You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
RegionVI - Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ESCALANTE CITY
Escalante City, Negros Occidental, Philippines

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10


AUGUST 7-8, 2019

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. Bakit sinabi ni Karl Marx na ang lipunan ay kakikitaan ng tungaalian ng kapangyarihan?
A. Dahil Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago
B. Dahil sa tunggalian nagiging makapangyarihan sa mga pangkat na kumukontrol sa produksyon
C. Dahil magkakaiba at hindi pantay ang antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.
D. Dahil binubuo ang tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin.
2. Ang mataas na bilang ng mga mamamayang walang trabaho ay maaaring dulot ng kakulangan ng kaalaman at kakayahan
na bunga ng kabiguan ng paaralan na magkaloob ng mataas na kalidad ng edukasyon. Anong element ng kultura mayroong
isyu ang pahayag?
A. Institusyon B. Social Group C. Status D. Roles
3. Bakit kailangang pagtuunan ng pansin ang kultura sa pag aaral ng lipunan ayon kay Anderson at Taylor?
A. Ang kultura kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang
gawain ng tao
B. Ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang
grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.
C. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan.
D. Wala sa nabanggit
4. Ang sumusunod ay halimbawa ng isyu sa pagitan ng isyung personal at hamong panlipunan, MALIBAN sa
A. Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang isang barangay o bayan ay magiging
makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na isyung panlipunan.
B. Sa isang komunidad na may 100,000 mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaring
ituring ito bilang isang isyung personal. Subalit kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga
ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na “isyung panlipunan”.
C. Ang mga digmaan ay maituturing na isyung panlipunan subalit hindi maikakaila ang epekto nito maging sa personal na
buhay ng mga tao sa lipunang puno ng kaguluhan at karahasan.
D. Sa isang bansa kung mayroon mahirap na pamilya ay isyung personal at isyung panlipunan na.
5. Makalat ang bakuran nila Dory. Ano ang dapat gawin ni Dory para maging malinis ito?
A. Tumawag sa pamahalaan para matulungan siya
B. Tawagin ang kanyang kapitbahay para tulungan siya
C. Maglilinis sya ng kanyang bakuran
D. Wala sa nabanggit
6. Sa Sitio Lawis, maraming mga kabataan ang nag hindi nag aaral dahil sa matataas na ang mga edad nito. Ano ang dapat
gawin ng pamahalaan?
A. Hayaan nalang dahil matanda na naman ang mga ito
B. Mag alok ang pamahalaan ng libreng pamasahe sa lahat ng gusting makapag aral
C. Sila ang bibigyan ng karapatan para mag desisyon
D. Wala sa nabanggit
7. Gustong makapag aral ni Jasmin pero mahirap lang sila. Ano ang gagawin ni Jasmin?
A. Magtrabaho nalang
B. Iasa nalang sa magulang ang kanyang hinarap
C. Maghahanap ng scholarship na pwede makapag sponsor ng kanyang pag aaral
D. Mag aasawa nalang
8. Sa Sitio Magcaya ay nagkaroon ng dengue outbreak. Ano ang dapat gawin ng Department of Health?
A. Puntahan nag lugar at tulungan ang mga tao na malinis ang kapaligiran para maiwasan ang karagdagang biktima
B. Mag anunsyo sa nangyari
C. Ipaalam sa pamahalaan at iasa sa pamahalaan ang aksyon
D. Hayaan nalang
9. Paano naging zero casualty ang Albay noong taong 2014 pagdating ng bagyong Glenda?
A. Nagtulong tulong ang mga mamamayan
B. Hindi malakas ang bagyong Glenda
C. Lumihis ng direksyon ang bagyong Glenda
D. Nagtulong tulong ang mamamayan at pamahalaan para mapaghandaan ang pagdating ng bagyong Glenda
10. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng
solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9003 C. Republic Act 7942
B. Republic Act 8742 D. Republic Act 7586
11. Ang solid waste ay isa sa suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas. Ang mga sumusunod ay epekto nito maliban sa
A. nagpapalala sa pagbaha
B. paglaganap ng mga insekto na nagdudulot naman ng iba’t ibang sakit
C. nakakatulong sa pagpuksa ng mikrobyo
D. air pollution
12. Ang sumusunod ay resulta ng pagkasira ng likas na yaman maliban sa
A. Pagbaha C. Nawalan ng tirahan ang mga hayop
B. Pagdami ng mga bagong species ng halaman D. Pagkakalbo ng kagubatan
13. Saang lugar ito sa Pilipinas na nagpapatupad ng programa ng No Segregation, No Collection, No Orientation &
Implementatin of Ecological Solid Waste Management (ESWM), No Issuance of Municipal Permits at Municipal-wide
composting & livelihood projects?
A. Bago City, Negros Occidental C. Barangay Bagumbuhay, Project 4, Quezon City
B. Teresa, Rizal D. Sto. Tomas, Davao del Norte
14. Anong NGO ang naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at
pagsusulong ng kapayapaan?
A. Greenpeace C. Mother Earth Foundation
B. Clean & Green Foundation D. Bantay Kalikasan
Panuto: (15-20) Tayahin ang bawat pangungusap batay sa epekto at tugon sa mga hamong pangkapaligiran at isulat ang
E kung ang pahayag ay epekto ng hamong pangkapaligiran at T kung di naman sa tabi ng numero.
15. Tinatayang 1500 tonelada ng basura ang itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada, bakanteng lote, at sa Manila Bay na lalong
nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga insekto na nagdudulot naman ng iba’t ibang sakit.
16. ipinasara ang Payatas dumpsite matapos ang trahedya na naganap noong Hulyo 2000 kung saan maraming bahay ang
natabunan nang gumuho ang bundok ng basura dahil sa walang tigil na ulan.
17. Ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act 9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 upang
magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa.
18. Nagsimula ang deforestation sa Pilipinas noon pang 1500s kung saan ang noo’y 27 milyong ektarya ng kagubatan ay
naging 7.2 milyong ektarya na lamang ngayong 2013.
19. Ang walang habas na pagputol ng puno ay nagdudulot ng iba’t ibang suliranin tulad ng pagbaha, soil erosion, at pagkasira
ng tahanan ng mga ibon at hayop.
20. Executive Order No. 23 - nagdelakara ng moratorium (isang legal na kautusan upang ihinto ang isang gawain) sa pagputol
ng puno sa natural at residual na kagubatan. Ipinag-utos din ang paglikha ng anti-illegal logging task force.
21. Ang pamahalaan ng Escalante ay gumagawa sng a lahat pagpaplano sa pagtugon ng sa panahon ng kalamidad. Ano
approach ang kanilang ginagamit?
A. Bottom up Approach C. Top Down Approach
B. CBDRM Approach D. Wala sa nabanggit
22. Kung ang isang barangay ay nakaranas ng kalamidad, ito ay aasa lamang sa tugon ng Pambayan o Panlungsod na
Pamahalaan. Anong Approach ito?
A. Bottom up Approach C. Top Down Approach
B. CBDRM Approach D. Wala sa nabanggit
23. Kung ang buong bayan o lungsod naman ang nakaranas ng kalamidad, ang sistema ng pagtugon ay nakabatay sa prosesong
ipatutupad ng lokal na pamahalaan. Anong Approach ito?
A. Bottom up Approach C. Top Down Approach
B. CBDRM Approach D. Wala sa nabanggit
24. Ang Visayas ay nakaranas ng kalamidad at tinugunan ito ng pamahalaan na hindi nakialam ang mamamayan. Anong
approach ito?
A. CBDRM Approach C. Bottom Up Approach
B. Top Down Approach D. Wala sa nabanggit
25. Nilutas ng pamahalaan ng Local Government ang malawakang pagbaha sa taniman ng Brgy. Langub.
Anong approach ito?
A. Top Down Approach C. Bottom Up Approach
B. CBDRM Approach D. Wala sa nabanggit
26. Anong approach ang tinutukoy kung ang pamahalaan ang tumutukoy, nag aanalisa at naglutas ng mga suliranin ng
mamamayan at hamong pangkapaligiran?
A. Top Down Approach C. Bottom Up Approach
B. CBDRM Approach D. Wala sa nabanggit
Panuto: (27-32) Surrin kung ang pahayag ay Top Down Approach o Bottom Up Approach. Isulat ang TD kung Top
Down Approach at BU kung Bottom Up Approach.
27. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang komunidad.
28. Hindi nagkakasundo ang Pambansang Pamahalaan at ng Lokal na Pamahalaan tungkol sa mga hakbang na dapat gawin sa
panahon o pagkatapos ng kalamidad kung kaya’t nagiging mabagal ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
29. Ito ay tumutukoy sa situwasiyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa
panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.
30. Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan.
31. Ang responsableng paggamit ng mga tulong-pinansyal ay kailangan
32. Ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon
para maging matagumpay.
Panuto (33-35) Pagsunod sunurin ang paggawa ng CBDRM Plan gamit ang Top Down Approach. Isulat ang numerong
1,2 at 3 sa bawat bilang.
33. Paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan.
34. Pag-aanalisa sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan.
35. Pagtukoy sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan.
Panuto (36-38) Pagsunod-sunurin ang paggawa ng CBDRM Plan gamit ang Bottom Up Approach. Isulat ang numerong
1,2 at 3 sa bawat bilang.
36. Ang mga mamamayan ay gumawa ng komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon.
37. Ang pamahalaan at mamamayan ay nagtulong tulong sa paglutas sa mga suliranin
38. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang komunidad
39. Ang sumusunod ay ang konsepto ng CBDRRM Plan maliban sa
A. Mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad
B. Maligtas ang mas maraming buhay at ari-arian
C. Mabibigyan ng karampatang solusyon kung ang lahat ng sektor ng pamayanan
D. Maiasa sa pamahalaan ang lahat ng pagpaplano
40. Ang sumusunod ay mga Disaster Rsik Assessment maliban sa
A. Disaster Assessment B. Hazard Assessment C. Risk Assessment D. Vulnerability Assessment
41. Bakit kailangan ang mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM plan?
A. Upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad.
B. Upang maunawaan ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran
C. Upang mas madali ang pagharap sa sakuna
D. Lahat ng nabanggit
42. Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng Prevention and Mitigation?
A. Upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad.
B. Upang maunawaan ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran
C. Upang mas madali ang pagharap sa sakuna
D. Upang maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung ano-ano ang mga hazard, mga risk, at sino at ano ang maaaring
maapektuhan at masalanta ng kalamidad.
43. Ang mga sumusunod ay mga yugto ng DRRM Plan maliban sa:
A. Disaster Prevention & Mitigation C. Capacity Assessment
B. Disaster Prepareness D. Disaster Response
44. Bakit mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal na katangian ng hazard sa kanilang lugar?
A. Upang maging malinaw ang mabubuong hazard assessment.
B. Upang magdudulot ito ng higit na ligtas na pamayanan.
C. Upang makapagbigay ng impormasyon sa mamamayan
D. Lahat ng nabanggit
45. Si Jovi ay kailangang magsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa
isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon. Anong Disaster Risk Assessment ang gagamitin niya?
A. Disaster Assessment B. Hazard Assessment C. Risk Assessment D. Vulnerability Assessment
46. Si Jenny ay kailangang tayahin ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa
pinsalang dulot ng hazard. Anong Disaster Risk Assessment ang gagamitin niya?
A. Disaster Assessment B. Hazard Assessment C. Risk Assessment D. Vulnerability Assessment
47. Bakit mahalaga ang disiplina sa pagharap sa mga panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran?
A. Upang hindi madali ang pagbangon mula sa sakuna
B. Upang maiwasan ang malawakang pinsala sa panahon ng kalamidad.
C. Upang magpanic ang mamamayan sa panahon ng sakuna
D. Wala sa nabanggit
48. Bakit mahalaga ang kooperasyon sa pagharap sa mga panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran?
A. Upang hindi madali ang pagbangon mula sa sakuna
B. Upang magkaroon ng maayos na sistema sa pagharap ng sakuna
C. Upang magpanic ang mamamayan sa panahon ng sakuna
D. Wala sa nabanggit
49. Bakit mahalaga ang CBDRM Approach sa pagtugon sa hamon at suliraning pangkapaligiran
A. Upang hindi madali ang pagbangon mula sa sakuna
B. Upang magkaroon ng maayos na sistema sa pagharap ng sakuna
C. Upang magpanic ang mamamayan sa panahon ng sakuna
D. Upang mapaghandaan at matugunan ang hamon at suliraning pangkapaligiran
50. Paano pinahalagahan ng Department of Education ang CBDRM Plan?
A. Sa bisa ng Republic Act 9003 C. Sa bisa ng Republic Act 9262
B. Sa bisa ng DepEd Order No. 55 ng taong 2008 D. Sa bisa ng Deped Order No. 3 ng taong 2018
OOOPS! “Hawak mo ‘ko, pero SA IBA KA NAKATINGIN!- ballpen mo nagseselos sa testpaper ng iba. Ano ba!
AP 10 Key Answers
1. C
2. A
3. B
4. D
5. C
6. B
7. C
8. A
9. D
10. A
11. C
12. B
13. D
14. A
15. E
16. E
17. T
18. E
19. E
20. T
21. C
22. C
23. C
24. B
25. A
26. A
27. BU
28. TD
29. TD
30. BU
31. BU
32. BU
33. D
34. C
35. B
36. A
37. B
38. C
39. A
40. D
41. A
42. D
43. C
44. D
45. A
46. C
47. B
48. B
49.

You might also like