You are on page 1of 3

FILIPINO 7 - SUMMATIVE TEST

1. Ito ay isang proseso ng pag-iisip na ginagamit upang maihayag ang mga maaaring mangyari batay sa mga sitwasyon o
kondisyon?
A. Paghihinuha B. Paglalahat C. Paglalapat D. Pagbibigay sanhi at bunga

2.Ano ang mahalagang bagay na dapat isaisip kung sakaling ikaw ay nagbibigay ng paghihinuha?
A. Magbigay ng mga obserbasyon batay sa nagaganap sa paligid.
B. Sikaping maghanap ng patunay
C. Kailangan mong maipakita ang iyong mga ebidensya
D. Kailangan mong suriin ang daloy ng mga pangyayari.

3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang kakikitaan ng paghihinuha batay sa mga pangyayari sa ating bansa?
A. Dapat na sumunod ang bawat isa upang masugpo ang kumakalat na epidemya.
B. Tayo ay magsama-sama sa pagsugpo ng Covid-19
C. Siguro malalampasan lamang natin ang pandemyang ito kung tayo ay magkakaroon ng disiplina susunod sa health
protocol.
D. Ang pagpapanatili ng kalinisan sa katawan ay pag-iwas sa pagkakaroon ng sakit.

4. Dapat nag-aral ako ng mabuti para hindi ako nakakuha ng mababang marka sa pagsusulit, wika ni Liza. Mahihinuhang
si Liza ay____
A. nagtataka B. nangangamba C. Nagsisisi D. natutuwa

5. Sa paanong paraan lumaganap ang mga kuwentong-bayan?


A. Pagsulat ng ating mga ninuno B. Paglilimbag sa mga bato
C. Pakikinig D. Pasalindila at pagkakaroon nito ng iba't ibang bersiyon

6. Kilalanin ang katangian ng tauhan batay sa kanyang sinabi sa akda "Ang ardilya ay naiwan. HInarap siya ng
matandang aso at galit na nagwika, “akala mo siguro ay mapapatay mo ako sa pamamagitan ng leong iyon!” Matanda
na ako at marami na karanasan. Hindi ninyo ako malilinlang."
A. Matatakutin B. Mapanlinlang
C. Pagiging matalino at mapamaraan D. Pagiging tuso

7. kung magpapatuloy ang ardilya sa ginagawang panlinlang o panloloko sa mga kapwa niya hayop
A. Pupurihin siya ng lahat B. Gagayahin din ng ibang hayop
C. Iiwasan siya ng mga hayop at walang makikipagkaibigan sakanya D. Mapipili siya bilang pinuno

8. Bakit sagrado kung ituring ng mga Muslim ang pagislam?


A. Ito ay sumasalamin sa kultura at paniniwala ng mga Muslim B. bahagi ng kanilang pamumuhay
C. seremonyang kailangang sundin D. paraan ng pagbibinyag

9. Ito ang tawag sa pagbibinyag ng mga Muslim.


A. seremonya B. pag-islam C. kaarawan D. pagbinyag
10. Base sa iyong pagsusuri, ang akdang "Nakalbu ang Datu" ay isang halimbawa ng ___________.
A. pabula B. alamaT C. Kwentong-bayan D. parabula
11. Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikang Mindanao?
A. Ito ay sumasalamin sa kanilang kultura, pamumuhay, tradisyon at kasaysayan
B. Ito ay bahagi ng kasaysayan
C. Ito ay bahagi ng panitikan ng Pilipinas
D. Ito ay bahagi ng literature

12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakatulad ng kuwento, mito, kuwentong bayan at alamat tungkol sa
ating lahi?
A. Ang kuwento, mito, kuwentong bayan at alamat ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na hindi kapani-paniwala.
B. Ito ay mga kuwentong pambata lamang
C. Ito'y mga kuwentong nangyayari sa tunay na buhay
D. Ang kuwento, mito, kuwentong bayan at alamat ay pawang sumasalamin sa kultura, tradisyon at pamumuhay.

13. Ikaw ay naatasan ng iyong guro na bumuo ng buod batay sa iyong binasang kuwento, ano ang hakbang na dapat
mong gawin?
A. Gamitin ang sariling karanasan at iugnay sa kuwento.
B. Magsaliksik ng buod nito sa internet upang ipasa sa guro.
FILIPINO 7 - SUMMATIVE TEST

C. Sumipi ng akda mula sa mapagkakatiwalaang tao.


D. Basahin at unawaing mabuti ang kuwento upang makuha ang diwa nito.

14. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya kaunting pag-ulan ay umaapaw na ito. Tukuyin ang sanhi ng
pangyayari.
A. marami ang nagattapon B. kaya kaunting pag-ulan ay umaapaw na ito
C. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog D. kaunting pag-ulan

15. Nag-aaral ako ng mabuti dahil gusto kong makakuha ng mataas na marka. Tukuyin ang pang-ugnay na ginamit upang
maipahayag ang sanhi sa pangungusap.
A. dahil B. dahil gusto ko makakuha ng mataas na marka
C. nag-aral ako ng mabuti D. nakakuha ng mataas na marka

16. Ito ay isang palabas na nagpapakita ng isang aktuwal na pangyayari sa buhay ng isang tao. Masining ang paraan ng
paglalahad upang mas maipakita ang lalim ng paksang tinatalakay.
A. Teleserye B. Pelikula C. Inde-film D. Dokyu-film

17. Bakit mahalaga bilang manonood na masuri ang pinanood/binasang dokyu-film?


A. Sinasalamin nito ang kultura, katutubong kulay, pamumuhay at nagsisilbing eye-opener para sa lahat ng manonood
B. Pinupukaw nito ang damdamin ng manonood
C. Masining ang paraan ng pagpapahayag
D. malaya ang pagsusuri

18. Ano ang isyung panlipunan na makikita sa pinanood na dokyu-film, IJuander: Magkapatid na Naghahanap-Buhay
Para sa Magulang.
A. Mababang kalidad ng edukasyon B. korapsyon C. Kawalan ng trabaho D. Kahirapan

19. Ito ang hakbang sa paghahanap ng mga impormasyon at ` pagsulat agad nito para sa pananaliksik na karaniwang
ginagamitan ng index card.Ano ito?
A. Pinal na balangkas B. Pangangalap-tala C. Pagpili ng paksa D. Pagsulat ng burador

20. Dito makikita ang mga dahilan kung bakit nais isagawa ang pananaliksik. Ano ito?
A. Paglalahad ng layunin B. Balangkas C. Konklusyon D. Katawan

21. Ito ay ang hakbang sa pananaliksik na ayon sa iyong interes at kaalaman.


A. Pangangalap-tala B. Bibliyograpi C. Konklusyon D. Pagpili ng Paksa

22. Ito ang talaan ng mga sanggunian kung saan kinuha ang mga impormasyon sa pananaliksik?
A. Pagwawasto at pagrerebisa B. Pagsulat ng balangkas C. Bibliyograpi D. Panimula

23. Bakit mahalaga ang turismo sa isang bansa?


A. lalago ang mga young entrepreneurs
B. Nakatutulong ito sa ekonomiya at mga negosyante, nabibigyan ng trabaho ang mga residente at nagkakaroon ng
kultural na pakikihalubili sa mga dayuhan
C. nakapagbibigay trabaho
D. Nakikilala ang ating bansa

24. ito ay isang uri ng maliit magazine kung saan nakalagay ang litrato at inpormasyon tungkol sa produkto o serbisyo
A. dyaryo B. Cbrochure C. patalastas sa telebisyon D. magazine

25. Ito ay isang paraan ng pagpapayahag sa paraang pasalita o pasulat, Ito ay bunga ng maingat na pananaliksik, pag-
iinterbyu at pagmamasid-masid sa mga pangyayari sa paligid.
A. Pagbabasa B. Panonood C. Pag-uulat D. Pagtuturo

26. Si Kara David ay isang sikat na mamahayag patunay na ang kanyang mga dokumentaryong pantelebisyon, sa
paanong paraan niya ipinahahayag ang kanyang mga dokumentaryo?
A. Pasalita B. Pasulat C. Pagbabasa D. vlogging
27. Inatasan ka ng iyong guro na manood ng isang dokumentaryo at maging handa sa gagawing pagtalakay sa klase. Ano
ang dapat mong gawin?
A. Ilista lamang ang mga magagandang pangyayari
FILIPINO 7 - SUMMATIVE TEST

B. panoorin lamang mula umpisa hanggang dulo


C. irekord ang pinanood
D. Itala sa iyong note pad ang mga mahahalagang impormasyon
28. Ano itong hakbang sa pananaliksik na binibigyang-pansin ang pagsasatama ng isinulat ng nilalaman at gayundin ang
baybay, bantas at wastong gamit ng salita?
A. Pinal na burador B. Sanggunian C. Layunin D. Pangangalap-tala
29. Si Mario ay isang mamamahayg sa kanilang paaralan, inatasan siyang sumulat ng isang artikulo hinggil sa isang
gawain na naganap sa kanilang paaralan. Ano-ano ang maaari niyang gawin?
A. Magsaliksik sa mga aklat
B. Magsaliksik, magtanong at mangalap ng mga larawan kaugnay sa artikulong isusulat
C. Magbasa ng iba pang artikulo
D. Mag interbyu ng mga kaibigan

30. Si Gng. Mendoza ay naatasang mag-ulat ng mga mahahalgang impormasyon sa pagtuturo. Ang kanyang mga
tagapakinig ay mga guro at gumamit siya ng pormal na wika? Alin sa mga sumusunod ang mabuting ginawa ni Gng.
Mendoza?
A. Nagpakitang gilas si Gng. Mendoza sa kanyang mga tagapakinig
B. Piling termino ang kanyang ginamit
C. Isinaalang-alang niya ang kanyang mga tagapakinig
D. Gumamit ng wikang sanay siyang gamitin

31. Ang paglalakabay o pagbisita ng mga tao sa isang lugar na may layunin.
A. Paglalakbay B. Cadvertisement C. Turismo D. Turista
32. Ito ay isang paraan ng pag-anunsiyo ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng kuminikasyong
pang madla
A. brochure B. Advertisement C. electronic media D. print media

33. Tumutukoy sa mga midya na gumagana o gumagamit ng kuryente upang magamit o mapakinabangan, gumagamit
din ito ng digital at elektronikong encoding ng mga impormasyon.
A. Print media B. Turista C. Electronic Media D. magazine

34. Ito ay ang paggamit ng letra na kumakatawan sa sa isang salita o gumaganap bilang kapalit ng salita para sa
pagpapaikli.
A. Acronym B. Spelling C. Slang words D. G words

35. Isang uri ng sulatin o teksto kung saan ang mga impormasyon ay nakalimbag at malayang nahahawakan.
A. Electronic media B. Advertisement C. Print media D. brochure

36. Kitang-kita sa mga dokumentaryong ebidensya na kuha sa ______ na nawalan ng preno ang truck kaya ito
dumausdos pababa sa tulay.
A. larawan B. radio C. telebisyon D. video

37. Ang sunod-sunod na pag-ulan ay _______________ na panahon na ng tag-ulan.


A. taglay ang matibay na konklusyon B. Ckatunayan
C. nagpapahiwatig D. kapani-paniwala

38. Tanaw na sa Kamaynilaan ang windmill mula sa Pilillia, Rizal. __________ ito na nabawasan ang usok o polusyon
mula sa mga sasakyan at pabrika.
A. taglay ang matibay na konlusyon B. dokumentaryo
C. ebidendya D. nagpapatunay

39. Tara na! sama-sama nating puksain ang pandemyang nararanasan ng ating bansa. alin sa mga sumusunod na salita
ang pang-ugnay na nanghihikayat?
A. Tara na B. ating puksain C. pandemya D. sama-sama

40. Kailangan mong magsumikap sa iyong pag-aaral ___ nais mong makamit ang iyong mga pangarap. Anong pang-ugnay
ang angkop upang mabuo ang diwa ng pahayag?
A. kung B. disin sana C. baka D. sakali

You might also like