You are on page 1of 5

Mataas na Paaralang Pambansa ng Marinduque

Boac, Marinduque

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2022-2023

I. PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pahayag . Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat sa sagutang papel.

______1. Liham na natatanggap ng isang kawani na naglalaman at nagpapabatid sa kanya ng bagong


posisyon o pagtatalaga sa isang tanggapan.
a. Liham Pag-uulat c. Liham Korespodensya
b. Liham Pagkambas b. Liham Paghirang
______ 2. Ito ay uri ng liham na nagpapatunay na ang isang empleyado o tauhan sa tanggapan ay
nagtungo o dumalo sa isang gawaing opisyal sa isang particular na lugar at petsa sa kung
kailan ito isasagawa.
a. Liham Paanyaya c. Liham Pagbibitaw
b. Liham Pangtanggi d. Liham Pagpapatunay
______3. Uri ito ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda.
a. Pagbasa ng papel sa Kumperensya c. Impromptu
b. Extempore d. Isinaulong talumpati
______4. Sining ito ng pagsasalita na maaaring nanghihikayat, nangangatwiran, o tumatalakay ng isang
paksa para sa ga tagapakinig.
a. Masining na pagtula c. Debate
b. Talumpati d. Pagtalakay
______5. May isang aplikante ang naghanggad na makapasok sa isang kilalang kompanya. Pangarap
niya ito noon pa man siya ay nasa kolehiyo sa ganitong sitwasyon ano ang kanyang dapat
ihanda upang maging daan sa kanyang pangarap na trabaho?
a. Liham Pag-uulat c. Liham Korespodensya
b. Liham Aplikasyon b. Liham Paghirang
______6. Iwasto ang mga pangungusap gamit ang mga simbolong ginagamit ng tagabasa ng pruweba sa
pagwawasto ng mga teksto.
ISIPING ANG BUWAYA AY GUTOM WIKA NI TATA SELO.
a. Lagyan ng tuldok c. lagyan ng tuldok
b. Lagyan ng panipi d. pagdugtungin
______7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng Korespodensya Opisyal?
a. Kalinawan c. magalang
b. Solidong Diwa d. Impormal
______8. Iwasto ang pangungusap gamit ang mga simbolong ginagamit ng tagabasa ng pruweba sa
pagwawasto ng mga teksto
Tayong lahat ay uuwi sa lupat ipinangank na walng damit
a. Lagyan ng tuldok c. maliit na titik
b. Espasyo d. malaking titik
______9. Sa ano anong pagkakataon gumagawa ng liham tagubilin?
a. Kapag mag iiwan ng ari-arian ang isang tao at ipapamana ito sa isang kamag-anak o
malapit sa buhay
b. Kung may nais bantaan ang isang taong gumagawa ng karumal-dumal tulad ng
pananakit sa puso ng isang taong umiibig nang sobra
c. Kung may dadaluhang pagdiriwang maging tagapanayam o gumaganap na
mahalagang papel sa isang particular na okasyon
d. Kapag nagrerekomenda o nagmumungkahi ang isang indibidwal o tanggapan kung
may gawaing nararapat isangguni sa bawat pagkilos ng gawain
______10. Ang sinumang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay kailangang magpadala o
magharap ng liham na ito. Ito ay liham __________
a. Aplikasyon b. Pasubali c. Pagkambas d. Paghirang
______11. Sumasaklaw ito sa lahat ng sulating opisyal na nauukol sa isang kawani, mula sa isang
pinuno patungo sa isang tanggapan o kaya ay sa loob ng magkakaugnay na tanggapan?
a. Korespondesya c. Opisyal na papel
b. Liham pang-opisyal d. Liham katugunan
______12. Ang liham na ito ay naglalaman ng pagbati sa sino mang nagkamit ng tagumpay, karangalan o
bagay na kasiya-siya.
a. Liham Paanyaya c. Liham Pasasalamat
b. Liham Pagbati d. Liham Tagubilin
______13. “Sana po ako ay inyong pahintulutang makapagsaliksik sa inyong silid aklatan.”
Anong uri ng liham ito?
a. Liham Pagbati c. Liham Pagbibitiw
b. Liham Pahintulot d. Liham Paghirang
______14. Ang liham na ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon sa isang opisyal na
tanggapan para sa isang kaukulang transaksiyon?
a. Liham Pagbibitiw c. Korespondensya
b. Liham Pagtanggi d. Liham Paghirang
______15. Ano ang nilalaman ng unang talata sa liham pag-aaplay
a. Bating pangwakas c. Sanggunian
b. Layunin sa pagsulat d. Semi-blak
______16. Ayusin ayon sa pagkakasunod sunod ang mabuting hakbang sa pagpapataas ng
antas ng pagpapahayag sa liham
1. Pagkuha at pagtala ng impormasyong makatotohanan
2. Pinal na Pagsulat
3. Pangangalap ng Impormasyon
4. Pag-aanalisa at pagsasaayos ng impormasyon
5. Isulat ang mensahe sa ganap na kaisahan at kalinawan
a.5-1-3-4-2 b. 3-4-5-1-2 c. 3-1-4-5-2 d. 5-3-4-1-2
______17. Sa pagsisipi kapag hindi gumagamit ng panipi ito ay tinatawag na ____
a. Palansak c. Pahulip
b. Orihinal d. Ginaya
______18. Tukuyin ang paraan ng pagsipi sa halimbawa na nasa kahon.

Totoo ang sinabi niya pahayag, “ikaw ang nagkasala sa akin.”

a. Palansak c. Pahulip
b. Orihinal d. Ginaya
______19. Lahat ay bahagi ng isang Panukalang Proyekto maliban sa isa.
a. Pamagat b. Liham c. Rasyonal d. Badyet
______20. Kung ang liham Kahilingan ay patungkol sa pagnanais na makapaglingkod sa
isang tanggapan, ano naman ang liham Panawagan?
a. Nagtatawag ng mga bagong aplikante sa isang kompanya
b. Nagsasaad ng kahilingan, kooperasyon pakiusap para sa pagpapatupad o
implementasyon ng kautusan, kapasiyahan at pagsusog ng amyenda ng patakaran
c. Nagnanais na mabigyan-pansin ang isang proyekto sa isang lugar
d. Naghahanap ng atensyon mula sa isang kilala o tnayag na tao
______21. Talaan ito ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pulong, upang bigyan ng
impormasyon ang mgataong kasangkot sa mga temang pag-uusapan at sa mga usaping
nangangailangan ng pansin at pagtugon.
a. Agenda c. Korepsondensya
b. Katitikan ng Pulong d. Paksang-sulatin
______22. Paano nakatutulong ang angkop na gamit ng gramatika sa isang sulatin?
a. nagiging pormal at akabuluhan ang isang sulatin
b. nagiging maayos ang buong daloy ng sulatin
c. mas nauunawaan ang mga mambabasa ang sulatin
d. nagkakaroon ng malawakang pang-unawa ang mambabasasa kanyang binasa
______23. Alin sa pahayag ang hindi kasali sa Tips ng paggawa ng Resume?
a. Ang resume ay nobela
b. Maglagay ng maayos na litrato
c. Putting bondpaper ang gagamitin
d. Siguraduhin na ang layout ng inyong resume ay malinis at maayos
______24. “Magandang araw!” anong bahagi ng liham ang pahayag na ito?
a. Pambungad c. Pamuhatan
b. Bating Panimula d. Patutunguhan
______25. Sumulat si Roy sa isang kompanya para alamin ang presy ng mga produktong
kakailanganin niya sa kanyang negosyo. Anong uri ng liham ito?
a. Paghingi ng pabor c. Pagtatanong
b. Pagkambas d. Pangkahilingan
______26. Ito ay sinasabing listahan ng mga akdang ginamit mula sa sangguniang aklat,
pahayagan, magasin at material na di-nailathala o nailathala para sa natatanging
sulatin o papel-pananaliksik
a. Talababa b. Sanggunian c. Panukala d. Proyekto
______27. “Business Loan Officer.” Ang mga salitang ito ay nabibilang sa anong bahagi ng
liham pangnegosyo?
a. Bating Pangwakas c. Pamuhatan
b. Lagda d. Ulong sulat
______28. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa sistmeang block?
a. Ganap na Blak c. Semi Blak
b. Modifayd Blak d. Kumbensyunal
______29. Alin ang maaaring ilagay na rasyonal ng proyekto sa isang panukulang proyekto
a. pinony yelo, evaporated milk at iba pa
b. sobrang init ng panahon ay nakaiinis at maaaring magdulot ng masamang epekto
c. Manuel Rodriquez Grade 11 student
d. Pangkabuhayan sa panahon ng Tag-araaw mula Marso hanggang Mayo
______30. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng pagsasalin maliban sa
a. Pagbibigay-liwanag sa kasaysayan at kultura ng ibang bansa o panahon
b. Pagpapalaganap ng kaalaman o kaisipang nakapaloob sa akda
c. Pagpapakilala sa mga bagong mambabasa ng isang akdang itinuturing na
makabuluhan ng isa o ilang tao
d. Paglilibang at paglalahad ng mga kritikong pahayag
______31. Uri ng korespondensiyang liham na karaniwang isinulat para sa mga kaibigan,
kamag-anak, at malalapit na kakilala.
a. Di pormal na liham c. Resume
b. Pormal na liham d. Korespondensiya
______32. Isang paraan ng pagsipi kung saan inilalagay sa loob ng pangungusap o talata
ang siniping pahayag at ginagamitan ng panipi o quotation mark upang ikulong ang
sinipi.
a. Pagsiping palansak c. Pagsiping literal
b. Pagsiping pahulip d. Pagsiping pahuli
______33. Dito inilalahad ang mga dahilan kung bakit nag-aaplay at kung ano ang
maitutulong sa organisasyon o kampanya.
a. Katawan ng liham c. Katawan ng liham
b. Pamuhatan d. Lagda
______34. Ito ay talaan ng mga personal na detalye ng isang tao.
a. Resume c. Talaan
b. Aplikasyon d. Korespondensiya
______35. Saang bahagi ng liham nakasulat ang katawan ng liham?
a. Sa pinakanguna at kanang bahagi ng liham
b. Sa gitnang bahagi ng liham
c. Sa hulihang bahagi ng liham
d. Sa pangalawang bahagi ng liham
______36. Alin sa sumusunod na bantas ang ginagamit sa pagsulat ng bating pangwakas.
a. Tuldok c. tandang pananong
b. Kuwit d. tandang padamdam
______37. Ito ay liham na humihingi ng kapatawaran
a. Liham paanyaya c. Liham tagubilin
b. Liham paumanhin d. Liham pagbibitiw
______38. Dito tinatalakay ang mensahe ng liham at iba pang impormasyong nais ipabatid.
a. Katawan ng liham c. Bating pangwakas
b. Pamuhatan d. Bating panimula
______39. Dito isinusulat ang kumpletong pangalan ng nagsulat ng liham, tirahan niya at
petsa kung kailan ito isinulat.
a. Bating panimula c. Pamuhatan
b. Lagda d. Bating pangwakas
______40. Ano ang tamang saling wika ng pangungusap sa English “ Balang araw,
maghihiganti ako!”
a. Someday, I will revenge. c. I will revenge
b. Someday, I’ll take revenge. d. Bullet sun, I will giant
______41. Ito ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pagsulat ay
nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati
nang umiiral na pahayag sa ibang wika.
a. Liham c. Resume
b. Pagsasaling wika d. Talaarawan
______42. Isa sa napakahalagang kasanayan ng tao na dapat bigyan ng lubos na pagtingin
sa pagtuturo ng isang guro.
a. Pagbasa c. Plagiarism
b. Pagsulat d. Pagpapasiya
______43. Ito ay makikkita sa huling pahina ng sulatin.
a. Pahina c. Subtitle
b. Bibliography d. Talasanggunian
______44. Kung ang Liham Kahilingan ay patungkol sa pagnanais na makapaglingkod sa
isang tanggapan, ano naman ang Liham Panawagan?
a. Nagtatawag ng mga bagong aplikante sa isang kompanya
b. Nagsasaad ng kahilingan, kooperasyon, pakiusap para sa pagpapatupad o
implementasyon ng kautusan, kapasiyahan at pagusog ng amyenda ng patakaran
c. Pagnanais na mabigyang-pansin ang isang proyekto sa isang lugar.
d. Naghahanap ng atensyon mula sa isang kilala o tanyag na tao.
______45. Bakit mahalagang maunawaan ang iba’t-ibang akademikong sulatin?
a. Sapagkat darating ang panahon na susulatin ng tao ang ilan sa mga Halimbawa ng
akademikong sulatin.
b. Sapagkat kasama ito sa buhay ng tao, ang magsulat at magpahayag sa ibang tao
c. Sapagkat may mga pagkakataong kakailanganin ng tao ang ilan sa mga
akademikong sulatin at maalalang minsan niyang natutuhan ang mga ito.
d. Lahat ng nabanggit.
______46. Paano makakatulong ang angkop na gamit ng gramatika sa isang sulatin?
a. Dahil dito ay mas magiging pormal at makabuluhan ang isang sulatin.
b. Dahil dito ay nagiging maayos ang buong daloy ng sulatin.
c. Dahil dito ay mas nauunawaan ng mga mambabasa ang sulatin
d. Dahil dito ay nagkakaroon nang malawakang pag-unawa ang mambabasa sa
kanyang binabasa.

II. PAGSASALIN
47-50. Piliin ang higit na tiyak na kahulugan ng pangungusap na Ingles sa salin sa
Filipino.

______47. Take a bath


a. Kumuha ng paliguan c. Maligo
b. Kuhain ang banyo d. Paliguan mo ako
______48. Sleep tight
a. matulog nang mabuti c. matulog nang mahigpit
b. matulog nang mahimbing d. matulog na.
______49. Sing softly
a. Umawit nang mahina c. umawit nang malambot
b. Kumanta nang malambot d. umawit nang malamyos
______50. Fall in line
a. Mahulog ka sa linya c. pumila nang maayos
b. Hulog sa linya d. pumila nang tuwid

III. PAGKILALA SA BAHAGI NG LIHAM


______51. Anong bahagi ng liham ang nagsasaad ng nilalaman o nais ipabatid ng sumulat?
a. Pamuhatan c. Katawan ng liham
b. Lagda d. Panimula
______52. Aling bahagi ng liham ang nagsasaad ng relasyon ng taong sumulat sa
sinusulatan gayundin ang panghuling pagbati ng sumulat?
a. Bating panimula c. Lagda
b. Bating pangwakas d. Pamuhatan
______53. Anong bahagi ng liham ang nagsasaad ng lugar na pinagmulan at ang petsa
kung kailan ito ginawa/sinulat?
a. Pamuhatan c. Lagda
b. Pangwakas d. Bating pangwakas
______54. Anong bahagi ng liham ang nagsasaad ng pangalan ng nagpadala ng liham?
a. Pamuhatan c. Katawan
b. Bating panimula d. Lagda
______55. Anong bahagi ng liham ang nagsasaad ng pagbati ng sumulat sa sinusulatan?
a. Lagda c. Bating Panimula
b. Bating Pangwakas d. Pamuhatan
______56. Sa bating panimula na “Mahal kong Inay, saan inilagay ang bantas na kuwit?
a. Mahal, kong Inay c. Mahal kong, Inay
b. Mahal kong Inay, d. ,Mahal kong Inay
______57. Saang bahagi ng liham nakasulat ang katawan ng liham?
a. Sa pinakauna at kanang bahagi ng liham
b. Sa gitnang bahagi ng liham
c. Sa pinakahuli at kanang bahagi ng liham
d. Sa gitna at huli ng liham.
______58. Alin sa sumusunod ang kailangan upang makabuo ng pamuhatan sa liham?
a. Lugar ng sumulat at Petsa kung kailan sinulat
b. Lugar at Pangalan ng sumulat
c. Petsa kung kailan sinulat at Pangalan ng sumulat
d. Pangalan ng sumulat.
______59. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng “Lagda” sa isang liham?
a. Mahal kong Inay, c. Joel
b. Nagmamahal, d. kapitan
______60. Anong bahagi ng liham ang pinapakita rito?
Kamusta po kayo?
Sana po ay nasa maayos kayong
kalagayan. Mahal ko po kayo .
a. Lagda c. Pamuhatan
b. Katawan ng liham d. Pangwakas

You might also like