You are on page 1of 2

FILIPINO SA PILING LARANGAN

12 – ABM
PANGALAN:__________________________________________ PETSA:________________
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa patlang ang napiling letra ng
iyong sagot.

______1. Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman


na ipinahahayag sa iba’t ibang paraan. Alin ang hindi kabilang sa pangkat?
a. pasalita b. limbag c. elektroniko d. pasulat
_____ 2. Anyo ng pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at
pagbibigay ng mga halimbawa.
a. paglalahad b. paglalarawan c. pagsasalaysay d. pangangatwiran
______3. Anyo ng Pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay,
damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari.
a. paglalahad b. paglalarawan c. pagsasalaysay d. pangangatwiran
______4. Anyo ng pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga
pangyayaring aktwal na naganap.
a. paglalahad b. paglalarawan c. pagsasalaysay d. pangangatwiran
______5. Anyo ng pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong pumpanig
o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat.
a. paglalahad b. paglalarawan c. pagsasalaysay d. pangangatwiran
________6. Ito ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabola, talumpati, at iba pang anyo ng
panitikan.
a. abstrak b. sintesis c. bionote d.agenda
_______7. Sulatin tungkol sa buhay ng isang tao na naglalaman naglalaman ng buod ng
kanyang academic career.
a. talambuhay b. abstrak c. bionote d.talumpati
________8. Isang kasulatang nagbibigay- kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala
tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.
a. katitikan ng pulong b. memorandum c. agenda d.abstrak
________9. Ito ay itinuturing na isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang
mga naging karanasan sa paglalakbay.
a. agenda b.lakbay-sanaysay b. replektibong-sanaysay d. pictorial essay
________10. Kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat na naglalaman ng pinakabuod ng
buong akdang akademiko o ulat.
a. abstrak b. panimula c. buod d.resulta
________11. Ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya o
organisasyon na maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin,
sanggunian para sa mga sumusunod na pagpaplano at pagkilos.
a. agenda b. panukalang Proyekto c. proposal d.katitikan ng Pulong
_______12. Sulatin kung saan higit nakakararami ang larawan kaysa sa mga nilalamang salita.
a. agenda b. lakbay-sanaysay c. replektibong-sanaysay d. pictorial essay
________13. Proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang partikular na paksa.
a. katitikan ng pulong b. memorandum c. agenda d. talumpati
________14. Isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na kinapapalooban ng mga bagay na naiisip,
nararaamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng
epekto sa taong sumusulat nito.
a. agenda b. lakbay-sanaysay c.replektibong-sanaysay d. pictorial essay
_______15. Ito ay sulating nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong na mahalagang
maipabatid sa mga taong kabahagi sa gawaing ito.
a. agenda b. panukalang proyekto c. proposal d. katitikan ng pulong
________16. Hindi kinilala ni G. Santos ang isinalin na akda ni G. Mauyag, ano ang tawag sa
kanyang ginawa?
a. Code of ethics b. Plagiarism c. Intellectual Property Rights d. pandaraya
________17. Itinala ni Dash ang lahat ng mga awtor, petsa, pamagat ng aklat, saan at kailan
nailimbag ang mga pinaghanguan niya ng mga impormasyon sa kaniyang pananaliksik. ano
ang tawag sa kanyang ginawang talaan?
a. abstrak b. library card c. talaan ng nilalaman d. bibliyograpiya
________18. Si Dan ay anak mayaman, lahat ng kanyang proyekto ay pinapagawa niya sa iba
at binabayaran na lamang niya. May pagkakataon na bumibili na lamang siya ng mga yaring
tesis o term paper. Ano ang nilabag ni Dan na responsibilidad ng isang mananaliksik?
a.tahasang pag-angkin sa gawa ng iba c. pagkopya ng ilang bahagi
b. Intellectual Property Rights d. paggaya ng pamagat
________19. Hindi inakala ni Bb.Santiago na walang maghahabol sa ginawa niyang sulating
pananaliksik nang walang paalam na dokumentasyon sa kinuhang artikulo. Anong tungkulin o
responsibilidad ang nalimutan ni Bb. Santiago?
a. kilalanin ang ginamit na ideya c. Humingi ng permiso sa may-akda
b. pagsuri ng malalim sa mga materyales d. pagkilala sa sumulat
________20. Pinag-aralan ni Joel ang nasyonalismo sa mga piling kanta ng Eraserheads.
Natanggap ito para sa publikasyon sa isang journal ng mga pananaliksik sa kulturang popular.
Hindi na niya ipinaalam ang mga kanta nito sa kaniyang pananaliksik. Ang katuwiran niya ay
matagal na itong isinapubliko at watak- watak na ang banda. Ano ang nilabag ni Dash?
a. Code of ethics c. Plagiarism b. Intellectual Property Rights d. pandaraya

You might also like