You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
PAMPAARALANG TANGGAPAN SANGAY I PANGASINAN
Pambansang Mataas na Paaralan ng Daniel Maramba

DAYAGNOSTIK NA PAGSUSULIT SA FILIPINO 11

T.P. 2022-2023

I. Pagpipilian
Panuto: Piliin ang titik nang tamang sagot at isulat ito nang MALAKING TITIK sa
iyong sagutang papel.

1. Uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri. Layunin


nito na maiharap ang impormasyon batay sa katotohanan.
a. Teknikal na pagsulat c. Referesyal na Pagsulat
b. Journalistik na Pagsulat d. Akademikong Pagsulat
2. Ito ay komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng
sa agham, inhenyera, teknolohiya, at agham pangkalusugan.
a. Teknikal na Bokasyunal na Pagsulat c. Gamit ng Teknikal- Bokasyunal
b. Layunin ng Pagsulat d. Ayos ng Teknikal-Bokasyunal
3. Paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng
mga simbolo.
a. Malikhaing Pagsulat c. Pagsulat
b. Ayos sa Pagsulat d. Masusing Pagsulat
4. Ilan ang pangkalahatang uri ng pagsusulat.
a. Isa c. Tatlo
b. Dalawa d. Apat
5. Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura. Ang fokus ay ang
imahinasyon ng manunulat.
a. Masusing Pagsusulat c. Malikhaing Pagsulat
b. Mapanuring Pagsusulat d. Journalistik na Pagsulat
6. Karamihan sa teknikal na pasulat ay _____ at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto.
a. Masusi c. Maayos
b. Tiyak d. Malinaw
7. Ang mga layunin ng pagsulat nito ay upang magbigay-alam, _________ ng mga
pangyayari at implikasyon nito, at upang makahikayat at mang-impluwensya ng
desisyon.
a. Mag- analisa c. Magbilang
b. Maglista d. Magbasa
8. Nagtataglay ng mismong nilalaman ng liham.
a. Bating Pambungad c. Lagda
b. Katawan ng Liham d. Petsa
9. Ang liham pangnegosyo ay isang uri ng liham na pormal, maikli, tiyak at__________ na
ipinapadala sa isang tanggapan o bahay-kalakal.
a. Wasto c. May pagkakasunod-sunod
b. Malinis d. Malinaw
10. Sa __________________na bahagi ng liham matatagpuan ang pangalan, lokasyon
impormasyon sa pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng liham.
a. Pamagat c. Ulong Sulat
b. Manwal d. Gamit
11. Inilalagay rito ang pangalan at katungkulan ng taong ibig pagbigyan ng liham; kung sino
ang pangunahing ibig patunguhan nito.
a. Lagda c. Patunguhan
b. Petsa d. Bating panimula
12. Nag-iiba-iba ang paraan ng pagkakasulat ng liham batay sa kung ano ang ______ nito
kung kaya’t maraming iba’t ibang uri ng liham.
a. Layunin c. Paraan
b. Gamit d. nilalaman
13. Mahalagang bigyang halaga ang _____ng liham-pangnegosyo at ang iba’t ibang bahagi
nito.
a. Nilalaman c. Gamit
b. Bahagi d. Ayos
14. Pormal ang paggamit ng _____ sa pagsusulat ng liham-pangnegosyo at maaaring
kakitaan ng mga salitang teknikal na kinakailangan sa isang partikular na trabaho.
a. Pamantayan c. Wika
b. Kahalagahan d. A & B
15. Kilala rin bilang instruction manual, user guide o owner’s manual na isang manwal sa
paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t ibang produktong binibili o binubuo bago
gamitin.
a. User Manwal c. Booklet
b. Manwal d. Handbook
16. Ang isang sulating teknikal tulad ng mga flyers at iba pang promo materials ay
naglalaman ng ____________.
a. layunin b. pangalan c. trabaho d. tagline
17. Ano ang kadalasang wikang ginagamit sa pagsusulat ng flyers at promotional
materials?
a. kolokyal b. Balbal c. Pormal d. di-
pormal
18. Sa pagsulat ng mga promotional materials mahalagang panatilihin ang pagiging
_____________sa mga impormasyong isusulat dito.
a. tiyak b. payak c. maganda d. malawak
19. Isa sa mga katangian ng leaflets ay ang__________________.
a. hindi maligoy c. tiyak at direkta
b. makulay d. may kasagutan at katanungan
20. Ano ang layunin ng leaflets, flyers, at iba pang promotional materials?
a. layuning kumita c. layuning makilala
b. layuning manghikayat d. layuning ipamahagi
21. Ang mga ______________ ay kadalasang inililimbag sa isang pahina lamang.
a. Produkto o serbisyo c. Anyo. Kulay o teksto
b. Larawan d. Flyers/Leaflets
22. Ang mga promotional material ay nagsisilbing gabay tungkol sa isang
_________________.
a. Produkto o serbisyo c. Anyo, Kulay o teksto
b. Flyers/Leaflets d. Larawan
23. Karaniwan ding nagtataglay ng mga ___________ang mga ito upang higit na makita
ang biswal na katangian ng isang produkto.
a. Produkto o serbisyo c. Anyo, kulay o teksto
b. Flyers/Leaflets d. Larawan
24. Mahalaga rin ang __________,___________,_________at pagkakabuo ng mga
promotional material.
a. Produkto o serbisyo c. Anyo, kulay o teksto
b. Flyers/leaflets d. Larawan
25. Sa pagsulat ng mga promotional material, mahalagang panatilihin ang pagiging ____ sa
mga impormasyong isusulat dito.
a. Tiyak c. Malinis
b. Wasto d. Maayos
26. Mahalagang panatilihin ang_____________ng mga hakbang sa paggawa ng isang
bagay upang makapaghatid ng wastong impormasyon sa mga mambabasa.
a. Kronolohiya c. Biswal
b.Produkto d. Pormal
27. Ang deskripsiyon ng produkto ay nagtataglay ng paglalarawan sa isang ___________.
a. Kronolohiya c. Biswal
b.Produkto d. Pormal
28. Mahalaga ring panatilihin ang pagiging__________, _________, makatotohanan, at
______ sa aktuwal na produkto ang pagkakabuo ng deskripsiyon nito upang maiwasan ang
kalituhan ng mambabasa.
a. payak, tiyak, akma c.deskripsyon,produkto,akma
b.produkto, biswal, pormal d. kronolohiya, pormal,biswal
29.Maaari ding maglakip ng mga larawan upang higit na makita ang _______ na anyo ng
produktong ginagawa Ang deskripsiyon ng produkto ay nagtataglay ng paglalarawan sa
isang ___________.
a. Kronolohiya c. Biswal
b.Produkto d. Pormal
30. _________ ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng dokumentasyon sa paggawa ng isang
bagay o produkto at inaasahang payak, malinaw, at tiyak ang pagkakasulat ng mga hakbang
upang maging madali ang pag-unawa ng mga mambabasa.
a. Kronolohiya c. Biswal
b.Produkto d. Pormal
31. Sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto, gumagamit ng ____________________ang
manunulat.
a. Pangangatwiran c. Teknikal
b.Kolokyal d. Maayos
32. _____________ ang ginagamit na wika sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto.
a. Pangangatwiran c. Teknikal
b.Kolokyal d. Maayos
33. Masasabing _______________ang pagkakaayos ng mga proseso kung nasa tamang
pagkakasunod-sunod ang mga ito.
a. Pangangatwiran c. Teknikal
b.Kolokyal d. Maayos
34. Ito ay nagtataglay ng paglalarawan sa isang produkto.
a.Deskripsiyon ng Produkto c. Malinis
b. Dokumentaryo sa paggawa ng produkto d. Maayos
35. __________ ang pagtalakay sa mga impormasyong nilalaman ng isang feasibility study
dahil nakatutulong ito upang Makita ang kahihinatnan ng isang negosyo o gawain.
a.detalyado c. matagumpay
b.komprehensibo d. abstrak
36. _______________ ang ga nitong uri ng pag-aaral, katulad ng ibang pananaliksik at pormal
ang paggamit ng mga salita.
a.detalyado c. matagumpay
b.komprehensibo d. abstrak
37. Mahalaga ang feasibility study upang matiyak ang ______________ na paglulunsad sa
isang produkto o serbisyo.
a.detalyado c. matagumpay
b.komprehensibo d. abstrak
38. Ang __________ ay nagbibigay ng kabuuang pagtanaw sa nilalaman ng Feasibility Study.
a.detalyado c. matagumpay
b.komprehensibo d. abstrak
39. Sa rekomendasyon na bahagi, inilalahad ang _____________ at pagbibigay mungkahi
batay sa ikalawa hanggang ikawa-long bahagi.
a.sapat na impormasyon c. salitang teknikal
b. sunod-sunod d. paglalagom
40. Sa feasibility study ay matatagpuan din dito ang mga ________________ na may
kinalaman sa proyekto o pangunahing paksang ginagawan ng pag-aaral.
a.sapat na impormasyon c. salitang teknikal
b. sunod-sunod d. paglalagom
41. Ang isang paunawa ay isang __________ na nagsasaad ng mahalagang impormasyon at
mistula din itong magsasabi kung ano ang maaari at hindi maaaring gawin.
a.mensahe c. nagbibigay
b. restawran d. teksto
42. Ang menu ay isang mahalagang kagamitan sa __________.
a.mensahe c. nagbibigay
b. restawran d. teksto
43. Ang anunsiyo ay nagbabahagi ng mahalagang impormasyon na ________________ ng
sapat na kaalaman sa sinumang tao.
a.mensahe c. nagbibigay
b. restawran d. teksto
44. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay purong _________ lamang ang bumubuo sa mga babala,
kundi maging mga guhit o larawang madaling matukoy at maunawaan ng mga nakakakita nito.
a.mensahe c. nagbibigay
b. restawran d. teksto
45. Kinakailangang __________ agad ang mambabasa sa anumang inilagay sa paunawa,
babala, at anunsiyo.
a.makapukaw c. mabilis
b. simple d. pinagkukunan
46. Sa paggamit ng wika, mahalagang __________ at direktang tumutukoy ito sa nais sabihin
ng isang anunsiyo.
a.makapukaw c. mabilis
b. simple d. pinagkukunan
47. Mahalaga rin na __________ na mauunawaan ng nagbabasa ang paunawa, babala, o,
anunsiyo ang impormasyon na inilalahad.
a.makapukaw c. mabilis
b. simple d. pinagkukunan
48. Maliban sa pangalan ng kainan, ang menu ang nagsisilbing pangunahing _____________
ng impormasyon ng mga tao kung nais nilang kumain sa isang napiling restawran.
a.makapukaw c. mabilis
b. simple d. pinagkukunan
49. Samantala, ang babala ay nagsasaad ng maaaring maging __________ sa buhay, estado,
o nararanasan ng tao.
a.makapukaw c.bersiyon
b. simple d.panganib
50. Matapos matiyak na wala nang pagbabago, ilathala na ang huling __________ng menu.

a.makapukaw c.bersiyon
b. simple d.panganib

Inihanda ni:

JAYNA GABRIELA P. GAMUSO


Guro I

Binigyang-pansin: Pinagtibay:

KRISTINE E. TAMAYO,Ph.D OLIVIA P. TERRADO,DA


Katuwang na Punongguro Punongguro

You might also like