You are on page 1of 2

1.

Isa itong pamamaraang telekomunikasyon na ginagamit upang makapaghatid ng tunog at


gumagalaw na imahe
a. radyo b. rekord c. telebisyon d. print
2. Ano ang mensahe ng dokumentaryong telebisyon ni Kara David?

“Gamugamo sa dilim ni Kara David. Humahanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit
sa lahat sa mga kabataan ng mga taga Little Baguio dahil bagama’t kulong sila sa rehas
ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang landas ay patuloy silang nagsususmikap,
nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang kanilang kinabukasan.”
a. pagpapahalaga sa edukasyon c. pangangalaga sa gamo-gamo
b. pag-iwas sa paggawa ng masama d. pag-aaral ng mga taga-Baguio
para di makulong
3. Ito ay naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa
katotohan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.
a. telebisyon c. dokumentaryong pantelebisyon
b. komentaryong panradyo d. dokumentaryong pampelikula
4. Alin sa mga sumusunod hindi kasama sa dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng panayam sa
dokumentaryong pantelebisyon?
a. maging magalang c. itanong ang lahat kaugnay sa paksa
b. magtanong ng magtanong d. makinignang mabuti sa kinapanaya
5. Alin sa mga sumusunod ang paksa ng nabasang bahagi ng dokumentaryo?
“Alkansiya ni Kara David wala siyang tigil sa kapaguran. Sa kabila ng lahat ng kaniyang
ginagawa, barya-barya lang kaniyang kinikita na inilalagay niya sa kaniyang alkansya. Palibhasa
ay malaki ang pagnanais niyang makaipon ng sapat na halaga para sa kaniyang pag-aaral kaya
kahit barya lamang ang kapalit ng lahat ng kaniyang paghihirap, pinagtitiisan niya ang lahat ng
mga ito”.
a. Pagpapahalaga sa edukasyon
b. Pagtitiis sa kahirapan
c. Pag-iipon para sa kinabukasan
d. Mag-aral nang mabuti para umangat
6. Ano ang popular na midyum sa komunikasyon at nakapagbibigay ng kaalaman, serbisyo, at
pangangailangan ng masang Pilipino.
A. balita B. pelikula C. radio D. telebisyon
7. Ano ang kasingkahulugan ng salitang daluyan?
A. midyum B. plano C. proseso D. serbisyo
8. Anong palabas sa programang pantelebisyon ang sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa
kultura at pamumuhay sa isang lipunan.
A. dokumentaryo B. game show C. teleserye D. variety show
9. Anong saloobin ang ikinintal sa mambabasa ni Fanny A. Garcia sa kaniyang akda?
A. masaya at malungkot C. seryoso at satiriko
B. mapagbiro at mapanudyo D. panghihinayang at kasabikan
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa layunin ng programang pantelebisyon?
A. Nagbibigay ng totoong kalagayan ng mga tao sa isang lugar
B. Nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao
C. Nagbibigay-serbisyo sa mga tao na malaking bagay para sa masang Pilipino.
D. Nagbibigay ng angkop na ekspresyon sa bawat sitwasyong kinakaharap ng mga Pilipino

B. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Pagkatapos, tukuyin kung anong
konseptong may kaugnayang lohikal at pang-ugnay ang ginamit sa mga sumusunod na
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

a. Dahilan at Bunga c. Paraan at Resulta


b. Paraan at Layunin d. Kondisyon at Bunga o kinalalabasan

Halimbawa:
Dahilan at Bunga, kaya1. Nag-aaral siyang mabuti kaya naman natuto
siya nang husto.

___________________1. Si Liza ang itinanghal na kampeon, kaya’t lubos ang kanyang galak.
___________________2. Lumuwas siya ng Maynila, upang maghanap ng trabaho.
___________________3. Hindi natuloy ang pagpupulong dahil malakas ang ulan.
___________________4. Sa pagkakaisa at pagtutulungan, naipanalo ng 8 Celsuis ang paligsahan.
___________________5. Para hindi antukin habang nagbabasa, nagtimpla si Leo ng kape.
____________________6. Nakaipon siya ng malaking halaga sa pagtitinda lamang ng lumpia.
____________________7. Kung inagahan mo ang pagpunta, nakakuha ka sana ng pagsusulit.
____________________8. Sa pagkakaisa at pagtutulungan, naipanalo ng 8-Prudence ang
paligsahan.
____________________9. Kapag maganda ang panahon bukas, pupunta tayo sa perya.
____________________10. Nakatapos siya ng kaniyang kurso sa matiyagang pag-aaral.

You might also like