You are on page 1of 3

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
SAPANG AMA INTEGRATED SCHOOL
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

PANGALAN: PETSA:
GURO: BAITANG AT PANGKAT:
(TEST I)PANUTO: Bilugan ang titik o letra ng tamang sagot.
1. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.
A. alamat B. epiko C. mitolohiya D. parabula
2. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
A. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.
B. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at nakasalanan ang tao.
C. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
D. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
3. Hari ng mga diyos, diyos ng kalawakan at ng panahon.
A. Diana B. Juno C. Jupiter D. mitolohiya
4. Ang itinuturing na diyosa ng kagandahan.
A. Athena B. Hera C. Hestia D. Venus
5. Ang mga sumusunod ay kinabibilangan ng mga mito ng Pilipinas MALIBAN sa _____
A. anito B. diyos at diyosa
C. drakula D.kakaibang nilalang
6. Ang mga sumusunod ay gamit ng mitolohiya MALIBAN sa _____
A. ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
B. maipaliwanag ang kasaysayan
C. magturo ng mabuting aral
D. walang matinding damdamin sa kuwento
7. Diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika at panulaan
A. Apollo B. Artemis C. Athena D. Poseidon
8. Ang mito/ myth ay galing sa salitang Latin na _____
A. mi B. mu C. muthos D. mythos
9. Diyosa ng kagandahan at kalapati ang sagisag niya.
A. Cupid B. Mercury C. Pluto D. Venus
10. Paano ipinakilala ang mga unang Panitikan sa Pilipinas?
A. pasalin-bayan B. pasalin-dila
C. pasalin-tukso D. pasalin-tula
11. Sino ang nakita ni Bumabbaker na nakaupo sa lusong na parang may hinihintay?
A. Bugan B. buwaya C. Igat D. Wigan
12. Ang nagsalin sa Filipino ng mitolohiya “ Nagkaroon ng Anak sina Bugan at Wigan.
A. Edgardo Flores B. Florentino Collantes
C. Maria Luisa Aguilar- Carino D. Vilma C. Ambat
13. Ang itinuro ng mga diyos kay Bugan sa kanyang paglalakbay.
A. pag-aayuno B. pag-uusap
C. pangangaso D. ritwal
14. Sinimulan ni Bugan ang kanyang paglalakbay. Ano ang kasingkahulugan ng sinimulan?
A. inumpisahan B. katuturan C. may simula D. pinanggalingan
15. “Pupunta ako ng silangan para maghanap ng lalamon sa akin”, sabi ni Bugan. Ano ang kahulugan ng salitang
sinalungguhitan?
A. kakain B. masiba C. pagkain D. takam
16. Humikab ang buwaya at nagsabing “Hindi kita maaring kainin sapagkat napakaganda mo.” Ano ang kasalungat ng
salitang hikab?
A. antok B. gising C. mulat D. tulog
17. Tinuruan nila ang mag-asawa ng panalanging dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng ritwal. Anong bahagi ng
pananalita ang salitang sambitin?
A. pandiwa B. pangngalan C. panghalip D. pang-uri
18. Ano ang mga regalong ibinigay kay Bugan?
A. anak na babae B. baboy, manok, kalabaw
C. anak, masaganang ani at pamumuhay D. kambing, pusa, usa
19. Akdang pampanitikan na nagsasalaysay at nagtuturo ng kinikilalang
pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Bibliya.
A. maikling kuwento C. sanaysay
B. parabula D. tula
20. Sila ang gumaganap o ang mga gumaganap sa isang kuwento na hinango sa
banal na Bibliya na maaaring makapagbigay ng magandang aral.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan
21. Ito ang paglalahad ng pagka sunod-sunod ng pangyayaring naganap
sa kuwento.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan
22. Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa
lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan
23. Ito ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kuwento.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan
24. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa.
A. dula B. maikling kuwento C. sanaysay D. tula
25. Elemento ng sanaysay na nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin.
A. damdamin B. himig C. kaisipan D. tema
26. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral.
A. di-pormal B. nilalaman C. pormal D. tema
27. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal.
A. di-promal B. panimula C. pormal D. tema
28. Elemento ng sanaysay na nakaaapekto sa pagkaunawa ng mga mambabasa.
A. anyo at estruktura B. kaisipan C. tema D. wika
29. Elemento ng sanaysay na itinuturing ding paksa.
A. anyo at kaisipan B. himig C. tema D. wika at estilo
30. Ang sanaysay sa Ingles ay tinatawag na __________.
A. essay B. fable C. speech D. story

(TEST II) PANUTO: Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula at salungguhitan
sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay .

May isang babaeng nakabili ng buhay na manok sa palengke. 1.( Noong ito’y,At nang ito’y) kanyang inuwi sa
bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito. 2.( Sapagkat, Dahil) ang itlog ng manok na iyon ay
ginto! Laking tuwa ng babae sa kanyang natuklasan! Tiyak na ito ang magbibigay sa kanya ng kayamanan! 3.
(Gayun pa man,Ngunit) ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog. Hindi naglaon, 4. (hindi
na, kaya’t) naging sapat sa karangyaang pamumuhay ng babae ang minsan sa isang buwang pangingitlog ng
manok.
5.(Upang, Nang) makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang pinakain ang manok ay mas
dumalas ang pangingitlog nito.

(TEST III) PANUTO:Punan ng angkop na ekpresyon upang makabuo ng kompletong pahayag sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Pumili ng sagot sa kahon.

Akala , Ayon sa , Palagay ko , Sa ganang akin , Sa tingin ng

Batay sa , Alinsunod sa , Sa paniniwala ko Sa aking pananaw ,

Pinaniniwalaan ko , Inaakala ng , Sang-ayon sa, Sa ganang kaniya

1. _____________, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang pagbabantay sa kabataang nasa
lansangan tuwing hatinggabi dahil sa krimeng nagaganap.
2.___________, mahalagang ipaglaban at ipabatid sa mamamayan “ang kahalagahan ng pamilya.”
3._______ maraming mga magulang, madali lamang ang trabaho ng isang guro.
4.___________ Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. 14.
5.___________ ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang kayamanan na kahit sino
man ay hindi mananakaw nino man.
6.___________higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating
kalikasan.
7___________ iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang DENR kaya patuloy silang lumalabag
sa batas pangkalikasan.
8.__________Memorandum Order No. 20 : Series of 2013 ng Commision On Higher Education na pinagtitibay
ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim ng General Education Curriculum o GEC sa
taong 2016.
9.__________Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
10.__________ sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon.”

(TEST IV)PANUTO: Punan ng angkop na mga salitang pananda para sa mabisang pagpapahayag ang
mga sumusunod na talata. Salungguhitan ang salitang angkop dito at isulat sa sagutang papel ang
kasagutan.
Isa sa mga suliraning pandaigdig na ating kinakaharap ngayon ay ang pandemyang Covid 19. Wala 1. (ni, at)
____ isa sa atin ang nakakaalam 2. (kong, kung) ____ hanggang kailan ito matatapos. 3. (Dulot nito, Sa mga
pangyayaring ito) ____, ang tanging magagawa lamang natin ay ang pagdarasal 4. (ni, at) ______
pagpapanatiling malinis sa katawan.
Ayon sa (WHO) World Health Organization, may pitong mga hakbang para maiwasan ang paglaganap ng mga
ito: 5. (Una, Simula) _____, hugasan ng madalas ang ating mga kamay. Pangalawa, iwasan ang paghawak sa
mata, bibig 6. (o. at) _____ ilong. Pangatlo, takpan ang ubo gamit ang loob ng siko 7. (o, at) ______ tisyu. Pang-
apat, iwasan ang matataong mga lugar. 8. (Sumunod, Noon) ________, manatili sa bahay 9. (kung, kapag)
_________may sakit, kahit sinat o ubo lang. 10. (Pagkatapos, Sumunod) ________ kung may lagnat, ubo 11. (o,
at) _______ hirap sa paghinga, kumunsulta agad o tumawag muna sa health facility.
12. (Samakatuwid, At higit sa lahat) ________ alamin ang panibagong impormasyon mula sa World Health
Organization.13. (Samakatuwid, At higit sa lahat) ________, nasa ating mga kamay ang ating kaligtasan. 14.
(Maging, Kaya) ________ alerto tayo sa lahat ng bagay. At higit sa lahat matutong makinig at sumunod sa batas
15. (nang, ng) ______ sa ganun buhay hindi matodas.

“Sana ang LOVE parang exam, kahit madaming mali yung


tama pa rin ang binibilang”
-Sir MP 

You might also like