You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VIII
SANGAY NG HILANGANG SAMAR
BASILIO B. CHAN MEMORIAL AGRICULTURAL AND INDUSTRIAL SCHOOL
Lavezares

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO 7


IKALAWANG MARKAHAN

Test - I. Panuto: Piliin ang titik at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang “kundiman”?


a. awit ng pandigma
b. awit ng pag- ibig
c. awit sa simbahan
d. awit sa patay

1. Ano ang “oyayi o hele”?


a. awit ng patay
b. awit ng pag- ibig
c. awit sa simpagpatulog ng bata
d. awit sa kasal

3. Nagbibigay-buhay sa mga pangyayari sa kuwento, maaaring mabuti o masama.


a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. katapusan
4. Ito ay tumutukoy sa panahon at lugar kung saan naganap ang Alamat.
a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. Tunggalian
5. Ito ay tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa Alamat.
a. tauhan b. tagpuan c. banghay d.kasukdulan
6. Ito ay bahagi ng banghay kung saan ang kawiliha ng mga mambabasa ay nakasalalay
a. simula c. kasukdulan b. tunggalian d. saglit na kasiglahan
7. Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kanyang kahaharapin.
a. simula c. kasukdulan b. tunggalian d. Lahat ng nabanggit
8. Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t ito ang pinakamaksiyon. Sa bahaging ito unti-
unting nabibigyang-solusyon ang suliranin at dito malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing
tauhan o hindi
a. simula c. kasukdulan b. tunggalian d.kakalasan
9. Ito ang pababang aksiyon ng kuwento kung saan unti-unting nang nasosolusyunan ang mga suliranin sa
kuwento? a. kakalasan c. kasukdulan b. wakas d. tauhan
10. Ang kinahinatnan ng kuwento na maaaring masaya o malungkot.
a. kakalasan c. kasukdulan b. wakas d. tunggalian
11. Nagpunta sila sa ilog ________ malalim kanina. A. sa B. na C. ni D. ng
12. Ang paghalik ng kamay ay tanda ng pagmamahal ___________ mga magulang.
A. para sa B. ayon sa C. para kay D. ayon kay
13. Ang kuwentong nabasa ko ay _____________ isang prinsesa. A. alinsunod sa B. ukol kay C.
alinsunod kay D. tungkol sa
14. Magtanim tayo ng mga halaman _____ gulay upang makasiguro na walang kemikal ang ating kinakain.
A. n B. ng C. na D. pati
15. Huwag mong gawin ang mali _____________ walang maibubungang maganda iyan sa'yo.
A. sapagkat B. palibhasa C. ngunit D. kapag
16 Isa sa mga dapat isaalang – alang bago isagawa ang pananaliksik
a. paksa b. burador c. layunin d. balangkas
17. Kung ako ay isang turista at kulang ang kaalaman ko sa isang lugar, anong detalyadong printed
material ang aking gagamitin? a. flyers b. leaflets c. pamphlets d. brochures
18. Mahalaga ang travel brochure sa sino mang nagbabalak mamasyal dahil magsisilbi itong __________.
a. mapa b. gabay c. paalala d. souvenir
19. Sinasalamin ng kuwentong-bayan ang mga sumusunod maliban sa:
A. kaugalian B. tradisyon C. paniniwala D. tunggalian
20. Akdang tuluyan na karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagmula at
lumaganap. A. maikling-kuwento C. nobela B. pabula D. kuwentong –bayan
21. Anong damdamin ang ibig ipakahulugan ng susunod na pahayag? “Nakita mo na? Ang hirap kasi sa’yo
di mo ginagamit ang ulo mo, hindi katulad ko, mautak.”
a. pagkatuwa b. pagpapakumbaba c. pagmamagaling d. pananabik
22. Ang pagkakaroon ng malikhain at magandang pabalat ay nakatutulong upang higit na mapukaw ang
interes ng mga turista. Alin ang tamang paksa sa ideyang ito? a. Lugar kung saan maaaring kumain at
magpahinga b. Payak at malinaw na nilalaman c. Alamin ang target na Audience d. Nakakapukaw-
pansin ang pabalat
23. Sa pahayag na “Higit na magiging madali sa mga turista ang paghahanap ng mga landmark o tourist
spots kung may kasama itong mapa o paraan kung paano ito pupuntahan”. Ano ang tamang paksa sa
pahayag na ito?
a. Lokasyon ng mga prominente o kilalang pasyalan b. Alamin ang target Audience
c. Introduksiyon o panimula d. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga
24. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang pagkilala sa target na audience sa pagbuo ng travel brochure?
a. Oo b. Hindi c. Hindi gaano d. siguro
25. Sa iyong palagay, nakahihikayat ba ang magandang layout ng travel brochure sa isang turista?
a. oo, dahil nakadaragdag ito sa kanilang kasabikan sa kanilang pupuntahan
b. hindi, lalong malilito ang turista
c. siguro, dahil iba-iba naman ang gusto ng isang turista
d. siguro, dahil ito ang lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakadiin ayon sa pagkakagamit nito sa
pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

26. Lumalabas ang mag-asawa tuwing takipsilim upang mangaso.


A. hatinggabi C. madaling araw B. katanghaliang tapat D. papalubog na ang araw
27. Gumagamit sila ng bitag upang makaakit ng mga hayop.
A. kampihan C. pana B. pagkain D. patibong
28. Gayon na lang ang kaniyang panggigilalas sa nakitang kakaiba.
A. pagkaasiwa C. pagkalungkot B. pagkagulat D. pananabik
29. Sinolo ng lalaki ang biyayang natanggap A. ibinahagi C. tinago B. sinarili D. ipinamigay
30. Kitang-kita sa taong iyon ang pagiging tuso.
A. mapagpanggap C. mapanlinlang B. mabuti D. tapat

Test – II Panuto: Ibigay ang mga hinihingi ng mga sumusunod.


31-39 Mga hakbang sa pananaliksik
40-45 Mga hakbang sa pagsasagawa ng makatotohanan at mapanghihikayat na proyektong panturismo
46-47 Dalawang kategorya ng patalastas
48-50 Mga elemento ng dokyumentaryo

Prepared by:

YUZZEL B. LUCAYA
Grade 7- Filipino Teacher
Noted: Approved:

JEAN A GORDO BALTAZAR B. BULOSAN, Ed.D.


Filipino & ICF Dept. Head Designate Secondary School Principal IV

You might also like