You are on page 1of 3

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Ikaapat na Lagumang Pagsusulit (Huling Markahan)

Pangalan: ______________________________ Antas/Seksyon: _______________ Iskor: _____


Panuto: Basahin ng maigi ang mga tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Anong uri ng lathalain na ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa
paglalakbay?
A. Replektibong sanaysay B. Lakbay-sanaysay C. Panukalang proyekto D. Posisyong papel
2. Ayon kay Nonon Carindang, ang sanaylakbay na terminolohiya ay binubuo ng tatlong konsepto. Alin sa
mga ito ang HINDI kabilang?
A. Sanaysay B. Sanay C. Tunay D. Lakbay
3. Para kay Dr. Lilia Antonio, et.al sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay (2013), may apat na
pangunahing dahilan ng pagsusulat ng lakbay-sanaysay. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang HINDI
tumutukoy nito?
A. Itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat
B. Makalikha ng masasamang karanasan para sa mga posibleng manlalakbay
C. Itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay
D. Madokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar
4. Ito ay tumutukoy sa mga nakatakdang talaan ng magagandang lugar na pupuntahan.
A. Literary B. Veterinary C. Itinerary D. Dictionary
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng halimbawa ng isang tunay na manlalakbay?
A. Si Anne na nagsisikap na unawain ang kultura, kasaysayan, hanapbuhay at maging uri ng
pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
B. Si Rene na gustong magliwaliw sa mga magagandang gusali na nakikita.
C. Si Ephrem na kumukuha ng mga larawan para maipagyabang sa kanyang mga kaklase.
D. Si Amor na walang magawa sa buhay at gusto lamang maglibang.
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng pagkakatulad ng lakbay-sanaysay at pictorial essay?
A. Ang dalawa ay parehong tinatawag ding travelogue.
B. Ang pictorial essay at lakbay-sanaysay ay kapwa gumagamit ng mga larawan.
C. Ang pictorial essay at lakbay-sanaysay ay kapuwa naglalahad ng realisasyon o mga natutuhan sa
ginawang paglalakbay.
D. Ang mga ito ay parehong nagpapakita ng kabuoan ng kuwento sa pamamagitan ng mga larawan.
7. Ito ay isang sulatin kung saan higit na nakakarami ang larawan kaysa sa salita o panulat.
A. Lakbay-sanaysay B. Pictorial essay C. Talumpati D. Abstrak
8. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng pictorial essay MALIBAN sa isa:
A. Ang paglagay ng larawan ay dapat kahit na ano sapagkat ito ay nagpapakita ng kabuoan ng kwento.
B. Kailangang maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o paggawa ng pictorial essay.
C. Isipin ang manonood o titingin ng iyong photo essay at kanilang kaisipan at interes ang mga
larawang ilalagay.
D. Ang mga nakatalang sulat ay hindi kinakailangang mahaba o napakaikli sapagkat sa bawat larawan
ay suporta lamang.
9. “Isa ang Dumaguete at Oslob sa mga di gaanong napag-uusapang tourist destination sapagkat laging
bukambibig ng mga tao ang Boracay at Palawan. Ngunit sa mga nagbabalak magbakasyon ngayong
summer, inirerekomenda ko ang lugar na ito”. Ang pahayag na ito ay isang halimbawa ng akademikong
sulating _______.
A. Bionote B. Sinopsis C. Lakbay-Sanaysay D. Replektibong Sanaysay
10. Kasabay ng paglaganap ng social media lumaganap rin ________.
A. Repleksyon B. Magsaliksik C. Dinty Moore D. Travel Blogging
11. Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng wika. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kabilang sa teknikal na pagkakasulat ng sanaysay?
A. Kagandahan B. Kaisahan C. Kawastuhan D. Kaangkupan
12. Isa sa mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ay ang pagtala ng mahahalagang detalye at
kumuha ng larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay. Alin sa mga sumusunod ang
mahahalagang dalhin ng isang manlalakbay?
A. Kaibigan, kamera at selpon C. Dyornal, kamera at panulat
B. Panulat, isnaks at kamera D. Selpon, isnaks at dyornal
13. Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar o programa sa pagsasaliksik kaya
pinag-aralan itong mabuti at dapat nakasulat. Anong uri ng talumpating batay sa kung paano ito
binibigkas sa harap ng tagapakinig?
A. Maluwag C. Manuskrito
B. Biglaang Talumpati D. Isinaulong Talumpati
14. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng Talumpati MALIBAN sa isa.
A. Proseso ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalita.
B. Karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
C. Ang haba nito ay nakasalalay kung ilang minuto ang inilaan para sa pagbigkas.
D. Madalas makita ang anyong ito sa pagtalakay sa karaniwan nating binabasa sa araw-araw.
15. Ang talumpati sa paggawad ng medalya o sertipiko ng pagkilala sa isang tao o samahang nakapag-
ambag ay halimbawa ng talumpating ____________.
A. Papuri C. Pagbibigay-galang
B. Panlibang D. Nagbibigay-impormasyon
16. Piliin sa sumusunod ang mga dapat mabatid ng mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig.
A. Uri ng mga tagapakinig C. Edukasyon o antas sa lipunan
B. Bilang ng mga makikinig D. Lahat ng nabanggit
17. Ang sumusunod ay mga hakbang naisasagawa sa pagsulat ng talumpatiMALIBAN sa isa.
A. Haba ng talumpati
B. Diskusyon o katawan
C. Katapusan o kongklusyon
D. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin
18. Piliin sa sumusunod ang mga katangiang kailangang taglayin ng katawan ng talumpati.
A. Kalinawan B. Kaakit-akit C. Kawastuhan D. Lahat ng nabanggit
19. Ito ay isang hulwarang talumpati na ang mga detalye o nilalaman ay nakasalalay sa pagkasunod-sunod
ng pangyayari o panahon.
A. Kronolohikal B. Problema-solusyon C. Topikal D. Wala sa nabanggit
20. Ito ay isang hulwarang talumpati na ang paghahanay ng mga materyales ay nakabatay sa pangunahing
paksa.
A. Kronolohikal B. Problema-solusyon C. Topikal D. Wala sa nabanggit
21. Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati, mahalagang magkaroon ng kabatiran ang mananalumpati
tungkol sa kaalaman, pangangailangan, at interes ng kanyang magiging tagapakinig. Alin sa mga
sumusunod ang kabilang sa mga kailangang mabatid sa mga tagapakinig?
A. Kasarian C. Edad o gulang ng mga makikinig
B. Bilang ng mga makikinig D. Lahat ng nabanggit
22. Ito ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay
sa isang partikular na paksa.
A. Talumpati B. Panukalang proyekto C. Repleksyong papel D. Adyenda
23. Layunin ng talumpating ito na dapat maging malinaw at makatotohanan ang paglalahad ng datos kaya
mahalagang sa pagsulat nito ay gumamit ng mga dokumentong mapagkakatiwalaan.
A. talumpating panlibang C. talumpating panghikayat
B. talumpating pampasigla D. talumpating nagbibigay ng impormasyon
24. Mahalagang matukoy ang tesis sa pagbuo ng talumpati dahil ________.
A. para makuha ang mahalagang datos
B. upang matukoy ang mahalagang detalye
C. dito iikot ang pangunahing mensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig
D. wala sa nabanggit
ANSWER KEY IN FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT (HULING MARKAHAN)

1. B
2. C
3. B
4. C
5. A
6. B
7. B
8. A
9. C
10. D
11. A
12.C
13. C
14. D
15. A
16. D
17. D
18. D
19. A
20. C
21. D
22. A
23. D
24. C

You might also like