilog kung saan umusbong ang Kabihasnang Sumer.
3. Ang epikong naitala ng Kabihasnang Sumer
4-5 ang dalawang lungsod na natuklasan sa Kabihasnang Indus
6. Ang tagpuan ng Kabihasnang Shang na tinatawah ding Yellow River
7-8Magbigay ng dalawang kontribusyon ng Kabihasnang Sumer
9. Kontribusyon ng Kabihasnang Shang
10. Kontribusyon ng kabihasnang Indus

“Ang handom sa kinabuhi sayon makab-ot kung may pagpaningkamot nga walay panikas.
God Bless!”

You might also like