You are on page 1of 1

Test sa Filipino sa Piling Larang

____1.Nagsabing ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan.


a. Xing at Jin b. Badayos c. Keller d. Arrogante
____2. Ito ay ang paggamit ng matatalinghagang salita o iba pang ideya para mas maging maganda ang sulatin.
a. literature b. retorika c. jargons d. lenggwahe
____3. Salitang ibig sabihin ay madalang o hindi madalas. a. dalas b. palagi c. datapwat d. madalang
____4. Siya ang nagbigay ng 3 kahalagahan sa pagsusulat
a. Xing at Jin b. Badayos c. Keller d. Arrogante
____5. Uri ng pagsulat na kung saan saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, anunsyo, at iba pang akda.
a. akademik b. teknikal c. journalistic d. reperensyal
____6. Uri ng Sulatin na ginagamit sanggunian ng iba pang sulatin
a. akademik b. teknikal c. journalistic d. reperensyal
____7. Uri ng pagsulat na natuon sa isang tiyak na propesyon
a. akademik b. propesyonal c. journalistic d. reperensyal
____8. Kahalagahan ng pagsulat na kung saan ang pagsulat ay nagiging hanapbuhay ng ibang tao.
a. pang-ekonomiya b. pansosyal c. pangkasaysayan d. panterayutika
____9. Ang panulat ay mahalaga sa pagrereserba ng mga kaganapan noong sinaunang panahon ay nakikita sa kahalagahang ito.
a. pang-ekonomiya b. pansosyal c. pangkasaysayan d. panterayutika
____10. Dimensyon ng pagsulat na nag-uugnay sa lenggwahe ng awtor sa kanyang teksto.
a. biswal b. oral c. pandinig d. pandama
____11. Ala eh, kaya mo yan. Mabuti hindi ka nag-iisa.
a. kolokyal b. lalawiganin c. pambansa d. pabalbal
____12. Ang pag-aangkin at pangongopya ng ideya na walang permiso mula sa orihinal na awtor nito.
a. plagiarismo b. copyright c. intellectual property d. patent
Para sa 13-17, alamin ang paraan ng pagpapahayag
____13. Hindi ako pumapayag na manatili ang mga Tsino sa ating bansa sapagkat minsan ay inaabuso nila ang pamumuhay nila
dito. a. paglalarawan b. pagsasalaysay c. panghihikayat d. pangangatwiran
____14. Ang mga mag-aaral ay tila telang sumasabay sa saliw ng sayaw.
a. paglalarawan b. pagsasalaysay c. panghihikayat d. pangangatwiran
____15. Tara na at mamili na sa 789 Grocery Store! Mura na, mga Bago pa ang produkto.
a. paglalarawan b. pagsasalaysay c. panghihikayat d. pangangatwiran
____16. Ang pag-ibig ay isang unibersal na solusyon sa lahat ng problema.
a. paglalarawan b. pagsasalaysay c. paglalahad d. pangangatwiran
____17. Isang araw, may mga mag-aaral na nangarap maging matagumpay. Hanggang sa mga sumunod na taon, sila ay
nagtapos at nakamit ang pangarap nila sa buhay.
a. paglalarawan b. pagsasalaysay c. panghihikayat d. pangangatwiran
____18. Ibang katawagan sa liham pangnegosyo
a. liham pangkalkal b. liham pangangalakal c. liham ugnayan d. liham paanyaya
____19. Liham na nagsasaad ng reklamo sa problema at nagbibigay solusyon sa suliranin.
a. liham pagtatanong b. liham pag-aaplay c. liham paanyaya d. liham pagrereklamo
____20. Liham na ginagamit sa pag-aaplay ng trabaho.
a. liham pagtatanong b. liham pag-aaplay c. liham paanyaya d. liham pagrereklamo
Para sa 21-25, alamin ang bahagi ng liham.
____21. Nakasaad dito ang address ng sumulat at petsa kung kailan sinulat ang liham.
a. patunguhan b. pamuhatan c. katawan d. lagda
____22. Dito makikita ang mensahe ng liham. a. patunguhan b. pamuhatan c. katawan d. lagda
____23. Nakasulat dito ang pangalan ng susulatan, posisyon, at kompanyang kanyang pinagtatrabahuan.
a. patunguhan b. pamuhatan c. katawan d. lagda
____24. Sa bahaging ito nakasaad ang pirma ng sumulat. a. patunguhan b. pamuhatan c. katawan d. lagda
____25. Ang bahagi bago ang lagda. a. patunguhan b. pamuhatan c. bating pangwakas d. lagda
____26. Ayon sa kanya, ang pagsulat ay isang biyaya at kaligayahan.
a. Xing at Jin b. Badayos c. Keller d. Arrogante
____27. Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula, at iba pang
masining na akda. a. malikhain b. impormatibo c. mapanghikayat d. ulat
____28. Layunin ng pagsulat na ginagamit sa lipunan. a. transyaksyunal b. ekspresibo c. personal d. dula
____29. Isang paraan ng pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at kaalaman katulad ng pagsasalita subalit ito ay isinasalin o
iniaambag sa papel. a. pagsasalita b. pagsaulo c. pagsulat d. pandama
____30. Sinabi niya na sa pagsulat ay naipaparating ang ating mga mithiin, bungang-isip at mga agam-agam.
a. Badayos b. Colmenares c. Augustus d. Royo
____31. Pagsulat na gingamitan ng teknolohiya gawa ng computer at printer.a. limbag b. sulat-kamay c. pinta d. cursive
____32. Ito ay iba’t ibang sulatin na gumagamit ng teknikal na salita.
a. teknikal- bokasyunal b. reperensya c. bokasyunal d. komedya
____33. Yugto ng pagsulat na kung saan ito ang pagbubuo ng ideya gamit ang iba’t ibang estratehiya sa pagsulat. a. burador
b. pagrebisa c. bago sumulat d. pag-eedit
____34. Ito ay ang pagbabahagi ng sulatin sa target na mambasa. a. pagrebisa b. pag-eedit c. burador d. paglalatha
____35. Anyo ng wika na ginagamit sa isang partikular na pook. a. kolokyal b. lalawiganin c. pambansa d. pabalbal
____36. Pagpapaikli ng salita. a. pabalbal b. kolokyal c. pampanitikan d. pambansa
____37. Bantas na ginagamit sa bating panimula. a. tuldok b. kuwit c. padamdam d. tutuldok
____38. Teknikal bokasyunal na sulatin na nagsasaad ng kahinaan at kalakasan ng negosyo o produkto.
a. feasibility study b. manwal c. flyer d. panuto
____39. Nagsasaad ng pag-iingat. a. babala b. leaflet c. promo materials d. komersyal
____40. Dokumento ng impormasyon tungkol sa isang tao na kasamang ipinapasa ang liham pag-aaplay.
a. resume b. pera c. flyer d. leaflet

You might also like