Professional Documents
Culture Documents
Diagnostic Test Akademik
Diagnostic Test Akademik
DIAGNOSTIC TEST
FILIPINO SA PILING LARANGAN_AKADEMIK
Pangalan: Iskor:
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot
isulat ito sa patlang bago ang bilang.
1. Ginagamit ang liham na’to sa pagpapahayag ng paghalal/pagpapaupo sa posisyon ng isang tao?
A. Liham Pagpapatunay B. Liham Paghirang
C. Liham Pagpapakilala D. Liham Pakikiramay
2. Sa bahaging ito ng liham makikita ang pinagmulan o address ng sumulat.
A. Katawan ng Liham B. Bating Panimula
C. Pamuhatan D. Patutunguhan
3. Ano ang totoo tungkol sa Liham na Pormal?
A. Ang Liham na Pormal ay may patutunguhan samantalang ang Di- pormal naman ay wala.
B. Ang Liham na Pormal ay walang patutunguhan samantalang ang Di- pormal nama’y mayroon
C. Hindi na kinakailangan pa ang paglalagay ng pamuhatan sa parehong uri ng liham.
D. Parehong walang patutunguhan ang Liham na Pormal at Di-pormal.
4. Alin sa sumusunod ang anyo ng liham na Ganap na Blak (Full Block Style)?
6. Sumulat si Jay sa isang kompanya upang mapagbigyan ang hinihinging pabor. Anong uri ng
liham ang ipinapahayag ng sitwasyong ito?
A. Pag-apply B. Pagkambas C. Pagtatanong D. Pangkahilingan
8. “Magandang Araw!”. Anong bahagi ng liham ang pahayag na ito?
A. Bating panimula B. Pambungad C. Pamuhatan D. Patutunguhan
10. Sa huliang bahagi ng liham, pagkatapos isulat ang buong pangalan ng sumulat, ano ang
kaniyang ilalagay sa taas ng pangalan nito?
A. Panggitang Pangalan B. Lagda
C. Uulitin ang buong pangalan D. Titulo
11. Ano ang tawag sa katangiang akademikong pagsusulat na mayaman sa leksikon
at bokabularyo, at kompleksidad ng gramatika?
A. Eksplicit B. Kompleks C. Malinaw na Layunin D. Malinaw na pananaw
12. Alin ang hindi kasama sa katangiang akademikong pagsusulat?
A. Lohikal nap ag-aayos’ B. Malinaw na Layunin
C. Malinaw na Pananaw D. Matibay na Suporta
13. Ito ay nagpapahayag ng pasasalamat sa naihandog na tulong, kasiya- siyang paglilingkod,
pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon, opinyon at tinatanggap na mga bagay. Anong uri ng
Liham ang tinutukoy sa pahayag?
A. Liham kahilingan B. Liham Pasasalamat
C. Liham Pagsang-ayon D. Liham Pagtanggi
14. Ang sinomang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay kailangang
magpadala o maghanap ng liham. Anong uri ng Liham ang tinutukoy sa pahayag?
A. Liham Pagsubaybay B. Liham Pagbibitiw
C. Liham Pag-uulat D. Liham kahiligan ng Mapapasukan
15. Alin sa pahayag ang hindi kasali sa Tips ng paggawa ng Resumẽ?
A. Ang resumệ ay nobela B. Maglagay ng maayos na litrato
C. Puting bondpaper ang gagamitin D. Siguraduhin na ang layout ay malinis at maayos
16. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa masining at kamangha-manghang
pag- aayos ng mga larawan upang maglahad ng mga idea?
A. Lakbay-sanaysay B. Posisyong Papel C. Larawang sanaysay D. Replektibong sanaysay
17. Aling sangkap ng larawang sanaysay ang mayroon dapat journalistic feel at
kinakailangang maikli lamang ang mga salita sa paglalarawan?
A. Facts B. Pamagat C. Larawan D. Teksto
18. Anong elemento ng larawang sanaysay ang tumutukoy sa barayti ng mga imahe o larawan
na gagamitin?
A. Kuwento C. Paglalarawan B. Pagkakaayos ng mga larawan D. Uri ng larawan
19. Ito ay isang uri ng larawan na maihahalintulad sa mga unang pangungusap ng isang balita na
tumatalakay sa mahahalagang impormasyon na sino, saan, kalian, at bakit.
A. Clincher photo B. Lead photo C. Detail photo D. Scene
20. Alin sa sumusunod na salik ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng larawang-sanaysay na
tumutukoy sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod ng mga larawang iyong gagawan ng sanaysay?
A. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
B. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin
C. Sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.
D. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw.
21. Kung ikaw ang mag-aanalisa ng mga larawang wala pang sanaysay o caption na magpapaliwang
sa mga ito at nakita mo ang mga larawan ukol sa isang indibidwal na naka-uniporme ng asul, nakasaludo
sa kanilang hepe pagsikat pa lamang ng araw sa umaga, inaalalayan ang mga tumatawid sa kalsada,
nagsusulat ng report sa araw na iyon, nakapugay sa watawat ng Pilipinas pagsapit ng hapon ng Biyernes
sa harapan ng isang munisipyo, uuwi sa kanilang tahanan at yakap-yakap ang kaniyang mag- iina pagsapit
naman ng gabi, ano kayang paksa ang maaaring tumukoy sa mga ito base sa istandard ng paglikha ng
isang larawang sanaysay?
A. Hindi totoo ang batas militar
B. Isyung kinakaharap ng mga frontliners
C. Pagpapakitang gilas ni Mamang Lespu
D. Sa isang araw sa buhay ng isang tagapagpatupad ng batas
22. Magulo at hindi naglalahad ng kapani-paniwala at natatanging kuwento ang mga larawan na
inilakip ni Michelle sa kanyang sanaysay kung kaya’t nakakuha ito ng mababang marka mula sa kanyang
guro. Anong salik ang HINDI ikinonsidira ni Michael?
A. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
B.Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
C. Sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.
D.Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan.
23. Si Marga ay inatasan ng kanyang guro na gumawa ng isang pictorial essay tungkol sa larong
basketball. Namomroblema si Marga kung paano niya ito gagawin sapagkat wala siyang kahilig-hilig sa
ibinigay na paksa. Anong salik ang HINDI maikokonsidira ni Marga?
A. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
B. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin
C. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa
D. Isaalang-alang ang pambayad sa iyong mga subject sa larawan
Para sa bilang 24-26: Uri ng Sulatin
A. Akademik B. Dyornalistik C.Malikhain D. Teknikal
24. Anong uri ng pagsulat ang sumasaklaw sa pagsulat ng balita, editorial, kolum, anunsiyo
at iba pang akdang nakikita sa pahayagan?
25. Anong uri ng pagsulat ang may layuning pataasin ang antas kaalaman ng mambabasa
sa iba’t ibang larangan?
26. Anong uri ng pagsulat ang may layuning gawing magaan ang komplikadong gawain?
Para sa bilang 27-30
A. Pabula, Tula, Dagli, at Nobela
B. Feasibility study, Business Letter, Ulat Panlaboratotyo
C. Abstrak, Proposal, Katitikan ng Pulong
D. Police Report, Patient’s Journal, Investigative report
27. Alin sa sumusunod ang kabilang sa Malikhaing sulatin?
28. Alin sa sumusunod ang kabilang sa Akademikong sulatin?
29. Alin sa sumusunod ang kabilang sa Propesyunal na sulatin?
30. Alin sa sumusunod ang kabilang sa Teknikal na sulatin?
31. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng abstrak?
A. Kaugnay na Literatura C. Resulta at Konklusyon
B. Metodolohiya D. Sanggunian
32. Anong uri ng pagpapaikli ang ginagamit sa mga akademikong sulatin tulad
ng pananaliksik, tesis, artikulo, rebyu at proceedings?
A. Abstrak B. Bionote C. Buod D. Sintesis
33. Saang bahagi ng pananaliksik matutuklasan ng mambabasa ang kabuuang nilalaman
nito?
A. Abstrak B. Bionote C. Presi D. Sintesis