You are on page 1of 10

Department of Education

Schools Division of Ilocos Norte


BANNA NATIONAL HIGH SCHOOL
Banna, Ilocos Norte

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG


Final Examination

Name: __________________________________________
Grade & Section: _____________________
Date: ______________________________
 

Score
 
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod
na pahayag at piliin ang tamang sagot.

1. Anong uri ng sanaysay ang may kinalaman sa


introspeksyon na pagsasanay na ayon kay Michael Stratford,
isang guro at manunulat?
a. Lakbay-sanaysay c. Replektibong Sanaysay
b. Bionote d. Abstrak
2. Alin sa mga sumusunod ang nangangahulugang nakasulat
na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay?
a. Sanaysay c. Abstrak
b. Posisyong Papel d. Lagom
3. “Maaaring lamanin ng personal na sanaysay ang mga
kalakasan at kahinaan ng manunulat.” Alin sa mga salita sa
pangungusap ang nagpapahayag ng MALI?
a. Personal na sanaysay
b. Kalakasan ng manunulat
c. Kahinaan ng manunulat
d. Maaaring lamanin ng personal na sanaysay
4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA na
may kaugnayan sa sanaysay?
a. Parehong may introduksyon, katawan at wakas ang
replektibong sanaysay at lakbay sanaysay.
b. Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na
tungkol sa mga nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o
naoobserbahan ng manunulat.
c. Ang lakbay-sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng
sanaysay na tungkol sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa
kanyang nakikita o naoobserbahan.
d. Seryoso at personal ang paksa ng pormal na sanaysay.
5. Isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga
personal na karanasan at sinuri ang nagiging epekto ng mga
karanasang iyon sa manunulat.
a. Lakbay sanaysay c. Akademikong sanaysay
b. Replektibong sanaysay d. Personal na sanaysay
6. Isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling
damdamin, kuru-kuro o kaisipan ng isang manunulat kaugnay
ng kanyag nakikita o naoobserbahan.
a. talambuhay c. posisyong papel
b. sanaysay d. editoryal
7. “Hindi ba’t problema rin ang kawalan ng problema?
Sapagkat nakakapag-isip ang isang tao ng mapagkaka-
abalahan niya nang hindi nakakapagnilay ng mga kalalabasan
ng piniling aksyon. Napansin kong pinipili at nangyayari ito
sa mga taong maraming biyayang natanggap at hindi nagamit
nang wasto.” Anong bahagi ng replektibong sanaysay ang
mga sumusunod na pangungusap o talata?
a. panimula c. katawan
b. konklusyon d. lagom
8. Saang bahagi inilalahad ang mga paliwanag sa mga
natamong aral at mga pagbabago?
a. wakas c. katawan
b. konklusyon d. bionote
9. Saang bahagi makikita ang paglalahad ng mga saloobin,
pananaw, kuru-kuro, opinyon o anumang nais palitawin na
ideya?
a. wakas c. katawan
b. sanaysay d. simula
10. Anong panauhan ng panghalip ang ako, ko, at akin na
ginagamit sa personal na karanasan?
a. Unang panauhan c. Ikatlong panauhan
b. Ikalawang panauhan d. Ikaapat na panauhan
11. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na isang
mahalagang libangang isinasagawa ng marami na kung
saan pupunta sa isang lugar?
a. pagsasadula c. paglalakbay
b. pag-aawit d. pagsasayaw
12. Ito ay sang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa
isang paksa.
a. sanaysay c. talumpati
b. nobela d. maikling kuwento
13. Ano ang tawag sa isang uri ng lathalaing ang pangunahing
layunin ay maitala ang mga karanasan sa paglalakbay?
a. sanaysay c. nobela
b. lakbay-sanaysay d. paggawa ng iskrip
14. Ang taong susulat ng lakbay-sanaysay ay dapat may mga
sumusunod na gamit maliban sa isa, ano ito?
a. panulat c. dyornal
b. kamera d. radyo
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi konsepto ng
sanaylakbay?
a. pasalaysay c. sanay
b. sanaysay d. lakbay
16. Ang paggawa nito ay maituturing na isang libangan at
maaaring pagkakitaan.
a. travelogue c. blog
b. travel blog d. tour
17. Isa sa mga dapat taglayin sa pagsulat ng lakbay-sanaysay
na kung saan nilalagyan ng maikling deskripsyon.
a. dyornal c. sanaysay
b. larawan d. blog
18. Alin sa mga sumusunod ang dapat taglayin sa pagsulat ng
lakbay-sanaysay sa paglalatag ng impormasyon?
a. obhetibo c. organisado
b. malinaw d. malaman
19. Alin ang hindi kabilang sa mga kasanayan sa paggamit ng
wika sa pagsulat ng sanaysay?
a. malinaw c. malaman/obhetibo
b. organisado d. walang bisa
20. Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagsulat ng
lakbay-sanaysay maliban sa, ano ito?
a. itaguyod ang isang lugar c. pansariling kasaysayan
b. maidokumento ang kasaysayan d.kawilihan lamang
21. Alin sa sumusunod ang tawag sa koleksiyon o limbag ng
mga imahe o larawang inilalagay sa isang partikular na
pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari,
mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan?
a. Replektibong Sanaysay c. Panukalang Proyekto
b. Larawang Sanaysay d. Agenda
22. Alin sa mga sumusunod ang hindi tama tungkol sa
pagsulat ng larawang-sanaysay?
a. Ang Larawang- sanaysay ay isang sulatin kung saan higit
ng nakararami ang larawan kaysa sa salita o panulat.
b. Ang Larawang- Sanaysay ay laging kinapalooban ng mga
konsepto na sanaysay, sanay at lakbay.
c. Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay
suporta lang sa mga larawan kaya’t hindi ito kinakailangang
napakahaba o napakaikli.
d. Isipin ang mga manonood o titingin sa iyong Larawang-
Sanaysay upang maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang
mga larawang ilalagay gayundin ang mga salitang gagamitin
sa pagsulat ng kapsyon.
23. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa pagsulat ng
larawang-sanaysay maliban sa isa, ano ito?
a. Pumili ng isang paksa at mga larawang may kaugnayan
nito.
b. Maghanap ng mga datos na susuporta sa iyong gagawing
sanaysay kahit walang ilalagay na larawan.
c. Pagsunod-sunurin ang mga larawan na naaayon sa tema.
d. Lagyan ng pagkakawing ang bawat larawan na
kinapapalooban ng iyong damdamin na maaaring makapukaw
sa interes ng mga mambabasa.
24. Ano ang dapat na unang gawin o tandaan sa pagsulat ng
larawang-sanaysay?
a. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
b. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
c. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
d. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga
pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa
damdamin ng mambabasa.
25. Alin ang hindi kabilang sa mga kasanayan sa paggamit ng
wika sa pagsulat ng larawang-sanaysay?
a. malinaw c. malaman/obhetibo
b. organisado d. walang bisa
26. Ito ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga
matitibay na katwiran ukol sa pinapanigang isyu. Kagaya ng
isang debate, naghihikayat itong maipaglaban ang
pinapaniwalaang tama.
a. Posisyong Papel c. Lakbay Sanaysay
b. Larawang Sanaysya d. Katitikan ng Pulong
27. Anong uri ng ebidensya kung ito ay nakabatay sa
makakatotohanang ideya mula sa mga nakita, narinig,
naamoy, nalasahan at nadama?
a. Mga katunayan (facts) c. Mga opinyon
b. Obserbasyon d. Pagsusuri
28. Ito ay uri ng ebidensya na nakabatay sa mga ideyang
pinaniwalaang totoo o sariling pananaw. Nakabatay lamang
ito sa sariling pagsusuri o judgement.
a. Mga katunayan (facts) c. Mga opinyon
b. Obserbasyon d. Pagsusuri
29. Sa pagsulat ng posisyong papepl, saang bahagi kailangan
mailahad nang maayos ang paksa at ang katwiran ukol sa
pinapanigang isyu upang makumbinsi ang mga mambabasa na
pumanig sa nasabing posisyon?
a. simula c. wakas
b. katawan d. pamagat
30. Sa bahaging ito, mahalaga ang lohikal na pagkakasunod-
sunod ng mga argumento at mga ebidensya. Sa bawat
paglalahad ng pangangatwiran, bigyan ito ng mga matitibay
na mga batayan mula sa mga pinagkakatiwalaang datos upang
maipakita na makatotohanan ang iyong posisyong
pinaglalaban.
a. pamagat c. wakas
b. simula d. katawan
31. Ito ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
a. Memorandum c. Katitikan ng Pulong
b. Adyenda d. Pulong
32. Ito ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga
tala, rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang
puntong nailahad sa isang pagpupulong.
a. Memo c. Adyenda
b. Memorandum d. Katitikan ng pulong
33. Saang bahagi ng katitikan ng pulong isinasagawa ang
pagtatala ng mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan
ng taong nagbanggit nito, gayundin ang mga sumang-ayon, at
ang naging resulta ng botohan?
a. Bago ang Pulong
b. Habang Isinagawa ang Pulong
c. Pagkatapos ng Pulong
d. Sa pagsimula ng Pulong
34. Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan,
organisasyon o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang
lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
a. Usaping napagkasunduan c. Heading
b. Kalahok d. Lagda
35. Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit
kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga
dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa
susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito.
a. Patalastas c. Iskedyul
b. Pagtatapos d. Lagda

Para sa bilang 36-45. Panuto: Isaayos ayon sa pagkakasunod-


sunod ang panukalang proyekto. Isulat ang bilang 1 – 10 sa
wastong ayos nito.

____A. 324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue


Barangay Bacao
General Trias, Cavite
____B. Haba ng Panahong Gugugolin: 3 buwan at kalahati
____C. Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatu-
tulong upang mapigilan ang pagapaw ng tubig sa ilog upang
matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang
kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa susunod na mga
buwan.
____D. PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG
BREAKWATER PARA SA BARANGAY BACAO
____E. Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na
barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite. Ito ay nanana-
tiling pamayanang agrikultural bagamat unti-unti na ring
nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar na ito. Isa sa mga
suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay
ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ualn Ito ay
nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad
ng pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ng
mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang
pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok. Dahil
dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o
pader na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog.
Kung ito ay maipatatayo , tiyak na di na kakailanganin pang
ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat,
maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng
ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa mada-
ling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga
mamamayan.
____F. Mula kay Leah Grace L. Delgado
____G. Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay
magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayan ng
Brgy.Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa
panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan. Di na makara-
ranas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan
at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto
sa kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon na ng
kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-
ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubig sa ilog sa
tulong ng mga opapatayong mga pader.
____H. Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog
ng Barangay Bacao
1. Pagpapasa ,pag-aaproba ,at paglabas ng badyet (7 araw )
2.Pagsasagawa ng bidding mula sa mga kontraktor o
mangongontrata sa paggawa ng breakwater o pader (2 linggo)
▪ Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o
magsusumite ng kanikanilang tawad para sa pagpapatayo ng
breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.
3.Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng
kontraktor na gagawa ng breakwater. (1 araw )
▪ Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng
napiling kontraktor para sa kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng
konseho ng Barangay Bacao (3 buwan)
5. Pagpapasinaya at pababasbas ng breakwater ( 1 araw)
____I. ika-11 ng Disyembre 2015
____J. Mga Gastusin Halaga I.Halaga ng pagpapagawa ng
breakwater batay sa isinumeti ng napiling kontraktor (kasama
na rito ang mga materyales at sweldo ng mga trabahador )
Php 3,200,000.00 II.Gastusin para sa pagpapasinaya at
pagbabasbas nito. Php 20,000.00 Kabuoang Halaga Php
3,220,000.00

Para sa bilang 46-50. Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng


panukalang proyekto kabilang ang mga sumusunod.
A — Pambungad/ Background/ Mga Dahilan ng Panukala
B — Pahayag ng Suliranin at Layunin ng Panukala
C — Mga Planong Pagkilos at Iskedyul ng mga Gagawin
D — Badyet Para sa Proyekto
E — Kahalagahan ng Panukala
___46. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw )
___47. Ang sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa
ilog na nangagaling sa bundok.
___48. Pagsagawa ng bidding mula sa mga kontraktor
___49. Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan sa
Barangay Bacao
___50. Gastusin sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito ,
Php20,000.00.

Prepared by:

CRIZZLE B. ADUCAL
JHS Teacher I

You might also like