Professional Documents
Culture Documents
Pretest Piling Larang Akademik 2023
Pretest Piling Larang Akademik 2023
PANUTO: PILIIN ANG TAMANG SAGOT MULA SA SALITANG NAKATALA SA DAKONG IBABA NG BAWAT
PAHAYAG. ISULAT ANG TITIK NG NAPILING SAGOT SA INYONG PAPEL.
1. Ano ang salitang ito na mula pa sa mga wikang Europeo noong gitnang bahagi ng ika-anim na siglo?
a. Filipino b. lingua franka c. akademiko d. di-akademiko
2. Ang layunin nito ay magbigay ng opinion.
a. Pictorial essay b. bionote c. akademiko d. di-akademiko
3. Ito ay gumagamit ng paraang obserbasyon, pananaliksik at pagbasa.
a. Pictorial essay b. bionote c. akademiko d. di-akademiko
4. Ito ay may hindi malinawa na estruktura at subhetibong pananaw.
a. Pictorial essay b. bionote c. akademiko d. di-akademiko
5. Ito ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento,
salaysay, nobela, dula, parabola, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.
a. Buod b. bionote c. abstrak d. agenda
6. Ito ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang.
a. Buod b. bionote c. abstrak d. agenda
7. Tawag ito sa pinaikling deskripsyon ng isang pahayag o sulatin.
a. Buod b. bionote c. abstrak d. agenda
8. Ito ay naglalaman ng buod, resulta, at kongklusyon ng pananaliksik nang hindi lalagpas sa 200 na salita.
a. sintesis b. bionote c. abstrak d. agenda
9. Ito ay isang maikling buod na naglalarawan sa pangunahing ideya o nilalaman ng teksto gaya ng artikulo,
aklat, tisis o disertasyon.
a. sintesis b. bionote c. abstrak d. agenda
10. Ito ay maikling tala ng personal na impormasyon ng isang awtor na maaaring makita sa likuran ng pabalat
ng libro na kadalasan ay may kasamang litrato.
a. sintesis b. bionote c. abstrak d. agenda
11. Ito ay isang anyo ng akdang pampanitikan tungkol sa buhay ng isang tao.
a. sintesis b. bionote c. abstrak d. talambuhay
12. Ang awtobiograpiya at biograpiya ay magkapareho lang ng kahulugan. Ang pahayag na ito ay _______.
a. Tama b. Mali c. di-sigurado d. nakalilito
13. Ang bionote at talambuhay ay magkaiba ng kahulugan. Ang pahayag na ito ay _______.
a. Tama b. Mali c. di-sigurado d. nakalilito
14. Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong
lumutas ng isang problema o suliranin. Ang pahayag na ito ay ________.
a. Tama b. Mali c. di-sigurado d. nakalilito
15. Ang panukalang proyekto ay isang kasunduan na naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito. Ang pahayag na ito ay _____.
a. Tama b. Mali c. di-sigurado d. nakalilito
16. Ito ay paraan ng pagbabatid ng mga opinyon o kaisipan na ginagawa sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado.
a. Tula b. talumpati c. deklamasyon d. dula
17. Layunin ng talumpati ang manghikayat, tumugon o mangatwiran sa isang paksa, magbigay ng kaalaman o
maglahad lamang ng paniniwala. Ang pahayag na ito ay _____.
a. Tama b. Mali c. di-sigurado d. nakalilito
18. Ang talumpati ay hindi kabilang sa panitikan. Ang pahayag na ito ay ______.
a. Tama b. Mali c. di-sigurado d. nakalilito
19. Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang ___________ ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito
isinumite.
a. Tirahan b. pangalan c. edad d. phone number
20. Tawag ito sa lahat ng nakatalang detalyeng napag-usapan sa pulong.
a. Salaysay ng katitikan c. ulat ng katitikan
b. Resolusyon ng katitikan d. kwento ng katitikan
21. Sa katitikang ito isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong.
a. Salaysay ng katitikan c. ulat ng katitikan
b. Resolusyon ng katitikan d. kwento ng katitikan
22. Sa katitikang ito nakasaad lamang ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan.
a. Salaysay ng katitikan c. ulat ng katitikan
b. Resolusyon ng katitikan d. kwento ng katitikan
23. Mahalaga sa pagkuha ng katitikan ng pulong ang paggamit ng ______.
a. Internet b. lamesa c. recorder d. cctv
24. Mahalagang itala sa katitikan ng pulong ang iskedyul ng sususunod na miting. Ang pahayag na ito ay
_______.
a. Tama b. Mali c. di-sigurado d. nakalilito
25. Ang _________ ay mababalewala kung hindi maitatala ang mga napag-usapan o napagkasunduan.
a. Kwentuhan b. pulong c. eksperimento d. palabas
26. Ano ang tawag sa sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol
sa isang makabuluhan at napapanahong isyu?
a. Posisyong papel b. bionote c. pictorial essay d. lakbay-sanaysay
27. Naglalaman ang posisyong papel ng mga katuwiran o ebidensiya para suportahan ang _________.
a. Kakampi b. paninindigan c. pananaliksik d. eksperimento
28. Karaniwang maikli lamang ang posisyong papel, isa o dalawang pahina lamang. Ang pahayag na ito ay
_______.
a. Tama b. Mali c. di-sigurado d. nakalilito
29. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa katangian ng posisyong papel?
a. Naglalarawan ng posisiyon sa isang particular na isyu.
b. Gumagamit ng akademikong lengguwahe.
c. Hindi gumagamit ng mga personal na atake
d. Ginagamit ito ng mga politico sa kanilang katunggali.
30. Ang posisyong papel ay nakabatay sa fact (estadistika, petsa, mga pangyayari) na nagbibigay ng matibay
na pundasyon sa mga inilalatag na argumento. Ang pahayag na ito ay _____ .
a. Tama b. Mali c. di-sigurado d. nakalilito
31. Ang sumusunod ay mga paksang nilalaman ng Filipino sa piling larang akademiko, maliban sa isa.
a. Bionote b. Agenda c. posisyong papel d. teknikal
32. Anong uri ng sanaysay ang may kinalaman sa introspeksiyon na pagsasanay?
a. Replektibo b. repleksyon c. replica d. replay
33. Uri ito ng sanaysay na kinapapalooban ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw,
at damdamin hinggil sa isang paksa.
a. Replektibo b. repleksyon c. replica d. replay
34. Ang sanaysay na ito ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin
ang pagkatao ng sumulat.
a. Replektibo b. repleksyon c. replica d. replay
35. Ang sumusunod ay halimbawa ng replektibong sanaysay, maliban sa isa.
a. Paglalakbay sa isang tiyak na lugar.
b. Isyu tungkol sa pagkagumon sa pinagbabawal na gamot.
c. Wala lang
d. Paglutas sa isang mabigat na suliranin.
36-50 PANUTO: SURIIN KUNG TAMA O MALI ANG BAWAT PAHAYAG. SUNDIN ANG PARAAN NG
PAGSAGOT AYON SA MGA PAGPIPILIAN SA IBABA. ISULAT ANG TITIK NG SAGOT SA INYONG
SULATANG PAPEL.
A. TAMA ang parehong pahayag.
B. TAMA ang unang pahayag, MALI ang ikalawa
C. MALI ang unang pahayag, TAMA ang ikalawa
D. MALI ang parehong pahayag.